Close
 


DEMONYO ANG MAY GAWA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 08:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
ang kauna-unahang paglilitis sa mundo na ang dipensa ay ang pag-anib ng demonyo.
00:06.2
Ano ang naging hatol sa kasong ito, tunghaya natin mga katinagalog ko.
00:10.8
Nang mga unang buwan ng taong 1981, ang noon ay ang labing siyam na taong gulang na si Arnie Cheyenne Hansen
00:18.7
at ang kanyang nobya na si Debbie Glatzel na noon ay dalawampu at anim na taong gulang na
00:24.7
ay nagtatrabaho at sa mismong mayari ng apartment na kanilang tinitirahan.
00:30.2
Ito naman ay si Alan Bono na noon ay dalawampung taong gulang na.
00:35.2
Naging maayos naman ang kanilang samahan ng 6 ng Pebrero ng taong 1981
00:40.7
habang nakatambay ang magkasintahan kasama ang tatlo pa nila na mga pinsan.
00:46.2
Kasama rin nila si Alan na pagpasyahan nitong si Alan Bono na sila ay dapat na mag-inuman.
00:52.7
Ngunit dahil nga minorde edad ang mga pinsan nitong si Arnie, siyam na taong gulang ang isa
00:58.2
habang labing limang taong gulang naman ang isa pa.
01:01.2
Ayon sa kanya na gumagabi na dapat sila ay umuwi na.
01:05.2
Ngunit ang desisyong ito ay mariing kinwestiyon mismo ng mayari ng bahay na si Alan Bono.
01:11.2
Sa pagtatalo ng dalawa, bumunot ang matalas na sandata itong si Arnie
01:16.2
na siya namang ginamit niya sa mayari ng bahay na si Alan.
01:20.7
Sa pagtatalong, limang beses nitong inundayan ng matalas na sandata na limang pulgada ang haba.
01:27.7
Walang kadudaduda na kinuha nitong si Arnie ang buhay ni Alan Bono.
01:31.7
Ngunit hindi basta-basta ang magiging depensa nito sa kaso.
01:35.7
Ayon sa tagapagtagol ng nasasakdal na kaya nagawang kunin ni Arnie ang buhay nitong si Alan
01:41.7
ay dahil ito ay maigidaw na naudyukan ng isang diablo.
01:45.7
Sa balitan ito, mas lalo pang naging sentro ng atensyon ang sinasabing kakaiba na kaso.
01:51.2
Ayon kay Martin Minella na kung may Diyos, malamang natutuod din na mayroong demonyo
01:56.7
at ang demonyong ito ang sumanib sa kanyang kliyente na si Arnie
02:00.7
kaya niya nagawa ang karumaldumal na krimen.
02:04.2
Nang magsimula na ang paglilitis kasama sa mga naimbitahan bilang mga testigo
02:09.7
sa kanilang kaso ay ang mag-asawang kilalang ekspertista na si Ed at Lauren Warren.
02:15.7
Ayon sa dokumento na nang arestuhin itong si Arnie sa salang pamamaslang
02:20.7
agad na tumawag ang mag-asawang Warren sa presinto
02:24.2
at agad nilang sinabi na hindi si Arnie ang may gawa ng krimen.
02:28.7
Tahasang sinabi nila na kinakasihan ito ng diablo kaya niya nagawa ang mga bagay na ito.
02:35.2
Ngunit nang tanungin itong si Arnie, hindi naman ito direktang sinabi na nasa niban siya.
02:40.2
Sahalip ang tanging sinambit lamang niya ay hindi niya matandaan ang mga nangyari
02:45.2
at nagulat na lamang siya na nang magbalik ang ulirat niya ay nakabulagtan sa harap niya
02:51.2
ang may-ari ng bahay na siya naman din daw na kaibigan niya.
02:55.2
Dagdag ng attorney ni Arnie na ayon sa mga Warren na sa oras na ang isang tao ay kasihan ng isang demonyo
03:02.2
wala silang kontrol sa kanilang mga katawan at maging sa kanilang mga ginagawa habang sila ay kinakasihan.
03:09.2
Sa husgado ay nilabas ang sinasabing ugat ng kwento.
03:13.2
Ilang buwan bago maghanap ang krimen, ang magnobyo na si Arnie at Devi
03:17.2
kasama ang kapatid nitong labing isang taong gulang na si David
03:21.2
ay kalilipat lamang din sa isang bagong apartment.
03:25.2
Doon habang inilalagay nila ang kanilang mga agamitan at abala sa paglilipat sa bagong bahay
03:31.2
napansin ang batang si David ang isang lumang higaan na gawa sa tubig o sa tinagalog ay ang tinatawag na waterbed.
03:39.2
Ito ay iniwan pala doon nang dating doon ay nangungupahan.
03:43.2
Sa paghiga ni David sa higaan, inataki daw ito ng tinatawag niya na matandang lalaki.
03:50.2
Simula noon palagian na siyang ginagambalan ito.
03:53.2
Saan man daw siya ay magpunta, palagiang nakikita niya siya.
03:57.2
Araw at gabi paulit-ulit na ito ay pinahihirapan ang batang si David.
04:02.2
Ayon sa mga saksi na si David ay nagsimulang magsalita ng hindi maganda.
04:07.2
Nagiging mapanakit din ito at bayulente.
04:10.2
Nakapagsasalita rin ito bigla ng iba't iba na mga lengguwahe.
04:14.2
Sa takot ng ina ni David na si Judy, ay tinawag nito ang mga Warren.
04:18.2
Dahil sa tingin nito, ang anak niyang si David ay kumpirmado na kinakasihan ng diablo.
04:24.2
Sa pagdating ng mag-asawang Warren, doon nila napagalaman na hindi lamang pala isang dosena
04:30.2
ang sinasabing diablo na kumasi kay David kung hindi isang laksa.
04:35.2
Sa bilang na apat na po at tatlong demonyo iniutos ng mag-asawang Warren
04:41.2
na sabihin ito lahat sa kanila isa-isa ang pangalan nila.
04:45.2
Matapos na wabanggit ang lahat ng mga pangalan, doon nila ginawa ang ritual na tinatawag na ang lesser exorcism.
04:52.2
At ito ay upang mapawala na rin si David mula sa pulotong na demonyo na sa kanya ay gumagambala.
04:58.2
Ngunit sa awa daw nitong si Arnie, habang nakikita ang hirap ni David,
05:03.2
ay sumigaw ito sa isa sa mga diablo na ang pangalan ay ang beast o ang halimaw
05:09.2
na sa kanya na lamang kumasi at iwanan nito na tuluyan si David.
05:13.2
Ayon sa mag-asawang Warren na siya namang ginawa ng diablo.
05:18.2
Matapos ang ritual, nagsimula na itong si Arnie na umasal ng kakaiba.
05:23.2
Paminsan mula sa kawalan, bigla na lamang itong umuungol at umaangil.
05:28.2
Ngunit nang ito ay tanungin, hindi nito matandaan na ito ay ginawa niya o ano ang nangyari sa kanya.
05:34.2
Wala ring formal na exorcismo ang ginawa kay David at maging kay Arnie.
05:38.2
Dahil ayon sa bishop ng simbahan, ay hindi pumayag ang pamilya nito na magsagawa muna
05:44.2
ng isang saykayatrik na pagsusuri upang ma-waksi nila ang kalagayang pangmental.
05:50.2
Baka naman doon nagmumula ang problema.
05:53.2
Ang depensa naman ng ina ni David ay ayaw niya lamang na pumayag
05:57.2
dahil ayaw niya na mapag-eksperimentuhan ang anak niya.
06:01.2
Gayong alam naman niya sa sarili niya na walang problema sa kaisipan ang anak niya.
06:06.2
Ngunit sa pag-iimbestiga lumabas na itong si Arnie ay may lihip na ugali naman daw talaga.
06:12.2
Sa mga nakakikilala sa magnobyo, masyadong protektado itong si Arnie kay Debbie.
06:18.2
Lumabas pa nga ang salita na ito ay mapang manipula.
06:21.2
Nang magsimula ang paglilitis, hinawakan ito ng hukom na si Robert J. Callahan
06:27.2
kasama pa ang isang dosena na jury.
06:30.2
Ngunit sa kanilang sanaysay na napakinggan at mga saksi na iprinisinta,
06:36.2
hindi nila pinaliwalaan na itong si Arnie ay nasasaniban at gawagawa lamang nito ang sinasabi niya.
06:42.2
Kaya naman ito ay ang siya mismong nagdesisyon sa krimeng kanyang kinasasangkutan.
06:48.2
Nang ikadalawampu at apat ng Nobyembre ng taong 1981,
06:52.2
itong si Arnie ay binasahan ng hatol.
06:55.2
Ayon sa mga jury na sa kanilang paniniwala na ninais talaga nitong saktan si Alan.
07:00.2
Ngunit hindi buo ang intensyon nito na kunin ang buhay niya.
07:04.2
Kaya naman manslaughter at hindi murder ang hatol para sa kanya.
07:09.2
Makukulong ito sa sintensya na sampu hanggang dalawampung taon.
07:14.2
Ngunit makalipas lamang ang hindi hihigit sa limang taon na pagbubuno ng sintensya ay nakalaya ito.
07:21.2
Ito ay ng ikadalawampu at atlo ng Enero ng taong 1986.
07:25.2
Ayon sa koreksyonal na ito ay naparulan dahil sa ganda ng asal nito sa loob ng kulungan.
07:32.2
Sa taong 2006 nang interviewin si Arnie at si Debbie.
07:36.2
Ayon sa kanila matapos, ang sinasabi nilang malaking dagok sa buhay nila
07:40.2
ay mas lalo lamang na naging malaki ang pagmamahal nila sa isa't isa.
07:45.2
Ayon kay Debbie na napakalaki ang paghanga at respeto nito kay Arnie
07:49.2
dahil handa ito na ialay ang buhay niya para sa bunsong kapatid niya na si David.
07:55.2
Sa ngayon ay pumanaw na si Debbie at si Arnie naman ay hindi namuli pa na nagpakita pa.
08:01.2
Ayon sa tala na bago ang insidente, ito si Arnie Johnson ay hindi nasangkot sa kahit na ano na mga kaso
08:09.2
o kahit ano mang maliit man na gulo.
08:12.2
Mga katinagalog ko sa kasong ito, naniniwala po ba kayo na demonyo ang kumasi kay Arnie
08:18.2
o sadyang dala lamang ito ng bugso ng kainitan ng pangyayari?
08:23.2
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
08:30.2
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.