Close
 


Anong Mangyayari Pag Tumigil Sa Pag Ikot Ang Mundo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para lagi kang updated: http://bit.ly/8moobly Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #science #earth #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 12:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano kung biglang huminto ang pag-ikot ng Earth?
00:03.4
Umiikot na ang ating planeta sa akses nito mula pa noong unang pagkabuo nito,
00:08.2
apat at kalahating bilyon ng taon ang nakalipas.
00:11.7
Sa ngayon, umiikot ito sa bilis na 1,000 miles per hour pasilangan.
00:17.1
Hindi mo ito nararamdaman pero paano kung bigla itong huminto?
00:21.4
Anong mangyayari? Paano mag-iiba ang buhay natin?
00:25.4
Lingid sa kaalaman ng marami,
00:27.7
napakalaki ng epekto ng paghinto ng rotasyon ng Earth sa akses nito.
00:32.4
Ang epekto sayo ng paghinto ng rotasyon ay nakadepende
00:36.2
kung saan banda ng planeta ka nakatira.
00:39.0
Kung malapit ka sa equator o sa gitna ng planeta,
00:42.2
bigla kang lilipad papuntang silangan sa bilis na 1,000 miles per hour.
00:47.6
Kasama mong lilipad ay ang mga hayop,
00:50.0
mga sasakyan at mga building na hindi matibay ang pagkakatayo sa lupa.
00:54.7
Doon pa lang, malaki na ang tsansa na hindi ka makasurvive
00:58.8
dahil siguradong babangga ka sa mga lumilipad na bagay o kahit saan.
01:04.1
Kahit hindi na umiikot ang Earth, may gravity pa rin ito.
01:07.5
Kaya kung natatakot kang mapunta sa kalawakan, di ka dapat magalala.
01:12.6
Aabot ng 4,000 miles per hour ang kinakailangang bilis ng isang bagay
01:17.4
upang makontra nito ang gravity at lumabas sa Earth.
01:21.4
Maswerte ka kung nakatira ka sa dalawang magkabilang dulo ng Earth,
01:25.4
sa North at South Pole.
01:27.4
Hindi masyadong mapapansin dito na huminto ang pag-ikot ng ating planeta
01:31.4
dahil ang angular momentum mo sa mga lugar na ito ay zero.
01:35.8
Isipin mo na lang ang isang bolang umiikot sa iyong daliri.
01:38.9
Mabilis na umiikot ang bola pero hindi mo ginagalawang iyong daliri.
01:43.3
Pero kung ilalagay ang isa mo pang daliri sa gitna,
01:46.2
hihinto ito at pupunta sa direksyon kung paano ito umiikot.
01:50.2
Parang ganyan lang rin ang Earth.
01:51.9
Kung nasa gitna ka, tatangayin ka ng biglang paghinto.
01:55.9
Pero kung nasa dulo ka, hindi mo mapapansin dahil
01:59.1
hindi mo naman ramdam ang pag-ikot nito sa umpisa.
02:02.2
Kung makuha mo mang mabuhay pagkatapos mong lumipad
02:05.3
at mapadpad pasilangan, hindi patapos ang problema mo.
02:09.4
Kahit huminto ang rotasyon ng Earth, magpapatuloy pa rin ang paggalaw ng atmosphere
02:14.3
at gagawa ito ng matitinding windstorms sa iba't ibang parte ng planeta.
02:19.4
Kung malapit ka sa equator, mas malakas ang mga windstorms na maranasan mo.
02:24.6
Ang mga pinakamalalakas na buhawin na naranasan natin
02:27.9
ay may bilis na 500 kilometers per hour.
02:30.9
Kaya ng mga ito na tumangay ng sasakyan at ilang mga bahay na nagigiba ang foundation.
02:36.4
Pero mahina lang ito kumpara sa windstorm na dulot na paghinto ng rotasyon ng Earth.
02:41.4
Ayon sa mga eksperto, aabot ang bilis nito sa 1,600 kilometers per hour.
02:47.4
Halos three times ang lakas kumpara sa mga naranasan nating buhawi.
02:52.2
Sa katunayan, sa lakas ng hangin, posible itong gumiba ng crust ng Earth.
02:57.6
Kaya naman, hindi importante kung nasa open field ka o nasa loob ng isang underground basement,
03:03.5
hahanapin ka ng windstorm na ito at tatangayin.
03:07.2
Lahat ng mga man-made buildings ay madadala at magigiba ng hangin.
03:11.8
Walang matitira sa mga ito.
03:15.1
Hindi lang hangin ang dapat mong katakutan, pati na rin ang tubig.
03:19.6
Ang Earth ay hindi perpekto na sphere.
03:22.1
May bulge ito malapit sa equator dahil sa centrifugal force na nagagawa ng rotasyon ito.
03:28.2
Kaya naman, kung hihinto ang pag-ikot at mawawala ang centrifugal force,
03:33.3
lahat ng tubig na nasa bulge sa equator ay pupunta sa mga dulo ng planeta
03:38.4
at magkakaroon ng napakalaking tsunami.
03:41.8
Ayon sa mga eksperto, pusibleng umabot sa 100 feet ang taas ng tubig sa mga tsunami na ito.
03:48.5
Pag natapos na ang mga kalamidad at may panibagong ekolibrium na ang planeta,
03:53.7
may mga pagbabago na nang mangyayari.
03:56.2
Dahil sa pag-ikot ng Earth, ang hangin sa loob nito ay umiikot din.
04:00.9
Pakanan ang pag-ikot nito sa Northern Hemisphere at pakaliwa naman sa Southern Hemisphere.
04:06.9
Ang prosesong ito ay tinatawag na Coriolis Effect.
04:10.6
Kung hihinto na ang pag-ikot, magkakaroon nito ng epekto sa weather patterns.
04:15.6
Mas mahirap na itong ipredikt at mas mahirap nang maghanda kung may mga sako naman.
04:21.8
Maliban sa weather patterns, isa rin sa pinakamalaking epekto ng paghinto ng ikot
04:27.0
ay ang cycle ng isang buong araw.
04:29.4
Kung hihinto ang rotasyon ng Earth at patuloy pa rin itong nagre-revolve sa Sun,
04:34.3
mahahati ang isang taon sa umaga at gabi.
04:37.7
Anim na buwan tayong makakaranas ng umaga at anim na buwan ding makakaranas ng gabi.
04:43.4
Ibig sabihin ito, sa magkabilang parte ng Earth,
04:46.6
may isang parte na anim na buwan sisikata ng araw
04:50.2
at ang kabilang parte naman ay anim na buwang hindi makikita ito.
04:54.9
Sa madaling salita, kung 24 hours ang isang buong araw noon,
04:59.2
ngayon ay isang taon na ang isang buong araw.
05:02.5
Kung nakasurvive ka sa mga natural disasters at umabot ka dito,
05:06.9
ganito ang mangyayari.
05:08.6
Una, masisira ang circadian rhythm mo.
05:11.7
Ang circadian rhythms ay ang mga physical, mental at behavioral changes
05:15.8
na mararanasan mo base sa 24-hour cycle ng ating planeta.
05:20.3
Ito ang rason kung bakit inaanpok ka sa gabi at aktibo ka sa umaga.
05:24.8
Ito rin ang rason kung bakit nagugutom ka sa umagahan, tanghalian at hapunan.
05:29.9
At hindi lang ikaw ang maaapektuhan nito, pati na rin ang mga hayop.
05:34.1
Kung may nakasurvive man na mga hayop,
05:36.3
mahihirapan sila sa panibagong one-year cycle ng isang buong araw.
05:40.3
Katulad natin, may mga natural rhythms din sila
05:43.4
na nakadepende sa 24-hour rotation ng Earth.
05:46.6
Bilang halimbawa, ang mga leyon ay nagha-hunt ng kanilang mga prey tuwing may araw,
05:51.9
dahil mas nakikita nila ang mga hayop sa paligid.
05:55.4
Pag sumapit na ang gabi, alam nilang tapos na ang kanilang hunting
05:59.7
at kailangan na nilang magpahinga.
06:01.8
Mag-iiba ito sa Earth na hindi na umiikot.
06:05.2
Subalit, higit pa doon.
06:07.3
Magiging malaki ang epekto nito sa temperature ng isang lugar.
06:10.7
Sa anim na buwan na tag-araw,
06:12.6
dahan-dahang tataas ang temperature ng isang parte ng Earth.
06:15.9
Sa mga unang araw ay hindi mo ito mapapansin.
06:18.7
Subalit pagkatapos ng ilang linggo na patuloy lang ang pagsikat ng araw sa lugar
06:23.2
at wala itong chance ang lumamig,
06:25.2
magiging mahirap ang mamuhay dito.
06:27.8
Ayon sa mga eksperto,
06:29.4
aabot ng 100 degrees Celsius ang temperature ng isang lugar
06:33.0
na may diretsong 6 months na tag-araw.
06:35.5
Kaya na nitong pakuloy ng anumang anyong tubig sa mundo.
06:38.9
Matutuyo ang mga anyong tubig na ito
06:41.3
pagkatapos ng ilang buwan
06:42.9
at sa puntong iyon,
06:44.4
magiging malaimperno na ang isang parte ng ating planeta.
06:48.4
Sa kabilang parte naman,
06:49.8
dahil sa diretsong 6 months itong hindi nakakaranas ng sikat ng araw,
06:54.5
lalamig at lalamig ang temperatura
06:57.6
ng lugar.
06:58.7
Kung ganito ang mangyayari,
07:00.3
may makakasurvive pa ba?
07:02.5
Pusibleng may ilang microbes na makakasurvive
07:05.3
sa ganito mga conditions.
07:07.1
Subalit,
07:08.0
karamihan sa mga hayop at mga halaman
07:10.4
ay mamamatay.
07:11.9
Ayon sa mga eksperto,
07:13.5
ang hayop na pwedeng makasurvive dito ay ang penguin.
07:17.0
Sa ngayon,
07:17.8
narahanasan na ng penguins na masikatan ang araw ng ilang buwan
07:21.5
at ilang buwan na hindi ito nakikita.
07:24.0
Kaya naman,
07:25.0
alam na nito kung paano mabubuhay kung hihinto ang pagikot ng Earth.
07:29.0
Gayunpaman,
07:30.2
kung nakasurvive ka man sa paglipad ng 1,000 miles per hour
07:34.2
at nakasurvive ka sa matitinding sakuna
07:36.8
at umabot ka sa ganito,
07:38.6
may paraan na pwede mong gamitin upang malabanan ang panibagong cycle na ito.
07:43.3
Sa isang buong taon,
07:44.7
habang nagre-revolve ang ating planeta sa Sun,
07:47.2
kalahati nito ay naaarawan at ang kalahati ay hindi.
07:51.0
Pusibli kang makasurvive kung pupunta ka sa gitna,
07:54.5
sa magkabilang parte ng daigdig,
07:56.7
kung saan kakasikat o kakalubog pa lamang ng araw.
08:00.6
Ito ang tinatawag na Twilight Zone.
08:03.2
Sa mga lugar na ito,
08:04.6
hindi pa masyadong malamig o mainit ang temperature dahil nasa gitna ka.
08:09.4
Nasa moderate lang ang temperature dito.
08:11.7
Subalit,
08:12.6
upang masustain mo ito,
08:14.4
kailangan mong maging isang nomad
08:16.4
o isang taong walang iisang address.
08:19.3
Dahil nagre-revolve ang Earth sa Sun,
08:21.8
gumagalaw rin ang Twilight Zone.
08:23.9
Kaya naman,
08:24.9
kung gusto mong manatili sa moderate na temperature,
08:27.7
kailangan mo rin gumalaw kasama nito.
08:30.1
Isang taon ka rin palipat-lipat ng tirahan
08:32.7
habang sinusundan ang Twilight Zone.
08:35.7
Delikado rin ang nangyayari sa ilalim ng Earth
08:37.8
kung hihinto ang pag-iikot nito.
08:40.0
Ang core o ang pinakamalalim na layer ng Earth
08:43.3
ay binubuo ng mga molten iron at nickel.
08:46.4
Gumagalaw ito kasama ang pag-iikot ng Earth
08:49.2
at ang init nito ay nakakaproduce ng magnetic field,
08:52.6
nagpoprotekta sa atin mula sa radiations
08:55.5
na tumatama sa Earth mula sa kalawakan.
08:58.8
Kaya naman,
08:59.7
kung hihinto din ang paggalaw ng core
09:01.9
at mawawala ang magnetic field,
09:04.2
magkakaroon ka ng radiation poisoning
09:06.9
at posibli pang mag-mutate ang iyong DNA mula dito.
09:11.4
Kaya ang tanong,
09:12.5
posibli nga bang huminto ang pag-iikot ng Earth?
09:15.5
Ang pag-iikot na ito ay mula sa mga pagbangga nito
09:18.4
sa iba't ibang particles sa galaxy habang nabubuo ito.
09:22.3
Isang malaking disk ng alikabok at rock grains
09:25.2
ang umiikot sa Sun.
09:26.8
Ang puwersang ito ang rason kung bakit umiikot ang ating planeta.
09:30.8
At patuloy itong umiikot
09:32.6
dahil walang bagay na humihinto dito.
09:35.1
Ang isang bola na umiikot sa lupa
09:37.2
ay pinahihina ng surface ng lupa at ng hangin sa paligid.
09:41.5
Ito ang nagdadala ng friction na siyang nagpapahinto ng bola.
09:45.5
Ang Earth sa kabilang banda ay umiikot sa isang empty space.
09:49.9
Oo, gumagalaw ang mga bagay na nasa kalawakan
09:53.6
pero hindi nito nababangga ang Earth.
09:55.8
Kaya naman, posibli lang itong huminto
09:58.2
kung babangga ito sa isa pang planeta.
10:01.0
Ang obstacle na ito ang magpapahinto sa Earth.
10:04.2
May ilan pa rin eksperto ang naniniwala
10:06.6
na kahit mangyari ito,
10:08.2
mag-iiba lang ang direksyon at bilis na pag-iikot ng Earth.
10:12.1
Pero hindi ito hihinto.
10:14.0
Gayon pa man,
10:15.0
mas malaki ang posibilidad na sumabog ang ating planeta
10:19.0
kapag bumangga ito dahil sa lakas ng impact.
10:23.1
Kung magkakaroon ng black hole sa kalawakan,
10:25.8
posibli din itong makahinto sa pag-iikot ng Earth.
10:28.8
Gayon pa man,
10:29.8
mas malaki ang posibilidad na lamunin lang ng black hole ang Earth.
10:34.1
Ang mga pangyayaring ito ang pwedeng makapagpahinto sa ikot ng Earth
10:37.9
ng mabilisan.
10:39.3
Pero paano naman kung dahan-dahan ang paghinto ng pag-iikot?
10:43.1
Ayon sa mga eksperto,
10:44.8
humihina ng 1.4 milliseconds ang pag-iikot ng Earth
10:48.2
sa bawat isang daang taon.
10:50.2
Ang ibig sabihin nito,
10:51.6
milyon-milyong taon na ang nakalipas.
10:54.2
Mas mababa pa sa 24 hours ang isang buong araw sa Earth.
10:57.9
Ito ay dahil di hamak na mas mabilis ang pag-iikot nito noon.
11:01.7
Subalit ano nga ba ang dahilan nito?
11:04.0
Iisa lang at walang iba kundi ang Moon.
11:07.7
Ang parte ng Earth na nakaharap sa Moon
11:10.2
ay hindi balanse sa gravity.
11:12.4
Gayon din ang parte na nakatalikod sa Moon.
11:15.1
Ang imbalance na ito ay nakakagawa ng ocean tides,
11:18.4
na siyang rason kung bakit may bulge
11:20.8
ang magkabilang banda ng planeta.
11:23.4
Hinihila at pinapakawalan ng gravity ng Moon ang karagatan.
11:27.3
At ito ang rason kung bakit may low tides at high tides tayo.
11:31.8
Ang mga tubig na gumagalaw sa iba't ibang parte ng Earth
11:34.7
ang siyang tumutulak laban sa pag-iikot ng planeta.
11:37.8
Ito ang nakakahina ng pag-iikot ng Earth.
11:40.5
Hindi mo man ito nararamdaman ngayon,
11:42.6
pero kung magpapatuloy ang paghina na nito
11:45.1
sa mga susunod na milyong-milyong milenya,
11:48.3
pusibleng dumating ang panahon
11:50.3
na tuluyan na ngang hihinto sa pag-ikot
11:53.0
ang ating planeta.