Close
 


Bakit Pinag-agawan Ng UK at Germany Ang Maliit Na Islang Ito?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Binomba ng Germany ang maliit na islang ito ng walang tigil sa loob ng 154 days. Mula umaga hanggang gabi, 24/7 ay may bumabagsak at sumasabog na mga bomba sa isla ng Malta. Tuloy-tuloy ito araw-araw, walang tigil sa loob ng limang buwan. Ngunit ang nakakabilib, sa kabila ng matinding pambobomba ay kaunti lamang ang namatay sa bansa. Out of 270,000 na populasyon nila ay 1,493 civilians lamang ang namatay. Paano kaya nila ito nagawa? Ating alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:40
Has AI Subtitles



English Summary of Video (AI):
- Introduction to the Republic of Malta, described as a beautiful island country in the Mediterranean Sea, located south of Italy, and praised for its stunning landscapes including beaches and Instagram-worthy cities and structures.
- Malta's turbulent history highlighted, including its experience during World War II when it endured relentless bombing by Nazi Germany under Hitler's regime in 1942.
- Details of the 1942 bombings: continuous bombing for 154 days, with a total of 3,340 airstrikes, dropping over 15,000 tons of bombs and destroying about 30,000 buildings, including historic structures, earning Malta the title "the most bombed country in WW2."
- Despite heavy bombings, Malta had relatively few casualties, with only 1,493 civilian deaths out of a population of 270,000.
- The strategic location of Malta is emphasized as the key reason for the Axis Powers' (Italy and Germany) interest in the island, not for resources such as oil or gold.
- During the time, Malta was a British territory and hosted UK military bases that were used to thwart German and Italian operations in Africa, particularly by disrupting supply lines to Libya.
- The inaugural attack on Malta by the Italian Air Force occurred on June 11, 1940, with subsequent reinforcement by the German Air Force in 1941 that led to significant damage, especially to Valletta, Malta's capital.
- In 1942, the Germans intensified attacks, but the civilian casualty rate remained low.
- The Maltese population's survival credited to the extensive use of limestone-derived bomb shelters that absorbed bomb impacts effectively.
- The shelters, hand-carved using pickaxes and hand tools, totaled over 850 and included complex tunnel systems connecting multiple hiding spots.
- Challenges faced by those in shelters included diseases like typhoid and scarce food supplies due to naval blockades sinking supply ships.
- Post-war, Malta's remarkable recovery is mentioned, with its current status as one of the wealthier nations, and it being referred to as an "unsinkable aircraft carrier."


Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Welcome to the Republic of Malta, isang napakagandang island country na makikita sa Mediterranean Sea sa ibaba ng Italy.
00:09.5
Maliit lang ang bansang Malta, mas malaki pa dito ng kaunti ang isla ng Sighor.
00:15.5
Nakakamangha ang mga tanawin sa bansang ito.
00:18.7
Nagagandahang mga beaches, coastal cities at mga struktura na napaka-instagrammable.
00:25.4
Ngunit sa likod ng ganda ng bansa ay may madilim pala itong nakaraan.
00:30.4
Noong 1942 ay binomba ang isla nang walang tigil sa loob ng 154 days ng Nazi Germany sa pamumuno ni Hitler.
00:40.9
Hindi biro ang dinanas ng mga taga-Malta noon.
00:44.2
Imaginin mo, mula umaga hanggang gabi, 24-7 ay may bumabagsak at sumasabog na mga bomba sa isla.
00:52.6
Tuloy-tuloy ito, araw-araw, walang tigil, sa loob ng limang buwan.
00:58.1
Sa kabuuan, nasa 3,340 airstrikes o pambobomba ang isinagawa ng mga kalaban sa isla
01:06.1
at mahigit 15,000 tonelada ng bomba ang pinasabog.
01:10.4
Nasa 30,000 buildings at bahay ang nawasak.
01:14.4
Mga makasaysayang struktura ay napulbos at naglahong parang bula.
01:19.9
Dahil dito ay tinuturing ang Malta bilang the most bombed country in World War II.
01:25.9
Ngunit ang talagang nakakabilib, sa kabila ng matinding pambobomba, ay kaunti lamang ang namatay sa bansa.
01:32.9
Out of 270,000 na populasyon nila nung panahon iyon, ay 1,493 civilians lamang ang namatay.
01:41.4
Paano kaya nila ito nagawa? Ano ang meron sa isla ng Malta?
01:45.9
Bakit gustong gusto itong masakop ni Hitler at ng Itali gayong napakaliit lang naman ng islang ito?
01:54.9
Sa kasalukuyan, ang bansang Malta ay tahanan ng nasa 540,000 katao.
02:00.9
Ang language dito ay Maltese at ganito sila magsalita.
02:09.9
Dahil sa ganda ng bansa ay marami ng Hollywood movies ang nag-shooting dito.
02:14.9
Ngunit sa likod ng kasalukuyang ganda ng bansa ay hindi aakalain na ganito bala ang naging itsura ng Malta noon.
02:22.9
Mga syudad ay nawasak dahil sa pambobomba ng Axis Powers.
02:27.9
Noong pumutok ang World War II, ay nakipagsanipwersa ang Itali sa Germany
02:32.9
at nagtulungan ang dalawa upang sakupin ang maraming bansa sa Europa at Afrika at isa na dito ang Malta.
02:40.9
Hindi oil o gold ang habol ng Itali at Germany.
02:44.9
Nais nilang makontrol ang isla dahil sa isang bagay na meron ito,
02:49.9
ang kanyang lukasyon.
02:51.9
Napaka-strategic kasi ng lukasyon ng Malta,
02:54.9
kaya dito gumawa ang United Kingdom ng military base, paliparan at daungan.
03:00.9
Mula dito ay madali nilang ma-access ang Europa at Afrika.
03:04.9
Sa panahong ito, ang Malta ay teritoryo pa ng United Kingdom na siyang kalaban noon ng Germany at Itali.
03:11.9
At para sa Itali at Germany,
03:13.9
ang base militar ng United Kingdom sa Malta ay malaking hadlang sa kanilang pananakop sa Afrika.
03:20.9
Kapag nagpapadala kasi sila ng mga supplies at mga sundalo mula sa Sicily patungong Tripoli, Libya,
03:27.9
dumadaan sila malapit lang sa Malta at inaatake at pinapalubog ng mga Briton ang kanilang mga barko.
03:34.9
Isa itong malaking balakid sa kanilang operasyon sa Afrika,
03:38.9
kaya gusto nilang masakop ang Malta at mapatalsik ang British forces sa isla.
03:47.9
Noong June 11, 1940 ay unang inatake ng Italian Air Force ang isla ng walong beses.
03:54.9
Binomba nila ang mga daungan at paliparan.
03:57.9
Ngunit hindi ganun kalakas ang Air Force ng Itali upang mapatalsik ang British Army sa isla.
04:03.9
Kaya pinadalhan na ni Hitler ng tulong militar ang Itali upang masiguradong makuha nila ang Malta.
04:10.9
Noong 1941, kasama na ng Itali ang German Air Force sa pampubomba na nagdulot ng malaking pinsala sa Valletta,
04:19.9
ang capital city ng Malta.
04:21.9
Ngunit dihaduman sa dami ng sundalo, armas at supplies, ay hindi basta-bastang sumuko ang mga British soldiers.
04:29.9
Kaya pagdating ng 1942, mas pinatindi pa ng Germany ang pag-atake.
04:34.9
Sa loob ng limang buwan ay walang tigil nilang binomba ang bansa.
04:38.9
Mula umaga hanggang gabi, araw-araw tuloy-tuloy ang pampubomba sa loob ng 154 days.
04:46.9
Ngunit ang tanong, sa tindi ng pampubomba, bakit kaya kaunti lang ang casualties o namatay ng mga sivilian sa Malta?
04:57.9
Ang mga isla ng Malta ay mayaman sa limestone at ang batong ito ang siyang nagliktas ng maraming buhay sa Malta.
05:05.9
Noong tumindi ang pampubomba ay sinimulan ng mga Maltese ang pag-uhukay ng mga bomb shelters o rock shelters
05:13.9
Gamit ang piko at hand tools ay mano-mano silang naguhukay at sinilseal ang makapal na bato sa ilalim ng lupa.
05:21.9
Dahil sa kapal ng limestone ay kayang-kaya nitong iabsorb ang lakas ng pagsabog ng bomba at panatilihing ligtas ang mga taong nakatago sa ilalim.
05:31.9
Sa kabuoan, may mahigit 850 bomb shelters ang nagawa ng mga Maltese noong World War II.
05:38.9
Karamihan dito ay ginawa ng mga ordinaryong mamamayan.
05:42.9
May mga complicated na mga tunnels na may maraming mga lagusan at nakakonekta sa iba pang mga shelters.
05:49.9
Sa ilalim ng bomb shelters ay marami ang nagkasakit ng typhoid at namatay.
05:55.9
Kulang na kulang din ang supply ng pagkain dahil ang karamihan sa mga barkong naghahatid ng supply sa isla ay pinapalubog ng mga kalaban.
06:04.9
Sa kabila nito ay malaking porsyento pa rin ng populasyon ng isla ang nakasurvive pagkatapos ng giyera.
06:11.9
Nawasak man noon ngunit bumangon sila at isa na ngayon ang Malta sa mga mayamang bansa sa mundo.
06:17.9
Bagay nga ang tawag sa Malta na unsinkable aircraft carrier dahil hindi ito lumubog kahit gaano katindi pa man ang pambobomba ng mga kalaban.
06:29.9
Kung nagustuhan nyo po ang content natin ngayon, pakicomment ng Big Yes!
06:33.9
This is your Ate O from our Republic, hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.