Close
 


MILEE | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 22:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadudod Stories, ikaw ay hindi nag-iisa
00:11.0
Magandang gabi sa inyong lahat na buobuo ng paborito kong Papadudod Stories at kaistorya.
00:19.0
Isa ko sa inyong mga loyal subscribers ng inyong mga channels at talaga namang inaabangan ko
00:25.0
ang bawat upload na pinakikinggan ko bago matulog.
00:31.0
Ang gusto ko talagang pakinggan ay mga love stories na tinatampok ninyo.
00:37.0
Madalag lang akong makinig ng horror kasi matatakotin ako at nakikinig ako ng horror stories ninyo kapag araw.
00:44.0
Siya nga pala, Papadudod, tawagin mo nalamang ako sa pangalang Miley,
00:50.0
taga Parklane Street, Project 8, Quezon City.
00:53.0
Nakatira lang kami ng pamilya ko sa likod lamang ng Immaculate Conception Parish Church.
01:00.0
Housewife ako habang ang asawa ko ay nag-work noon bilang isang foreman.
01:07.0
Hindi kami mayaman noon, Papadudod, pero nagsusumikap kaming mag-asawa.
01:13.0
Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at napag-aaral naman namin ang aming tatlong anak na babae.
01:21.0
Pero taong 2009, isang malaking pagsubok noon ang dumating sa amin,
01:26.0
na mild stroke noon ang asawa kong si June at matagal bago siya nakarecover.
01:32.0
Noong time na yon ay hirap na hirap kami sa pagdedelhen sya ng pera.
01:38.0
Buti na lamang at wala akong binabayarang upa sa bahay dahil nakatira kami sa bahay na minanako sa aking ina.
01:46.0
Pero ang kuryente, tubig at mga gastusin sa pag-aaral ng aming tatlong anak ay talagang pinagsikapan naming makadelhen sya ng pera para dito.
01:59.0
Papadudod, sadyang mahirap ang naging buhay namin noong panahon yon,
02:04.0
dahil hindi nakapagtrabaho ang kaisa-isang inaasahan namin.
02:08.0
Kaya ayon nabaon kami sa utang.
02:10.0
Pero sadyang napakabait noon ang Panginoon dahil isang sorpresa pala ang naghihintay sa amin noon.
02:18.0
Dahil noong October 10, 2009, isa ako sa tatlong nanalo ng jackpot sa Lotus 642.
02:27.0
More than 24 million noon ang pinaghatihan ng tatlong winners.
02:32.0
At ang mahingit 8 million pesos na partiko ay pinambayad namin sa utang at nag-secure kami ng 3 million pesos para sa kinabukasan ng aming tatlong anak.
02:45.0
Ang 5 million ay nilaan namin sa itatayo naming negosyo at syempre sa sariling bahay na balak naming bilhin.
02:54.0
At dahil napamahal na sa akin ang Project 8, Quezon City, ay dito kami naghanap ni June ng mabibiling bahay.
03:02.0
Yun nga lang ay nasa 5 million pesos na ang pinakamura.
03:06.0
Hindi nakakasya pa sa pera namin.
03:09.0
Pero hindi kami sumuko noon, Papa Dudut.
03:12.0
Nagpatuloy kami sa paghahanap.
03:14.0
Hanggang sa may nabalita ang kaming binibentang bahay sa dulo ng Premium Street Extension.
03:20.0
Agad naming kinausap ang ahenteng si Annie at agad siyang nagbigay ng tour sa sinasabing property, sa nasabing kalye.
03:29.0
Papa Dudut pagating sa location ay aaminin kong medyo na-disappoint na ako.
03:35.0
Malit lang kasi yung kalyeng daanan.
03:38.0
Parang isang tricycle o isang minicar lang ang kakasya.
03:42.0
Bukod sa sobrang tahimik ng buong Premium Street Extension.
03:46.0
Oo, may mga bahay na nakatayo pero halos walang mga tao dahil ang sabi sa amin ni Annie, mga working professionals daw, ang mga nakatira.
03:57.0
Katunayan, tatlo sa magiging kapitbahay namin ay nagtatrabaho daw sa BIR.
04:02.0
Samantala ng tumungo na mismo kami sa tapat ng property, parang hindi ko na nataypaan ng aura.
04:10.0
Two-story abandoned house at kahit na more than five years ng abandonado, ay matayog pa rin ang bahay dahil matibay ang pagkakagawa.
04:21.0
Pero parang madilim ang aura na parang sa mga haunted house.
04:25.0
Samantala'y kabaligtaran ko naman ang naramdaman ng aking asawang si June.
04:30.0
Agad niyang nagustuhan ang bahay at plano niyang pagawa niyo ng third floor.
04:34.0
Although sinabi ko sa aking asawag kay Annie na hindi ko nabavibes ang bahay.
04:41.0
Iniinsist naman sa akin ni June na maganda ang bahay at kapag naayos na namin ay siguradong magugustuhan ko na rin daw yun.
04:50.0
Kinumbins din ako ni Annie na ang buong property na yon ay nagkakahalaga lang ng 1.8 million pesos.
04:58.0
Murang-mura na yon kumpara sa mga bahay na ibinibenta sa buong Project 8.
05:03.0
Kaya sa hulay na kumbins na rin ako na bilhin ang nasabing property sa Premium Street Extension.
05:10.0
Mabilis ang naging bentahan.
05:13.0
Agad kaming nagkausap ng may-ari ng bahay na sinaling Ruby at Mang Ben na parehong nagtatrabaho noon sa Bureau of Customs.
05:22.0
Pinayaran namin sila ng cash at mabilis na naisagawa ang deed of sale.
05:28.0
Tapos ilang documents pa ang inayos namin hanggang sa maging final na ang bentahan.
05:35.0
May sariling bahay at lupa na rin kami sa wakas.
05:39.0
Tuwang-tuwa kami mag-asawa noong mga sandaling yon.
05:43.0
Dahil sa milyong kataong tumaya ng loto, ay kami ang maswerteng napili ng may kapal.
05:49.0
Samantala tulad ng mga taong nanalo sa loto, ay inandulge namin ang aming sarili sa karangyaan na hindi namin natatamasa noon.
05:59.0
Ibinili ko ng mga usong gadgets noon ang tatlong anakong babae habang ang asawa ko, na noon ay fully recovered na sa stroke, ay nagpa siyang bumili ng motorsiklo.
06:11.0
Habang ako naman ay nagpaganda sa isang spa.
06:14.0
Doon ay inasikaso ako ng aking kaibigang si Lito.
06:17.0
Ang may-ari ng spa.
06:19.0
Balita ko ay nakabili kayo ni June ang bahay at lupa sa Premium Suite Extension.
06:25.0
Kusisa niya sa akin.
06:27.0
Tumango ako bilang sagot sa kanya.
06:30.0
Oo, nabili namin yung kaisa-isang bahay na may second floor.
06:34.0
Kwento ko pa.
06:36.0
Ah, yung bahay na abandonado na inaahenta ni Annie.
06:41.0
Tila disappointed si Lito nang sabihin niya yon.
06:44.0
Bakit noon pa kayo bumili ng bahay?
06:47.0
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi at bakit may problema ba doon?
06:52.0
Ako naman ang nag-usisa sa kanya.
06:55.0
Para kasing may alam siya tungkol sa lugar na yon.
06:58.0
Alam mo ba yung Premium Suite Extension ay punong-puno ng kababalaghan dyan?
07:04.0
Wika sa akin ni Lito.
07:06.0
Kababalaghan?
07:08.0
Naintriga kong pagkaklarify ka sa kanya.
07:11.0
Personally, ay hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan.
07:16.0
Lalo naman sa mga sinasabi nilang nilalang na hindi nakikita o yung mga supernatural.
07:21.0
Nagpatuloy naman si Lito sa pagkakwento habang sinashampo niya ang aking buhok.
07:26.0
Ilang taong ka na ba dito sa Project 8?
07:29.0
Kusisa niya sa akin.
07:31.0
Mahigit 35 years na rin, dito na ako nagkamalay sa Project 8.
07:36.0
Doon pa kami nakatira sa Dome.
07:38.0
Doon pa kami nakatira sa Project 8.
07:40.0
Doon pa kami nakatira sa Dalsol Street.
07:42.0
Sagot ko naman sa kanya.
07:44.0
So hindi mo alam yung mga kwento tungkol sa Premium Street Extension.
07:48.0
Naintriga naman ako sa mga sinabi nyo ni Lito.
07:52.0
Bakit? Ano bang kwento yung sinasabi mo?
07:55.0
Na pinamumugara ng mga inkanto, maligno, duwende, white lady at mga ligaw na kaluluwa yung Street Extension na yan.
08:05.0
Mula Premium Street Extension hanggang Kalye ng Estrella.
08:09.0
At saka noong 80s, Talhaiban yan.
08:12.0
Diyan ang tapunan ng mga bankay na sinalvage sa Novaliches at sa Uyo.
08:18.0
Talaga? Sabi ko habang hindi ako makapaniwala noon sa aking narinig.
08:24.0
Sa loob kasi ng maraming taon ko sa Project 8 ay hindi ko narinig ang kwentong yun.
08:29.0
Siguro ay hindi naman kasi ako likas na marites.
08:33.0
Maraming kababalaghanan ang nangyari sa kahabaan ng Extension.
08:38.0
Madalas daw na magpakita dyan ay yung parada ng mga nakaitim na inkanto.
08:44.0
Dagdag pa ni Lito sa akin.
08:46.0
At saka yung bahay ninyo.
08:48.0
Lalo ako naintriga sa huling pangungusap na binanggit ni Lito.
08:54.0
Ano mga kwentong bumabalod sa bahay na nabili namin?
08:58.0
Na doon sa bahay ninyo nagpapakita yung White Lady at doon lumalaba sa mga inkanto para magparada tuwing alas tres ng madaling araw?
09:08.0
Aniya.
09:10.0
Papadudot aaminin ko na sa puntong yun ay nakaramdam na ako ng kilabot.
09:15.0
Tama kasi yung nakukutubang ko sa bahay na yun.
09:19.0
Na parang may mabigat sa pakiramdam kapag naroon ako.
09:22.0
Hindi talaga ako hiyang doon pero wala na ako magagawa kasi nabili na namin yung bahay.
09:29.0
Ipapabendisyon na lang namin kay Father Benedict yung bahay kapag natapos ng renovation?
09:35.0
Yun na lamang ang winika ko.
09:37.0
Totoo naman ang bendisyon lang naman ang sagot para mawala ang mga masasamang espiritu sa isang lugang.
09:44.0
Yun ay kung paniniwalaan mo ang paniniwalang katoliko.
09:48.0
Pagkatapos noon ay hindi na ako kumibupa at natapos ang aking pagpapaspa.
09:54.0
Habang iniisip ko ang ikinuwento sakin ni Lito.
09:57.0
Samantala matapos naming mabili ang bahay noong October 30, 2009,
10:03.0
ay sinimulan na namin ang renovation and construction para gawan ito ng third floor noong December.
10:11.0
Pero hindi ko makakalimutan noong unang araw ng construction kung saan ay gigibain ang bubong ng second floor.
10:17.0
Biglang nagsara ang pinto, pagpasok namin sa main door.
10:22.0
Pinagpalagay lamang ng asawa ko at ng forma namin na hangin lamang yun.
10:26.0
Pero hindi naman malakas ang hangin ang panahon yun.
10:29.0
Isama pa ang kakaibang amoy na sumasalubong noon sa amin.
10:33.0
Para bang amoy patay na daga o pusa,
10:36.0
pero inalughog namin ang buong bahay pati na yung bakanting lote,
10:40.0
sa tabi namin ay wala namang kaming nakitang anumang hayop na patay.
10:43.0
Dahil doon ay pinagpaliban na lamang muna namin ang pagkoconstruct ng bahay ng isang araw.
10:49.0
Pero papadudot, hindi lang doon natatapos ang kababalaghang nangyari sa aming bahay.
10:56.0
Abang kinoconstruct ang third floor ng aming bahay,
11:00.0
marami sa mga construction workers ang nagsusumbong sa amin,
11:04.0
na nakakaramdam sila ng kakaiba sa loob ng bahay.
11:07.0
May mga kumakalimbit at kumakalmot sa kanila nang hindi nila alam.
11:11.0
May pagkakataon pang may muntik ng mahulog sa third floor tapos ang kwento niya sa amin,
11:17.0
mag-isa lamang siyang nagwe-welding noon sa itaas,
11:20.0
nang biglang may tumulak sa kanya.
11:23.0
Paglingon naman niya ay wala siyang nakitang ibang tao bukod sa kanya.
11:29.0
Isa pa sa naging karanasan namin
11:32.0
ay noong sinama namin ang aming panganay na anak na si Rochelle sa bahay habang ginagawa ito.
11:37.0
Nagustuhan naman niya noong una ang bahay,
11:40.0
pero makailang sabi niya sa amin na meron daw siyang nakikitang isang babae at tatlong lalaki
11:46.0
na labas-pasok sa banyo ng second floor.
11:49.0
Nang sundod niya yun, papuntang banyo ay bigla na lamang itong nawala
11:53.0
dahil doon ay nagkaroon na ng pag-alinlangan ng aking panganay sa bahay na pinapagawa namin.
12:00.0
Papadudod almost six months na naging construction ng aming bahay at nang matagal,
12:04.0
ay nasatisfied naman kami sa naging resulta.
12:08.0
Sa buong premium street extension kami lamang ang bahay na mayroong third floor
12:13.0
kaya kitang-kita namin ang kalawakan ng Project 8 at Baysa.
12:17.0
Tanaw nga namin hanggang North Edsa kaya tuwang tuwa kami.
12:22.0
Pero papadudod sandali lang ang kasiyahan namin dahil agad din yung napalitan ng kaba.
12:27.0
Dahil sa kababalaghang naranasan,
12:29.0
Tandang-tanda ko pa nga noong unang gabi namin sa bahay ay nakarinig ako ng mga yabag sa third floor nang alas tres ng madaling araw.
12:36.0
Kasabay noon, narinig kong may umakyat sa hagdanan.
12:40.0
Dahil sa curiosity, sinubukan kong sinipin ang labas ng kwarto namin
12:44.0
pero wala ko nakitang tao sa hagdan.
12:47.0
Pero nakakakilabot na kadilima noon,
12:50.0
ang sumalubong sa akin,
12:53.0
ang mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
12:59.0
kaya naman agad ko ring sinarado at bumalik sa aking kama
13:04.0
kasama ng aking asawang si June na noon ay mahimbing na mahimbing sa pagtulog.
13:10.0
Pagsikat ng araw ay pumasok ko noon ang mga anak ko sa eskolahan at ang asawang kong si June ay pumasok na sa trabaho.
13:18.0
Ako lamang ang naiwan noon na mag-isa sa bahay.
13:21.0
Nagpa siya akong maglaban noon sa laundry area.
13:24.0
Pero habang ginagawa ko yon ay natanaw ko ang loob ng aming bahay na may tatlo o apat na aninong dumaan at umakyat ng hagdanan.
13:33.0
Dahil doon ay agad akong pumasok at kutsinyo ang una kong kinuha sa kusina para pang self-defense sakaling pinasok ang bahay namin ng mga magnanakaw.
13:44.0
Pero yun nga papadudot wala akong nakitang ibang tao sa paghahalughog ko sa aming bahay at labis na yong nagpakilabot sa akin.
13:53.0
Pag-uwi naman ng aking asawa galing sa trabaho ay agad ko siyang kinausap tungkol sa mga nararamdaman at nakikita kong kababalaghan sa bahay.
14:03.0
Pero ang sabi na lang ni June sa akin ay hayaan na lang daw namin.
14:08.0
Ang mahalaga, meron na kaming sariling bahay at hindi kami sinasaktan ng mga elementong nakatira sa bahay kasama namin.
14:17.0
Samantala, ilang buwan din ang lumipas at patuloy pa rin sa pagpaparamdam ang mga elemento sa loob ng aming bahay.
14:26.0
Katunayan ay hindi lang sa loob ng bahay kundi sa buong premium street extension.
14:31.0
Nandyan yung pagkapakita ng white lady sa daan kung saan ay makikita daw na naglalakad ng babae sa kalye tapos ay biglang maglalaho na parang bulak.
14:41.0
Yung mga anak ko ay palagi silang nagsusumbong sa akin na nakakakita raw sila.
14:46.0
Nang malit na taong naglalaro sa third floor ng bahay.
14:50.0
Minsan nga ay nagulat na lamang ako nang biglang tumakbo si Rochelle pababa ng bahay.
14:56.0
At nang tanungin ko siya ay sabi niyang may nakita siyang aninong itim na dumaan sa harapan niya habang siya ay nagtatype ng kanyang term paper.
15:06.0
Yung bunso ko naman si Clancy nagsusumbong din sa akin na nakakita raw niyang gumagalaw yung malaking teddy bear na binili ko sa kanya noon sa mall.
15:16.0
Pero ang higit na nakakatakot na narinig ko ay yung kwento mismo ng asawa kong si June.
15:24.0
Ginabi siya ng uwi noon dahil sa trabaho at kaunting inuman.
15:29.0
Pero habang naglalakad raw siya paliko sa premium street extension.
15:34.0
Nakasalubong daw niya yung mga lalaking nakaitim at parabang nagmamarcha sa gitna ng kalye.
15:41.0
Nakaramdam na raw siya ng takot ng mga sandaling yon at nang sinundan niya yon ng tingin,
15:48.0
nagimbal siya nang makita niyang unti-unti itong naglaho nang lumiko ang mga ito sa bahay namin at tumago sa aming malaking gate.
15:58.0
Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni June habang kinikwento niya yon sa akin papadudut.
16:05.0
Sa kabilang banda, ako rin ay naka-experience noon ang matinding pagpapakita.
16:10.0
Natatandaan ko yon na ako lamang ang mag-isa sa ibaba.
16:15.0
Ang mga anak ko ay nasa third floor, nanonood ng pelikula gamit ang kakabililang naming projector.
16:22.0
Dinig na dinig ko ang ingay ng mga anak ko.
16:25.0
Siyempre deadman lamang ako at nagfocus sa paglilinis.
16:31.0
Kaharap ko noon yung china cabinet namin na may salamin.
16:34.0
Habang naglilinis nga ako ay nakita ko sa refleksyo ng china cabinet si Rochelle na mula sa sala ay aakyat ito sa hagdanan.
16:43.0
Pero sa halip na umakyat ay gumapang ito at parang nagambang umakyat pataas.
16:48.0
Siyempre nalaki ang mga mata ko at agad na napalingon pero iba ang nakita ko papadudut.
16:54.0
Dahil sa halip na si Rochelle ang nakita ko ay parang kalansay na nakasuot ng sira-sira at itim na damit.
17:01.0
Ang bungo nito ay tila may mga sukay na parang kalabaw.
17:06.0
Dahil doon ay napasigaw ako sa takot at nawala ng manay.
17:11.0
Nagising na lamang ako at nakita ko ang anak ko na binabantayan ako.
17:17.0
Baka sa kanilang mga muka noon ang labis na pag-aalala.
17:22.0
Kaya kinagabihan ay muli kong kinausap ang aking asawa tungkol sa mga nararamdaman naming kababalaghan.
17:28.0
Hindi lang sa aming bahay kundi pati na rin sa buong Premium Street Extension.
17:33.0
Jun, bumalik na lang kaya tayo sa bahay natin sa Park Lane? Sugestyon ko sa kanya.
17:40.0
Bakit pa tayo babalik doon? Emesa rin na nga tayong bahay? Ang sabi ni Jun sa akin.
17:47.0
Alam kong natatakot ka na sa mga nangyayari sa paligid natin pero hindi naman nila tayo sinasaktan.
17:53.0
Hihintayin mo pa bang may masaktan? Bago tayo umalis, uwi ka ako naman sa kanya.
18:00.0
Ako, kaamiling kong natakot din ako sa mga nakikita at nararamdaman ko.
18:06.0
Lalo na yung sinasabi ko sa iyong naabutang kong parada ng mga engkanto dyan sa labas.
18:12.0
Pero naisip ko na hindi nila tayo gagalawin kung matibay ang pananampalataya natin sa Diyos.
18:18.0
At saka bigyan natin sila ng respeto, ituring natin sila ang kaibigan.
18:24.0
Tingnan mo nun ni Mensa na hindi nila tayo sinaktan kasi kahit na natatakot tayo e binibigyan pa rin natin sila ng pagalang, paliwanag niya.
18:34.0
Pero hindi ko na talaga kaya.
18:37.0
Hindi nga nila tayo sinasaktan pero parang nawawala na ako sa katinuan dahil sa mga nangyayari.
18:43.0
Hindi ko na alam kung alin ang totoo sa hindi.
18:47.0
At saka una pa lang natin pagtapak dito sa Premium Street Extension.
18:51.0
Hindi ko na talaga nagustuhan.
18:53.0
Parang ang bigat palagi sa dibdib ko.
18:56.0
Gusto ko ng matahimik dyun.
18:59.0
Inaman ang paliwanag ko sa aking asawa.
19:02.0
Sa huli ay nakapagdesisyon na lamang kami na bumalik sa Park Lane.
19:06.0
Sa dati namin tinitirhan, ang bahay namin sa Premium Street Extension ay finorsale na namin.
19:13.0
Almost one year ang lumipas ay naibenta namin ang three-story house namin sa halagang 3.9 million pesos sa isang mag-asawang Chinese.
19:24.0
Nang makalis kami doon sa Premium Street Extension ay natahimik na ang aming mundo.
19:29.0
Gumaan na ulit ang pakiramdam ko.
19:32.0
Nawala yung pangamba namin na merong kaming maligno, white lady, inkanto o masamang espiritu nakasama sa aming bahay.
19:40.0
Mapayapa ang naging buhay naming muli.
19:43.0
Sa ngayon, papadudot ay dito pa rin kami nakatira sa Park Lane, sa likod lang mismo ng simbahan ng Immaculate Conception.
19:51.0
May tinayo na rin kaming negosyo sa harap ng tinitirhan naming bahay, kaya may pumapasok pa rin pera sa amin.
19:59.0
At dahil sa hindi naman kami magastos, may natitira pa rin kaming milyon sa bangko.
20:04.0
Papadudot, may mga lugar talagang pinamumugaran ang mga multo.
20:09.0
At iba pang nila lang na hindi natin nakikita tulad na lamang sa Premium Street Extension dito sa Project 8.
20:18.0
Hanggang ngayon ay puno pa rin yun ang kababalaghang at mukhang sanay na rin ang mga dati naming kapitbahay sa mga kababalaghang doon.
20:28.0
Ang may papayok ko lang kahit saan ka pumunta ay hindi talaga maihiwasan na merong mga nila lang na nakatira na ayaw magpagambala.
20:38.0
Bigyan mo sila ng nararapat na kapayapaan at respeto ng saganon ay hindi ka rin gagambalain.
20:46.0
Muli hanggang dito na lamang ang aking sulat at sanay magustuhan nyo po ito at mapiling basahin.
20:52.0
Maraming salamat po at mabuhay kayong lahat.
20:55.0
Lubos na gumagalang,
20:57.0
Miley
20:59.0
Ang buhay ay mahihwaga
21:05.0
Laging may lungkot at saya
21:11.0
Sa papatudod stories
21:16.0
Laging may karamay ka
21:23.0
Mga problemang kaibigan
21:30.0
Dito ay pakikinggan ka
21:37.0
Sa papatudod stories
21:42.0
Kami ay iyong kasama
21:49.0
Dito sa papatudod stories
21:54.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
22:02.0
Dito sa papatudod stories
22:07.0
May nagmamahal sa'yo
22:14.0
Papatudod stories
22:20.0
Papatudod stories
22:27.0
Papatudod stories
22:43.0
Papatudod stories