Close
 


ETO NA ANG FLASHBACK! GOD VALLEY INCIDENT! | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1096 Episode 1080
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 08:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Eto na ang God Valley Incident. So lumabas na nga ang spoilers para sa paparating na chapter 1096.
00:07.6
At isa nga lang ang masasabi ko, sobrang hype neto. Ang unang ang impormasyon sa spoilers e sinasabi nga na gumawa daw ng plano
00:16.0
itong sila Ivankov at Kuma para makatakas sa God Valley. At itong plano nga daw na to ay yung kuhain ang ilan sa Devil Fruits
00:24.2
na papremyo ng mga Celestial Dragons sa gaganapin nilang hunting tournament. Sa unang spoiler pa lang na to e magkaka-idea na kaagad tayo
00:32.7
na itong paparating na chapter 1096 e continuation pa rin sa nangyaring flashback in last chapter.
00:39.9
Since sa huling scene nga sa last chapter e nakita natin sila Ivankov at Kuma. Balik confirm na nga na yung Devil Fruit ni Kuma
00:47.9
na Pow Pow Fruit e legit nga isa sa papremyo sa tournament ng mga Celestial Dragons. Dahil ang sumunod nga ang impormasyon sa spoilers e sinasabi nga
00:57.6
na itong Devil Fruit daw ni Kaido na Fish Fish Fruit model Azure Dragon at itong Pow Pow Fruit ang balakunin nila Ivankov at Kuma
01:06.5
sa sinasabing plano nila na pagtakas. Ito nga yung gusto nilang kainin para makaalas sa God Valley. Pero nung makita nga daw ni Big Mom itong dalawa na to
01:16.5
e pinigilan niya sila. At infact e nabawi niya daw itong Devil Fruit na hawak ni Ivankov which is ito nga yung Azure Dragon. Samantalang yung Pow Pow Fruit naman
01:26.8
e hindi na nagawa pang makuha ni Big Mom. Since kinain na nga daw agad ito ni Kuma. At sa huli nga daw e tuluyan nang nakatakas itong sila Ivankov,
01:36.3
Genie at Kuma paalas sa God Valley at napadpad daw sila sa Sorbet Kingdom. Bale itong pagtakas nga nila Ivankov gamit yung Pow Pow Fruit ni Kuma e alam naman
01:47.2
nating lahat yung kakayanan ng Pow Pow Fruit diba? Nagagawa nga na itong patalsikin ang kahit na ano o kahit na sino sa kung saan man na maisip na lugar ng user neto.
01:58.2
At dahil nga sa ipinakitang flashback ni Kuma na ever since ipinanganak siya e kinuha na yung pamilya niya ng world government para magtrabaho sa Mary Joa e isang lugar nga lang ang alam ni Kuma
02:10.0
bukod sa Mary Joa na safe para sa kanya. At yan nga e yung lugar kung saan siya ipinanganak which is sa Sorbet Kingdom. Kaya it makes sense na kung first time nga
02:20.4
gagamitin ni Kuma itong Pow Pow Fruit e syempre ang pipiliin niyang lugar para makatakas e sa hometown niya na Sorbet Kingdom. So buhay pa nga rin yung teori na itong si Jeannie yung possible na nanay ni Bonnie
02:34.1
at magiging asawa ni Kuma since parehas nga silang nakatakas ng buhay sa God Valley. Anyway nabangit ko nga na nabawi ni Big Mom itong Devil Fruit na hawak ni Ivankov.
02:44.8
At yes, base nga sa spoilers e dumating na daw itong Raks Pirates sa God Valley. So sa chapter na kaya na to natin makikita si Raks Dicebeck, mari-reveal na ba yung appearance niya?
02:56.2
Bali ang mas nakaagulat nga sa impormasyon sa spoilers e may panibagong miyembro daw itong Raks Pirates ang nireveal sa paparating na chapter na to. At ito nga si Gloriosa. Yes guys, siya nga yung former empress ng Kuja tribe 3 generations ago.
03:13.6
So alam naman natin lahat na ang pinakamainit na teori patungkol sa Kuja tribe, e yes may miyembro nga daw sila ng Raks Pirates. Pero ang inaakala nga natin lahat e itong asawa ni Rayleigh na si Shaki.
03:26.7
At ngayon nga e mukhang binasag na naman ni Oda itong teori na to sa pamamagitan ng paglalagay kay Gloriosa sa Raks Pirates.
03:35.2
At dahil nga sa history na to ni Gloriosa, e it makes sense na kung bakit during Amazon Lily Arc e pinapakitang walang tiwala sa kanya itong si Boa Hancock. Dahil oo nga naman, may history si Gloriosa na kabilang sa masamang grupo, which is yung Raks Pirates, kaya bakit niya ito pagkakatiwalaan?
03:55.0
So currently nga e 64 years old na itong si Shaki, at magkasunod nga lang sila ng generation ni Gloriosa sa pagiging leader ng Kuja tribe, meaning e nasa around 84 years old na ngayon itong si Gloriosa.
04:08.9
At kung ibabawas nga natin yung God Valley incident na 38 years ago, e ang ibig sabihin lang e nasa around 40s na itong makikita natin Gloriosa sa paparating na chapter 1096, meaning e yung appearance niya e magiging sobrang bata, kaya naman excited na rin tayong makita yung appearance niya, di ba?
04:29.2
Bukod nga sa appearance niya e excited na rin tayong malaman kung sino yung sinasabing lover niya. Dahil during Amazon Lily arc nga in chapter 522, e nireveal nga niya during sa kabataan niya e umalis daw siya sa Amazon Lily. Bakit? Dahil na in love nga daw siya sa isang lalaki kaya siya nagkaroon ng love sickness. So I wonder kung sino itong lalaking lover niya?
04:52.5
Ito kaya si Rox Dicebeck? Since yung lover nga ni Ms. Bakin sa grupo na ito e si Whitebeard, samantalang si Kaido naman e masyado pang bata, at itong si Shiki naman e parang walang pake sa mga babae. So maganda nga rin itong matalakay sa mga susunod na chapters.
05:09.3
Bali recap lang guys ah. Currently nga e yung mga kumpermado ng members na itong Rox Pirates e sila Rox Dicebeck, Whitebeard, Big Mom, Kaido, Shiki, Captain John, Wong Zee, Silver Ox, Ms. Bakin at itong si Gloriosa. Sana nga e busi lang makita natin sa mangyayaring flashback na ito ng God Valley incident.
05:31.1
Anyway bukod nga sa Rox Pirates na dumating na sa God Valley, e dumating na rin daw itong si Garp. Doon walang ang impormasyon sa spoilers kung bakit siya napunta sa God Valley, e sana nga naipakita sa mismong chapter yung rason kaya siya nandito. At syempre dahil sa ipinakita na si Garp e pwede ba namang mawala yung kapartner niya sa mangyayaring God Valley incident, Bali sinasabi nga sa spoilers na dumating na rin daw itong Roger Pirates.
05:58.4
Yes guys, buong Roger Pirates, meaning e makikita natin sila Silver Srely at Copper Gaban, since silang dalawa nga lang yung alam nating OG members ni itong Roger Pirates. Though syempre gusto rin natin makita yung mas batang versions ng iba sa Roger Pirates.
06:15.9
Bali sinasabi nga na itong Roger daw na makikita natin sa chapter na to e mas bata, since suot pa daw niya yung straw hat niya. Nakaka-excite ngang makita itong Roger na nakasuot ng straw hat habang nakikipaglaban, since mabibigan nga tayo ng vibes neto na similar kay Luffy. At dahil nga sa parang pinaparalel ni Oda itong si Zorro kay Rayleigh, e nakaka-excite nga rin malaman kung sino ba ang nilabanan nitong si Silver Srely sa Rox Pirates.
06:44.0
Anyway overall nga e paniguradong mainit itong chapter na paparating. Sana nga lang na itong mga nabanggit sa spoilers e makita natin yung mga appearance at hindi siluet lang. Sana nga e makita natin yung muka na itong si Rox de Cebec at yung ilan sa miyembro niya na until now e palaisipan pa sa atin, gaya nila Silver Axe at Wang Z.
07:05.5
Bali ngayon ngang tinutuloy-tuloy na ni Oda itong flashback sa God Valley, e i-expect na natin na sa mga susunod na chapters e ganito pa rin ang magiging laman, flashbacks sa God Valley. Sana nga e matunghayan natin sa mga susunod na chapters yung laban na mangyayari sa magkabilang grupo.
07:23.6
Dahil ever since ngang ma-reveal itong legendary event na to mula kay Sengoku, e ito na nga yung pinakahihintay nating lahat. So dito na nga nagtatapos itong spoiler review natin para sa paparating na chapter, na chapter 1096. Kung trip nyo nga ng ibang perspective sa mangyayaring God Valley incident e may video na nga tayong ginawa patungkol dito, e check nyo na nga lang kung trip nyo.
07:47.6
Bali yung iba ngang impormasyon sa paparating na chapter na ito e tatalakayin na lang natin sa mismong chapter review natin, na iupload natin malamang sa mga susunod na araw. So yun lang, peace!