Close
 


ANG LIHIM NG KANTA NI BRINEY
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 05:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hindi pa handa si Justin maging ama, ayon kay Britney, kaya naman nagawa niya ang hindi dapat na ginawa niya, ito ay ayon mismo sa kanya.
00:08.5
Ngunit ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng kantang Everytime para sa kanya?
00:13.7
Usap-usapan ngayon sa internet ang sinasabing lihim na kahulugan ng kantang Everytime na isinulat naman ni Britney Spears na inilabas ng taong 2003.
00:24.1
Nanalo pa ito noon ng Teen's Choice Award bilang ang Choice Music sa kategorya na Love Song.
00:30.3
Na mga panahon iyon ay siyam na buwan na silang hiwalay ng kanyang nobyo na si Justin Timberlake.
00:36.2
Kung maaalala na si Justin at Britney ay nagkaroon ng relasyon ng taong 1999, nang ang dalawa ay parehong labing walong taong gulang pa lamang.
00:47.1
Inamin ng sikat na mga aawit na nang panahon na iyo na siya ay nagdalang tao nga at si Justin ang ama.
00:54.2
Dito nagsimula ang kuwento na may mas malalim na ibig sabihin ang kantang Everytime na ito ay tungkol sa sanggol na bunga ng pagmamahalan nilang dalawa.
01:04.4
Inamin ni Britney na hindi nga nito itinuloy ang pagdadalang tao dahil nga nang panahon na iyo nagsinabi sa kanya ni Justin na hindi pa ito handa maging ama.
01:14.4
At dahil nga bata pa sila at mahal na mahal niya di umano si Justin ng mga panahon iyon ay pumayag na rin siya sa desisyon ng kanyang nobyo na si Justin Timberlake.
01:24.8
Saka na raw sila dapat na magkaroon ng supleng.
01:28.3
Dagdag ni Britney na nang malaman niya ang kanyang kalagayan ay hindi naman ito laging trahedya para sa kanya.
01:34.3
Sa isip-isip daw niya, alam naman daw nito na malaon ay magkakapamilya silang dalawa.
01:40.2
Tila ba ito nga lamang ay napaaga?
01:43.0
Kung natutuwa si Britney, kitang kita naman daw nito ang pagkadismaya sa mukha ng nobyo nang malaman nito ang balita.
01:49.8
Direkt ang sinabi sa kanya ni Justin na sobrang bata pa nilang dalawa.
01:53.8
Kung siya lamang daw ang tatanumin noon, itutuloy daw nito ang kanyang pagdadalang tao.
01:59.3
Ngunit ayon kay Britney, maliwanag pa sa sikat na araw na ayaw na ayaw ni Justin ang maging ama.
02:06.4
Ayon kay Britney na ang hindi pagpapatuloy ng kanyang kalagayan ay isa pa rin sa pinaka masakit na yugtok ng kanyang buhay.
02:14.2
Dahil sa pahayag na ito ni Britney, sumiklab ang pagkayamot lalo ng mga fans at mga taong nakaaalala.
02:21.1
Kung babaan ng trenato ni Justin si Britney Spears, nang panahon na ang dalawang magsing-irog ay maghiwalay,
02:27.8
inilabas ng mga aawit na si Justin ang kanyang Cry Me A River.
02:32.4
Sa kantang ito, sinasabi ng mga aawit na si Justin na niloko ito ni Britney.
02:38.2
Ito ay dahil sa lyrics na nagsasabi na
02:40.7
You don't have to say what you did, I already know, I found out from him.
02:45.6
O hindi mo na kailangan sabihin pa ang ginawa mo, nalaman ko na mismo mula sa kanya.
02:51.0
Kung saan ang gumanap na leading lady sa kanta ay kahawig na kahawig pa nitong si Britney Spears.
02:56.9
Habang inilabas ni Britney ang kantang Every Time, siyab na buwan matapos ang Cry Me A River,
03:02.8
na siya namang tila ba pagsusuri pa nito kay Justin, lalo na sa lyric ko nito na
03:08.3
I may have made it rain, please forgive me, my weakness costs you pain and this song is my story.
03:14.6
Ngunit dahil sa revelasyon na ito, mas malinaw na kung bakit ang umpisa ng kanta ay tila ba yung tipong panghele ng sanggol.
03:22.6
Kung bakit sinasabi nito na nakikita nito siya sa kanyang panaginip,
03:26.5
tila ba minumulto siya ng itsura nito.
03:29.0
Kung bakit sinasabi nito na pinaniniwala niya ang sarili niya na andito lamang siya,
03:34.6
sa paraang ito mas nalilinawan siya.
03:37.2
At sa tapos nito ay ang salitang I guess I need you baby.
03:41.4
Kung bakit sa video na ito ay mayroong nagsisilang na babae.
03:45.3
Kasama sa lirik ko ng kanta ay ang salitang What have I done, you seem to move on easy.
03:51.8
Ito ay ang tila ba pagkukwestiyon nito ko mismo kay Justin Timberlake na tila ba parang walang nangyari
03:57.5
samantalang siya ay sisingsisi sa kanyang naging desisyon sa dapat ay ang kanilang magiging supleng.
04:03.9
Sa huli mas naging malinaw na rin ang sinasabi nito na salitang I guess I need you baby.
04:10.0
Ito ay ang tila ba pagkukumpisal nito si Britney at pagsisisi sa kanyang ginawa sa sarili niyang supleng.
04:16.5
Ayaw naman sa isa sa kasama ni Britney na tumulong siya kanya na isulat ang kanta na isa rin sa pinakamalapit na kaibigan niya.
04:24.6
Wala naman daw sinasabi sa kanyang ganon si Britney.
04:27.8
Ngunit inamin nito na sa kantang Everytime ay halos wala siyang idinagdag lahat mula sa musika hanggang sa lirik ko lahat si Britney Spears ang may akda.
04:37.8
Kaysa isa itong kanta na pinagfokusan at pinaghirapan niya ayun sa kaibigan niya na si Annette Artani.
04:45.4
2012 nakipag-isang dibdib si Justin Timberlake sa kasintahan nito na si Biel.
04:51.1
Dalawa na ang anak nitong lalaki si Silas na walong taong gulang at si Phineas na tatlong taong gulang.
04:57.8
Magsiselebrate na ang mag-asawa ng kanilang ikalabing isa na anniversaryo.
05:03.0
Mga katinagalog ko kung kayo po ang tatanungin, naniniwala po ba kayo na may laman o lihim na ibig sabihin ang kanta nitong si Britney Spears?
05:11.9
O nakatakot lamang ito sa noon ay nagaganap sa buhay niya at sa dating nobyo na si Justin Timberlake?
05:18.8
Izulot po ang inyong saluubin sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito ay ating basahin.
05:25.3
Ang pinakamagandang sagot po ay mananalo ng 100G cashload.
05:29.4
Ito pong muli ang inyong lingkod na sa tinagalog. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa segment natin sa araw na ito.