Close
 


SAMUEL | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 32:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang magandang gabi sa'yo at sa mga bumubuo ng PAPADUDOD STORIES.
00:15.0
Binabati ko rin ng mga libu-libong mga subscribers na nakatutok ngayon PAPADUDOD.
00:22.0
Isa ako sa mga avid listeners mo simula noong nakaraang taon nang madiskubre ko ito accidentally sa pamamagitan ng Facebook.
00:32.0
Ako kasi yung tipo ng tao na sentimental. Siguro e dahil na rin sa mga dinanas kong pagihirap noon sa buhay ko.
00:42.0
Talagang nakakaadi kasi ang programa mo. Kasi relate na relate ako sa mga istoryang tinatampok ninyo.
00:51.0
May pagkakataong umiiyak pa nga ako dahil sa sobrang affected ako.
00:56.0
May pagkakataon din na natatawa ako kapag comedy ang tampok ninyong kwento.
01:02.0
At dahil doon ay talagang nahook na ako sa PAPADUDOD STORIES at palagi na akong tumatambay sa social media para makipagbanding sa iba.
01:13.0
Doon ay marami akong naging kaibigan at may ilan na rin na nagudyok sa akin na sumulat sa programa ninyo.
01:21.0
Kaso ang problema wala kong love life.
01:24.0
Pero PAPADUDOD, dahil na rin sa tulong ng isang kaibigan ay nakumbinse akong sumulat sa inyo kahit na hindi siya love related.
01:34.0
Pero alam kong maraming aral ang mapupulot dito.
01:40.0
PAPADUDOD, itago mo na lamang ako sa pangalang Samuel.
01:44.0
Nag-decide akong magtago sa alyaas kasi natatakot akong mahusgahan ng tao.
01:52.0
Ngayon pa lang may ipagtatapat na ako sa iyo at sa mga listeners mo.
01:59.0
Isa akong dating drug addict.
02:02.0
Teenager pa lamang ako noon nang mapasama ako sa isang masamang barkada.
02:08.0
Noong una hanggang sigarilyo at alak lang ang pinagkakaabalahan ko.
02:13.0
Pero hindi naglaon ay tinuruan ako ng mga kabarkada kung gumamit na mga ipinagbabawal na gamot tulad ng shabu, ecstasy at marihuana.
02:24.0
Noong una hanggang tikim-tikim lang ako.
02:27.0
Pero hindi ko namamalaya noon na naaaddict na pala ko.
02:33.0
PAPADUDOD, walang kalam-alam noon ng mga magulang ko na isa na palang addict ang anak nila.
02:40.0
Pero PAPADUDOD, hindi ko akalain na sa paggamit ko ng droga magsisimula ang kinakatakutan kong bangungot
02:49.0
na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan.
02:54.0
Tandang-tanda ko yun.
02:56.0
Sinama ko pa nga ang aking girlfriend na si Cher dahil birthday noon ng aking katropang si Ronan.
03:05.0
Noong una ay inuman at kain lamang ang ginawa namin habang nagkwekwentuhan.
03:10.0
Masayang lahat maliban kay Cher na isang introvert.
03:16.0
Bukod kasi sa hindi siya palakwento, ay hindi rin siya umiinom.
03:21.0
As in wala talaga siyang bisyo.
03:25.0
Madalas kong tinatanong ang girlfriend ko pero palagi niyang reply sa akin ay ayos lamang siya.
03:31.0
Ngunit ramdam kong na out of place na siya dahil bago ko siya naging girlfriend ay certified loner talaga siya.
03:38.0
Hanggang sa nagkaroon kami ng laro, truth or dare, lahat ay kasali.
03:43.0
Kasama na si Cher.
03:45.0
Nang pinaikot at mapili ng uso ng bote ang girlfriend ko ay pinili niya ang dare.
03:50.0
Dahil pinili mo ay dare, Cher, inumin mo ito.
03:54.0
Isang shot lang, dali subukan mo na.
03:56.0
Hamon ni Ronan sa aking girlfriend.
03:59.0
Yon ang naging dare kasi alam nilang hindi umiinom ng anumang alkohol ang girlfriend ko.
04:05.0
Pasensya na pero hindi ako umiinom eh, ang wika ni Cher.
04:10.0
Parang gusto na niyang mag back out kaagad sa laro.
04:13.0
Di nga, niminsan di ka nakatikim ng beer?
04:16.0
Manghang usisa sa kanya ni Terrence.
04:20.0
Hindi talaga eh at wala akong balak na tikman yun.
04:24.0
Diretsong sagot ni Cher.
04:26.0
Bumalik naman sa akin si Ronan.
04:29.0
Ano ba yan Samuel, ang KJ naman ang girlfriend mo?
04:32.0
Alata sa kanya na disappointed siya kay Cher.
04:35.0
Love, kahit na isang bote lang, pagbigyan mo na ako please.
04:40.0
Pakiusap ko na labang sa aking girlfriend.
04:43.0
Promise walang mangyayari sa'yong masama pagkatapos mong inumin ito.
04:47.0
Paggaranti ako pa sa kanya.
04:49.0
Sa huli ay nag give in si Cher at ininom niya ang shot bottoms up.
04:54.0
At tulad ng aking inasahan ay halos hindi maipinta ang mukha niya
04:57.0
dahil hindi siya nasarapan sa kanyang ininom.
05:00.0
Ganyan talagang lasa ng beer mahal ko.
05:03.0
Pero kapag nasanay ka na ay masasarapan ka na rin dyan.
05:06.0
Ang sabi ko pa sa aking girlfriend.
05:09.0
Pero sa halip na magpatuloy kami sa aming laro ay merong naalala si Ronan
05:14.0
at agad niyang dinukot yun sa kanyang bulsa.
05:17.0
O mga pare, nakalimutan ko meron pala ako dito sa bulsa.
05:21.0
Ito balik kakakuha ko lang sa dealer ko kanina.
05:25.0
Ano gusto ninyo?
05:27.0
200 lang per tableta.
05:29.0
Pag iingan nyo pa ni Ronan sa amin.
05:32.0
Syempre lahat kami gumagad sa alok niya maliban kay Cher.
05:36.0
Nagulat nagulat ng makita ang mga tabletas na hawak ni Ronan.
05:41.0
Samantala na makatanggap ako ng isang tableta mula kay Ronan
05:44.0
ay pinagmas nang kumuna itong maigi.
05:47.0
Kulay red na tableta na hugis devil smiley.
05:51.0
Noon lamang ako nakakita ng ganong tableta.
05:54.0
Kaya tananong ko si Ronan kung anong tawag doon.
05:57.0
Ang sabi lang naman niya sakin ay bagong gamot daw yun na nakakahay.
06:02.0
Dahil naman sa magaling ang sales talk ni Ronan ay nakumbinsi naman ako
06:07.0
at hindi ako nagdalawang isip na itik yun.
06:10.0
Ano Cher? Gusto mong subukan?
06:13.0
Sabi ko pa sa aking girlfriend.
06:15.0
Pagkaraan kong isubo ang tableta.
06:18.0
Libre kita, ang sabi ko pa sa kanya.
06:21.0
Gulat na gulat namang tumingin sa akin si Cher at alatang disappointed.
06:26.0
Samuel, gumagamit ka ng pinagbabawal na gamot?
06:30.0
Matagal na mahal ko, alam mo na, pampaga ng feeling.
06:34.0
Bakit hindi mo subukan?
06:36.0
Pangiinganyo ko sa kanya.
06:39.0
No, ayaw ko. Kahit kailan hindi ko susubukan yan.
06:43.0
Pangtangin ni Cher sa gusto kong mangyari.
06:47.0
Sa puntong yun ay sumabat na si Andrea,
06:49.0
isa rin sa mga tropa ko na noong mga oras na yun,
06:52.0
ay kakasubo lang din ang tableta.
06:55.0
Ang KJ mo talaga, girl, as in duper KJ to the highest level.
07:01.0
Ewan ko ba kung bakit ka naging girlfriend ni Samuel?
07:04.0
Reklamo pa niya sa girlfriend ko.
07:07.0
Mga adik pala kayo, Samuel.
07:09.0
Bakit hindi mo sinabi sa akin?
07:12.0
Baleng sa akin ang aking girlfriend.
07:14.0
Para ano pa?
07:16.0
It does not make a difference kung sinabi ko sa iyo o hindi
07:20.0
kasi alam ko namang sasagutin mo ako no matter what.
07:24.0
Patay na patay ka kaya sa akin eh pagmamalaki ko pa sa kanya.
07:29.0
Alam niyo, sinisiran niyo lang ang katawan ninyo sa mga bisyo na yan.
07:32.0
Hindi ba kayo naaawa sa sarili ninyo?
07:35.0
Pangaral pa ni Cher sa buong tropa.
07:38.0
Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
07:41.0
Ikaw, Samuel, hindi mo ba na iisip na maaaring maging epekto sa inyo?
07:46.0
Nang paggamit yan?
07:47.0
Tanong pa niya sa akin.
07:49.0
Pero hindi sineryosa si Cher na mga kaibigan ko
07:52.0
at sa halip ay pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
07:56.0
Ano ka ba, Cher? Walang basagan ng trip?
07:59.0
Sige kung ayaw mo tikman, edi wag.
08:01.0
Pero pwede ba?
08:02.0
Huwag ka na mag-preach sa amin.
08:05.0
Baala kami kung anong gusto namin gawin sa katawan namin.
08:08.0
Ang sabi ko pa noon.
08:10.0
Okay, fine. At least pinagsabihin na kita.
08:13.0
Kung ayaw mong sundin, edi wag.
08:15.0
Samuel, break na tayo.
08:17.0
Ayaw ko kasi ng boyfriend na adik.
08:19.0
Pagbabanta niya sa akin.
08:22.0
Inasara ko ng mga kaibigan ko pagkatapos noon.
08:26.0
Habang ako aaminin ko na nasaktan ako sa pagbabanta ni Cher.
08:29.0
Dahil mahal na mahal ko siya.
08:32.0
Cher naman, huwag mo naman gawin sa akin ito.
08:35.0
Apil ako sa kanya.
08:38.0
Pero hindi nagpati nagsishare sa akin at nagmatiga siya sa kanyang desisyon.
08:43.0
Break na tayo, Samuel. And I mean it.
08:46.0
Samantala, dahil na rin siguro sa pangaasar ng mga kabarkada ko
08:50.0
at dahil na rin sa nasaktan ng pride ko ay nagpretend ako sa harapan ni Cher
08:55.0
na okay lang ang lahat.
08:58.0
Okay, fine. Break na tayo. Sinong tinakot mo?
09:01.0
Uy, Cher, hindi lang ikaw ang babae sa mundo.
09:04.0
At sino ka ba para gustuhin ko?
09:06.0
Hindi ka naman kagandahan at saka napaka-KJ mo ba?
09:10.0
Ang sabi ko sa aking girlfriend.
09:12.0
Dahil doon ay nakatikim ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya.
09:16.0
Siyempre, pumalag ako sa ginawa ng aking girlfriend.
09:20.0
Para matauhang ka sa mga pinaggagagawa mo,
09:23.0
dagdag pa niya, sabay walk out at iniwan pang bukasang pinto.
09:28.0
Nanatili naman kaming lahat sa loob ng kwarto
09:31.0
at ramdam kong nagsisimula ng umipekto sa katawan ko ang drogang tinik ko.
09:37.0
Malako sanang habulin pa si Cher pero bukod sa nagsisimula na ako maging high,
09:41.0
ay pinigilan pa ako ni Andrea.
09:44.0
Huwag mo nang habulin yun.
09:46.0
Halika, magsena lang tayo.
09:48.0
Makakalimutan mo na yung manang mong girlfriend.
09:52.0
Ang sabi pa nito sa akin.
09:55.0
Kaya napasalampak na lamang ako sa sahig kinalaunan
09:59.0
dahil pakiramdam ko ay bumabagal na ang takbo ng oras.
10:04.0
Mamayang kaunti ay naramdaman ko na parang lumulutang na ako sa alapaap.
10:09.0
Pero naantala yun nang biglang magsara ang pinto ng mag-isa.
10:13.0
Sa sobrang lakas ng pagkakasara ay parang bumalik kami sa nakakakilabot na realidad.
10:20.0
Tapos nasabayan pa ng pag-brownout, lahat kami tuloy ay nagpanik.
10:26.0
Ano ba yan Ronan?
10:28.0
Jumper yata itong kuryente ninyo e.
10:30.0
Paninisipan ni Andrea kay Ronan.
10:33.0
O eto yung rechargeable lamp.
10:36.0
Uyigan ni Ronan sabay bukas nito.
10:39.0
Ganito talaga rito e.
10:40.0
Jumper lang kasi ang ilaw ko kaya palagi nagbabrownout.
10:44.0
Ngunit naputo lang kanyang sinasabi.
10:47.0
Nang bigla siyang mapasigaw sa sobrang takot.
10:50.0
Agad ko namang sinaklalohan si Ronan.
10:53.0
Bakit? Anong problema?
10:55.0
Bakit ka parang takot na takot dyan?
10:58.0
Tanong ko sa kanya.
11:00.0
May nakita ako sa salamin e.
11:02.0
Sa salamin?
11:04.0
Takot na takot nitong sagot sakin.
11:06.0
Anong itsura?
11:07.0
Usisa ko pa sa kanya.
11:09.0
Pero nagsisigaw lamang si Ronan sa labis na takot.
11:13.0
Pero hindi yang seneryoso ng mga kaibigan kong high na sa drugs.
11:17.0
Naku, huwag niyo nang pansinin niyan si Ronan. Bangag na yan.
11:21.0
Biru pa ni Terrence.
11:23.0
Samantala, labis talaga akong nagdamdam
11:26.0
nang hiwalayan ako ni Cher ng gabing yun.
11:28.0
Kung sa bagay, naiintindihan ko siya kasi delikadong magkaroon ng boyfriend na addict.
11:33.0
Nunguna ay inakala ko na makakayanan ko ang pagkawala niya sa akin pero hindi pala.
11:39.0
Kaya ginawa ko ang lahat para bumalik siya sa akin.
11:42.0
Muli ko siyang sinuyo pero sa pagkakataon yun ay iniwasan na niya ko.
11:48.0
Sa kabilang banda naman, para maibsana ang sakit dulot ng breakup namin ni Cher,
11:53.0
ay nag-rely ako sa pag-take ng ipinagbabawal na gamot tulad ng pulang tabletang may nakaukit na mukha ng demonyo.
12:01.0
At dahil sa patuloy kong paggamit noon, ay isa-isa nang dumarating ang mga kinakatakutan ko.
12:09.0
Nagsimulang makarinig ako ng boses mula sa aking utak at palaging tinatawag ang pangalan ko.
12:16.0
Nunguna ay nakakaya ko pang hindi pansarin yun.
12:19.0
Pero sa pagdaan ng mga araw ay panala ito ng panala.
12:23.0
Ayokong tinggilan ang boses na bumubulong palagi sa akin.
12:27.0
Katulad na lamang isang araw habang sinusuyo ko si Cher na bumalik sa akin papadudut.
12:33.0
Bakit ba ang kulit-kulit mo ha? Sinabi ko na nga sa'yo na break na tayo.
12:38.0
Insist sa akin ni Cher. Ngunit nagpatuloy lamang ako noon sa pagmamakaawa.
12:45.0
Alam mo, simula nang mag-break tayo, hindi na ako makatulog kasi palagi kang laman ang utak ko.
12:51.0
Akala ko hindi ako magiging affected sa paghihuwalay natin pero nagkamali ako Cher.
12:56.0
Mahal na mahal kita, giit ko naman.
13:00.0
Kaya ako masyadong concerned sa'yo kasi mahal kita.
13:04.0
Hindi sa pinangihimasukan ko ang buhay mo pero concerned lang ako sa'yo kasi
13:08.0
ayokong mapahama ka ng dahil lang sa mga bisyo mo.
13:12.0
Hindi masama ang ginagawa ko sa'yo Samuel.
13:15.0
Kaso ayaw mo makinig sa'kin.
13:17.0
Ilang beses na kitang pinagsabihan pero ano?
13:21.0
Tuloy ka pa rin.
13:23.0
Ngayon, kung ayaw mong mapagsabihan,
13:27.0
Pwes, hindi akong babaeng para sa'yo.
13:30.0
Yon ang paliwanag niya sa akin.
13:33.0
Sige, pinapangako ko magbabago na ako.
13:36.0
Hindi na ako magbibisyo.
13:38.0
Huwag mo lang akong hiwala yan.
13:40.0
Weak ako sa kanya habang umiiyak.
13:43.0
Ilang beses mo nang sinabi sa'kin yan, Samuel.
13:46.0
Pero patuloy ka pa rin.
13:48.0
Sagot niya sa akin.
13:50.0
Patawarin mo ko.
13:52.0
Pero hindi akong babaeng nararapat sa'yo.
13:54.0
Ayaw ko sa adik.
13:56.0
Pagkatapos noon ay iniwan na niya ako ng tuluyan.
13:59.0
Pala ko sana siyang habulin
14:01.0
ng umalingaungao na naman sa utak ko ang isang boses.
14:05.0
At sa puntong yon,
14:07.0
nakakatakot na ang boses na tila bumubulong sa'kin.
14:11.0
Samuel.
14:13.0
Samuel.
14:15.0
Tawag nito sa akin.
14:17.0
Nagpanik na naman ako nang marinig ko yon.
14:20.0
Sino ka ba?
14:22.0
Kung wala kang magawa, pwede ba tigilan mo na ako?
14:25.0
Hysterical kong sabi sa misteryosong boses.
14:29.0
Sa'kin na.
14:30.0
Ang kanuluwa mo.
14:32.0
Bulong sa'kin ang boses.
14:34.0
Nang lumingon ako para tuntunin ang pinagmula ng boses
14:38.0
ay nanginig ang buong katawang ko
14:40.0
nang makita ko ang isang malaki, itim na halimaw na may sungay.
14:46.0
First time kong makakita ng gano'ng klase ng nilalang.
14:50.0
Kaya sobra akong nagpanik.
14:52.0
Nagtatakbo ako palayo pero ramdam kong sinundan niya ako papadudut
14:57.0
hanggang sa makita ko si Ronan na misteryosong nakatayo sa daanan.
15:03.0
Agad ko siyang nilapitan para hinga ng tulong.
15:07.0
Pero nang makalapit ako sa kanya ay bingla akong kinabahan.
15:11.0
Para sa kaibigan ko, wala siya sa sarili niya.
15:16.0
Para bang may kung anong nilalangang pumasok sa kanyang katawan.
15:21.0
O, anong nangyari sa'yo?
15:24.0
Bangag ka ba ngayon?
15:26.0
Concern na tanong sa'kin ng kaibigan.
15:30.0
Samuel, kinukuha na niya ako.
15:33.0
Seryoso niyang sabi sa akin.
15:36.0
Nagulat at naguloha naman ako sa kanyang sinabi.
15:39.0
Anong sabi?
15:41.0
Muli din naman niyang inulit ang kanyang sinabi.
15:44.0
Samuel, kinukuha na niya ako.
15:48.0
Sa puntong yun ay nag-hysterical na ako.
15:51.0
Sino? Sino ang gustong kumuha sa'yo?
15:54.0
Bumaling sa'kin si Ronan at kinilabutan ako sa kanyang itsura.
15:59.0
Seryoso ang ekspresyo ng kanyang mukha pero namumula ang kanyang mga mata at parang lumuluha ito.
16:06.0
Kinukuha na niya ako.
16:08.0
Kinukuha na niya ako, Samuel.
16:10.0
Hindi niya ako tinitigilan.
16:12.0
Sa puntong yun ay naramdaman kong may takot na sa kanyang boses.
16:17.0
Sino ba yung humahabol sa'yo?
16:19.0
Sindikato ba? Mga polis? Ano?
16:22.0
Hindi kasi kita maintindihan?
16:24.0
Natatakot kong tanong sa kanya.
16:26.0
Kukunin daw nila tayong lahat.
16:29.0
Yun ang huling sinabi sa akin ni Ronan bago siya muling nawala sa sarili at nagulat na lamang ako
16:34.0
nang bigla siyang nagpasagasa sa matuli na bus.
16:38.0
Papadudodkitang kita ko ang nangyari sa aking kaibigan at halos mapasigaw ako sa sobrang takot
16:44.0
nang makita kong nalasog ang kanyang katawan.
16:47.0
Pagkatapos noon ay nagtakbo na ako palayo ngunit patuloy akong sinunda noon ng nakakatakot na boses.
16:54.0
Samuel, kukunin ko na ang kaluluwa mo,
16:59.0
sabi pa sa akin ang boses sa aking utak.
17:02.0
Sino ka ba? Bakit mo ba ako tinatawag?
17:06.0
Pwede ba kung sino ka man, tigilan mo na ako.
17:09.0
Halos mabaliw na ako noon sa kakasigaw sa boses sa utak ko.
17:14.0
Papadudod simula noon ay hindi na ako tinantanan ng nakakatakot na boses.
17:20.0
Sa tuwing naririnig ko siya ay hindi ko maiwasan ng matakot
17:24.0
kasi pakaramdam ko ay nagagaling sa impyerno ang boses na yon.
17:28.0
Hanggang sa tumagal pa ang ilang araw at palala ng palala mga bangungot ko papadudod.
17:35.0
Pero hindi lang ako ang nag-iisa dahil pati ang mga kabargada ko ay nararanasan din ang kakaibang bangungot na yon.
17:43.0
Ang pinagkaiba nga lang noon ay gising kami habang binabangungot.
17:47.0
Papadudod hindi ko alam ang gagawin ko noon, lalo na tuluyan ng nagpakita sa akin ang jablo isang araw.
17:55.0
Samuel, narinig ko na naman ang boses na yon sa aking utak.
18:01.0
Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?
18:05.0
Naiiyak at nanginginig na ako sa takot ng mga sandaling yon.
18:09.0
Sa akin na ang kalalawa mo.
18:11.0
Pagkatapos noon ay biglang nagpakita ulit sa akin ang nakakatakot na nilalang na may sungay.
18:16.0
Lumayo ka sa akin, lumayo ka sa akin.
18:19.0
Ginawa ko ang lahat para tumakbo at makalayong sa kanya pero parang pinipigilan noon ang buong katawang ko na makatakbo palayo.
18:27.0
Lalayo pa ba ako kung pinapapasok mo na ako sa katawan mo?
18:32.0
Samuel, akin ka na. Hindi na tayo magihiwalay pa.
18:37.0
Natatandaan kong sabi sa akin ng nilalang na yon.
18:40.0
Bigla kong nagising, bangungot lang palang lahat.
18:44.0
Ngunit takot na takot parang ako kapag naaalala ko ang itsura ng nilalang na nagpakita sa akin.
18:51.0
Hanggang sa biglang nagring ang aking cellphone.
18:54.0
Nang sagutin ko yon ay narinig ko ang takot na takot na boses ni Andrea.
18:58.0
Samuel, ayaw ko na.
19:00.0
Umiiyak na sabi niya sa kabilang linya.
19:03.0
Ha? Anong ibig mong sabihin?
19:06.0
Nagugulo hang tanong ko sa kanya.
19:08.0
Agad na bang samagot si Andrea?
19:11.0
Natatakot na ako. Ayaw niya akong tantanan, Samuel.
19:14.0
Kinukuha na niya ako.
19:16.0
Nakaramdam ako ng labis na takot sa aking narinig.
19:21.0
Hindi kitang maintindihan, Andrea.
19:23.0
Sino ba yung gumugulo sayo?
19:25.0
Alam mo, ganyan din yung sinasabi sa akin ni Ronan bago siya namatay.
19:29.0
Natatarantang wika ako sa kanya.
19:32.0
Naririto na siya.
19:34.0
Nagbabalik siya. Nagbabalik siya, Samuel. Kukuni na niya ako.
19:38.0
Wika sa akin ni Andrea.
19:40.0
Pagkatapos noon ay naputol na ang kanyang tawag.
19:43.0
Simula noon, papadudot ay hindi na ako nakatulog.
19:47.0
Sinubukan kong mag-take ulit ng drugs at nagbabaka sakaling mawala ang lahat ng takot ko.
19:52.0
Pero kinaumagahan ay lalo akong nagimbal nang mabalitaan kong tumalun si Andrea mula sa 27th floor ng kondo.
19:59.0
Papadudot takot na takot ako noon.
20:02.0
Hindi ko alam kung saan ako magtatago.
20:05.0
Kahit saan ako magpunta ay sinusundan ako ng Diablo.
20:08.0
Pero kung dati hanggang sa boses ko lang siya narinig,
20:12.0
nagsimula na ring magpakita sa akin ang Diablo.
20:15.0
Nakakatakot ang anyo niya.
20:17.0
Ayaw ko nang i-describe pa pero halos maihi ako sa salawal sa tuwing nagpapakita siya sa akin.
20:24.0
Papadudot nasa sayo na lang yan kung maniniwala ka sa akin.
20:29.0
Sa mga ikinagkwento ko, pero lahat ng iyan ay nangyari talaga sa akin.
20:34.0
Siguro yung epekto ito ng drogang pinapasok ko sa katawang ko.
20:38.0
Pero kahit naitigil ko pa siya at magsisi sa mga kasalanan ko ay hunin na ang lahat.
20:44.0
Hawak na noon ng Diablo ang utak ko.
20:47.0
Papadudot alam ko na ang istorya ko ay hindi akma sa tema ng programa mo tungkol sa kwentong pag-ibig.
20:53.0
Pero ibinahagi ko pa rin kasi alam kong maraming aralang mapupulot dito.
20:58.0
Papadudot tama pala noon ang sinasabi ng mga matatanda na laging nasa huli ang pagsisisi.
21:04.0
Alam ko naman dati na masama ang magbisyo, lalo na ang gumamit ng droga.
21:09.0
Pero dahil sa likas kong pagiging adventure seeker nalang ng kabataan ko ay sinubukan ko yun.
21:15.0
At ngayong nasubukan ko na ay alam ko na ang epekto.
21:18.0
Gustohin ko mang itigil ay hindi ko na magawa kasi hinahanap-hanap na siya ng katawang ko.
21:24.0
Hanggang hindi ko namamalaya noon na hindi na pala ako ang dating Samuel na matino.
21:30.0
Papadudot hindi pa rin natapos ang bangungot ko noon, patuloy akong ginambala ng Diablo.
21:36.0
Unti-unti nang namamatay noon ang mga kabarkada ko at alam kong ako na ang susunod sa kanila.
21:42.0
Papadudot takot na takot ako noon. Ayaw kong mamatay.
21:47.0
Pero sadyang agresibo ang demonyo sa pagkuha sa kaluluwa ko.
21:51.0
Wala siyang tigil sa kakasabing kukunin niya ang kaluluwa ko.
21:55.0
Samantala naglakas na ng loob si Mama para alamin ang aking problema.
22:00.0
-"Samuel, anako ano ba nangyayari sa'yo? Bakit ka nagkakaganyan?"
22:05.0
nag-aalala ang tanong ni Mama sa akin.
22:08.0
-"Ginugulo niya ako, inay. Ayaw niya akong tigilan."
22:12.0
Natatarantang sagot ko habang patuloy ang boses ng Diablo sa pangugulo sa utako.
22:18.0
Kaya parang baliw akong nagwala noon sa bahay namin.
22:23.0
-"Ano? Bakit hindi ka magpakita sa akin, hayop? Kapapatayin kita.
22:27.0
Kahit na demonyo ka pa, hindi ako natatakot sa'yo,"
22:31.0
sabi ko sa boses na naririnig ko.
22:35.0
Pero muling nag-ring ang aking cellphone.
22:37.0
Agad ko yung kinuha at sinagot.
22:39.0
Ang bunga kala ko ay kaibigan kong si Terrence ang tumatawag pero
22:43.0
ang narinig ko ay ang boses ng girlfriend niyang si Laika.
22:47.0
Takot na takot itong nagsasalita sa kabilang linya.
22:50.0
-"Si Terrence nagwawalan, magtatangkang magpakamatay,"
22:55.0
natatarantang wika niya sa akin.
22:57.0
-"Tumawag na ako ng barangay tanod kanina pero hindi pa sila dumarating.
23:01.0
Samuel, natatakot na ako,"
23:04.0
ang sabi pa niya sa akin.
23:06.0
Nanginig naman ako sa takot nang marinig ko si Laika na nagmamakaawa kay Terrence
23:11.0
na bitawan na nito ang baril na hawak.
23:13.0
-"Terrence, parang awa mo na, bitawan mo na yung baril mo,"
23:17.0
narinig kong sabi ni Laika sa kanyang boyfriend.
23:20.0
-"Ayaw niya akong tigilan. Gusto niya akong kunin.
23:24.0
Gusto niya akong dalhin sa empyerno,"
23:26.0
takot na takot na wika ni Terrence.
23:29.0
-"Laika, itanong mo kay Terrence kung sino bang gumagambala sa kanya,"
23:33.0
ang sabi ko naman kay Laika.
23:35.0
Narinig naman ni Laika ang sinabi ko at tinanong niya ang boyfriend
23:39.0
kung ano ang kinakatakutan nito.
23:41.0
-"Terrence, sino bang gumagambala sa iyo?"
23:44.0
narinig ko pang tanong ni Laika.
23:46.0
-"Demonyo? Gusto kong kunin ang demonyo?"
23:50.0
takot na takot na wika ni Terrence.
23:53.0
-"Pakisabi kay Samuel na siya na ang susunod na mamamatay."
23:57.0
Namutla ako at halos maihiya ko sa selwal
24:00.0
nang marinig ko ang sinabing yun ni Terrence.
24:03.0
Pagkatapos noon ay narinig ko na si Laika na natatananta
24:06.0
dahil tinutukan na siya ng baril ng kanyang boyfriend
24:09.0
hanggang sa umalingaungao sa kabilang linya ang tatlong putok.
24:13.0
Alam ko na ang ibig sabihin noon.
24:15.0
Binaril na ni Terrence ang kanyang girlfriend.
24:18.0
Halos mawalan ako ng bait sa sarili nang marinig ko
24:21.0
ang karumaldumal na krimen na ginawa ni Terrence.
24:25.0
Pamayang kaunti ay narinig kong kinuha ni Terrence
24:27.0
ang cellphone ni Laika at misteryosong nagsalita sa akin.
24:32.0
-"Ikaw na ang susunod. Parating na siya."
24:35.0
Nakakakilabot na wika ni Terrence.
24:38.0
Pagkatapos ay umaling umalingaungaawang putok ng baril.
24:42.0
Dahil sa aking narinig ay tuluyan na akong tinakasa ng bait ng araw na yon.
24:48.0
Papadudod simula noon ay lumala ng lumala ang bangungot ko.
24:52.0
Nagbago na rin ako noon ng katauhan.
24:55.0
Hindi ko na alam noon ang ginagawa ko
24:57.0
basta ang natatandaan ko lang ay sigaw lamang ako ng sigaw
25:00.0
dahil sa takot.
25:02.0
Dahil sa mga kakaiba kong kilos na ipinapakita
25:06.0
na bahala sa akin noon ang nanay ko
25:08.0
pati rin ang ex-girlfriend kong si Cher
25:11.0
kaya gumawa na sila noon ang paraan para tantananako ng diablo.
25:15.0
-"Kumalma ka, Samuel. Tumingin ka sa mga mata ko.
25:19.0
Ngayon sabihin mo sa akin kung anong bumabagabag sa iyo."
25:23.0
Worded na tanong sa akin ni Cher.
25:26.0
-"Cher, nakakakita ako ng demonyo. Kinukuha niya ako.
25:30.0
Alam ko siya rin ang kumuha ki na Ronan, Andrea at Terrence.
25:34.0
Cher, natatakot na ako. Ayaw kong mamatay."
25:39.0
Nanginginig kong sabi sa kanya.
25:41.0
-"Huwag ka mag-isip ng ganyan. Hindi ka mamamatay. Walang demonyo.
25:47.0
At kung meron man ay wala silang panlaban sa kapangyarihan ng Diyos.
25:51.0
Samuel, kaya nangyayari sa iyan kasi kulang ka sa pananampalataya sa Diyos.
25:56.0
Magbalik loob ka sa kanya. Mahalin mo ulit siya."
26:00.0
Ang payo ni Cher sa akin.
26:02.0
Ngunit muli ko na lamang narinig ang tawag ni Taning.
26:06.0
-"Samuel! Samuel!"
26:10.0
-"Cher, ayan na naman siya. Narinig ko naman ang boses niya."
26:14.0
Natatarant akong sabi sa kanya.
26:17.0
-"Samuel, wala kang narinig. Walang demonyo. Lahat iyan ay imahinasyon mo lang."
26:22.0
Sabi naman sa akin ang concern kong ex-girlfriend.
26:26.0
-"Hindi, merong demonyo. Nagpapakita siya sa akin."
26:29.0
Insist ko sa kanya.
26:31.0
-"Walang demonyo. At kung may demonyo man, iyon ay ang mga bisyo ninyo.
26:36.0
Lalo na yung bawal na gamot. Iyon ang katotohanang sumampal sa akin papadudot."
26:41.0
-"Samuel, hindi mangyayari sa iyan kung hindi ka gumagamit ng droga.
26:46.0
Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na makakasamayan sa iyo.
26:50.0
Ngayon, tingnan mo ang nangyayari sa iyo."
26:52.0
Dagdag pa ni Cher sa akin.
26:56.0
-"Tulungan mo ako. Gusto ko na magbagong buhay. Gusto ko na magbalik loob sa Diyos."
27:02.0
Hopeless na sabi ko sa kanya.
27:04.0
Pero isang mainit na yakap ang ibinigay sa akin ni Cher,
27:07.0
na sa mga sandaling iyon ay alam kong Diyos ang aking kayakap at ginamit lamang niya,
27:12.0
ang ex-girlfriend ko bilang kanyang instrumento para gumaan ng aking pakiramdam.
27:18.0
Pagkatapos noon, papadudot ay dinala ako noon sa rehab center.
27:23.0
Pero kanalaunan ay trinansfer ako sa isang mental hospital
27:26.0
dahil na-diagnose na may sakit na ako sa pag-iisip.
27:30.0
Pero papadudot, kahit na ilang beses nila akong gamutin doon,
27:33.0
ay hindi na ako tinantala ng diyablo.
27:37.0
May pagkakataon pa nga, papadudot, na gusto ko nang magpakamatay.
27:42.0
Pero agad din akong napipigilan na mga nag-aalaga sa akin doon.
27:47.0
Hanggang sa isang araw ay napagtanto namin
27:50.0
na ang mga nangyayari sa akin ay pawang hallucinations lamang,
27:53.0
dulot ng pag-take ko ng pulang tabletas na binansagang kong devil's tablet o devil's drug.
28:00.0
Papadudot ng mga panahon yun, halos iisa lang ang gusto ko,
28:04.0
ang mamatay na.
28:06.0
Pero hindi ako pinayagan ng ex-girlfriend ko at nilaan niya ang sarili niya.
28:12.0
Para gumaling ako.
28:14.0
Matagal ako nag-stay sa mental hospital.
28:16.0
Bagamat sinusundan pa rin ako noon ng diyablo, ay nilabanan ko na siya.
28:21.0
Nagbaliklo ba ko sa Diyos.
28:23.0
Itinoon ko ang sarili ko o sa ibang bagay para bumilis ang paggaling ko.
28:28.0
Hanggang sa iyo na nga, unti-unting nawala ang sumpa ng diyablo sa akin.
28:32.0
Limang taon ng lumipas, ay tuloyan din akong gumaling.
28:36.0
Doon ay malaki ang naging pasasalamat ko sa Diyos.
28:39.0
Kasi hindi niya ako pinabayaan.
28:41.0
Sa ngayon, papadudot ay normal na ulit ang buhay ko.
28:45.0
Isa ko ngayon sa mga Volunteers Against Drug Addiction.
28:50.0
Madalas ko ngang binabahagi ang karanasan ko sa mga kabataan para hindi nila subukang gumamit ng droga.
28:56.0
Bukod sa pagiging volunteer, aktibo na rin ako sa mga gawaing pangsimbahan.
29:00.0
Sa kabilang banda, kahit na hindi kami nagkatuluyan ni Cher, ay nanatili kaming magkaibigan hanggang sa kasanukuyan.
29:09.0
Papadudot hanggang dito na lamang ang sulat ko sa iyo.
29:12.0
Sana'y magsilbi itong inspirasyon sa mga nakakarami.
29:16.0
Payo ko lang sa mga kabataan diyan ay huwag na huwag ninyong subukang gumamit ng droga kung ayaw ninyong maranasan ang naranasan ko.
29:24.0
Malagi ninyong tatanda na nasa huli ang pagsisisi.
29:27.0
Muli maraming salamat and more power sa inyong programa and God bless.
29:33.0
Lubos na nagpapasalamat, Samuel
29:38.0
Ito ang isa sa nagpapatunay na wala talagang naidududot na maganda sa ating katawan ang pagkukulong sa bisyo.
29:47.0
Lalo na po sa ipinagbabawal na gamot.
29:49.0
Sisirain lamang nito hindi lamang ang inyong isipan kundi ang inyong buong katawan.
29:54.0
Bukod ba roon ay maudyokan pa kayo na gumawa ng masama sa iyong sarili o sa ibang tao.
30:00.0
Siguro totoo ang demonyo na nagaan niyo bilang isang tableta, powder o iba pang mga substance.
30:06.0
Na kapag inyong ininom ay masasaniban agad ang iyong isipan.
30:11.0
Kaya sa mga ka online na nakikinig ngayon stay away from drugs.
30:16.0
Samantala natutuwa kaming malaman na nalampasan din ni Samuel ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
30:23.0
Binigyan ka ng second chance ng ating Panginoon.
30:26.0
Kaya pahalagahan mo na ito.
30:27.0
Muli maraming salamat sa iyo Samuel sa pagbabahagi mo sa amin ng kwentong kapupulutan ng aral ng nakakarami.
30:57.0
Laging may lungkot at saya.
31:03.0
Sa papatudod stories, laging may karamay ka.
31:16.0
Mga problemang kaibigan.
31:21.0
Dito ay pakikinggan ka.
31:28.0
Sa papatudod stories, kami ay iyong kasama.
31:40.0
Dito sa papatudod stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
31:53.0
Dito sa papatudod stories, may nagmamahal sa'yo.
32:05.0
Papatudod stories.
32:11.0
Papatudod stories.
32:18.0
Papatudod stories.
32:34.0
Papatudod stories.