Close
 


5 Mental Tricks Paano Mabilis Makaipon : Ipon Tips
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa video natin ngayon, ibabahagi ko sayo ang 5 Mental Tricks na makakatulong sayo sa pag-iipon. Seguradohing mapanuod mo ang buong video, para malista mo ang mga mahahalagang aral. At kung bago ka palang sa aming channel, inaanyayahan kitang magSUBSCRIBE at mag-invest ng iyong oras sa panunuod ng aming videos. Salamat.. . VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #ipontips #iponchallenge #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 14:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
KAHIT MAGAIBA TAYO NANG SITUASYON, MAGAIBA NANG GUSTO AT MAGAIBA NANG MGA DESISYON, AT THE END OF THE DAY, PAREHO TAYONG NAGKAKASUNDO SA IDEA NANG PERA, KUNG ANO ANG MAGAGAWA NITO SA ATING BUHAY AT KUNG BAKIT ITO MAHALAGA.
00:24.6
Karamihan sa atin ay nagtatrabaho para kumita ng pera, dahil kapag meron kang pera, madali mo lang mabibili ang iyong mga gusto, magiging magaan o convenient ang iyong pamumuhay at higit sa lahat napagagaan sa pagiramdam kapag alam mo na marami kang choices.
00:40.6
Kaya naman normal lang na lahat tayo ay naghahangad ng maraming pera at meron tayong iba't ibang paraan sa pagkuhan ng pera. It's either sa pagtatrabaho, pagnenegosyo at pagiinvest. Nagbibigay tayo ng value, produkto at servisyo kapalit ang pera.
00:57.1
Pero iyong majority sa atin, ang desisyon kapag nakakatanggap ng pera ay 100% nito ay napupunta lang sa gastos at wala nang natitira para sa kanilang ipon. Ang cycle ay parang nagtatrabaho lang sila, ipinagpalit nila ang kanilang oras at skills tapos kapag natanggap na nila ang kanilang income ay binalik nila ito lahat sa mga kumpanya na nagbibenta ng mga bagay na gusto nilang bilhin. Kaya sa huli, natatrap sila sa rat race at namumuhay paycheck to paycheck.
01:26.6
So ano ang mabuting solusyon? Ang solusyon ay sa tuwing natatanggap mo ang iyong income ay huwag lang puro gastos. Kailangan mong mag-isip long term. Dapat mo rin i-consider ang iyong mga pangangailangan sa hinaharap katulad ng iyong retirement, investment, insurance at emergency fund. Kahit hindi mo pa mapapakinabangan ang mga ito sa ngayon, mabuting meron ka ng plano sa mga ito dahil hindi natin mapipigilan ang takbo ng panahon.
01:53.6
Darating ang time na tatanda na tayo at kailangan na nating magretiro. At mahalagang meron ka rin investment sa panahon na yun para kahit papaano ay meron ka pa rin income kahit hindi ka na nagtatrabaho. Kaya maging responsable ka sa iyong pera. Dapat ay ginagawa mong priority ang pag-iipon at gumawa ka rin ng spending plan para magastos mo ang iyong pera sa mga meaningful na bagay. At alam ko na hanggang ngayon ay hindi madaling gawin ang pag-iipon.
02:20.6
Kahit yung mga tao na kumikita ng malaking halaga ay nahihirapan sa parting ito. Meron kasi tayong mga positive emotion at negative emotion na nag-i-influence ng ating mga desisyon. Halimbawa, kapag gumagastos tayo, ang emotion na palaging connected sa karanasan na yun ay ang ating positive emotion. Masaya tayo dahil nakukuha natin ang ating mga gusto, nasatisfy natin ang ating craving sa mga bagay.
02:46.6
Pero kapag nag-iipon naman tayo, kinokunekta naman natin ang ating mga negative emotion sa gawain na yun dahil sa tingin natin ay boring at parang naisasakripisyon na natin ang ating mga gusto. So ang goal mo para makaipon ka ng pera at makamit ang iyong financial goals taon-taon ay itrick mo ang iyong utak, ikabit mo ang positive emotion sa mga desisyon na makakatulong sayo long term. Kung gusto mong makaipon ng pera, kailangan mong gawing rewarding ang proseso ng pag-iipon.
03:15.6
Kaya naman sa video natin ngayon, ibabahagi ko sayo ang 5 mental tricks na makakatulong sayo sa pag-iipon. Siguraduhin mapanood mo ang buong video para malista mo ang mga mahahalagang aral. At kung bago ka pa lang sa aming channel, inaanyayahan kitang mag-subscribe at mag-invest ng iyong oras sa panonood ng aming videos. Salamat!
Show More Subtitles »