Close
 


5 Mental Tricks Paano Mabilis Makaipon : Ipon Tips
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa video natin ngayon, ibabahagi ko sayo ang 5 Mental Tricks na makakatulong sayo sa pag-iipon. Seguradohing mapanuod mo ang buong video, para malista mo ang mga mahahalagang aral. At kung bago ka palang sa aming channel, inaanyayahan kitang magSUBSCRIBE at mag-invest ng iyong oras sa panunuod ng aming videos. Salamat.. . VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #ipontips #iponchallenge #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 14:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
KAHIT MAGAIBA TAYO NANG SITUASYON, MAGAIBA NANG GUSTO AT MAGAIBA NANG MGA DESISYON, AT THE END OF THE DAY, PAREHO TAYONG NAGKAKASUNDO SA IDEA NANG PERA, KUNG ANO ANG MAGAGAWA NITO SA ATING BUHAY AT KUNG BAKIT ITO MAHALAGA.
00:24.6
Karamihan sa atin ay nagtatrabaho para kumita ng pera, dahil kapag meron kang pera, madali mo lang mabibili ang iyong mga gusto, magiging magaan o convenient ang iyong pamumuhay at higit sa lahat napagagaan sa pagiramdam kapag alam mo na marami kang choices.
00:40.6
Kaya naman normal lang na lahat tayo ay naghahangad ng maraming pera at meron tayong iba't ibang paraan sa pagkuhan ng pera. It's either sa pagtatrabaho, pagnenegosyo at pagiinvest. Nagbibigay tayo ng value, produkto at servisyo kapalit ang pera.
00:57.1
Pero iyong majority sa atin, ang desisyon kapag nakakatanggap ng pera ay 100% nito ay napupunta lang sa gastos at wala nang natitira para sa kanilang ipon. Ang cycle ay parang nagtatrabaho lang sila, ipinagpalit nila ang kanilang oras at skills tapos kapag natanggap na nila ang kanilang income ay binalik nila ito lahat sa mga kumpanya na nagbibenta ng mga bagay na gusto nilang bilhin. Kaya sa huli, natatrap sila sa rat race at namumuhay paycheck to paycheck.
01:26.6
So ano ang mabuting solusyon? Ang solusyon ay sa tuwing natatanggap mo ang iyong income ay huwag lang puro gastos. Kailangan mong mag-isip long term. Dapat mo rin i-consider ang iyong mga pangangailangan sa hinaharap katulad ng iyong retirement, investment, insurance at emergency fund. Kahit hindi mo pa mapapakinabangan ang mga ito sa ngayon, mabuting meron ka ng plano sa mga ito dahil hindi natin mapipigilan ang takbo ng panahon.
01:53.6
Darating ang time na tatanda na tayo at kailangan na nating magretiro. At mahalagang meron ka rin investment sa panahon na yun para kahit papaano ay meron ka pa rin income kahit hindi ka na nagtatrabaho. Kaya maging responsable ka sa iyong pera. Dapat ay ginagawa mong priority ang pag-iipon at gumawa ka rin ng spending plan para magastos mo ang iyong pera sa mga meaningful na bagay. At alam ko na hanggang ngayon ay hindi madaling gawin ang pag-iipon.
02:20.6
Kahit yung mga tao na kumikita ng malaking halaga ay nahihirapan sa parting ito. Meron kasi tayong mga positive emotion at negative emotion na nag-i-influence ng ating mga desisyon. Halimbawa, kapag gumagastos tayo, ang emotion na palaging connected sa karanasan na yun ay ang ating positive emotion. Masaya tayo dahil nakukuha natin ang ating mga gusto, nasatisfy natin ang ating craving sa mga bagay.
02:46.6
Pero kapag nag-iipon naman tayo, kinokunekta naman natin ang ating mga negative emotion sa gawain na yun dahil sa tingin natin ay boring at parang naisasakripisyon na natin ang ating mga gusto. So ang goal mo para makaipon ka ng pera at makamit ang iyong financial goals taon-taon ay itrick mo ang iyong utak, ikabit mo ang positive emotion sa mga desisyon na makakatulong sayo long term. Kung gusto mong makaipon ng pera, kailangan mong gawing rewarding ang proseso ng pag-iipon.
03:15.6
Kaya naman sa video natin ngayon, ibabahagi ko sayo ang 5 mental tricks na makakatulong sayo sa pag-iipon. Siguraduhin mapanood mo ang buong video para malista mo ang mga mahahalagang aral. At kung bago ka pa lang sa aming channel, inaanyayahan kitang mag-subscribe at mag-invest ng iyong oras sa panonood ng aming videos. Salamat!
03:37.6
Number 1. Ikumpara mo ang oras na dapat pagtrabahoan sa halaga ng bagay na gusto mong bilhin. Halimbawa, meron kang nagustuhang sapatos na worth 4,000 pesos. Sa halip na magpadala agad sa iyong emosyon, isipin mo muna ang katumbas na oras na dapat mong pagtrabahoan bago mo iyan bilhin.
03:55.6
Kung sakaling nagtatrabaho ka ng walong oras araw-araw at ang iyong daily income ay 500 pesos, ibig sabihin katumbas ng walong araw na pagtatrabaho o 64 hours ang halaga ng sapatos na iyan. At kung tatanungin mo ang iyong sarili, worth it ba ang isang sapatos para pagtrabahoan mo ng walong araw?
04:15.6
Kapag ganito kang mag-isip, kung palagi mong kinukumpara ang oras ng iyong pagtatrabaho sa halaga ng isang bagay, matutulungan ka nitong gumawa ng mabuting desisyon sa iyong pera at pahalagan palalo ang iyong oras. Kung hindi mo pa ito nasubukan, I highly suggest na subukan mo ang mental trick na ito para mas maging aware ka sa iyong mga financial decisions at para na rin maipon mo ang iyong pera sa halip na mapunta ito sa mga bagay na hindi mo kailangan sa long term.
04:43.6
Number two, magkunwari ka na kumikita ka lang ng 20% less sa income mo ngayon. Kung ikaw ay isang empleyado na medyo matagal na sa iyong trabaho, naranasan mo na rin bang sa tuwing merong increase ang iyong sahod ay sumabay din ang pagtaas ng iyong expenses? Yung kung magkano ang iyong income ay ganun din ang iyong expenses?
05:03.6
Common kasi na pag-uugali ng karamihan sa tuwing nakakatanggap sila ng pera ay ang gastusin lang ito. Hindi nila iniisip ang kahalagahan ng pag-iipon at pag-iinvest. Kaya hindi ka magtataka kung bakit ang dating kumikita lang ng 15,000 pesos buwan-buwan ay wala pa rin ipon hanggang ngayon kahit kumikita na ito ng 30,000 pesos.
05:23.6
Ang pangyayaring ito ay ang tinatawag na lifestyle inflation at isa ito sa dahilan kung bakit karamihan sa atin ay walang ipon at lubog palagi sa utang. Maraming dahilan kung bakit madalas napapagastos ng sobra yung iba sa atin. Una, wala silang financial literacy. Hindi nila pinapahalagahan ang daloy ng kanilang pera, kung magkano ang perang dumating at saan ito madalas napupunta.
05:49.6
Hindi sila gumagawa ng budget at wala silang alam sa basic ng personal finance. Pangalawa, peer pressure o yung kagustuhan na makisabay sa uso. Kung ano ang meron sa mga kaibigan at mga taong hinahangaan sa social media, dapat ay meron din sila. At pangatlo, gumagamit ng utang.
06:07.6
Dahil sa ingay ng mundo natin ngayon at sa dami ng mga nagbibenta ng sarisaring produkto, sa tingin mo rin ay kailangan mo ng maraming bagay. At sa tulong ng utang, makukuha mo na ang mga bagay na gusto mo ngayon kahit hindi mo pa ito afford. Kung meron kang ganitong pag-uugali at kapag pinagpatuloy mo ito ng mahabang panahon, paniguradong malaking problema ang iyong sasapitin.
06:30.6
So kung nahihirapan kang mag-ipon ngayon, subukan mong gawin ang mental trick na ito. Kung sakaling ang iyong income ay 15,000 pesos buwan-buwan, itabi mo agad ang 20% nito o ang 3,000 pesos. Iponin mo agad yan, automatic. At ang natirang 80% naman o 12,000 pesos, magkunwari ka na yan lang ang income mo sa isang buwan at yan ang gagamitin mo sa iyong mga wants at needs.
06:56.6
Kahit mahirap o parang niluloko mo lang ang iyong sarili sa ganitong activity, gusto kong isipin mo at tanungin ang iyong sarili na what if totoo talaga na 12,000 pesos lang ang income mo sa isang buwan? Anong discarte kaya ang gagawin mo para mapagkasya ito? Maghahanap ka ba ng ekstrang mapagkakitaan? Meron ka bang ibabawas sa iyong expenses?
07:17.6
Minsan, kulang lang tayo sa challenge. Masyado nating binubusog ang ating sarili. Kaya ang resulta, hindi tayo nagiging creative, hindi na tayo nagsasakripisyo at wala tayong naiipon.
07:31.6
3. Sumali ka sa mga ipon challenge. Ang pagsali sa mga ipon challenge ay makakatulong sa iyo para makapag-ipon ka ng mabilis. Kung nahihirapan kang mag-ipon at hindi mo pa ito nang subukan, siguro ay ito na ang solusyon.
07:46.6
Kung bakit naging trending kamakailan ang mga ipon challenge at kung bakit ito tinangkilik ng karamihan, yun ay dahil human nature na talaga natin na mag-adapt o sundin kung ano ang common na ginagawa ng mga tao sa ating paligid.
07:59.6
Kung isesearch mo ngayon ang salitang ipon challenge, paniguradong marami kang makikitang kwento at strategy ng pag-iipon na pwede mong gamiting inspirasyon para sumubok rin sa challenge na ito. At ang good news, marami na rin mga community nito online na pwede mong salihan.
08:15.6
May mga ipon challenge template na mabibili mo sa mga online shop kagaya ng isang lata na merong guide kung ilang bills ang dapat mong ihulog at magsasum up ng 50,000 to 60,000 pesos.
08:27.6
Meron namang mga envelope na halos pareho lang din ang paraan ng pag-iipon. Pero kung meron kang ibang paraan at goal sa iyong pag-iipon, pwede kang gumawa ng sarili mong guide at gawin itong challenge.
08:39.6
Pwede kang mag-ipon ng 50 pesos araw-araw sa loob ng isang taon o di kaya sa tuwing nakakatanggap ka ng 200 pesos ay ihulog mo ito agad sa alkansya.
08:49.6
Kung gusto mo namang maging specific, pwede kang mag-set ng iyong goal, kung magkano ang gusto mong maipon at para saan mo ito gagamitin. Mag-set ka rin ng timeline, kung hanggang kailan ka mag-iipon.
09:00.6
Tapos gumawa ka ng action plan kung magkano ang kailangan mong maipon buwan-buwan o ano mga desisyon ang dapat mong gawin para maabot mo ang iyong goal.
09:09.6
Halimbawa, gusto mong makaipon ng 120,000 pesos sa loob ng isang taon para sa iyong emergency fund. Ang goal ay 120,000 pesos at ang timeline ay isang taon. Para maabot mo ang goal na ito, dapat ay mag-iipon ka ng 10,000 pesos every month o 2,500 pesos every week.
09:30.6
Sa ganitong paraan, ginagawa mong malinaw kung paano abutin ang iyong goal at ginagawa mo ring priority ang pag-iipon. At mahalagang paalala kung nag-iipon ka, mahalagang bigyan mo rin ng konting reward ang iyong sarili, halimbawa every month o every quarter, para manatili kang motivated at nag-i-enjoy sa iyong pag-iipon.
09:50.6
Walang goal na mahirap abutin kung meron kang magandang sistema at nag-i-enjoy ka sa iyong ginagawa. Ang ipon challenge ay makakatulong sa'yo na gawing masaya ang proseso ng pag-iipon.
10:03.6
4. Practice Delayed Gratification
10:06.6
Sa tuwing meron kang nagugustuhang bagay, maghintay ka muna ng at least dalawang araw at huwag magpadalos-dalos sa pagbili. Dahil ang mangyayari kapag merong delay sa iyong desisyon, mabibigyan mo ang iyong sarili ng sapat na oras para mag-isip ng maayos o mag-analyze kung kailangan mo ba talaga ang isang bagay at ang pinakamahalaga ay kung afford mo ba.
10:28.6
Tandaan na ang sakses sa pag-iipon ay hindi yan nakabase sa kung gaano ka katalino. Sa halip, yan ay pumapabor sa disiplina at kakayahan na pigilan ng sarili na magpadala sa emosyon.
10:40.6
Nauso na sa panahon natin ngayon ang mga instant. Gusto natin ang mas convenient at mas mabilis. At halos lahat ng transaksyon na dati ay ilang oras pa o araw ang aabutin bago makumpleto, ngayon ay isang pindot na lang ng screen.
10:54.6
Maganda ito at malaking tulong para mapabilis ang ating mga gawain. Pero dahil nasanay tayo sa mabilis, karamihan sa atin ay nakakalimutan na na meron pa rin mga bagay na nangangilangan ng mahabang panahon bago magbunga ng maganda, katulad ng pag-iipon at pag-iinvest.
11:11.6
Kaya mahalagang sanayan mo ang iyong sarili na magkaroon ng mahabang basensya sa mga bagay na makakatulong sayo sa long term.
11:19.6
Number 5. 50-30-20 Rule. Ang problema ng karamihan sa atin kaya hindi tayo nakakapagipon ng pera, yun ay dahil wala tayong alam na sistema kung paano dapat gamitin ang ating income.
11:32.6
Sa ibang salita, kailangan natin gumawa ng budget para every time na matatanggap natin ang ating income, magagawa natin ito ng plano kung magkano ang mapupunta sa gastos at magkano ang gusto natin ipunin.
11:45.6
Kung matagal ka ng tagasubaybay sa aming channel, siguradong familiar ka na sa 50-30-20 Rule na budgeting method.
11:52.6
Ang budgeting method na ito ay madali lang sundin at maganda itong guide para sa pagmamanage ng ating pera at para na rin makapagipon tayo ng mabilis.
12:02.6
Minsan, nahihirapan tayong mag-ipon dahil wala tayong method o strategy na sinusunod, kaya napakahalagang malista mo sa iyong papel ang 50-30-20 budgeting method.
12:13.6
Ang ibig sabihin ng 50-30-20 ay 50% ng iyong income ay mapupunta sa iyong needs o mga bagay na kailangan mo para mabuhay, 30% ay mapupunta sa iyong wants o mga gusto at 20% naman ay mapupunta sa iyong ipon.
12:30.6
So kung ang monthly income mo ngayon ay 15,000 pesos, una mong itabi ang 20% nito o 3,000 pesos, mahalagang ipon muna bago ka gumastos.
12:41.6
Tapos ang 50% o 7,500 pesos ay gagamitin mo sa iyong mga pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, kuryente, damit, sabon at iba pa.
12:53.6
Ang 30% naman o 4,500 pesos ay gagamitin mo naman ito sa iyong mga wants, gusto mo ba itong gamitin sa iyong mga subscriptions o di kaya ay para pang samgyup sa labas, nasa sayo na yan kung saan mo gagamitin as long as hindi lumagpas ng 30% sa iyong income.
13:11.6
Ang budgeting method na ito ay makakatulong sayo na gawing magaan ang iyong paggastos at pag-iipon.
13:19.6
So in summary, ang limang mental tricks na dapat mong gawin simula ngayon para makaipon ka ng mabilis ay number one, ikumpara mo ang oras na dapat pagtrabahuan sa halaga ng bagay na gusto mong bilhin.
13:31.6
Number two, magkunwari ka na kumikita ka ng 20% less sa income mo ngayon.
13:36.6
Number three, sumali ka sa mga ipon challenge.
13:39.6
Number four, practice delayed gratification.
13:42.6
At number five, gamitin mo ang 50-30-20 budgeting method.
13:47.6
Sa limang mental tricks na tinalakay natin ngayon, alin sa mga ito ang marami kang natutunan?
13:52.6
Magbigay ka ng iyong comment sa ibaba.
13:54.6
Sana'y marami kang natutunan sa video natin ngayon.
13:57.6
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
14:03.6
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account at mag-follow.
14:07.6
I-like kung nagustuhan mo ang video, mag-comment ng iyong mga natutunan at ishare mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
14:14.6
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!