Close
 


Paano Kung Itapon Natin Ang Mga Basura Sa Mga Bulkan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano kung itapon natin ang mga basura sa mga bulkan at hayaan ang init nito na tunawin ang ating basura? ano sa tingin mo ang mangyayari? maaari nga bang solusyon ito? Tara pag usapan natin sa videong ito. Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #science #whatif #volcano
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano kung itapon natin ang ating basura sa mga bulkan?
00:04.3
Ayon sa mga datos, mahigit sa 2 billion na toneladang basura ang tinatapon natin taon-taon.
00:10.6
Ito ang rason bakit nagkakaproblema tayo sa ating waste management.
00:15.5
Paano kung itapon na lang natin ito sa mga bulkan at hayaan ng init nito na tunawin ang ating basura?
00:21.5
Hmm, ano sa tingin mo ang mangyayari?
00:24.2
Maaari nga bang solusyon nito?
00:26.5
Una, kailangan muna natin mahanap ang tamang bulkan na siyang susunog sa ating basura.
00:31.9
Kailangan natin humanap ng bulkan na active.
00:35.2
Ayon sa available data, mahigit sa 1,500 vulcanoes sa mundo ang active.
00:41.1
Pero, hindi sapat na active ang isang bulkan.
00:44.3
Kailangan itong may lava lake sa loob.
00:47.4
Ano nga ba ang isang lava lake?
00:50.0
Ang lava lake ay ang natunaw o tumigas na lava na matatagpuan sa crater ng mga bulkan.
00:56.2
Ito ang susunog sa mga basura natin.
00:58.9
Ang mga bulkang may lava lake ay tinatawag na shield volcanoes.
01:03.6
Siyempre, hindi naman lahat ng shield volcanoes ay may lava lakes.
01:07.5
Subalit, ang mga lava lakes ay karaniwang natatagpuan sa shield volcanoes.
01:12.8
Iba ito sa stratovolcanoes na siyang karaniwang sumasabog dahil sa pressure ng mainit na gas at magma.
01:20.6
Hindi mo pwedeng itapon dito ang mga basura dahil mas malaki ang tsansa na sumabog ang mga bulkang ito.
01:27.5
Balik tayo sa shield volcanoes.
01:29.9
Ayon sa mga eksperto, walong bulkan lamang sa mundo ang na-record nila na may active na lava lakes.
01:37.2
Ilan sa mga ito?
01:38.7
Ang Kilauea, Mount Erebus sa Antartica, at ang Nyiragongo sa Democratic Republic of Congo.
01:45.9
Ilan sa mga active volcanoes ay puno ng bato ang loob o lumamig na ang lava tulad ng sa Mount St. Helens.
01:53.6
Ngayon alam na natin kung aling mga bulkan ang pwede natin gamitin.
01:56.9
Kailangan naman natin pumili mula sa mga ito.
01:59.5
Hindi lahat ng lava lakes ay may pareho na temperature.
02:02.7
Noong sumabog ang Kilauea, naglabas ito ng basalt na lava.
02:07.0
Ang basalt ay isang tipo ng lava na karaniwang mas mainit at mas fluid kumpara sa ibang mga klase ng lava.
02:14.8
Umaabot sa init na 2,000 degrees Fahrenheit ang init ng lava na nilalabas ng bulkan.
02:21.0
Mas mainit pa ito sa mga ordinaryong waste incinerators na siyang sumusunog ng basura sa init na 1,800 hanggang sa 2,200 degrees Fahrenheit.
02:32.6
Di hamak na mas mainit ang basalt kesa sa dacite lava na siyang lumabas ng sumabog ang Mount St. Helens sa Washington.
02:41.0
Nagkaroon lamang ito ng surface temperature na 1,300 degrees Fahrenheit.
02:46.1
At sa totoo lang, kahit na makahanap at gumamit tayo ng bulkan na may lava lake na mahigit sa 2,000 degrees Fahrenheit, may isa pang problema.
02:55.6
Oo, kaya nitong tumunaw ng mga karaniwang basura natin na tulad ng tiratirang pagkain, papel, plastic, glass at ilang uri ng metal.
03:05.4
Pero mahihirapan ito sa pagsunog ng ilang mga common materials na tulad ng steel, nickel at iron.
03:12.4
Maliban dito, may ilang problema pa tayong kakaharapin kung itatapon natin ang ating basura sa mga bulkan.
03:19.0
Isang magandang tanong ay, paano natin dadalhin ang ating mga basura doon?
03:23.7
Karamihan sa mga active shield volcanoes ay matatagpuan sa mga lugar kung saan malayo ang mga tao.
03:29.9
Siyempre, naniniigurado din ang mga mamamayan na tumitira sa mga lugar na ito na ligtas sila kung sakaling sasabog ang bulkan.
03:37.7
Kaya naman, magiging mahirap ang pagkolekta at paghatid ng ating mga basura sa bulkan.
03:43.7
Kailangan pa natin magtayo ng infrastructure para ligtas natin itong mahahatid doon.
03:49.3
Sa madaling salita, kung sisimula natin ihulog ang ating mga basura sa mga bulkan, kailangan natin gumastos ng malaking halaga.
03:57.1
Hindi rin ito ligtas para sa mga taong gagawa nito.
04:00.1
Isipin mo na lang kung isa ka sa mga naka-assign na magtapon ng basura.
04:04.1
Mainit ang bibig ng bulkan at maraming poisonous gases sa hangin na nakapalibot dito.
04:09.9
Kaya naman, kailangan mo talaga magsuot lang tamang mga protective attires upang walang masamang mangyayari sayo.
04:17.1
Subalit maliban pa doon, may mga tumatalsik na lava malapit sa bibig ng bulkan na pwedeng tumama.
04:23.6
May ilang mga bato rin natatapon mula dito.
04:26.6
Kung may mahuhulog ng mga bato sa lava lakes, iluluwa ito sa sobrang init na kung minsan ay humaabot pa sa 85 meters ang taas na napupuntahan ng mga bato.
04:35.6
Oo, ganun kalakas ang pagkatapon.
04:38.6
Kung matamaan ka nito, siguradong mahuhulog ka rin mula sa kinatatayuan mo.
04:43.6
Sana nga lang, matatapon ka sa labas.
04:46.6
Kung bibili pa tayo ng helicopter o anumang klaseng aircraft upang ito ang magbagsak ng basura sa bibig ng bulkan, mas malaki pa ang magagastos natin.
04:56.6
Pero sige, paano kung nakahanap nga tayo ng tamang bulkan para sa pagsunog ng basura?
05:02.6
Nakakuha na rin tayo ng budget para magtayo ng infrastructures para sa project at nakabili na tayo ng helicopters na gagamitin.
05:10.6
Okay na ang lahat, kaya ang tanong na lang ngayon, ano nga ba ang mangyayari kung itatapon natin ang basura sa lava lakes ng bulkan?
05:18.6
Ano ang mga epekto nito sa atin?
05:21.6
Noong 2002, isang grupo ng Ethiopian researchers ang nagtapon ng basura sa Erta Ale volcano na may lava lake at nagulat sila sa nangyari.
05:31.6
May bigat na 66 pounds ang basura na itinapon ng mga researchers at binagsak nila ito mula sa 262 feet.
05:39.6
Agad na nabasag ang crust ng lava lake at kinain nito ang basura.
05:43.6
Umapoy ang basura at nagkaroon ng malilit na explosions ang lava lake.
05:48.6
Ito ay dahil unstable ang mga lava lakes at kung magtatapon ka dito ng isang bagay na hindi kasing init ng temperature doon, magkakaroon nito ng chain reaction ng mga malilit na pagsabog.
06:00.6
Ang pagsabog ay maglalabas ng pressurized at acidic steams.
06:04.6
Kung ganoon ang reaction sa pagtapon ng ganoon kalit na basura, ano kaya ang mangyayari kung ang lahat ng basura sa mundo ay itatapon sa lava lake ng mga bulkan?
06:14.6
May ilang mga waste materials na tulad ng pressurized containers o chemicals na posibleng magkaroon ng matinding reaction sa napakainit na lava lakes.
06:24.6
Pwede itong magdala ng mga malilit na mga pagsabog sa lava lakes mismo.
06:28.6
Kahit na masunog man ang karamihan sa mga basura natin, maglalabas ito ng mga gas at ilan pang toxic substances na posibleng makapolyuth sa ating atmosphere.
06:39.6
Bukod pa dyan, ang ilalabas ng mga nasusunog na basura ay pupunta sa hangin na ating nilalanghap at posibleng itong magdala ng air pollution.
06:50.6
Ang greenhouse gases na nagmumula sa pagsusunog ng basura ay magdadala ng mas maraming carbon dioxide at pollutants sa ating atmosphere, na siyang pwedeng maging sanhinang climate change.
07:02.6
Magiging contaminated din ang lava dahil sa ilang mga basura na hindi nito natunaw.
07:08.6
Kapag pumupunta ang lava sa kalapit na mga lupa, daladala nito ang ating maduming basura na pwedeng magkaroon ng masamang epekto sa mga kalapit na lugar.
07:16.6
Isa pang mahalagang tanong, paano pag sumabog ang bulkan na pinagtatapunan natin?
07:21.6
Ang mga lava lakes ay unstable at unpredictable. Hindi natin alam kung paano ito magre-react kung itatapon natin ang ating mga basura doon.
07:29.6
Siyempre, posibleng itong makaapekto sa mismong bulkan. Kung maaapektuhan ng eruption behavior ng isang bulkan dahil sa mga basura, mas mahirap nating mahuhulaan kung kailan ito sasabog at magiging delikado ito para sa atin.
07:43.6
Ang mga bulkan ay naglalabas na ng mga gases at particulates tuwing sumasabog ito. May iisip mo na lang kung ano ang ilalabas nito kung idadagdag pa natin ang ating basura sa loob. Siguradong makakaapekto ito sa hangin na ating nilalanghap.
07:59.6
Isa pa, pag sumabog ang bulkan, lahat ng mga dumi natin na hindi natunaw sa init ay sasamang lalabas sa lava pag sumabog ito.
08:07.6
Hindi lang mapupuno ng lava ang kalapit ng mga lugar, kundi mapupuno rin ito ng maruruming basura.
08:14.6
May mga ethical problems din ang pagtapon ng basura sa mga bulkan. May mga international laws na magbabawal dito dahil makakasira ang epekto nito sa ecosystem at makakasama sa pamumuhay ng future generations.
08:27.6
Maliban dyan, may ilan din mga indigenous communities na itinuturing na sagrado ang mga bulkan. Isang native Hawaiian group ang naniniwala na ang Bulkang Kilauea ang bahay ng native Hawaiian goddess na si Pele.
08:40.6
Kung magtatapon tayo ng basura dito, magiging malaking insulto ito para sa mga grupong ito.
08:47.6
Sa huli, tila isang simpleng sitwasyon man ito kung iisipin, maraming masasamang epekto ang pagtapon at pagsunog ng ating mga basura sa lava lakes ng mga bulkan.
08:57.6
Hindi lang tayo ang maapektuhan, kundi pati na rin ang ating kapaligiran. Kaya naman, mas maiging mag-focus na lang tayo sa pagiging responsable sa ating mga basura.
09:07.6
Sundin natin ang apat na R, Reduce, Reuse, Recycle at Recover.
09:14.6
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutang mag-subscribe sa Bubly Youtube Channel at pindutin ang notification bell.