Close
 


AUTOPSIYA NI NIDA BLANCA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Umaga, nakita ng isang security guard ang sasakya ng aktres na si Nida
00:05.7
at dito ay may umaagos na pulang likido.
00:09.1
Ito naman ang kinalabasan ng otopsia ni Nida Blanca.
00:13.6
Ipinangalak bilang si Dorothy Quinto Jones
00:17.4
ng ika-anim ng Enero ng taong 1936.
00:20.8
Ito ay sa Gapan sa Nueva Ecija.
00:23.2
Ang ama nito ay si John William Jones Jr.
00:26.7
At ang ina naman nito ay si Inocencia Viles Quinto.
00:30.9
Lebing limang taong gulang palamang si Nida
00:33.2
nang unang lumabas sa pinilakang tabing
00:35.8
sa tulong ng aktres na si Delia Razon
00:39.1
ng ika-anim ng Oktobre ng taong 1951.
00:42.5
Unang nasilayan ng madla ang galing ni Nida pagdating sa pag-arte.
00:46.8
Lagpas isang dekada, nahirang ito bilang ang reyna ng pelikula.
00:51.6
Madalas na ito ay lumalabas sa mga komedi
00:54.5
kasama ang kanyang kapareha sa kamera
00:56.9
na si Nestor De Villa
00:58.9
sa diyang napagaling na aktres nitong si Nida.
01:01.6
Ilan sa mga ginampana nito ay ang pagiging madre
01:04.3
hanggang sa pagiging butihin na asawa
01:06.8
sa TV series na ang John at Marsha.
01:09.9
Sa seryeng ito sa telebisyon,
01:11.8
ginampana nito ang asawa ng isang ordinaryong mahirap na Pilipino.
01:16.5
Kahit pa siya ay galing naman sa masaganah na pamilya.
01:20.1
Nang taong 1958, kasama niya ang aktres
01:23.3
na si Silvia Latorre at Leroy Salvador
01:26.4
sa pelikulang Tuloy ang Ligaya.
01:28.7
Kung tagumpay si Nida sa kanyang kapareha sa pelikula,
01:32.3
dalawang beses naman po ito na nag-asawa.
01:34.7
Unang umibig ang batikang aktres sa kanyang unang sininta
01:38.5
na si Victorino Torres.
01:40.3
Ang supling nila ni Nida ay dalawang taong gulang pa lamang
01:44.2
nang maghiwalay ang dalawa.
01:46.2
Kalaunan muli itong nagpakasala sa kanyang kalawang asawa
01:49.9
na si Roger Lawrence Trunk.
01:52.4
Si Roger naman ay isang Amerikanong mga awit
01:55.4
at isa rin naman na aktor.
01:57.2
Nag-isang dibdib ang dalawa ng taong 1979.
02:00.7
Sa katagalan, ang mag-asawang Nida at Roger
02:03.9
ay muling bumalik sa Pilipinas.
02:06.1
Gabi ng ika-anim ng Nobyembre ng taong 2001,
02:10.1
nawala ang batikang aktres.
02:11.8
Matapos na ito, ay lumabas kasama daw ng kanyang mga kaibigan.
02:16.1
Samantalang ang kanyang personal na sekretarya na si Elena de la Paz
02:20.0
ay napansin ang tila ba kanyang pagkawala.
02:22.7
Agad netong tinawagan ng kanyang mga kaibigan.
02:25.7
Ngunit maging sila ay hindi rin pala alam kung saan ito ay nagpunta.
02:30.4
Nagpunta si Elena sa Atlantis Center upang doon naman siya ay hanapin.
02:34.8
Doon nakaparking pa rin ang sasakyan ng aktres.
02:38.3
Kaya inakala ng lahat na baka ito ay meron lamang dinaanan,
02:42.3
sinamahan o baka namang merong sariling pinuntahan.
02:45.8
Ngunit kinabukasan isang tawag ang kanilang natanggap mula sa gwardya ng establishmento.
02:51.4
Ayon sa kanya na ang sasakyan nitong si Nida Blanca ay naroon pa,
02:56.2
ngunit ito ay may pulang likido na umaagos mula doon.
03:00.6
Doon natagpuan nila ang katawan ng batikang aktres at wala na itong buhay.
03:05.2
Ang Kinalabasan ng Otopsia
03:07.6
Lumalabas na labing tatlong beses si Nida ang ginamitan ng matalim na sandata.
03:12.7
Ngunit di ito ang tinuturong dahilan na naging sanhinamana ng kanyang kamatayan.
03:18.0
Ayon sa detalye, ang itinuturong sugat na direct ang ikinasawi nito
03:22.5
ay ang sugat nito sa leeg na deretso mula sa kanan hanggang sa kaliwa.
03:28.1
Sa lalim nito ay tinamaan nito ang malaking ugat sa leeg ng beteranang aktres.
03:33.6
Tatlo din ang nakitang sugat sa ilalim ng kilikili nito.
03:37.1
May mga gasgas din ito at galos sa kanyang muka.
03:40.5
Wala namang nakitang sinyalis na nanglaba ng aktres.
03:43.2
Malinis ang kanyang sasakyan at tila doon lamang siya ay inilagay.
03:47.9
Sa tansya ng mga nag-otopsia sa aktres,
03:50.7
na ito ay pumanaw ng mula Ika-4 hanggang Ika-5 ng madaling araw.
03:55.6
Ito ay ng Ika-7 ng Nobyembre ng taong 2001.
03:59.8
Tatlo hanggang apat na oras bago ito ay matanaw ng gwardya.
04:03.5
Ayon sa mga taga-soko na malambot pa ang katawa ng aktres
04:07.4
nang ito ay kanilang kunin mula sa kanyang sasakyan.
04:11.0
Sa embestigasyon lumabas na nagtamo ng labing tatlong sugat,
04:14.7
sinida mula sa matulis na bagay.
04:17.0
At ito ay ginawa nang siya ay hindi na humihinga pa.
04:20.8
At dahil sa mga patak ng pulang likido,
04:23.4
nalaman na ito ay hinila lamang pala talaga papunta sa kanyang sasakyan.
04:28.6
Ang laging pangunahing sospek sa pagkuhan ng buhay ng batikang aktres
04:32.7
ay ang mismong mister nito, walang iba kung hindi si Rod Strunk.
04:37.0
Dito na buo ang buong kwento maging ang motibo.
04:40.7
Dahil sa bisyo nito, inalis ni Nida si Rod sa mga makakakuha ng kanyang magiging mana.
04:47.3
Lumabas na umaabot sa higit sa 85 milyong piso ang pag-aari ni Nida Blanca,
04:54.1
kasama na ang kondo nito sa San Juan at ang bahay nito sa Amerika.
04:58.7
Ayon sa tala na kung tuluyang hihiwalaya ni Nida si Rod,
05:02.2
ay wala itong makukuha ni Sinko mula sa aktres.
05:05.8
Ngunit kung papanaw naman si Nida bago mangyari ang ligal na paghihiwalay nilang dalawa,
05:11.6
kahit pa wala sa mana itong si Rod ngunit bilang ligal na asawa,
05:16.3
ay makakakuha pa rin ito ng porsyento sa kaanuman ang maiiwan niya.
05:20.6
Kaya naman kompleto na ang kasong isinampa kay Rod Strunk,
05:24.6
lalo na at sumuko ang sinasabing inupahan nito
05:28.0
upang maisakatuparan ang kanyang plano.
05:30.8
Ito ayon kay Philip Medell,
05:33.1
siya ay inupahan ni Strunk upang isagawa ang kanyang nais na mangyari.
05:38.1
Ngunit apat na araw pa lamang ang lumilipas ay binawi na nito ang kanyang pahayag
05:42.8
at sinabi na pinahirapan daw siya ng husto ng mga otoridad
05:46.6
kaya siya ay napilitang umamin sa kasalanang hindi naman daw niya ginawa.
05:51.5
Ganun pa man na natiling si Rod ang pangunahin na sospek.
05:55.4
Enero ng taong 2002 lumipad ito papuntang Amerika
05:58.8
at ang idinahilan nito ay may sakit daw ang kanyang ina.
06:02.3
Ngunit hindi na ito muling bumalik pa ng Pilipinas.
06:05.8
Dalawang beses na nag-request ang pamahalaan ng Pilipinas
06:09.2
sa pamahalaan ng Estados Unidos
06:11.8
upang pabalikin si Strunk at harapin ang mga kaso na sa kanya ay isinampa.
06:16.6
Ngunit hindi ito pinagbigyan ng Amerika.
06:19.4
July 11 ng taong 2007,
06:22.2
kinuha ni Strunk kanyang sariling buhay
06:24.6
nang ito ay lumundag sa gusaling kanyang tinitirahan.
06:28.1
Ito ay sa California, sa Bansang Amerika.
06:30.9
Marami ang spekulasyon na lumabas mga katinagalog
06:34.1
na sinasabing hindi daw siya tinitigilan ng pagmumulto ni Nida Blanca.
06:38.4
Ayaw naman sa kaisa-isang supling ni Nida na si Kate Horse
06:41.6
na kumbensido-kumbensido ito na si Philip Medell ang kumuha ng buhay ng ina.
06:47.3
Ito ay dahil sa kautusan nga nitong si Rod Strunk.
06:50.8
Kaya naman si Philip Medell ay nanatiling nakakulong hangang sa Ikapito ng Abril ng taong 2010
06:56.6
sa edad na 60 at dalawang taong gulang.
06:59.1
Ay pumanaw ito dahil sa sepsis nang naging komplikasyon ng kanyang sakit na pneumonia.
07:05.2
Natiling nakapending ang kaso ng aktres na si Nida Blanca.
07:09.0
Ito ay kahit pangawala na ang dalawang tao na kumuha naman sa buhay niya.
07:13.6
Mga katinagalog ko, naniniwala po ba kayo na si Rod Strunk ay minulto ni Nida Blanca?
07:19.4
O hindi naman kaya ay konsensya niya ang mismong bumabagabag sa kanya?
07:24.4
Isulat po ang inyong sana o bin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
07:30.6
Ang may pinakamagandang comment po ay magkakamit ng 100G cashload.
07:35.0
Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.