Close
 


IRIS | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 43:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadodo Stories, ikaw ay hindi nag-iisa
00:12.0
May ilang tao na may kakayanan na makakita ng mga kaluluwa at kung ano-ano pa ang mga elemento.
00:20.0
Ang iba'y nagagawa pa nilang makausap ngunit meron din naman na hindi alam kung paano gagamitin ang ganitong kakaibang kakayahan.
00:28.0
Dahil sa pinangungunahan sila ng takot.
00:32.0
Bago po tayong magpatuloy ay na-invite ko po kayong lahat na mag-subscribe sa aking YouTube Channel.
00:39.0
Hanapin din po ang Kaistorya YouTube Channel at Papadudod Family YouTube Channel.
00:46.0
Sana po ay suportahan po ninyo ang lahat na mga channel na ito.
00:52.0
Mga ka-online, ano ang gagawin mo kung sakali na halos araw-araw ay may nakikita kang mga hindi nakikita ng normal na mga mata?
01:01.0
Masasabi mo bang regalo o isang sumpa ang ganitong kakayahan?
01:08.0
Dear Papadudod, magandang araw po sa ating lahat. Isa po kong fan ng channel mo, Papadudod.
01:15.0
At lahat ng upload mo ay pinakikinggan ko, lalo na kapag horror.
01:20.0
Pero kahit horror, ang pinakikinggan ko ay may aral pa rin akong nakukuha sa bawat kwento.
01:27.0
Itago nyo ako sa pangalang Iris. Sa kasalukuyan ay 31 years old na ako at may sarili ng pamilya.
01:36.0
Ang aking ikakwento ay nangyari noong bata pa ako kasi doon nagsimula ang katatakutan sa aking buhay.
01:43.0
Bali yun din ang reason kung bakit ngayon ay mahilig akong makinig at manood na mga horror.
01:49.0
Hindi ko nasasabihin ang eksaktong lugar kung saan nangyari ang lahat pero kalabarason yun.
01:55.0
Lumaki ako sa isang probinsya. Hindi namang ganong kayaman ang family ko, sakto lang.
02:01.0
Nakakarao sa buhay. Tatlo kami magkakapatid at ako ang panganay.
02:06.0
Ang nanay ko ay nagtitinda dati ng ulam at merienda. Si tatay naman ay sa munisipyo nagtatrabaho.
02:14.0
Based sa kwento ng nanay ko ay bata pa lamang ako ay nakakakita na raw ako ng kaluluwa.
02:20.0
Noong 5 years old daw ako ay meron daw akong nakikitang white lady sa malaking puno ng mangga, sa harapan ng bahay.
02:29.0
Out of nowhere ay tatawa na lamang daw ako at may tinuturo sa puno na yun.
02:35.0
Kapag tinatanong nila ako kung anong tinuturo ko ang sinasagot ko ay babaeng na kawhite.
02:40.0
May mga kwento na kasi ang ibang tao na madalas dumaan sa harapan ng aming bahay na may nakikita nga silang white lady doon.
02:50.0
Lalo na tuwing gabi at madaling araw.
02:54.0
Sinasabi yun ng mga tao kinananay at tatay pero mga magulang ko mismo ay wala naman silang nakikita.
03:01.0
May nakapagsabi pa nga raw na meron daw nakabaon na kayamanan sa ilalim ng puno ng mangga na yun.
03:09.0
At ang white lady ang nagbabantay.
03:12.0
Sabi ni nanay inakala nila na imagination ko lamang ang nakikita kong white lady kasi ganoon naman daw talaga kapag bata pa.
03:21.0
Masyadong malawak at malikot ang imagination.
03:26.0
Nang magsimula kong pumasok sa school ay nakinormal naman ang lahat.
03:31.0
Nagkaroon ako ng mga kaibigan at kahit papaano ay nag-excel ako sa pag-aaral kaya palagi ako may honor noon.
03:39.0
Active din ako sa mga extracurricular activities papa dudot.
03:44.0
Sumasali ako kapag may palaro ng badminton at table tennis.
03:50.0
Minsan ay nilalaban din ako sa quiz bee.
03:54.0
Mahilig din ako mag-drawing kaya kapag may drawing contest ay ako ang isinasali ng section namin.
04:01.0
Mula kinder hanggang grade 4 ay normal pa rin ang lahat papa dudot.
04:06.0
Hindi ko na rin nakikita yung sinasabi nilang white lady sa may puno ng manga.
04:12.0
Nang ikwentong ayon ni nanay sakin ay wala talaga ako maalala dahil siguro sa sobrang bata pa ako na mangyari yon.
04:19.0
Kahit na hindi rin ako sure kung nakakakita ba talaga ako ng kaluluwa o baka dahil sa dalalamang ng malikot kong imagination ong bata pa lamang ako.
04:28.0
Pagtungtong ko na grade 5 ay doon na unti-unti nagsimula ang lahat ng kabamalaghan sa aking buhay.
04:36.0
Kahit matagal nang nangyari, ang mga yon ay fresh na fresh pa rin yon sa memory ko papa dudot.
04:46.0
May namatay kasi sa lugar namin akumare ni nanay.
04:51.0
Sa pagkakatanda ko ay merong sakit yon kaya binawian ang buhay.
04:56.0
Isinama ako ni nanay sa unang gabi ng lamay para raw makalibre ako ng sopas.
05:02.0
Siyempre dahil bata pa ako noon.
05:04.0
Ay excited akong sumama kasi makakakain ako at hindi ko na iniisip na patay ang pupuntahan namin.
05:13.0
Hindi naman ganun kalayo yung pupuntahan naming lamay ng gabing yon. Siguro yung mga 5 minutes na lakaran lamang.
05:21.0
Hindi rin nakakatakot maglakad sa lugar namin ng gabi kasi may mga tao pa rin na nakatambay sa labas kahit na late na.
05:29.0
Habang naglalakad kami ni nanay ay may nakasalubong kaming isang babae na nakasuot ng puting bestida na bulak lakin.
05:40.0
Dahil sumakto na na nasa malapit na poste ng ilaw namin nakasalubong yung babae ay nakita ko ang mukha niya.
05:49.0
Napansin ko kaagad na parang malungkot siya at may malaking problema.
05:54.0
Tinawag ng babae si nanay sa pangalan ng nanay ko pero hindi ito pinansin ni nanay na parang walang narinig at nakita ang nanay ko.
06:04.0
Ang suplada mo naman ay hindi mo pinansin yung babae, kilala mo po ba yon? Turan ko sa nanay ko.
06:14.0
Sinong babae? Ang nagtatakang tanong ni nanay.
06:18.0
Yung nakasalubong po natin kanina, nakasuot ng white, tinatawag ka pa nga eh, tugon ko.
06:25.0
Wala akong nakita, hindi ko lang siguro napansin, sagot naman ang nanay ko.
06:31.0
Hindi ko naman binigyan ng kung anong kahulugan ng mga nangyari papadudod.
06:36.0
Para sakin ay baka nga hindi talaga napansin ni nanay yung babae kasi tutok siya sa dinadaanan namin.
06:44.0
Pagdating namin sa lamay ay medyo marami ang mga tao.
06:48.0
May mga kumakain, nagkwekwentuhan at nagsusugal.
06:52.0
Binigyan agad kami ni nanay ng tigisang mangkok ng sopas na kinain ka agad namin.
06:57.0
Nilapitang kami ng nanay na namatay at kinausap si nanay.
07:01.0
Hindi niya raw akalain na mawawala ang anak niya.
07:05.0
May dalawang anak daw itong iniwanan.
07:08.0
Nalaman ko rin na yung namatay ay ninang ng bunsukong kapatid sa binyag.
07:14.0
Nakipagkwentuhan pa si nanay sa ibang tao na naroon.
07:18.0
At dahil sa wala naman akong ginagawa ay nakaramdam ako ng pagkainip.
07:23.0
Nay, umuwi na po tayo?
07:27.0
Yakag ko sa nanay ko habang may kausap siyang babae.
07:31.0
Sandali lang, maya maya pa tayo aalis, turan pa ni nanay.
07:36.0
Nainip na po kasi talaga ako eh.
07:39.0
Wala namang po kong ginagawa dito, ang sabi ko.
07:43.0
Kararating pa lang natin?
07:46.0
Baka mamaya isipin na nagpunta lang tayo dito para makikain.
07:51.0
Pabulong na wika ni nanay.
07:54.0
Hindi ba yun naman po talaga ang dahilan kung bakit tayo nagpunta rito?
07:59.0
Ang sabi mo ay, para makakain tayo ng sopas, ang sabi ko.
08:04.0
Tinakpan ni nanay ang bibig ko gamit ang kamay niya.
08:09.0
At pinalakihan niya ako ng mga mata.
08:12.0
Na para bang nagbabanta na siya sa akin.
08:15.0
Pero kinulit ko siya ng kinulit at ang sabi ko ay inaantok na ko.
08:20.0
Hanggang sa nainis na nga si nanay sa akin at ang sabi niya,
08:24.0
kung alam niya na mag-aayak agad akong umuwi ay hindi na sana niya ako isinama.
08:29.0
Wala na rin nagawa si nanay at sinabi niya na uuwi na po.
08:32.0
Nagpahalam na siya sa nanay nang namatay at bago kami umalis,
08:36.0
ay sumilip muna si nanay sa kabaong at nagdasal.
08:41.0
Nakurious ako kung ano nga bang itsura ng tao kapag patay na.
08:45.0
Hindi pa kasi ako nakakakita ng gano'n ang time na yon, papadudot.
08:49.0
Abang nakapikit at nagdasal si nanay, sa harapan ng kabaong ay nilapitan ko siya.
08:55.0
Sumilip ako sa kabaong at para akong natuklaon ng ahas.
08:58.0
Nang makita ko yung babaeng na nasa loob ng kabaong.
09:02.0
Hindi ako pwedeng magkamali, papadudot.
09:05.0
Yung babaeng na nangkasalubong namin at tinatawag si nanay,
09:09.0
ayun din ang babaeng nasa kabaong.
09:12.0
Pati yung suot niya, ayun din.
09:15.0
Parehas.
09:17.0
Naparehas sila.
09:19.0
Kinalabit ko si nanay pero naggalit siya sa akin.
09:22.0
Ano ba Iris?
09:24.0
Nakita mong nagdarasal ako eh, singhal ni nanay.
09:28.0
Nanay, yung babaeng na yan, ang sabi ko.
09:32.0
Tumigil ka, patapusin mo ako sa pagdarasal dito,
09:36.0
ang sabi ni nanay kaya tumahimik na ako kesa sa maggalit siya sa akin
09:41.0
at mapalopan niya ako pagdating sa bahay.
09:44.0
After magdasal ni nanay ay umalis na kami.
09:46.0
Gusto ko nang sabihin sa kanya yung nakita ko pero naisip ko na sa bahay kung nalamang yung sabihin.
09:52.0
Ang akala ko ay didiretsyo na kami ng uwi pero tumambay muna kami sa isang lugawan na bukas 24-7.
09:59.0
O order na sana ako pero pinigilan ako ni nanay.
10:03.0
Ang sabi niya ay hindi kami kakain at atambay lang kami noon para magpagpag.
10:08.0
Ganun daw ang ginagawa niya.
10:10.0
Kailangan na pumunta muna sa ibang lugar bago umuwi sa bahay.
10:15.0
Baka daw kasi sumama sa amin ang kalaluwa noong namatay.
10:20.0
Parang ililigaw daw yung kalaluwa.
10:23.0
Medyo natakot ako sa mga sinabi ni nanay kasi may chance pala na sumama sa amin ang isang kalaluwa kapag galing ka
10:31.0
at tumatakot ako sa mga sinabi ni nanay kasi may chance pala na sumama sa amin ang isang kalaluwa kapag galing ka
10:40.0
sa isang lamay.
10:42.0
Ilang minuto lang kaming nagstay sa lugawan at umuwi na kami.
10:47.0
Isa lang pala ang kwarto sa bahay namin kaya magkakatabi kami sa pagtulog.
10:52.0
Abang nakahiga na kami ni nanay ay doon ko na sinabi sa kanya ang mga nangyari.
10:58.0
At kailan ka pa natutong gumawa ng kwento?
11:00.0
Tanong ni nanay after kong magkwento sa kanya.
11:03.0
Hindi po ko gumagawa ng kwento.
11:06.0
Nagsasabi ako ng totoo.
11:08.0
Yung babaeng nakasalubong natin sa daanan ay yung babaeng na nasa kabaong.
11:13.0
Nay, may third eye yata ako.
11:17.0
Huwi ka ko.
11:19.0
Third eye, third eye.
11:20.0
Tumahimik ka na ha Iris.
11:22.0
Matulog ka na at may paso ka pa bukas sa wine ni nanay sa akin.
11:26.0
Pero hindi ba ang sabi mo sa akin dati ay meron ako nakikitang white lady sa puno ng mangga?
11:32.0
Dati pa ay meron akong third eye.
11:34.0
Nay, huwi ka ko.
11:36.0
Tumigil ka na sabi Iris.
11:38.0
Huwag mong hilingin na magkaroon ka ng third eye
11:40.0
dahil baka mabaliw ka kapag araw-araw ko nakakakita ng patay
11:44.0
ang sabi ni nanay.
11:46.0
Hindi na ako nagsalita pa kasi galit na ang nanay ko.
11:50.0
Hindi mawala sa isipan ko ang mga pangyayaring yun, Papa Dudut.
11:54.0
Sigurado kasi ako na nagpakita talaga sa akin yung kaniluanong patay na babae.
11:59.0
Ang matindi pa.
12:00.0
Napanaginipan ko yung babae na yun.
12:03.0
Umiiyak siya sa panaginip niya.
12:05.0
At sinasabi niya na ayaw pa niyang iwanan ang mga anak niya.
12:09.0
Yun ang unang beses na may na-experience akong ganon na meron akong kamalayan.
12:15.0
Yung tungkol naman kasi sa white lady ay hindi ko na siya naaalala.
12:19.0
Hindi ko pa nga yun malalaman kung hindi sa akin naikwento ni nanay.
12:24.0
Nang maranasan ko yun
12:25.0
ay nalaman ko na hindi pala talaga pwede akong makakakita ng kaluluwa kasi natakot talaga ako.
12:34.0
Kaya hindi ko nalahiniling na makakita muli ako.
12:38.0
Kiling ko Papa Dudut kapag mas grabe pa ang mga nangyari sa akin sa susunod ay baka himatay na ako sa sobrang takot.
12:45.0
Noong grade 6 ako ay mas lalong lumala ang mga na-experience ko sa mga kaluluwa, Papa Dudut.
12:53.0
Dahil sa matagal nang hindi ako nakakakita ay nakala ko na yun na ang first and last.
12:59.0
Pero hindi pa pala dahil mas marami pa akong ma-experience na mas nakakatakot.
13:06.0
Dahil sa grade 6 na ako ng time na yun at graduating na ay talagang pinush ko ng sobra ang sarili ko.
13:15.0
Target ko kasi na kahit sa lotatorian ay masungkit ko.
13:19.0
Alam ko kasi na hindi ko kaya ang maging valediktoryan.
13:24.0
Kasi may kaklase na ako na alam naming lahat na siya ang makakakuha noon.
13:30.0
Isa pa ay may narinig ako na makakakuha ng college scholarship at malaking tulong yun sa akin at sa mga magulang ko.
13:39.0
Kung dati nag-aaral ako ng mabuti, sinabi ko sa sarili ko na mas mag-aaral pa ako ng mas mainam.
13:44.0
Siyempre kasama rin doon ang pagpapabango sa teacher namin na si Ma'am Cora.
13:50.0
Kapag may inuuto si Ma'am Cora ay talaga namang ginagawa ko kasi baka makadagdag pa ako ng grades o kaya ay magkaroon pa ako ng award na most industrious.
14:01.0
Hindi ba?
14:03.0
May mga kaklase ako na nagsasabi na lintaraw ako kasi masyado akong sip-sip sa advisor namin.
14:08.0
Noong una po ay nasasaktan at naiinis ako pero naisip ko na kung papakinggan ko sila ay baka hindi ako makapagfocus sa pag-aaral ko.
14:20.0
Baka kaapekto pa yun sa akin.
14:24.0
Ang pinagtutunan ko na lamang ng pansin ay ang mga kaibigan ko na hindi ako hinuhusgahan sa mga ginagawa ko sa school.
14:33.0
Sa kasitatay din ang nagsabi sa akin na huwag akong magpapapekto sa mga kaklase ko na may nasasabing hindi maganda sa akin.
14:43.0
Basta wala raw akong tinatapakan na tao ay huwag akong tumigil sa aking ginagawa.
14:51.0
Sa school kung saan ako nagkaaral ng elementary ay hindi na bago sa akin ng mga kwento ng kababa, laghan at katatakutan.
14:59.0
Simula na mag-aaral ako roon ay iba't ibang kwento na ng horror ang narinig ko.
15:04.0
May mga halat ng hindi totoo at mayroon din mga kwentong kapani-paniwala.
15:09.0
Kagaya ng dati raw, sementeryo ang aming school.
15:12.0
Binili raw yun ang gobyerno para pagpatayuan ang school.
15:17.0
Kaya raw marami talagang kalua ang pagalagala sa school namin.
15:21.0
Pero so far, simula kinder hanggang grade 5 ay wala po ako na experience doon na nakakatakot.
15:28.0
Nalala ko rin noong grade 4 kami ay may isang grade 5 student na sanapian daw ng duwending pula.
15:35.0
Takot na takot ang lahat kasi pinakamasama raw ang ganong klase ng duwende.
15:40.0
Nakita ko mismo yung estudyante niyon habang sinasapian siya.
15:44.0
Ang litnang boses niya tapos galit na galit siya, nanilisik ang mga mata niya at nang aatake siya.
15:51.0
Dalawang lalaking teacher na ang humawak sa kanya, pero ang lakas-lakas niya at nagagawa pa niyang makawala.
15:59.0
Nilubayan lamang siya nang nakasapi sa kanya nang dinasalan siya ng isang babaeng teacher.
16:05.0
Nang mahimasmasan yung estudyante ay wala siyang naalala sa mga nangyari.
16:10.0
Ang huli round niyang natatandaan ay nagpunta siya roon sa puno ng balete na nasa likod ng school para magreview.
16:16.0
Kaya pinagbawala na ang kahit na sinong magpunta sa puno na yon papadudot.
16:23.0
Noong grade 6 kami ay nasa third floor ang aming classroom.
16:28.0
Nakakapagod nga kasi ang taas ng hagdanan na kailangan naming akyatin araw-araw.
16:34.0
Pero mas okay doon kasi mataas tapos ay malamig.
16:40.0
Hindi kagaya sa ibaba na mainit ang mga classroom kahit pa merong mga electric fan.
16:46.0
Biyernes noon at malapit na ang buwan ng wika.
16:51.0
Sinabi sa amin ni Ma'am Cora na kailangan naming lagyan ng decoration ang aming classroom na ang theme ay buwan ng wika.
17:00.0
Sino sa inyong pwedeng tumulong sa akin bukas para sa pagde-decorate?
17:05.0
Yung mga walang gagawin kahit na 6 lang sa inyo ay okay na,
17:09.0
sabi ni Ma'am Cora sa aming lahat bago kami mag-uwian.
17:13.0
Siyempre nag-volunteer ako na isa ako sa 6 na istudyanteng tutulong sa pagde-decorate ng aming classroom.
17:21.0
Kinansyawan ako ng iba naming kaklase na ako nanaman daw.
17:26.0
Dapat daw ay iba naman pero hindi ko sila pinakinggan lalo na nang pinili ako ni Ma'am Cora.
17:32.0
Alam kasi ni Ma'am na maaasahan talaga ako pagdating sa mga ganong bagay.
17:37.0
Saka magagamit din namin ang talent ko sa pagdodrawing kaya hindi na ako nagulat na isa ako sa mga pinili niya.
17:45.0
Natuwa ako ng dalawa sa mga kaibigan ko ang napili ni Ma'am Cora,
17:51.0
sina Abigail at Anna.
17:53.0
Mas okay sa akin na may makakasama ako na kaklose ko.
17:57.0
Kinabukasan, araw ng sabado sa almusal pa lamang ay nagpaalam na ako kay nanay na may gagawin ako sa school.
18:03.0
Nagduda pa siya sa akin kasi baka raw gagala lamang ako kasi gusto kong tumaka sa mga gawaing bahay.
18:11.0
Kapag weekend kasi ay tumutulong kami sa paglalaba kay nanay.
18:16.0
Sa huli ay naniwala naman si nanay sa akin kaya pinayagan na rin niya ako papadudot.
18:22.0
Dinaanan ko sa bahay nila si Abigail at saka namin pinuntahan si Anna para magkakasabay na kaming pumunta sa school.
18:30.0
Pagdating namin sa aming classroom ay naroon na yung tatlo pa naming kaklase.
18:36.0
Wala pa raw si Ma'am Cora.
18:39.0
Nagkwentuhan muna kami at maya maya ay dumating na si Ma'am Cora.
18:44.0
Dala na niya ang mga kailangan sa pagdedecorate.
18:48.0
Inumpisahan na kaagad namin ang pagdedecorate papadudot.
18:52.0
Si Ma'am Cora ang nagbigay sa amin ang instructions.
18:56.0
Minsan ay hinihingi niya rin ang opinion namin kung ano nga ba ang mas magandang design at kulay.
19:02.0
Padang alas 11 na umaga nang tanungin kami ni Ma'am Cora kung nagugutom na ba kami.
19:09.0
Huwag daw kaming mag-alala kasi siyang bahala sa lunch at merienda namin.
19:15.0
Panaguradong aabutin daw kami ng hapon bago namin matapos ng dekorasyon sa aming classroom.
19:20.0
Kailangan na raw naming matapos yun kasi may contest daw sa school na pagandahan ng dekorasyons.
19:27.0
Ang mananalo ay may premyo na pera at dalawang electric fan.
19:32.0
Kaya dapat daw ay galingan namin.
19:35.0
Ang sabi ni Ma'am Cora ay sa karinderiya sa labas ng school na lamang kami kumain at pumayag naman kami.
19:44.0
Tumigil muna kami sa aming ginagawa at bumaba na kami.
19:47.0
Pagdating sa ibaba ay natigilan bigla si Ma'am Cora.
19:52.0
Naku tumatanda na talaga ako.
19:56.0
Nakalimutan ko yung wallet ko sa room natin. Bulalas ni Ma'am Cora.
20:01.0
Ako na pong kukuha ma'am. San po ba nakalagay? Turan ko.
20:05.0
Sige ikaw na Iris. Hintayin ka na lang namin dito sa ibaba.
20:10.0
Nandun sa sulong ng table ko. Dalhin mo na rin yung bag ko kasi nandun yung wallet ko.
20:14.0
Tugon pa ni Ma'am Cora.
20:17.0
Mag isa akong bumalik sa classroom namin at ipinahiram sa akin ni Ma'am Cora ang susi ng aming room kasi nilock na niya yon bago kami bumaba.
20:26.0
Pagpasok ko sa classroom namin ay kinuha ko na yung bag sa sulong ng table ni Ma'am Cora.
20:32.0
Lumabas na rin ako kaagad at nilock ang pinto.
20:35.0
Naglakad na ako ng may nakita ako sa gilid ng mata ko sa loob ng kalapit na classroom ng aming room papadudut.
20:44.0
Gawa kasi sa glass ang mga bintana ng mga room kaya makikita talaga yung nasa loob.
20:51.0
Nagkataon pa na walang kurtina ang room na yon.
20:55.0
Tumigil ako sa paglalakad kasi may nahagip ang mata ko sa loob ng classroom na yon.
20:59.0
May isang batang babaen na nakatayo malapit sa bintana pero nandun siya sa kabilang saig kaya medyo malayo siya sa akin.
21:07.0
Nakatalikod siya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.
21:10.0
Nagtaka ako kasi eba ang uniform niya sa uniform namin.
21:14.0
Maikli ang buhok niya hanggang batok niya.
21:18.0
Nakaharap siya sa may bintana na para bang meron siyang tinatanaw sa may labas.
21:22.0
Tininan ko ang pinto ng classroom na yon at nakakandado.
21:26.0
Mas lalo ako nagtaka kung paano siya nakapasok pa padudot.
21:30.0
Kinatoko ang glass window para makuha ko ang atensyon ng batang babae pero parang wala siyang narinig.
21:37.0
Hindi siya lumingon sa akin at hindi man lang siya gumalaw.
21:41.0
Naisip ko kasi na baka kailangan niya ng tulong.
21:45.0
Baka nakulong siya roon kasi nakalak sa labas.
21:48.0
Mas nilakasan ko ang pagkatok sa bintana hanggang sa mabagal siyang pumihit pa harap sa akin.
21:53.0
Nagtaka ako kasi hindi ko masyadong makita ng maayos ang mukha niya.
21:58.0
Hindi ko makaintindihan kung malabo na ba ang matakos at yang malabo talaga yung mukha ng batang babae.
22:05.0
Habang nakatingin ako sa kanya ay unti-unting bumigat ang pakaramdam ko at para akong naiiyak sa dahilan na hindi ko alam.
22:13.0
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya.
22:17.0
Nagulat na lamang ako nang bigla akong tawagin ni Anna
22:19.0
at napatingin ako kay Anna habang papalapit siya sa akin.
22:23.0
Uy, kanina ka pa naming hinihintay sa iba ba?
22:27.0
Kaya pinasunod na ako ni Ma'am Cora kasi baka kung ano lang nangyayari sayo?
22:32.0
Turang pa ni Anna.
22:34.0
May batang babae kasi sa looblit ng classroom e.
22:37.0
Sabi ko sabay-turo sa kinakaroonan ng bata.
22:40.0
Ha? E nasaan? Wala naman e.
22:44.0
Nananakot ka lang Iris?
22:46.0
Ang natatawang sabi pa ni Anna.
22:49.0
Nang tingnan ko ulit yung kinakatayoan ng bata ay wala na siya doon papadudut.
22:55.0
Nandiyan siya kanina lang.
22:58.0
Hindi kita tinatakot.
23:00.0
00:00.0
23:01.000 --> 23:09.000
23:10.0
Tinawanan ako ni Anna kasi imposible raw na may makapapalakit.
23:14.0
Imposible raw na may makapasok doon kasi may kandado sa labas ng classroom.
23:21.0
Kung nakulong naman daw yun doon ay malamang umiiyak na yun at sumisigaw para humingi ng tulong.
23:28.0
Oo nga may point si Anna.
23:30.0
Naisip ko na dapat ay hindi lang basta humarap sa akin yung batang babae kung talagang aksidente siyang nakulong sa classroom na yun.
23:38.0
Waba na kami at pinuntahan si na Ma'am Cora.
23:40.0
Tinanong ako ng teacher namin kung bakit ang tagal ko at si Anna ang sumagot.
23:46.0
Sinabi niya na meron ako nakitang babae doon sa katabing classroom.
23:50.0
Ang sabi ni Ma'am Cora ay imposible may makita akong tao doon kasi nakalak yun.
23:55.0
Imposible rin daw nasa bintana dumaan kasi nasa third floor yun at walang pwedeng makakyat doon maliba na lamang kung kalahiraw ng gagamba.
24:05.0
Kung noong dumating ako sa school ay masigla ako ay bigla akong naging matamlay after ng mga nangyari.
24:11.0
Napapaisip ako kung tao ba o kaluluwa ang nakita ko papadudod.
24:17.0
Pero mas malakas ang hinala ko na multo yun kasi bigla siyang nawala ng ganon kabilis.
24:24.0
Pagkatapos namin kumain sa karinderiya ay bumalik na kami sa aming room para ituloy ang aming ginagawa.
24:31.0
Bandang alas 3 ng hapon ay tinanong kami ni Ma'am Cora kung ano ang gusto naming merienda.
24:38.0
Nagkasundo kami na banana queue at soft drinks na lamang.
24:42.0
Nagtaka ako kasi yung limang kasama ko na kaklasiko ang inutosan ni Ma'am na bumili sa labas ng merienda at pinaiwanan niya ako.
24:51.0
At nang kami na lang dalawa ni Ma'am Cora ay kinausap niya ako.
24:55.0
Anaya ay sinadya niya rao na ipaiwan ako kasi may mga itatanong siya sa akin.
25:02.0
Iris, totoo ba yung sinasabi ni Ana na may nakita kang batang babae sa kabilang classroom?
25:09.0
Tanong ni Ma'am Cora.
25:11.0
Opo Ma'am totoo po yun, kaya lang e bigla siyang nawala nang dumating si Ana.
25:16.0
Hindi ko po alam kung saan siya nagtago o pumunta, sagot ko.
25:21.0
Nakita mo rin pala siya, ang sabi ni Ma'am Cora.
25:25.0
Naagulat ako sa sinabi ng teacher namin.
25:28.0
Tinanong ko siya kung nakita na rin ba niya yung batang babae sa kabilang classroom at ang sabi niya ay maraming beses na.
25:35.0
Doon niya sinabi sa akin na Karel Wayon ang isang dating istudyanteng na matay sa kinakatayuan ng school building na yon.
25:42.0
Matagal na rao yun nangyari, bigla na lang daw nawala ng malay ang istudyanteng yon at on the spot ay binawian ng buhay.
25:50.0
Nang narinig niya ang kwentong yon ay hindi siya naniwala pero nang makailang beses nang nagpakita sa kanya yung batang babae ay doon na siya naniwala.
26:00.0
Eh bakit po sa kabilang classroom siya nagpapakita?
26:04.0
Hindi naman po siya doon na matay, hindi ba? Tanong ko.
26:07.0
Walang nakakaalam Iris, kaya yung mga nagkwento sa akin ay hindi rin nila alam.
26:13.0
Baka nga at hindi sa classroom natin siya nagpapakita.
26:16.0
Pero nagulat ako kasi nakakakita ka rin pala ng multo ang sabi ni Mam Cora.
26:22.0
Kahit po ako ay nagtataka.
26:24.0
Ang totoo po niyan pangalawang beses ko pa lamang pong nakakakita.
26:29.0
Yung una ay nung may pinuntahan kami ng nanay ko na lamay.
26:33.0
Nakita ko po yung kalaluan ng patay.
26:35.0
Tapos ang sabi po ni nanay sa akin noong bata pa ako ay meron ako nakikita ng white lady sa puno na nasa harap ng aming bahay.
26:42.0
Pagkukwento ko.
26:44.0
Inamin sa akin ni Mam Cora na hindi niya alam na bukas pala ang third eye niya.
26:50.0
Hindi rin daw siya naniniwala sa mga multo.
26:53.0
At ang nakapagpabago lang ng paniniwala niya ay yung batang babae na yun papadudut.
27:01.0
Ang sabi sa akin ni Mam Cora ay baka unti-unti nang bububukas ang third eye ko.
27:06.0
Katakot ako kasi ayoko magkaroon ng ganong kakayahan.
27:09.0
Baka kasi araw-araw ay makakita ko ng kalua tapos ay takutin o guluhin nila ko.
27:15.0
Naintindihan daw ko ni Mam Cora kasi ganon din daw ang nararamdaman niya noong una.
27:20.0
Hanggang sa panahon daw na yun ay unti-unti pa rin niyang tinatanggap ang kakayahan niyang yun.
27:25.0
Pinayuhan ako ni Mam Cora na kung sakali na makakita ulit ako ng multo ay huwag kong pansinin.
27:31.0
Isipin ko na raw na hindi ko sila nakikita o naririnig.
27:35.0
Kaya lang minsan daw ay mahirap na malaman kung tao ba o multo ang nakikita kasi may ibang kadalawa na aakalain ko raw talaga na buhay.
27:45.0
Kahit daw siya ay nahihirapan pang malaman kung buhay o patay na ang mga taong nakakasalubong at nakikita niya.
27:52.0
Sinabi pa ni Mam Cora sa akin na gamitin ko ang aking pakiramdam.
27:56.0
Kapag daw may naramdaman akong kakaiba o ibang emosyon sa isang tao ay malaki ang chance na patay na ito o isa itong kaluluwa.
28:06.0
Nang dahil sa naging pag-uusap namin ni Mam Cora kahit paano ay naintindihan ko na ang lahat.
28:12.0
Naisip ko na baka nga noon pa ay nakabukas na ang aking third eye.
28:17.0
At may mga kaluluwa na akong nakikita pero hindi ko lang alam na kaluluwa pala sila.
28:23.0
Natakot din ako kasi hindi ko gusto na makakita ng patay araw-araw.
28:29.0
Baka sa akin pa sila humingi ng tulong sa paghahanap ng hostesya kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula.
28:37.0
Ang gusto ko lang naman ay ang mabuhay ng normal kagaya ng iba papadudut.
28:42.0
Simula rin ng makonfirm ko na multunga yung batang babae ay hindi na ako tumingin sa kapalit na classroom ng aming room sa tuwing napapadaan ako doon.
28:53.0
Diretso na ang tingin ko at feeling ko kasi ay makikita ko ulit siya roon.
28:58.0
Pero tama nga si Mam Cora.
29:00.0
Minsan akalain mo talaga na normal na tawang isang kaluluwa kagaya noong nangyari sakin doon sa batang babae na yon.
29:10.0
Hindi ko na rin muna ipinaalam sa nanay ko ang tungkol sa aking kakaibang kakayahan.
29:16.0
Kasi alam ko na magagalit siya at iisipin pa niyang gumagawa ako ng kwento.
29:21.0
Eh hindi ko namang kailangan gumawa ng kwento kasi hindi ako sinungaling na tao.
29:27.0
Sa paglipas ng mga araw, nararamdaman ko na nakakaramdam na rin ako ng mga kaluluwa sa isang lugar.
29:35.0
Kagaya noong pumunta ako sa bahay ni Ana kasi gagawa kami ng project.
29:40.0
Biglang bumigat ang pakiramdam ko.
29:43.0
May nakikita akong anino sa may kusina nila.
29:46.0
Kaya nagtanong ako kay Ana kung meron bang namatay sa bahay nila.
29:50.0
Ang sabi niya ay doon namatay ang lola niya.
29:53.0
Hindi na raw ito nagising ng makatulog.
29:56.0
Parang binangungot daw.
29:58.0
Kinalabutan ako kasi yung anino na nakita ko ay parang matandang babae.
30:03.0
Bakit mo pala naitanong? Tanong ni Ana.
30:07.0
Nafifil ko kasi na may kaluluwa sa bahay ninyo.
30:10.0
May third eye kasi ako.
30:12.0
Pag-amin ko.
30:14.0
Hala, totoo. Ang cool naman.
30:17.0
Pero tama ka kasi madalas na magpakita si lola sa bunso kong kapatid.
30:21.0
Minsan tumatawa siya ng mag-isa tapos sinasabi niya na kanaro niya si lola.
30:26.0
Eh hindi naman niya naabutan ng buhay si lola kaya nagtataka kami kung paano niya nalaman ang tungkol kay lola.
30:32.0
Ang turan pa ni Ana.
30:34.0
Anong cool sa nakakakita ka ng kaluluwa? Tanong ko.
30:38.0
Wala lang kasi may ganyang kakayahan ka.
30:41.0
Ako nga gusto ko makausap pumakita si lola pero hindi nangyayari.
30:45.0
Siguro dahil wala akong third eye, ang sabi pa ni Ana.
30:49.0
Nagrequest pa si Ana na baka pwedeng kausapin ko ang lola niya at baka meron itong naisabihin.
30:55.0
Pinanggihan ko yun, Papa Dudut.
30:56.0
Ang sabi ko ay ayokong kumausap ng kaluluwa dahil natatakot ako.
31:00.0
Isa pa ay wala akong ideya kung paano ba yun gawin.
31:04.0
Nag aalala rin kasi ako na baka kung ano pang mangyari sa akin once na subukan kong kumausap ng patay na.
31:12.0
Malay ko ba kung may kapalit yun.
31:15.0
Siyempre safety first muna.
31:18.0
Hindi naman ako pinilit ni Ana nakausapin ko ang lola niya pero nagsisirin ako na sinabi ko sa kanyang tungkol sa kakayahan ko.
31:27.0
Halos araw-araw niya rin kasi akong kinukulit at pinatanong kung meron ba akong nakikita o nararamdaman na mo ito lalo na kapag nasa school kami.
31:38.0
Para bang na-amaze siya masyado sa akin dahil open ang third eye ko.
31:43.0
Kaya sinabihan ko na rin si Ana na huwag niya akong palaging tanungin ng gano'n kasi hindi ako komportable.
31:49.0
Baka kasi may makarinig pa sa amin at isipin na weirdo ako.
31:52.0
Baka yun pa ang maging way para mabuli ako sa school.
31:57.0
Paminsan-minsan ay nagkakausap kami ni Ma'am Cora.
32:01.0
May mga nakukuha akong tips sa kanya.
32:03.0
Isa pa ay masarap pala na may nakakausap ka na kagaya mo.
32:07.0
Mas naiintindihan niya ako at nakikinig siya sa mga kwento ko nang walang judgment.
32:13.0
Sa totoo lang ay marami akong nararamdaman na karaloa sa school namin papadudot.
32:18.0
Nang maging aware ako sa aking kakayahan ay mas lumakas ang pakiramdam ko pagating sa gano'ng klase ng mga bagay.
32:25.0
Nakakatakot lang din talaga kasi baka may kausap na pala ako tapos ay patay na pala.
32:31.0
Tapos may makakita sa akin at isipin na nasisiraan ako ng ulo.
32:36.0
Isa pa ay hindi ko makakalimutan papadudot.
32:39.0
Ay noong nagkaroon kami ng field trip, una naming pinuntahan ang isang sikat at historical na lugar sa Maynila.
32:45.0
Ang dami ko nakitang kaluluwa doon na gumagala.
32:49.0
Para nga lang talaga silang buhay na tao pero alam ko na patay na sila kasi iba ang kasuota nila.
32:55.0
Makaluma ang suot nila papadudot.
32:58.0
Akala ko ay kaya ko pero talagang sumama ang pakiramdam ko at hindi ko nakinaya pa.
33:03.0
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan at teacher ko na sa bus na lamang ako magpapahinga.
33:08.0
Abang mag-isa ako sa bus ay pinuntahan ako ni ma'am Cora at kinausap.
33:13.0
Marami ka rin nakikita sa loob no?
33:15.0
Tanong ni ma'am Cora,
33:17.0
Opo ma'am, hindi ko na po kinaya kaya umalis na ako, ang sabi ko.
33:22.0
Ako rin pero kahit paano ay sanay na ako.
33:25.0
Pero kung babalik ka sa loob ay gawin mo na lang yung sinabi ko sayo.
33:29.0
Huwag mo silang papansinin.
33:31.0
Huwag kang titingin sa mga mata nila, ang sabi ni ma'am Cora.
33:35.0
Umalis na rin si ma'am Cora kasi kailangan din niyang tingna na mga kaklasiko.
33:40.0
Hindi na ako nagtangkang bumalik pa sa loob papadudot.
33:43.0
Kahit na hindi ko nasulit ang tour namin sa magandang lugar na yon ay ayos lang.
33:48.0
Kesa naman papasok ulit ako tapos kung ano-ano ang mga makikita ko.
33:53.0
At least sa base wala akong nakikitang multo o kung ano.
33:58.0
Itinulog ko na rin muna ang sama ng aking pakiramdamat na gising ako
34:03.0
nang magakyata na sa bus ang mga kaklasiko.
34:07.0
Nang makalayo na kami sa lugar na yon ay parang himala
34:10.0
na nawalang bigat na aking nararamdaman.
34:14.0
Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ganun lamang ang nangyari sa akin noon.
34:19.0
Nakasurvive naman ako sa huling taon ko sa elementarya papadudot.
34:24.0
Hindi nga lang ako naging sarotatorian gaya ng gusto ko.
34:28.0
First honorable mention ako noong graduate ako ng elementary.
34:32.0
Pero ayos lang kasi hindi na rin yun biro papadudot.
34:36.0
Sabi ko ay babawi na lamang ako sa high school.
34:39.0
Bagong school na naman at inasahan ko na ang mga kababalaghaan na mararanasan ko ron.
34:46.0
Pero kumpara sa school ko noong elementary sa school ko noong high school
34:50.0
ay mas magaan ang pakiramdam ko sa school ko noong high school.
34:53.0
Hindi ganun karami ang kaluluan na naroon kaya natuwa ako kasi hindi na ako masyadong matatakot.
34:59.0
Kahit paano kasi nasasanay na rin ako pero nandun pa rin ang takot siyempre.
35:03.0
Pero hindi pala sa school ko.
35:06.0
Mararanasan ang ghost encounter ko sa aking high school life kundi sa mismong bahay ng aming advisor na si Saruel.
35:14.0
Bida-bida pa rin kasi ako noong high school ako.
35:17.0
Nadala ko yung ugali ko na kapag may ipapagawa o iuutos ang teacher namin ay ako na ang palagi nagpipresentahan na gagawa.
35:24.0
Hindi na ako nagpapapekto sa mga sinasabi ng mga kakaklase ko dahil wala na naman silang maitutulong sa akin.
35:29.0
Nangyari ang lahat noong nagkaroon ng United Nations Day sa aming school.
35:34.0
Bago yun ay kailangan naming lagyan ang decoration ng owner type jeep ni Saruel na siyang sasakyan ng aming muse at escort sa mangyayaring parade.
35:43.0
Isa ko sa apat na istudyante na nagpipresentahan na tutulong sa paglalagay ng decoration.
35:48.0
Ewan ko ba, sa tuwing natulong ako sa pagdedecorate ng kung ano-ano ay may nangyayaring kababalaghan papadudut.
35:56.0
Sunday ng araw na yun.
35:59.0
Pumunta na ako sa bahay ni Saruel at nasa harapan ang bahay nila ang owner type jeep na lalagyan namin ang decoration at pagagandahin.
36:08.0
Malaki ang bahay ni Saruel, medyo luma na pero gawa sa simento.
36:13.0
Gumawa muna kami ng bulaklak gamit ang crepe paper.
36:17.0
Tumulong na rin sa amin ang asawa ni Saruel saka yung isang niyang anak na babae.
36:22.0
Medyo naging mabilis ang aming pagdedecorate.
36:27.0
Tinulungan kami ng asawa at anak ni Saruel.
36:30.0
Badang hapon naganda na ng merienda ang asawa ni Saruel after lunch kasi kami nagpunta roon.
36:36.0
Pagkatapos naming magmerienda ay nagpaalam ako na gagamit ako ng banyo.
36:40.0
Itinuro sa akin ni Saruel ang banyo nila.
36:43.0
Mag-isa akong pumasok sa bahay na yun at medyo madilim at may nafeel ako kaagad na kakaiba.
36:49.0
Hindi namang ganong kalakas kaya hindi ko yun pinansin.
36:54.0
Dumaan muna ako sa kusina bago ako nakarating sa banyo.
36:58.0
Sandali lang ako sa banyo.
37:00.0
Nang lumabas ako ay may nakita akong matandang babae na nakaupo sa may kusina.
37:06.0
Nakatagilid siya sa akin at medyo nakayuku siya.
37:10.0
Nakasood siya ng pulang daster na bulaklakin.
37:13.0
Manipis ang buhok niya na puro puti.
37:15.0
Payat siya at mukhang mahina na.
37:16.0
Ang unang pumasok sa isipan ko ay baka nanay siya ni Saruel.
37:21.0
Nagbigay galang ako sa kanya at nang magandang hapon.
37:24.0
Hindi siya nagsalita at hindi tumingin sa akin.
37:27.0
Inassume ko na baka mahina na ang pandinig niya.
37:31.0
Bumalik na ako sa mga kasama ko at pinagpatuloy na namin ang aming ginagawa.
37:36.0
Kailangan na kasi naming matapos yun.
37:38.0
Kasi bukas ng umaga na ang parada para sa United Nations.
37:42.0
Nagawa naman naming tapusin ang pagdidekorate pero medyo ginabina kami.
37:46.0
Alasyate na nang matapos kami.
37:49.0
Inayan na rin kami ng asawa ni Saruel na doon na kami magdinner.
37:53.0
Medyo nagkahiyaan pa kaming magkakaklase pero sa huli ay tinanggap na rin namin.
37:59.0
Sa may kusina kami kumain.
38:01.0
Pagkatapos maghahain ng asawa ni Saruel ay napansin ko na wala yung matandang babae na nakita ko.
38:07.0
Nasaan po si Lola?
38:09.0
Hindi po ba siya sasabay sa atin sa pagkain sir?
38:12.0
Casual kong tanong.
38:13.0
Napansin ko na nagkatinginan si Saruel at ang asawa niya na parang may mali sa mga sinabi ko.
38:19.0
Sinong Lola?
38:21.0
Nagtatakang tanong ni Saruel.
38:23.0
May nakita po kasi akong matandang babae sa kusina paglabas ko ng CR kanina.
38:28.0
Payad po siya tapos puro putina ang buhok niya.
38:31.0
00:00.0
38:32.000 --> 38:34.000
38:35.0
Si Nanay siguro ang nakita mo.
38:37.0
Natatawang turang pa ni Saruel.
38:39.0
Sinabi ni Saruel na ang nanay niya ang nakita ko.
38:43.0
Matagal na raw itong patay at kahit sila minsan ay nararamdaman pa rin ito sa bahay nila.
38:49.0
Dahil doon ito namatay.
38:51.0
Kinalabutan ako sa mga nalaman ko papadudod.
38:54.0
Hindi ako makapaniwala na kaluluwa ang nakita ko kasi para talaga siyang buhay na tao.
39:00.0
Kung hindi nga lang nakakahiya na huwag nang kumain doon ng dinner, ay ginawa ko na.
39:06.0
Nang paalis na kaming magkaklase ay muli kong nakita yung matandang babae.
39:11.0
Habang nagpapaalam na kami at nasa may harapan ng pinto si Saruel,
39:16.0
ay inihatid kami ng tingin ay nakita ko yung matandang babae na nasa likuran ni Saruel.
39:22.0
Ilang beses pa ako nagkaroon ng ghost encounter papadudod.
39:26.0
Hindi pa yun ang naging huli.
39:28.0
Pero nang mag third year high school ako,
39:31.0
ay doon na unting-unting nawala ang kakayahan kong yun.
39:34.0
Anggang sa napansin ko na hindi na ako nakakakita at nakakaramdam ng mga kaluluwa.
39:38.0
Ikinatuwa ko yun pero nagtataka rin ako kung paano yun nangyari.
39:42.0
Wala naman kasi akong ginawa noon para sumarado ang aking third eye.
39:47.0
Hanggang sa ngayon ay hindi na ako nakakakita ng mga multo.
39:52.0
Dati tuwang-tuwa pa ako kasi magiging normal na ang buhay ko
39:56.0
pero may isang point sa buhay ko na gusto ko ulit bumukas ang aking third eye.
40:00.0
At yun ay noong namatay ang tatay ko.
40:03.0
Talagang hiniling ko sa Diyos.
40:04.0
Nasaanay buksan ulit ang aking third eye kasi gusto kong makita at makausap muli si tatay.
40:10.0
Lobos na nagmamahal, Iris.
40:15.0
May mga bagay o kakayahan tayong natatanggap
40:20.0
na hindi natin gusto kasi hindi natin alam kung paano po yun gamitin.
40:24.0
Ngunit kahit na anong kakayahan ang meron tayo,
40:28.0
nararapat na gamitin natin ito sa tama at makataong mga kakayahan.
40:32.0
Para po sa ating mga nakikinig,
40:35.0
iwasan po natin ang pangbubuli sa ibang talent natin sa ating programa.
40:40.0
Sila po ay ginagawa ang kanilang best
40:44.0
para mapaganda ang kanilang performance sa ating YouTube channel.
40:49.0
May mga pagkakataon po na ang inyong sipapadudut
40:52.0
ay hindi available dahil sa karamdaman o dahil sa mga personal na mga lakad.
40:57.0
Kaya sana po ay lawakan po natin ang ating pangunawa
41:01.0
at pagbigyan ng pagkakataon ang iba nating mga voice over talent.
41:06.0
Samantala, sa pagpapatuloy ng advice natin para sa ating sender,
41:11.0
ang dapat lang natin gawin ay hanapin ng purpose kung bakit sa atin yun ibinigay.
41:17.0
Madalas kapag hawak natin ang isang bagay ay binabaliwala natin ito.
41:22.0
At kapag nawala na ay sasabihin mo sa ating sender
41:25.0
at kapag nawala na ay saka lamang natin malalaman na kailangan pala natin ito.
41:31.0
Kaya ingatan natin ang isang kakayahan o isang bagay habang nasa atin pa ito
41:37.0
dahil hindi natin alam kung kailan ito babawiin na nagbibigay sa atin.
41:43.0
Hanggang sa muli, maraming salamat po sa inyong walang sawa at totoong pagsuporta.
41:56.0
Laging may lungkot at saya
42:02.0
Sa papatudod stories
42:07.0
Laging may karamay ka
42:15.0
Mga problemang kaibigan
42:19.0
Dito ay pakikinggan ka
42:26.0
Sa papatudod stories
42:31.0
Kami ay iyong kasalaman
42:38.0
Dito sa papatudod stories
42:43.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
42:48.0
Dito sa papatudod stories
42:53.0
May nagmamahal sa'yo
43:00.0
Papatudod stories
43:06.0
Papatudod stories
43:11.0
Papatudod stories
43:18.0
Papatudod stories