Close
 


GABI NG LAGIM: ASWANG SA DEEP WEB *Hilakbot*
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GABI NG LAGIM: ASWANG SA DEEP WEB *Hilakbot* FICTION ASWANG STORY 🔗 https://youtu.be/uAFW1IMs-xA 🔴 EPISODE WRITER ► DRAVEN BLACK Follow our Writer https://www.facebook.com/DravenBlack666 🔴 STORY EDITORS ► MAMA SANG | PAPA DUTDOT 🔴 NARRATOR ► RED 🔴 MUSIC COVERS BY ► Flor Ristagno (Cover Version Slowed) ► Norimichi Teves (Musicbox / Piano Version) #hilakbottv #gabinglagim #dravenblack #gabinglagimseason4 #pinoyhorrorstories #tagaloghorrorstories #hilakbotpinoyhorrorstories #tagaloghorroraudiobook Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ ✅ IMPORTANT! ► ALL EPISODES UPLOADED ARE FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY. LISTEN AT YOUR OWN RISK! ► ALL CONTENTS UPLOADED are OWNED & EXCLUSIVE to HILAKBOT TV. REPRODUCTION in WHO
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 23:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito ay isang panibagong article ang nakita ni Dave sa DeepWeb.
00:19.7
Tungkol ito sa teknolohiyang dinedevelop ng Estados Unidos na may kakayahang kontrolin ang panahon.
00:29.0
Kaya nitong lumikha ng bagyo, tsunami, lindol at landslide sa pamamagitan ng pagmamanipula sa takbo ng panahon at environment.
00:43.8
Ang teknolohiya ay pinagdedebatehan kung kailan ito mailalabas sa publiko dahil sa advantages at disadvantages nito.
00:53.6
Ang advantage ay maaarin nilang gamitin ng makina para pigilan ang mga sakunang kadalasan ay nagdudulot ng labis na perwisyo sa sangkatauhan
01:04.6
gaya ng matinding bagyo, lindol at pagkasira ng kalikasan.
01:11.6
Ngunit sa kabilang banda, maaari din itong gamitin para lumikha ng mga sakuna upang mabawasan at makontrol ang tamang dami ng populasyon sa mundo.
01:24.6
Dahil sa dumadaming bilang ng tao, nagiging overcrowded na ang mundo at kapag ito'y nagpatuloy pa sa pagdami,
01:33.6
tiyak makukulangan ng resources ang earth para suplayan ang mga pangangailangan ng mga ito.
01:44.6
Kailangang maibalansi ang populasyon ng mundo upang makayanan nito ang walang hanggang pangangailangan ng tao sa mga pangunahing resources gaya ng tubig, langis, lupa at oxygen.
01:59.6
Iyon ang nakalagay sa artikulong nabasa ni Dave.
02:04.6
Wala naman siyang pakialam kung tunay ba ito o hindi.
02:08.6
Basta't makakita lamang siya ng kakaibang paksa na huhugot sa kanyang interest, lalong-lalo na patungkol sa mga tao, ay kakagating niya para mai-feature sa YouTube channel niya.
02:22.6
Isang YouTube narrator si Dave at siya ang may-ari ng knowledge channel na Deep Web Secret Files.
02:31.6
Ang nilalaman ng kanyang channel ay mga bagay na napupulot niya sa deep web at dinadala sa surface web para maipakita sa mga tao.
02:41.6
Naniniwala kasi siya na hindi lahat ng tao ay may kaalaman para ma-access ang malalim na bahagi ng internet na tinatawag ng marami bilang deep web o dark web.
02:56.6
Kaya rin niya pinoot up ang naturang channel para maibahagi sa mga ito ang mga bagay na kanyang pwedeng makita pa sa deep web.
03:13.6
Pagkatapos mabasa ang article ay isinalin niya ito sa wikang Tagalog at hinaluan ng sarili niyang paliwanag at opinion.
03:22.6
Inilagay rin niya sa ilalim ang website kung saan niya ito nakuha pati ang onion link ng naturang article.
03:30.6
Sineve niya ito sa isang document sa kanyang laptop para mai sa boses niya mamayang gabi.
03:38.6
Nakatatlong files nga siya ng araw na iyon.
03:41.6
Isang file na lang ang kailangan niya para makumpleto na ang apat na deep web files.
03:48.6
Bawat linggo ay kumukuha siya ng apat na deep web related videos at articles upang gawing content sa kanyang channel.
03:57.6
Iniedit niya ito sa sarili niyang paraan at hinahaluan ang sariling opinion para mas humaba yung length ng video at umabot sa 10-15 minutos.
04:09.6
Mabenta naman sa mga viewers ang content niya dahil marami rin sa mga Pinoy ang curious at uhaw na uhaw sa ganung klaseng mga topic lalo na kung galing sa deep web.
04:22.6
Oras na naman na.
04:35.6
Isang onion link ang nakita niya na naglalaman ng iba't ibang litrato na may matitinding backstory.
04:42.6
Isang litrato ng dalawang batang nakatingin sa kamera habang ang isa ay may hawak na ulo ng matandang babae.
04:52.6
Ayon sa description ng larawan, kinunan daw ito noong 1950s at ang dalawang bata ay pinaniniwala ang binubugbog at pinagmamalupitan ng sarili nilang ina.
05:05.6
Ilang beses sinubukang tumakas ng dalawang ngunit palagi silang nahuhuli at nilulunod sa matinding pagmamaltrato ng sarili nilang ina.
05:19.6
Nang makahanap ng pagkakataon, nagkasundo ang dalawang magkapatid para patayin ang kanilang sariling ina.
05:28.6
Gamit ang palakol ay pinugutan nila ito ng ulo at nagpalitrato pa sa isang photographer bilang remembrance sa ginawa nilang paghihiganti sa kalupitan ng kanilang ina.
05:43.6
Ang pangalawang larawan naman na nakita ni Dave ay tungkol sa isang public place kung saan maraming tao ang paparito at paparoon.
05:52.6
Sa bandanggilid ng larawan ay makikita ang isang lalaking may hawak na iPhone at nakatutok sa kabilang tenga nito na tila may kausap.
06:03.6
Ayon sa description, kinunan daw ang litratong iyon noong 1920s,
06:10.6
mga panahong hindi pa advance ang technology para magkaroon ng iPhone o Apple products ang mga tao.
06:18.6
Kaya gayon na lamang ang paghihinala na isang time traveler ang naturang lalaki sa litrato na may hawak na iPhone noong 1920s.
06:30.6
Isa pang litrato ang umagaw sa atensyon niya.
06:34.6
Tungkol naman ito sa isang bote na naglalaman ng durog-durog na katawan ng sanggol.
06:40.6
Sabi sa description, isang ina raw ang nagsilang ng patay na sanggol dahil sa komplikasyon sa kalusugan.
06:49.6
Hindi raw nito matanggap ang pagkamatay ng anak kaya nang makauwi ay kinatay ito ng ina.
06:57.6
Dinurog-durog hanggang sa magkasya sa isang bote.
07:02.6
Isang linggo raw na dinasalan at inalaya ng ritual ang boteng iyon at pagkatapos ay kinain pa ng babae ang laman nun.
07:14.6
Isa raw itong makalumang paniniwala noong 1930s sa China na kapag namataya ng sanggol ang isang ina,
07:22.6
kailangan daw nila itong durugin at ilagay sa bote ng isang linggo.
07:26.6
Pagkatapos ay dapat nila itong kainin para muling tumubo ang bata sa sinapupuna ng ina at muli siyang makapagsilang ng sanggol.
07:39.6
Sa loob-loob ni Dave ay tila hindi ka panipaniwala ang mga backstory sa larawan.
07:45.6
Hindi rin niya tiyak kung iyon ba talaga ang tunay na kwento sa likod na mga ito.
07:50.6
O baka naman ginawan na lamang ito ng mga nakakatakot na backstory lalong-lalo na ng mga writers ng description na may malilikot na imahinasyon.
08:04.6
Gayunpaman, nakuha pa rin ng mga litratong ito ang interest niya kaya isinali pa rin niya ito sa listahan ng kanyang magiging content lalong-lalo sa susunod na linggo.
08:17.6
Hindi na rin mahalaga para sa kanya kung totoo ba o hindi ang kwento.
08:23.6
Ang mahalaga ay kumikita siya ng malaki gamit ang mga naturang content.
08:30.6
Pera lang naman talaga ang habol niya sa mga ito.
08:34.6
Kahit minsan ay nag-aaway-aaway pa sa comment section ng mga viewers kung may katotohanan ba ang ibang video na inilalabas niya ay hindi na niya pinapakialaman.
08:45.6
Basta't para sa kanya, the more nadudumugi ng mga viewers at kritiko ang content niya, mas maraming income ang kikitain niya.
08:55.6
Lalo pat kada video ay umaabot sa mahigit 500,000 views at minsan ay umaabot pa nga ng isa hanggang 2 milyon.
09:05.6
Nang sumunod na araw, muling naging abala si Dave sa harap ng laptop habang naghahanap ng panibagong mga article sa deep web.
09:16.6
Hanggang sa makatagpo siya ng bagong onion link sa media category ng hidden wiki.
09:22.6
Sa lahat ng bagong onion link, ito lang ang may Tagalog na word sa link.
09:29.6
Nabanggit sa naturang link ang salitang aswang.
09:49.6
Nakuha agad nito ang atensyon niya kaya pinindot niya ang link.
09:55.6
Nag-open ang website sa kabilang tab at mula roon, lumitaw ang uploaded videos ng diumanoy mga aswang.
10:04.6
Ibat-ibang video tungkol sa mga aswang ang naroon kung kaya't pinangalanan ang naturang website na Aswang Chronicles.
10:14.6
Pinanood niya ang isa.
10:17.6
Tungkol ito sa isang lalaking nakahubad at nakagapo sa silya.
10:23.6
Makikita sa video ang nagwawala at sumisigaw na lalaki na tila may dinaramdam sa katawan.
10:31.6
Hanggang sa unti-unti itong tubuan ng makakapal na balahibo sa katawan hanggang sa naging mabalasik ang anyo.
10:40.6
Humaba ang bibig nito, naging pula ang mga mata, tumulis ang mga kuko at tinubuan ng mga pangil.
10:52.6
Ang lalaki ay unti-unting naging mabangis na hayop na may pakpak.
11:02.6
Naging isang nilalang na paniki ang kaanyuan pero tao ang pangangatawan.
11:10.6
Isa itong uri ng aswang na kinatatakutan sa mga liblib na probinsya.
11:16.6
Nagtaka si Dave at pinanood ng maigi ang video.
11:23.6
Hindi niya matukoy kung tunay nga ba ito o edited lang.
11:29.6
Sa lawak ba naman ng internet marami rin ang gumagawa ng gimmick dito at nililin lang ang mga tao gamit ang kanilang editing skills sa pagmamanipula ng picture at video.
11:42.6
Pero sa video na iyon, nahirapan siyang tukuyin kung ito'y edited lamang ba o tunay.
11:52.6
Naisipan niyang i-download na rin ang video para maidagdag sa content niya.
11:58.6
Isang video muli ang pinanood niya.
12:01.6
Makikita roon ang grupo ng malalaking bulas na asong itim, pula ang mga mata at matatalim ang mga pangil.
12:09.6
Nakakulong sila sa isang morgue habang nilalapa ang mga bangkay na naroon.
12:17.6
Kakaiba ang pagngasab ng mga asong iyon.
12:21.6
Lumilikha rin ng kakaibang mga alulong, ungol at boses.
12:27.6
Nangangahulugan itong hindi sila pangkaraniwang aso lamang.
12:32.6
Isa rin silang mga aswang na may kakayahang maganyong hayop gaya ng aso, pusa, o kaya naman ay baboy.
12:42.6
Sa pangatlong video naman, makikita naman doon ang isang lalaking may alagang sigbin sa bahay niya.
12:49.6
Ang sigbin ay nakatago pa sa isang malaking jar.
12:53.6
Ikwenento ng lalaki sa video na kada linggo ay nandudukot daw siya ng mga batang pulubig
12:59.6
para dalhin sa bahay nila at yun ang ipakakain niya sa alagang sigbin.
13:06.6
Makikita roon kung paano nito tad-tarin ang katawan ng mga bata at pagkatapos ay dadalhin sa bodega.
13:16.6
Isasama niya roon ang jar at papakawala ng sigbin upang ipakain ang mga huli niyang bata.
13:24.6
Sa ganoong paraan daw, ay sobrang sobrang swerte ang naibibigay nito sa kanya.
13:31.6
Nakapagpatayo na nga siya ng bahay at nakapagpundar na rin ang tatlong sasakyan dahil dito.
13:37.6
Ganoon daw katindi magbigay ng swerte ang mga sigbin kapag pinakain ng sariwang katawan ng tao.
13:47.6
Hindi maiwasang mangilabot ni Dave sa mga napanood.
13:52.6
Hindi siya makatiya kung gimmick pa rin ba ang mga ito o may bahid na talaga ng katotohanan.
13:59.6
Aktwal kasi talagang ipinapakita sa video ang tunay na itsura ng mga aswang.
14:05.6
Pati ang paraan kung paano sila nagpapalit ng anyo at kung paano nila kainin hanggang sa maubos ang katawan ng isang tatlo.
14:16.6
Gayon pa man, isinave pa rin niya ang mga iyon para maisali sa mga contest na gagawin niya.
14:25.6
Siguradong mas dudumugin ito ng mga manunood lalo na usong uso pa naman sa horror community sa YouTube ang mga kwento at paksa tungkol sa aswang.
14:38.6
Marami mga channel na palaging ganito ang inilalabas na content.
14:43.6
Mas malakas daw kasi ang hatak sa views kapag aswang ang nilalaman ng video.
14:50.6
Ngayon pa lang ay hindi na niya mabilang sa imahinasyon kung gaano karaming income ang kikitain niya rito lalo kapag nailabas na niya sa kanyang channel ang diumanoy aktwal na video ng mga aswang.
15:04.6
Nang pagmasdan niya ang kabuoan ng kanyang screen, doon lang niya napansin ang pag-ilaw ng flash sa camera nito.
15:13.6
Nagulat tuloy siya.
15:16.6
Nangangahulugan kasi itong active ang camera niya kapag umilaw ang flash nito.
15:22.6
Iilaw-ilaw lang ang flash ng camera sa laptop kapag ito'y kasalukuyang ginagamit ng user o kapag may isang malware na nagkaroon ng access para kusa itong buksan.
15:36.6
Dahil hindi naman niya ginagamit ang camera, natitiyak niyang malware ang may kagagawa nito.
15:43.6
Kinabahan siya at napatayo ng kinauupuan.
15:47.6
Agad siyang kumuha ng electrical tape at tinakpan ang front camera ng laptop.
15:53.6
Sa tagal na niyang nagdadive sa deep web, ngayon lang napasok ng malware ang laptop niya.
16:00.6
Nakuha pa nitong buksan ang camera niya at hindi pa man din siya nakapagtatakip ng muka dahil huli na niya itong nakita.
16:09.6
Wala sanang mangyaring masama sa kanya.
16:17.6
Hanggang isang araw ay nakatanggap siya ng spam email.
16:23.6
Napakarami na mga email na ito ngunit iisa lamang ang sender na pinanggalingan.
16:30.6
Pag bukas niya, isa-isa sa mga email na iyon ay nasindak siya.
16:36.6
Nakalakit doon ang mga litrato niya habang nakaupo sa harap ng laptop niya.
16:42.6
Ang iba ay mga larawan niya habang naglalakad siya sa labas.
16:47.6
Nandun din ang larawan niya kaninang umaga habang papasok sa isang mall.
16:56.6
Doon kinabahan si Dave.
17:00.6
Iisa lang ang ibig sabihin nito.
17:04.6
Hindi lang basta malware ang nakapasok sa laptop niya,
17:08.6
kundi isang hacker na binabantayan ngayon ang bawat kilos niya.
17:13.6
Nasa paligid ang mga taong ito dahil nagawa pa nitong kunan siya ng litrato sa labas.
17:24.6
Isang araw na hindi nakalabas ng bahay si Dave dahil sa takot.
17:29.6
Napansin kasi niya na sa tuwing lalabas siya ay doon nagpapadala ang hacker ng panibagong email sa kanya na naglalaman ng kanyang mga larawan sa labas.
17:41.6
Napili na lamang niyang manatili sa loob habang nag-iisip ng paraan kung paano niya mapipigilan ang stalker na ito sa masama nitong binabalak.
17:53.6
Hanggang isang gabi.
17:55.6
Habang nag-a-upload ng panibagong video sa channel niya,
18:00.6
nakarinig siya ng sasakyan na huminto sa harapan mismo ng kanyang bahay.
18:06.6
Pinilit niyang maging kalmado at iniwasang mag-isip ng kung ano-ano.
18:12.6
Habang hinihintay na ma-upload ang video, nakarinig naman siya ng mga yabag ng paa na papalapit sa pinto ng bahay niya.
18:21.6
Doon na siya mas lalong kinabahan, kukayat napatayo na siya sa kanyang kinauupuan.
18:28.6
Kumuha siya ng pamalo sa likod ng pinto at kanya nang inihanda ang sarili.
18:36.6
Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa sala.
18:40.6
Nakita niya ang paggalaw ng doorknob na nangangahulugang sinisira na ito ng kung sino mang tao ang nasa labas.
18:52.6
Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa kanyang kwarto at tinawagan ang lahat ng kakilala sa cellphone para humingi ng tulong.
19:01.6
Pakiusap, pumunta kayo ngayon dito sa bahay ko.
19:05.6
May nakapasok na magnanakaw. Nasa loob na siya ng bahay.
19:10.6
Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakihinaan ako ng loob. Pakiusap, tulungan niyo ako.
19:21.6
Pambulong na wika niya sa kaibigang nasa kabilang linya.
19:25.6
Agad niyang ibinaba ang cellphone nang marinig ang paggalaw ng doorknob sa pinto ng kwarto niya.
19:32.6
Napasiksik siya sa dingding at inihanda ang hawak na pamalo.
19:38.6
Wala na siyang magagawa kundi ang lumaban.
19:42.6
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at inilabas na ang lahat ng natitirang porosyento ng kanyang tapang.
19:50.6
Biglang bumukas ang pinto at bumulaga nga roon ang apat na lalaki naka vendetta mask at may suot na hood sa ulo.
20:01.6
Nanginig ang buong katawa ni Dave.
20:04.6
Nagsimula na siyang pagpawisan.
20:08.6
Subukan niyong lumapit. Magkakamatayan tayo rito.
20:13.6
Panakot niya sa mga ito.
20:15.6
Naglabas ang isang lalaki ng ispray na nakalagay sa itim na bote.
20:20.6
Inisprayhan nito ng kemikal ang buong kwarto niya.
20:25.6
Mabilis na kumalat ang kemikal hanggang sa malanghap na niya ito.
20:31.6
Unti-unti siyang nakaramdam ng panghihina at pagdidilim ng diwa.
20:37.6
Nabitawan na niya ang hawak na pamalo at hindi nagtagal.
20:41.6
Bumulagta na lamang siya sa sahig.
20:45.6
Nawalan na ng malay.
20:48.6
Hindi na niya namalayan ang pagbubuhat sa kanya ng mga lalaki papalabas ng bahay.
20:54.6
Isinakay siya ng mga ito sa itim na van at isaka inilayo sa lugar na iyon.
21:11.6
Kinabukasan
21:14.6
Naglabas ng panibagong video ang website ng Aswang Chronicles sa deepweb.
21:19.6
Makikita naman sa video ang grupo ng malalaking mga aso na pinagpipistahang kainin ang tinaddad na katawan ng isang lalaki sa bathtub na umaapao sa pulang likido.
21:35.6
Ito'y walang iba, kundi si Dave.
22:05.6
Like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media.
22:10.6
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyong social media. Check the links sa description section.
22:17.6
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
22:24.6
Suportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
22:31.6
Gayon din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
22:36.6
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
22:54.6
For more animated horror stories, subscribe na or else!
23:01.6
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
23:10.6
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.