Close
 


GABI NG LAGIM: BUHOK NG KAMATAYAN *Hilakbot*
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GABI NG LAGIM: BUHOK NG KAMATAYAN *Hilakbot* CLICK HERE 🔗 https://youtu.be/DAgPmJF1og4 🔴 EPISODE WRITER ► DRAVEN BLACK Follow our Writer https://www.facebook.com/DravenBlack666 🔴 STORY EDITORS ► MAMA SANG | PAPA DUTDOT 🔴 NARRATOR ► RED 🔴 MUSIC COVERS BY ► Flor Ristagno (Cover Version Slowed) ► Norimichi Teves (Musicbox / Piano Version) #hilakbottv #gabinglagim #dravenblack #gabinglagimseason4 #pinoyhorrorstories #tagaloghorrorstories #hilakbotpinoyhorrorstories #tagaloghorroraudiobook Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ ✅ IMPORTANT! ► ALL EPISODES UPLOADED ARE FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY. LISTEN AT YOUR OWN RISK! ► ALL CONTENTS UPLOADED are OWNED & EXCLUSIVE to HILAKBOT TV. REPRODUCTION in WHOLE or in P
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 23:06
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito ang mga huling araw, napapadalas ang kwento ni Leo tungkol sa buhok na palagi rao lumilitaw kahit saan siya magpunta.
00:23.5
Kapag umiinom siya ng tubig, ay bigla rao itong lumilitaw sa bibig niya.
00:29.0
Sa tuwing babangon sa umaga ay lagi rao itong nakakalat sa unan niya.
00:34.5
Maging sa pagbubukas ng gripo, ay may buhok din daw doon na sumasabay.
00:41.0
Isang mahabang buhok na tiyak nitong galing sa isang babae.
00:48.0
Ayon sa kanya, ang buhok na iyon ay mabaho raw ang amoy.
00:58.5
Baka naman pinepeste lang ng kung anong hayop yung bahay mo kaya ganun.
01:04.0
Wika ng hindi pa rin kumbinsidong si Patrick.
01:08.0
Hindi ito mapaniwalain sa mga kwentong guni-guni lalo na't pinalaki ito ng kanyang mga magulang sa mundo ng siyensya.
01:20.0
Imposible naman Brad, paano makakagawa ng buhok ang anumang hayop o insekto kung ganun?
01:27.0
Tama naman si Leo pre.
01:30.5
Pakli ni Joshua sa usapan.
01:34.5
Ano kaya tol kung humingi ka nalang muna ng tulong sa albularyo?
01:40.5
Teka, paano? Teka sa naman tayo hahanap ng albularyo?
01:46.5
Yan din ang hindi ko alam.
01:49.5
Sa panahon ngayon, mahirap na rin kasi makahanap ng mga albularyo.
01:53.5
Lalo na't andito tayo ngayon sa Maynila, hindi kasi uso yung ganyan dito eh.
02:02.0
Lahat ng paraan ay papasukin na ni Leo malaman lang niya ang pinagmumulan ng buhok na gumugulo sa kanya araw-araw.
02:12.0
Lumipas ang ilang araw ay walang nahanap na albularyo ang tatlo.
02:18.0
Nang magkita-kita ay pare-pareho silang mukhang bigo.
02:24.0
Sorry brad, wala tayo kaming mahanap eh.
02:28.0
Uyikan ni Patrick sa lalaki.
02:32.0
Subukan mo kayang lumapit sa mga huhulap.
02:35.0
Doon sa Quiapo marami.
02:37.0
Suez Cho ni Joshua.
02:41.0
Sige, subukan ko.
02:44.0
Pero sasamahan niyo ba ako?
02:48.0
Yun lang, may pasok kasi ako ngayon sa trabaho eh.
02:51.5
Mga si Patrick nalang magusto kong sumama sayo.
02:55.5
Agad umatras si Patrick at sabi,
02:58.5
Naku, huwag ako, may pupuntahan din kasi ako ngayon, hindi rin ako pwede.
03:05.5
Palusot niya para hindi lang makasama.
03:09.5
Wala talaga siyang interes sa mga paksang paranormal.
03:13.5
Sa huli, si Leo na lang ang mag-isang bumiyahe sa Quiapo para magpahulak.
03:21.5
Oras na naman na!
03:32.5
Araw ng Sabado at muling nagkita-kita ang tatlo para mag-inuman sa bahay ni Joshua.
03:39.5
Tuwing weekend ay gawain na talaga nilang uminom.
03:44.5
Pambungad na tanong ni Joshua.
03:48.5
Anong balita sa pagpapahula mo Brad?
03:51.5
Wala.
03:54.5
Matipid na sagot ni Leo.
03:57.5
Halatang ayaw nitong pag-usapan ng tungkol dun.
04:00.5
Pero nagpumilit si Joshua at muling nagtanong.
04:05.5
Anong wala?
04:07.5
Hindi ka ba natuloy o ano?
04:11.5
Brad, ayokong muna pag-usapan kung pwede.
04:15.5
Siguradong alam niyo rin yung tungkol dito.
04:18.0
Ano nga kasi yun?
04:20.0
Bakit ayaw mo kasing sabihin?
04:22.0
Paano ka naman din namin matutulungan kung ganyan ka?
04:26.0
Basta hindi na bali.
04:28.0
Uminom na lang tayo.
04:30.0
May naisip na akong parang para tuldukan yung problema ko.
04:36.0
At dahil talagang ayaw ibahagi ni Leo,
04:39.0
ang sinabi sa kanya na manghuhula ay hindi na rin nangulit pa ang dalawang kaibigan.
04:44.5
Itinuloy na lamang nila ang inuman hanggang sa malunod na sila sa kalasingan.
05:02.5
Hating gabi na nang makauwi si Leo.
05:05.5
Bagamat languna sa alak, ay tuwid pa rin naman ang isip at nakakakilos ng maayos.
05:11.0
Habang naghihilamos, ay may nakapa siya sa kanya muka.
05:16.0
Pag dilat niya sa harap ng salamin, punong-puno ng mahahabang buhok ang muka niya.
05:30.0
Kinilabutan siya dahil doon.
05:33.0
Agad niya itong binanlawan sa tubig at tinanggap ng isip.
05:37.5
Agad niya itong binanlawan sa tubig at tinanggal ang dumikit na buhok sa muka.
05:43.5
Paglingon niya sa sahig, ganun na lang kadami ang mga buhok na nakakalat sa paligid.
05:50.5
Dumagundong ang dibdib ni Leo sa takot.
05:53.5
Napatakbo siya sa kwarto at sinubukang tawagan ang mga kaibigan para humingi ng tulong.
06:00.5
Nahinto siya sa pagdadayal sa cellphone nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa bubong.
06:07.5
Tila mga paang lumalakad.
06:10.5
Pinakiramdaman niyang mabuti ang paligid.
06:14.5
Mukhang may nakapasok sa bahay niya at nagawa pa talagang umakyat sa gate nila.
06:21.5
Iginala ni Leo ang kanyang paningin hanggang sa mapasulyap sa bukas na bintana ng kwarto.
06:28.0
Walang ano-ano'y nagpakita sa kanya doon ang isang babaeng hubot-hubad ang katawan at may mahahabang buhok na pumapasok na ngayon sa kanyang bintana.
06:42.0
Nabitiwan ni Leo ang cellphone dahil sa labis na hilakbot.
06:47.0
Ang katawan kasi ng babaeng iyon ay agnas na.
06:51.5
Ang muka nito ay natatakpa ng napakahaba nitong buhok na may buhay pa.
06:58.5
Bago pa siya makagawa ng aksyon, pumulupot na ang buhok sa kanyang paanan.
07:05.5
Hinila siya nito hanggang sa siya'y madapa.
07:08.5
Doon nagsisigaw si Leo.
07:11.5
Kahit mag-isa lang sa bahay ay nagawa pa niyang humingi ng saklolo gawa ng kawala ng pag-asa.
07:18.0
Gustuhin man niyang magdasal pero hindi pwede dahil alam niya sa sarili niya na walang makikinig sa kanyang dasal.
07:29.0
Para siyang baboy na kinakatay ang sigaw nang bumalot pa sa buong katawan niya ang makapal na buhok.
07:35.5
Unti-unting nagsilabasan doon ang iba't-iba mga peste gaya ng ipis, gagamba, alupihan at nakakadiring uod.
07:45.5
Nagwawala pa sa loob ng buhok ang katawan ni Leo pero wala na itong magawa para iligtas pa ang kanyang sarili niya.
07:56.0
Nagwawala pa sa loob ng buhok ang katawan ni Leo pero wala na itong magawa para iligtas pa ang kanyang sarili niya.
08:06.0
Parehong nagulat sina Joshua at Patrick nang mabalitaan ang pagkamatay ng kaibigang si Leo.
08:30.0
Punuraw ng mga pasa at sugat sa katawan ng matagpuan nito.
08:35.0
Ang ipinagtataka lamang din ng magkakaibigan kung bakit may paso pa ng sigarilyo ang muka nito.
08:43.0
Mas lalo ding nagtaka lalong lalo na ang otoridad nang matagpuan ang ilang hibla ng buhok na nakapulopot sa katawan nito.
08:54.0
Walang iniwang bakas ang kriminal. Napakalinis ng crime scene.
09:00.0
Nihindi rin malaman ng otoridad kung paano napasok ang bahay ng lalaki gayong nakakandado naman ang gate at walang taong nakita sa CCTV.
09:12.0
Naging isang malaking misteryo sa kanila ang pagkamatay ni Leo.
09:19.0
Doon napaisip si Joshua.
09:23.0
Sabi pa'y,
09:26.0
Brad,
09:29.0
hindi kaya may kinalaman dito yung buhok na palagi raw niyang nakikita?
09:38.0
Ewan ko.
09:40.0
Naguguluhan din nga ako sa nangyari.
09:43.0
Tugo naman ni Patrick.
09:45.0
Ayaw niyang maniwala sa kababalaghan pero maging siya ay natatakot na rin sa pagkamatay ng kaibigan.
09:55.0
Pagkarating ng mahabang holiday ay naghiwalay muna ang magkaibigan dahil nagbakasyon sila sa kanikaninang probinsya.
10:03.0
Si Joshua ay umuwi ng Pampanga habang si Patrick naman ay nagbakasyon sa bahay nila sa Bohol.
10:10.0
Isang tanghali ayun nang maisipang maligo ni Patrick dahil sa sobrang init ng panahon.
10:17.0
Nagtungo siya sa likod ng bahay kung saan nakapwesto ang kanilang paliguan.
10:23.0
Naghubad siya ng damit hanggang sa boxer shorts na lang ang natira.
10:29.0
Binuksan niya ang drum at binuhusan ng tubig ang kanyang ulo.
10:34.0
Habang hinahaplos ang muka, may nakapa siyang kakaiba.
10:40.0
Isang mahabang buhok ng babae ang nakuha niya mula sa kanyang ulo at muka.
10:48.0
Nabagsak pa ni Patrick ang hawak na tabo.
10:52.0
Nagulat siya at pagkatapos ay binanlawan ang katawan ng mabilisan.
10:58.0
Napatayo siya at dahan-dahang sinilip ang drum.
11:03.0
Ganun na lang ang pagkagimbal niya nang makitang punong-puno ng mahabang buhok ang drum na iyon.
11:12.0
Sa takot ay napatakbo agad siya sa loob ng bahay kahit basa pa ang katawan.
11:17.0
Nagkulong siya sa kwarto at doon nagpunas ng twalya.
11:21.0
Napaupo na lamang siya sa papag at pinapakalma ang sarili.
11:27.0
Hindi dapat siya naniniwala sa kababalaghan dahil laki nga siya sa siyensya pero
11:33.0
ano itong nangyayari ngayon sa kanya?
11:37.0
Parang nararanasan din niya ngayon ang madalas na ikuwento sa kanila ng yumaong kaibigan na si Leo.
11:46.0
Hanggang sa lumipas ang ilang araw ay padalas ng padalas ang pagpapakita ng mahiwagang buhok kay Patrick.
11:54.0
Kung saan-saan na rin ito sumusulpot.
11:57.0
Sa banyo,
11:59.0
sa ilalim ng kanyang unan,
12:01.0
sa kanyang pagkain hanggang sa pagligo.
12:05.0
Napilitan na rin siyang sabihin ito kay Joshua nang minsang magkausap sila sa cellphone.
12:13.0
Sana magkaya nang galing yung buhok na yun.
12:16.0
Saka bakit ikaw naman yung kinugulo?
12:19.0
Nagtatakang tura ni Joshua sa kaibigan.
12:24.0
Brad, wag mo na rin ako tanungin tungkol dyan dahil same lang naman tayo ng tanong.
12:28.0
Hindi ko rin mahanapan ng sagot eh.
12:31.0
Ewan ko bakit, bakit sa akin naman nagpapakita yung mga buhok na yun?
12:37.0
Sagot ni Patrick sa kabilang linya.
12:41.0
Kayaan mo Brad.
12:43.0
Masubukan ko makahanap ng sagot tungkol dito.
12:46.0
Hindi ko nga lang alam kung paano pero pamalitaan kita agad pag nakahanap ako ng ideya.
12:52.0
Sige-sige Brad, maraming salamat ha.
12:55.0
Pagpatak ng gabi ay hindi makatulog si Patrick sa kanyang higaan.
13:00.0
Parang gusto niyang lumipat sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang mga kasama niya sa bahay.
13:07.0
Sa pagdaan din ng ilang araw, mas lalong tumitindi ang takot niya at halos ayaw na nga siya nitong patulugin.
13:16.0
Hindi nagtagal ay bumangon din si Patrick sa papag.
13:19.0
Buo na ang pasyan niyang lumipat sa kabilang kwarto.
13:24.0
Hindi pa man siya nakakatayo, ay may naramdaman na siyang pumulupot sa kanyang mga binti.
13:31.0
Nang hawakan niya ito, laking gulat niya dahil buhok ang nakapulupot sa kanyang mga paa.
13:38.0
Sinubukan niyang tumayo at maglakad para buksan ang ilaw pero agad din siya.
13:44.0
Pagbagsak ni Patrick sa sahig, bumungad sa ilalim ng kama ang isang babaeng walang saplot ang katawan.
13:55.0
Dito pala nang gagaling ang buhok na sumasalot din sa kanya.
14:01.0
Gayon na lamang ang lakas din ang sigaw ni Patrick at isa isang tinawag ang mga binti.
14:07.0
Lalo pa siyang nagwala, nang tuluyan siyang balutin sa buong katawan ng buhok ng naturang nilalang.
14:15.0
Doon ay hindi na nga siya nakasigaw.
14:19.0
Naramdaman niya ang pagpasok ng buhok sa kanyang bibig, ilong at tenga.
14:25.0
Pakiramdam pa nga niya'y hinihigop nito ang kanyang katawan.
14:29.0
Nais niyang umusal ng dasal, ngunit naaalala niya ang isang katotohanan.
14:36.0
Wala nga palang makikinig sa kanyang dasal.
14:43.0
Patrick ay nakikinig sa buhok ng katawan.
14:47.0
Nais niyang umusal ng dasal, ngunit naaalala niya ang isang katotohanan.
14:53.0
Wala nga palang makikinig sa kanyang dasal.
14:59.0
Kinabukasan, natagpo ang patay si Patrick sa kanyang kwarto.
15:05.0
Tagtad ng pasa at sugat ang katawan.
15:09.0
May mga paso din ng sigarilyo sa muka.
15:12.0
May mga buhok din nakabalot sa leeg at sa kanyang braso.
15:17.0
Agad na nakarating kay Joshua ang balitang iyon.
15:21.0
Patrick ay nakikinig sa buhok ng katawan.
15:25.0
Agad na nakarating kay Joshua ang balitang iyon.
15:29.0
Maging siya ay nanlaki ang mga mata sa litratong ipinadala sa kanya ng mga kaanak ni Patrick.
15:36.0
Nakita niya roon ang kalunus-lunus na sinapit ng kanyang kaibigan, lalo ang bangkay nito.
15:44.0
Pati na rin ang mga buhok na nakapulupot sa katawan nito.
15:47.0
Binalot na naman ang pagtataka si Joshua kung saan nagmumula ang buhok na pumatay sa dalawa niyang kaibigan.
15:58.0
Naisipan niyang harapin ang laptop para manaliksik ng sagot.
16:03.0
Ngunit pagpasok niya sa silid, tumambad ang mahabang buhok na nakakalat na ngayon sa kama niya.
16:11.0
Napaatras si Joshua at mabilis na kumabog ang kanyang dibdib.
16:15.0
Habol ang hiningang lumabas siya ng bahay habang nanginginig ang kanyang katawan.
16:21.0
Ano ang ibig sabihin ng nakita niya?
16:25.0
Bakit sa kanya naman na ngayon nagpapakita ang mahiwagang buhok?
16:31.0
Mahina ang loob ni Joshua pagdating sa kababalaghan.
16:36.0
Hindi siya ngayon makapasok sa sariling bahay dahil wala din siyang kasama.
16:40.0
Nasa trabaho pa ang asawa niya at hating gabi rin kung umuwi ang kapatid niyang nagtatrabaho sa isang call center.
16:48.0
Nasa harap lang siya ng bahay habang naghihintay sa mga kasama.
16:54.0
Habang nakatambay sa labas, bigla siyang nakarinig ng sutsot mula sa bintana na bukas at ito ay yung nasa kanyang kwarto.
17:03.0
Pagangat ng kanyang ulo, tumambad ang babaeng walang saplot sa katawan, agnas ang balat at may kagimbal-gimbal na anyo.
17:15.0
Isang anyo na tila nilunod sa matinding karahasan.
17:21.0
Tumindi ang pagkabog ng dibdib ni Joshua.
17:25.0
Tumindi ang pagkabog ng dibdib ni Joshua.
17:29.0
Nagsimula siyang pagpawisan sa noo, lalo at nang mapagtanto niya na pamilyar ang wangis ng babaeng kanyang nakikita.
17:42.0
Kung hindi siya nagkakamali, ito si Magda.
17:49.0
Ang dalagitang pinagsamantalahan at binaboy nila noon kasama ang dalawang kaibigan niyang si Naleo at Patrick.
18:00.0
Ito ang babaeng may taglay na kagandahan ngunit na pagkakamalang salot at mangpukulam dahil sa mahaban itong buhok na hindi ipinapagupit.
18:12.0
Dahil sa ganda ng babae, hindi nila nalabana ng tawag ng laman.
18:19.0
Mag-isa lang din kasing naninirahan ang babaeng iyon sa syudad kaya madali din nilang na isakatuparan ang madilim nilang plano.
18:32.0
Napakatagal na ng pangyayaring iyon.
18:35.0
High school pa lamang sila nang maganap ang krimen.
18:38.0
Ngayon ay nagbabalik ito kasama ang mahabang buhok nito para makapaghiganti.
18:49.0
Hindi mo magagawa sa akin ang balak mo, Magda.
18:53.0
Patay ka na.
18:55.0
Hindi mo ako kayang saktan.
18:58.0
Pero hindi sumagot ang babae.
19:01.0
Ngunit biglang gumalaw ang buhok nito at biglang humaba hanggang sa pumulopot sa katawan ni Joshua.
19:09.0
Ibig sumabog ng ulo ni Joshua sa takot.
19:13.0
Bakit hindi pa niya naisipang tumakbo noong una pa lang?
19:17.0
Ngayon ay bihag na siya ng buhok ng nilalang at wala na siyang magagawa para makatakas.
19:24.0
Hindi rin niya nagawa pang magdasal dahil batid niyang sila rin ang may kasalanan kung bakit naghihiganti ang nilalang na ito sa kanila.
19:36.0
Siguradong wala rin makikinig sa kanyang mga dasal.
19:40.0
Kung kaya't inilabas na lamang ni Joshua ang pinakamalakas niyang sigaw na gumising sa mga kapitbahay.
19:47.0
Isa isang nagsidungawan ang mga ito habang ang iba naman ay lumabas pa ng bahay para makita ang kabuoang kaganapan.
19:56.0
Ang naabutan na lamang nila ay ang nakabulagtang katawan ni Joshua sa harap ng bahay nito.
20:04.0
Nang lapitan nila ito, binalot ng sindak at pagtataka ang anyo ng mga nakikiusyoso.
20:13.0
Balot na balot ng buhok ang mga braso at leeg ni Joshua.
20:18.0
Punurin ito ng mga sugat at pasa sa katawan.
20:22.0
May mga paso pa ng sigarilyo sa muka at halatang nalunod ito sa matinding karahasan bago nalagutan ng hininga.
20:31.0
Ngunit sino naman kaya ang gumawa nito?
20:34.0
Nagkatanungan ang mga tao tungkol doon.
20:37.0
Kanina lang ay nakakarinig pa nga sila ng sumisigaw subalit ngayong paglabas nila ay ganito na agad ang naabutan nila sa lalaki.
20:51.0
Bangkay na ito nang makita nila.
20:55.0
Walang kaalam-alam ang mga osyoso sa tunay na naganap kay Joshua pati na rin sa dalawang barkada nito.
21:05.0
Huli na bago nila nalamang kahit gaano pa katagal palipasin ang isang kasalanan.
21:14.0
Susundan at susundan pa rin sila nito hanggang sa kasalukuyan.
21:34.0
If you liked this scary story, hit like, leave a comment, and share our episode in your social media.
21:54.0
Support our writer by following her on social media. Check the links in the description section.
22:01.0
Don't forget to hit that subscribe button at the notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
22:09.0
Suportahan din ang ating mga brother channels, ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
22:16.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
22:21.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
22:31.0
Ako po si Red, at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating bunsong channel, ang Pulang Likido Animated Horror Stories.
22:40.0
Subscribe na or else!
22:45.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at only takotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
22:54.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!
23:00.0
Subscribe now!