Close
 


ito pala ang MATINDING EPEKTO sa KATAWAN ng BARLEY GRASS / Benefits and Side Effects of Barley Grass
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ito pala ang MATINDING EPEKTO sa KATAWAN ng BARLEY GRASS / Benefits and Side Effects of Barley Grass =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din kame ng mga recipes na may sahog na halamang gulay for healthy living! Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educational pu
Tey Telly
  Mute  
Run time: 10:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang barley grass ay kinikilala bilang pinakaunang cereal grain na itinanim ng mga tao.
00:05.8
Noong 7,000 B.C., ang barley ay ginagamit na bilang pagkain at medisin.
00:11.6
Also known as superfood, ang barley grass ay madalas ginagamit na health supplement.
00:17.3
Bagamat mahirap maghanap ng fresh barley grass,
00:20.6
ito ay mabibili in powder, juice, gummies, at tablet form.
00:25.6
Madalas din itong makita sa juice shops at health stores.
00:29.4
Ito ay inaani dahil sa taglay nitong nutrient-dense shruts na pinapatuyo at ginagawang powder.
00:36.1
Ang barley grass ay mayaman sa iba't-ibang vitamins, minerals, fiber, at amino acids.
00:42.6
Ang ilan sa mga benefits na makukuha natin rito ay
00:46.3
1. Pinupromote ang heart health
00:49.5
Ang barley grass ay nagtataglay ng saponarin, tryptophan, at gamma-aminobutyric acid
00:56.2
na may kakayahang pababain ang blood pressure at inflammation.
01:00.2
Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng barley grass extract ay nakakapagpababa ng bad cholesterol at triglyceride levels.
01:08.5
Mayaman din ito sa antioxidants na nakakatulong sa mga cardiovascular diseases.
01:14.5
Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang thrombosis o pagsara ng blood vessels dahil sa blood clots.
01:21.6
Pinapaganda rin ito ang flow ng dugo.
01:24.6
Ang barley grass ay may high amount din ng fiber na nakakatulong upang maiwasan ang heart disease.
01:30.9
Kaya naman, mainam i-add sa diet ang barley grass upang suportahan ang heart health.
01:36.9
2. Nakakatulong sa digestive system at weight loss
01:41.1
Dahil sa mababang calories at mataas na fiber content ng barley grass,
01:45.4
ito ay nakakatulong sa digestion at weight loss.
01:48.8
Pinopromote nito ang healthy balance ng microbiota sa gut at ang feeling of fullness o pagkabusog.
01:55.4
Kaya hindi ka magugutom agad at mababawasan ang iyong calorie intake.
02:00.4
At dahil sa taglay nitong anti-inflammatory effects,
02:03.7
ang barley grass ay nakakatulong sa gastrointestinal disorders tulad ng ulcerative colitis.
02:10.3
Nakakatulong din ito upang maalis ang toxins na naipon sa gastrointestinal tract at maiwasan ang stomach cancer.
02:18.2
3. Pang-kontrol ng diabetes
02:21.1
Ayon sa pag-aaral, ang taglay na insoluble fiber ng barley grass
02:25.4
ay makakatulong upang mapanatiling healthy ang blood sugar levels at kumanda ang insulin sensitivity.
02:32.2
Mayroon din itong flavonoids na nakakatulong sa pag-regulate ng blood glucose levels na mga taong may diabetes.
02:39.8
4. Nagbibigay proteksyon laban sa cancer
02:43.5
Ang barley grass ay nagtataglay ng high alkalinity, antioxidants, chlorophyll, flavonoids at phytochemicals.
02:51.3
Kapag pinagsama-sama ang effects na mga ito,
02:54.4
makakatulong ang barley grass upang mapigilan ang development ng cancer cell.
02:59.4
Ang taglay na phytochemicals ng barley grass ay sinasabing maaaring makatulong laban sa breast cancer.
03:05.9
Ito ay may anti-cancer properties dahil sa taglay nitong anti-proliferative at cell-killing effects.
03:12.5
Ito rin ay mayaman sa vitamins, minerals, at powerful antioxidants
03:17.8
na nagbibigay proteksyon sa ating katawan laban sa pinsalang dulot ng free radicals.
03:23.1
5. Pinupromote ang bone health
03:26.1
Ang barley grass ay may good source ng phosphorus na nakakatulong sa pag-absorb ng calcium.
03:32.2
Mayroon din itong calcium at magnesium na nakakatulong upang magkaroon ng strong bones at teeth.
03:38.4
Nakakatulong din ang calcium sa pag-regulate ng nerve at muscle function.
03:43.0
Piniprevent na mga ito ang bone-related problems.
03:46.4
Nagbibigay lunas din ito sa joint pain, arthritis, at osteoporosis.
03:51.4
Mayroon din taglay na vitamin K ang barley grass na kumokontrol sa calcium levels.
03:57.0
Kaya sinasabing ang regular na paggamit ng barley grass powder
04:01.0
ay makakatulong upang maiwasan ang risk ng bone loss at iba pang bone-related problems.
04:07.2
6. Pampalakas ng immune system
04:10.5
May high amount ng vitamin C ang barley grass.
04:13.5
Pinupromote nito ang healthy skin, eye health, collagen production, at wound healing.
04:19.2
Mayaman din sa vitamin A ang barley grass.
04:22.2
Ito ay makakatulong sa vision, bone growth, at cell development.
04:26.3
In addition, ang barley grass ay may high concentration ng superoxide dismutase enzyme,
04:32.3
isang unique antioxidant na makakatulong upang mabawasan ang epekto ng oxygen-free radicals.
04:39.3
Mayroon din itong high levels ng beta-carotene at vitamin E
04:43.1
na nakakatulong upang maiwasan ang chronic diseases na dulot ng oxidative stress.
04:48.8
7. Pinupromote ang brain health at good sleep
04:52.6
Madalas ka bang hindi makatulog dahil sa stress o depression?
04:56.5
Baka makatulong ang barley grass sayo.
04:59.0
Ayon sa pag-aaral, ang barley grass ay may antidepressant properties.
05:03.9
Ito ay may kakayahang irregulate ang levels ng nerve growth factor sa brain,
05:08.6
isang insulin-like protein na kumukontrol sa growth at development ng neurons.
05:14.2
Dahil mayaman sa vitamins at minerals ang barley grass,
05:17.8
ito ay nagtataglay ng memory-enhancing effects.
05:21.4
Nakakatulong din ito sa stress-related psychiatric problems tulad ng depresyon.
05:27.0
Ang high amount din ito ng gamma-aminobutyric acid,
05:30.5
calcium, potassium at tryptophan ay may kakayahang magpromote ng sleep.
05:35.7
8. Pinupromote ang skin health
05:38.8
Ang taglay na superoxide dismutase enzymes ng barley grass
05:42.8
ay nagbibigay proteksyon laban sa nakakapinsalang epekto ng UV radiation.
05:47.8
Ito rin ay may high chlorophyll content na nagsisilbing proteksyon laban sa epekto ng radioactivity.
05:54.3
Ang barley grass ay nagtataglay din ng mahalagang compounds tulad ng vitamin B,
05:59.4
iron at phycocyanin na makakatulong sa pag-regenerate ng cells at mabawasan ang signs of aging.
06:07.0
Pinapabuti rin nito ang bone marrow at pinupromote ang production ng white at red blood cells.
06:13.4
9. Panglunas sa ulcerative colitis
06:16.9
Ang ulcerative colitis ay isang long-term condition
06:20.8
kung saan ang colon at rectum ay nakakaranas ng inflamasyon.
06:25.4
Ito ay isang inflammatory bowel disease na common sa mga taong may problema sa immune system.
06:31.7
Fortunately, ang barley grass ay maaaring makatulong upang lunasan ang ulcerative colitis.
06:38.2
Mayroong stimulating effect ang barley grass sa gut-friendly bacteria.
06:43.0
Pinapababa nito ang provocative chemicals sa bowel.
06:46.9
Binabalansa din nito ang fluid sa bowel at inaalis ang naipon na toxins sa katawan.
06:52.9
10. Nakakabuti sa liver
06:56.1
Base sa pag-aaral, ang barley grass ay nagtataglay ng high amount ng flavonoid.
07:01.5
Ito ay nagtataglay ng liver protective activity at antioxidant effects laban sa liver injury.
07:08.2
May kakayahan din itong pababain ang plagiuric acid.
07:11.9
At ang high content din ito ng chlorophyll ay nakakatulong sa pagdetoxify ng liver.
07:17.4
However, pinapayuhan na kumonsulta muna sa doktor ang mga taong may liver condition
07:23.2
bago gumamit ng barley grass.
07:25.3
Ano-ano ang side effects ng barley grass?
07:28.3
Although generally safe gamitin ang barley grass,
07:31.4
ito ay maaaring magdulot ng number one digestive problems.
07:36.2
Ang barley grass ay good source ng dietary fiber
07:39.4
na maaaring magdulot ng digestive problems kung gagamitin ng sobra.
07:44.2
Ito ay posibleng magdulot ng gas, bloating, indigestion, constipation, abdominal pain, at diarrhea.
07:52.1
Para mayuwasan nito, gamitin in moderation ang barley grass at mga by-products nito.
07:57.9
2. Allergies
07:59.9
Ito ay maaaring maranasan ng mga taong may hypersensitivity or allergies sa grass at cereal grains
08:06.5
kagaya ng rye, wheat, oat, at corn.
08:09.5
Ang barley grass ay posibleng magdulot ng iba't-ibang allergic reactions
08:13.8
tulad ng rashes, hives, skin irritation, inflammation, at difficulty in breathing.
08:19.9
Ito rin ay maaaring magdulot ng anaphylaxis at pamamaga ng mata, ilong, binti, at braso.
08:26.6
3. Gluten Sensitivity
08:29.2
Ang celiac disease o gluten sensitivity ay wheat allergy na dulot ng gluten intolerance.
08:35.8
Bagamat sinasabing walang taglay na gluten ang barley grass, ito ay maaaring may gluten protein.
08:41.8
Kaya dapat mong iwasan ang barley products kung ikaw ay may gluten sensitivity.
08:47.0
4. Drug Interaction
08:49.5
Ang safety o effectiveness ng barley grass supplements ay hindi ni-regulate ng Food and Drug Administration.
08:56.4
Kung bibili ng barley grass supplements, siguraduhin na ito ay mula sa reputable seller.
09:02.2
In addition, may mga barley grass products na maaaring may high amounts ng micronutrients,
09:08.2
tulad ng potassium at vitamin K.
09:10.6
Kung ikaw ay umiinom ng blood thinning medications,
09:13.9
ang barley grass ay maaaring magdulot ng drug interaction dahil sa taglay nitong vitamin K.
09:19.6
Samantala, dapat limitahan ang potassium intake ng mga taong may kidney disease.
09:25.0
Therefore, maganda na kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng barley products,
09:30.3
lalo na ang mga taong may health conditions o may iniinom na medications.
09:35.3
5. Fungal Contamination
09:38.2
Ayon sa mga reports, ang barley water ay minsan nagdudulot ng fungal contamination.
09:43.8
May natagpuang kontaminan sa malt extract ng barley grass,
09:47.5
tulad ng ocrotoxin at trichothesium rosium.
09:51.4
Ang mga toxins na ito ay nakakasama sa bone health dahil binibreak down nito ang ating mga buto.
09:57.7
6. Ano ang Recommended Daily Intake ng Barley Grass?
10:00.6
On the other hand, safe pa rin gamitin ang barley grass.
10:04.1
Dapat lang i-moderate ang paggamit nito.
10:06.8
Ang Recommended Daily Intake nito ay 2 to 3 tablespoons.
10:10.8
Pwede itong ihalo sa tubig o juice.
10:13.2
Pero kung first time mo palang gagamit ng barley grass,
10:16.2
magsimula sa small amount at unti-unting taasan ang dosage nito.
10:21.1
Ikaw, nasubukan mo na ba ang barley grass?
10:27.6
Thank you for watching!