Close
 


Isla, Bakit Napakatagal Mamamatay Ang Mga Tao Dito?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Alam niyo ba, may isang isla sa Japan na sobrang daming mga taong napakatagal mamatay. Kaya binansagan itong “Ang isla ng mga immortal”. Sa sobrang tanda ng mga tao dito ay tila nakalimotan na daw nilang mamatay. Noong 2022 mayroong 92,139 Centenarians sa buong Japan. Napakarami niyan kung ikokompara natin sa Pilipinas na mayroon lamang 662 centenarians. Ano kaya ang kanilang tinatagong sikreto? Bakit napakatagal mamatay ng mga tao sa islang ito? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Siya si Misao Ukawa, naging pinakamatandang tao sa edad na 117 years old noong 2015.
00:08.4
Si Lolo Nabi Tajima naman, ang naging pinakamatandang tao noong 2018 sa edad din na 117.
00:16.6
119 naman ang edad ni Lola Kani Tanaka noong pumanaw siya noong 2022.
00:23.3
Silang tatlo ay parehong mga Japanese centenarians.
00:26.8
Centenarian ang tawag sa mga taong umabot na ang edad sa 100 years at pataas.
00:33.4
At alam niyo ba, may isang isla sa Japan na sobrang daming mga taong napakatagal mamatay.
00:39.9
Kaya binansagan itong ang Isla ng Mga Imortal.
00:43.8
Sa sobrang tanda ng mga tao dito ay tila nakalimutan na daw nilang mamatay.
00:49.3
Sa islang ito ay karaniwan ang makikita na kahit sobrang tanda na ay nagtatrabaho pa rin sila.
00:56.0
Nagda-drive.
00:59.9
Bumibili ng groceries, naglalaro ng sports at kahit pa karate.
01:11.1
Ano kaya ang kanilang tinatagong sikreto?
01:14.8
Bakit napakatagal mamatay ng mga tao sa islang ito?
01:21.1
Welcome to Okinawa, Japan.
01:23.6
Kilala sa kanyang nagagandahang mga beaches with turquoise blue water.
01:28.6
Ngunit ang talagang nagpakilala ng Okinawa sa buong mundo ay ang sobrang daming taong napakatagal mamatay na naninirahan dito.
01:36.9
Noong 2022, mayroong 92,139 centenarians sa buong Japan.
01:43.5
Napakarami niyan kung ikukumpara natin sa Pilipinas na mayroon lamang 662 centenarians.
01:49.6
At malaking bilang ng mga centenarians sa Japan ay naninirahan.
01:53.6
At ang higit na nakakabilib, karamihan sa mga matatanda sa Okinawans ay kaya pang mamuhay independently.
02:03.3
Ibig sabihin, sila mismo ang gumagawa ng mga gawaing bahay kahit pa 97 o 100 years old na.
02:10.5
Ano nga ba ang sikreto ng Okinawa kung bakit masaya at nabubuhay ng matagal ang mga tao dito?
02:16.9
Narito ang ilan sa mga posibling dahilan.
02:19.2
Ayon nga sa mga Okinawans, nuchi gusway, nang ibig sabihin ay hayaan mong pagkain ang maging gamot mo.
02:29.8
Kumakain din naman sila ng mga isda, itlog at karne.
02:33.4
Ngunit malaking bahagi ng kanilang diet ay legumes at fresh vegetables.
02:38.5
At ayon kay Dan Buechner, author ng librong ito, may isang partikular na pagkain na madalas kinukonsume ng mga Okinawans.
02:46.7
At ito ay ang beniimo o perlite.
02:49.2
Purple Sweet Potato
02:50.5
67% daw ng kinakain nila ay gawa sa purple na kamote.
02:56.2
Ginagawa nila itong iba't ibang uri ng snacks at desserts gaya ng ice cream.
03:01.5
O di kaya naman ay simpleng nilagang kamote lamang at sinasabay nila ito sa ulam at kanin.
03:07.6
At dahil nakakabusog ang kamote, ay kaunti na lang ang nakakain nilang white rice.
03:12.7
Ang kamote ay mabisang pampababa ng blood sugar at panlaban sa cardiovascular disease.
03:19.6
Mataas din ang antioxidants nito na nakakatulong para maiwasan ang sakit sa puso at cancer.
03:26.1
Bukod sa kamote, mahilig rin sila sa mga pagkain may miso, na may probiotics na tumutulong sa kalusugan ng bituka at pagpapalakas ng immune system.
03:36.8
Sagana rin sila sa seaweeds na mayaman sa iron, calcium, folate, at magnesium.
03:45.2
Hindi lang sa kung ano ang kanilang kinakain.
03:48.2
Importante din ang paraan ng pagkain na nakabase sa konsepto ng hara-hachibu, na ang ibig sabihin ay itigil ang pagkain kapag ikaw ay 80% nang busog.
04:00.2
Bawal ang overeating sa kanila. Ibig sabihin, kahit na feeling mo hindi ka pabusog, ay dapat tumigil ka na sa pagkain.
04:10.7
Karamihan sa mga matatanda sa Okinawa ay mayroong sariling garden. Doble ang hatid nitong binipisyo sa kanila.
04:18.2
Una, ito ay isang magandang exercise. Sa pag-aalaga nila ng kanilang mga gulay araw-araw, ay hindi nila namamalayan na dahil dito, napapanatili na pala nila ang kanilang lakas, mobility, at flexibility.
04:32.3
Pangalawa, dahil sa kanilang garden ang gagaling ang mga gulay, ay siguradong fresh at organic ang kanilang nakakain.
04:42.2
Ang ikigay ay tumutukoy sa sense of purpose in life.
04:46.5
Ang ikigay ay isang state of well-being na nagmumula sa paggawa ng mga aktibidad na lubos nilang na i-enjoy at nagbibigay ng sense of fulfillment.
04:56.8
At kapansin-pansin nga ito sa mga senior citizens ng Okinawa na hindi mo makikitang walang ginagawa.
05:03.5
Ang moway naman ay tumutukoy sa maliit na grupo ng mga tao na may parehong hilig o interes at nagmamalasakit sa isa't isa.
05:11.8
Karaniwang may lima o higit pang mga senior citizen ang nagsasama para mag-show.
05:16.5
Shopping, kumain o gumawa ng anumang social activities.
05:20.5
At ang pagkakaroon ng social life ng mga seniors ay nakakabawa sa stress at nakakatulong para humaba ang kanilang buhay.
05:28.7
Kung iisipin, wala naman talagang hiwaga o sekreto sa mahabang buhay ng mga Okinawans.
05:35.1
Makikita sa kanilang pamumuhay ang kahalagahan ng pangangalaga sa katawan sa pamamagitan ng pagkain ng tama at masipag na paggawa.
05:44.1
At higit sa lahat ay ang pagkakabawa.
05:46.5
Karoon ng makabuluhang dahilan para mabuhay kaya ang mga Okinawans ay matagal mamatay.
05:53.3
Nagustuhan niyo po ba ang content natin ngayon? Kung oo ay mag-comment ng big yes.
05:58.5
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.