Close
 


ANGKAN NG ASWANG SA MASBATE (Part 2 of 2) | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANGKAN NG ASWANG SA MASBATE (Part 2 of 2) | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 37:38
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
Kinagabihan, pumunta kami kinapasing at nung naroon na kami aba, ang laki na nangiti ng nanay ni Pasing na parabang ibang iba ito nung unang gabi na umakit kami ng ligaw.
00:45.2
Hinanyayahan niya kami kaagad-agad na pumasok sa pamamahay nila.
00:50.4
Katunayan, inakbayan pa ako nito, kaya nakikisabay na rin ako noon.
00:55.6
Hinanap ko si Mang Gabo para sana habang naguusap si Berting at Pasing, kami naman ay nagiinom.
01:04.6
Pero ang sabi ng nanay ni Pasing ay umuwi-umano ito ng Sibu dahil namatay-umano ang kapatid nito.
01:11.6
Kaya nanlumo naman ako sa puntong yun.
01:17.6
Habang naguusap si Pasing at Berting, ang nanay naman ito ay nagluluto ng kamote.
01:24.5
Naisipan kong lumabas sa kamote.
01:25.6
Naisipan kong lumabas para sana umihi sa may likuran.
01:29.5
Doon sa likuran na yun, nanlaki ang mga mata ko, Sir Seth.
01:35.3
Paano ba naman?
01:37.7
Nung iihi na sana ako ay may narinig akong parang hayop na kumakain.
01:44.6
Alam niyo yung baboy na kumakain, di ba? Ang ingay noon.
01:50.6
Kaya sinundan ko yung ingay na yun.
01:53.6
At doon ako dinala.
01:55.6
Sa isang bahay na kalapit lang sa bahay nila Pasing.
02:01.2
Kung hindi ako nagkakamali ay pinsan ito ni Pasing noon.
02:05.9
At saktong nung naruroon ako, dumikit ako sa dingding ng kubong yun at gumawa ko ng konting butas.
02:14.2
Yung saktong butas lang para makasilip ako.
02:17.9
Madali lang ako nakagawa ng butas sa kadahilan ng gawa lamang sa pawid ang dingding na yun.
02:23.6
Pagsilip ko, nanlaki ang mga mata ko.
02:28.6
Kitang kita ko na kumakain ang lalaking yun pero ang nakakagulat doon.
02:36.6
Buong baboy ang nilalantak kanya.
02:40.6
Hilaw pa.
02:42.6
Maya-maya, biglang may pumasok na dalawang tao.
02:48.6
Nakikilantak din doon sa baboy na yun.
02:52.6
Nung una ay nahihirapan pa akong makita ang mga itsura nila gawa ng gasera lamang ang ilaw at minsan natatakpan pa nila yun.
03:03.6
Hanggang sa walang ano-ano, biglang napatigil sa paghuya ang isang nilalang.
03:12.6
At doon ko nakita yung pagmumuka nila.
03:16.6
Agad naman akong napatakip sa bibig ko dahil sa gulat.
03:21.6
Paano ba naman?
03:24.6
Hindi mga tao ang nakikita kong kumakain ng hilaw na baboy.
03:30.6
Yung mga itsura kasi naman ngayon, maihahalin tulad mo sa isang baboy na may pagkaaso.
03:39.6
Bagamat nasaan yung baboy ang mga nguso pero nasaan yung aso naman ang mga mata, tenga at bunganga.
03:49.6
Mahaba ang pangil at ang mga nandidilat na mapupulang mga mata.
03:58.6
Biglang huminto sa pagkain ng isa sa mga ito.
04:02.6
Umamoy-amoy sa hangin.
04:05.6
Nagkatitigan ng tatlo.
04:08.6
Kaya agad naman akong umalis sa kinaroroonan ko nun.
04:13.6
Kuminamalas ka naman talaga, Sir Seth.
04:16.6
Nung pagalis ko.
04:18.6
Naapakan ko yung mga kahoy na nakatambak sa may likuran ko kaya nakalika ako ng ingay.
04:25.6
At sa puntong iyon, agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa bahay ni Lapasing.
04:32.6
Nagtataka naman si Bertin kung bakit ako pinagpawisan at yung mukha ko ay daig ko pa ang nakakita ng maligno.
04:41.6
Sumagot na lamang ako na hindi maganda ang pakiramdam ko.
04:45.6
Nakita ko naman na nagtitigan si Lapasing at ang nanay nito.
04:50.6
Sabay tumingin ang nanay ni Pasing sakin at ngumiti ng alanganin.
04:55.6
Maya-maya, may kumatok.
05:00.6
At nung pagbuksan nito ng nanay ni Pasing ay tumambad sakin ang isang lalaki na may katangkaran.
05:06.6
Puno ng dugo ang dibdib at bunganga nito.
05:10.6
Akmang papasok sana ito pero agad naman itong pinigilan ng mama ni Pasing.
05:13.6
Huwag muna sa ngayon.
05:20.6
Konting pagpipigil pa.
05:22.6
May hinihintay tayong oras para isakatuparan ang plano natin.
05:27.6
Sambit ng nanay ni Pasing nun.
05:32.6
Sige.
05:34.6
Sige ate.
05:36.6
Basta sakin yung isang buong hita ah.
05:39.6
Nga pala ate.
05:41.6
May karne kami sa bahay.
05:43.6
Punta ka.
05:45.6
Para makatikim ka.
05:47.6
Sambit ng lalaki na iyon.
05:51.6
Sa puntong iyon, napapaisip na ako kung ano ang pinag-uusapan nila.
05:56.6
At yung tingin nila sa amin ay...
05:59.6
Nakakapangilabot talaga.
06:04.6
Kinindatan ko si Berthing.
06:07.6
Agad niyang nakuha ang gusto kong sabihin.
06:11.6
Dito ay nagpaalam na ito na uuwi na kami.
06:15.6
Tumangon naman ang nanay ni Pasing at nagwika na...
06:18.6
Bumalik umano kami bukas ng gabi kasi...
06:21.6
May konting salo-salo nun.
06:24.6
Hinatid kami ni Pasing sa may paanan ng bundok.
06:28.6
At nagsabi ito na kung maaari ay...
06:31.6
Huwag na daw kaming bumalik bukas ng gabi.
06:35.6
Kasi yung salo-salo na iyon...
06:38.6
Kabilugan ang buwan.
06:40.6
Baka hindi namin umano magugustuhan.
06:44.6
Ang mangyayari nun.
06:47.6
Ha? Bakit naman, Pasing? Anong masama kung bilog ang buwan bukas ng gabi?
06:54.6
Mas okay nga iyon e para hindi kami mahirapan sa pagpunta dito.
06:58.6
Kasi nga bilog, diba? At maliwanag.
07:01.6
At isa pa, nanay mo na mismo ang nag-aya e.
07:05.6
Nakakabastas naman siguro kung hindi kami sisipot, diba?
07:08.6
Lalo na ako na naniligaw sa iyo.
07:11.6
Mamaya anong isipin ang angkan mo sa akin?
07:14.6
Sabi ni Berting.
07:16.6
Hindi na umimik si Pasing.
07:20.6
Umuwi na kami nun.
07:22.6
At habang naglalakad kami ay nagtanong naman si Berting kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon ni Pasing sa paanyaya ng kanyang nanay.
07:30.6
Kaya sumagot naman ako na...
07:33.6
Baka hindi lang sanay si Pasing na may nakakasalo silang ibang tao sa kanilang sarili.
07:37.6
Pero sa loob-loob ko, Sir Seth, pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari sa darating na salusalo nun.
07:49.6
Mabilis namang lumipas ang buong araw.
07:55.6
Si Berting maagang tinapos ang mga gawain sa buong araw kahit yung gawain na para sa akin na nakatoka nun.
08:03.6
Tinulungan niya na akong gawin para daw matapos agad.
08:06.6
At makapaghanda na kami gawa nang babalik umano kami kila Pasing.
08:12.6
Baka daw kasi nakalimutan ko na inimbitahan kami ng nanay niya sa isang salusalo.
08:18.6
Sinabihan ko si Berting na mauna na siyang maligo nun at magbihis.
08:24.6
Susunod na lamang ako gawa ng may gagawin lamang ako.
08:28.6
Nalingid sa kaalaman niya.
08:31.6
Hinanda ko na ang halos isang kilong asin at mga bawang at kalabas.
08:34.6
Sinabihan ko na ang halos isang kilong asin at mga bawang at kalabas.
08:35.6
Hinanda ko na ang halos isang kilong asin at mga bawang at kalabas.
08:38.6
Binalot ko na maigi sa isang plastik para hindi agad maamoy.
08:44.6
At nung matapos ko ng gawin ng lahat ay nag-asikaso na rin ako nun.
08:50.6
Pero bago kami umalis, isinukbit ko yung tansong punyal at buntot ng pagi.
08:57.6
At saktong kakatapos lang itong dasalan ng aking ama.
09:03.6
Sabi ni tatay, mas mainam daw itong gamitin kasi kakatapos niya lang palakasin ang dasal na nakapaloob sa mga iyon.
09:12.6
Sabi ni tatay, mas mainam daw itong gamitin kasi kakatapos niya lang palakasin ang dasal na nakapaloob sa mga iyon.
09:15.6
Naglalakad na kami papunta sa bahay nila pasing.
09:20.6
Nung naroon na kami sa patawid ng sapa, pinagtitininan kami ng iilan sa kababaryo namin at ilan pa doon ang sumisigaw habang naguwika ng...
09:31.6
Nagwika ng kung sigurado daw ba kami sa aming pupuntahan.
09:37.7
Baka nakakalimutan o mano namin na bantog na angkan ng aswang ang aming dadayuin nun.
09:48.1
At talagang sa gabi pang iyon na bilog at nagdudugu ang buwan, dun pa kami pupunta.
09:56.0
Ngumiti na lamang ako at sumagot.
09:57.7
O naman, siguradong sigurado.
10:02.5
Tsaka huwag kayong mag-alala kung sakaling totoo man ang hakahakan ng angkan ng aswang yung pupuntahan namin.
10:08.6
Sigurado akong makakauwi kami ng ligtas.
10:12.7
Pero sa loob-loob ko nun, parang ayoko nang tumuloy dun.
10:18.1
Sa alulong pa lang ng mga aso sa hindi kalayuan, nakakapanindig balahibo na.
10:24.2
Pero kailangan kong tataga ng loob ko para hindi ako mag-alala.
10:27.7
O mahalata ni Berting, matali ko siyang kaibigan at kapatid na rin.
10:33.7
Kaya hindi ko siya bibigoy nun.
10:38.3
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
10:41.6
Sa puntong medyo malapit na kami sa kambal na malalaking mangga.
10:46.8
Nagsitayuan ang mga balahibo namin ni Berting.
10:51.0
Kinilabutan kami.
10:53.9
Hinanda ko ang sarili ko.
10:56.3
Hinawakan ko ng mahigpit.
10:57.6
At ang tansong patalim na nakasukbit sa gilid ko.
11:02.1
Kung sakaling may magpapakitang kahit anong nilalang sa harap ko,
11:07.5
talagang sasaksakin ko yun.
11:11.8
Maya-maya lang.
11:14.6
Karos, nakikita mo ba yun?
11:18.3
May malaking baboy sa taas ng sanga ng mangga.
11:22.1
Nakatayo, nakatingin sa atin oh.
11:24.0
O, papanong makakaakit yung...
11:27.6
...malaking baboy sa taas ng puno na yun.
11:31.9
Awala yan, Berting.
11:33.9
Baka namalikmata ka lang.
11:36.3
Huwag munang isipin yan.
11:37.3
Bilisan mo na.
11:38.4
Bilisan mo yung maglakan at baka hinihintay na tayo ni Pasing.
11:43.8
Bigla ko nalang iniba ang usapan.
11:46.5
Na kunwari ay wala akong nakikita pero...
11:49.9
...yung totoo.
11:52.0
Hindi lamang baboy ang narorohan.
11:55.6
Sa kabilang sanga.
11:57.6
May muka ng tao na nakasilip.
12:01.0
Hindi ko man masyadong maaninag ng buo at laro pero...
12:05.4
...alam kong mukha yun ng tao.
12:10.3
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
12:13.0
Mas binilisan namin yun.
12:15.5
Hanggang sa narting na namin ang bahay nila Pasing.
12:20.0
Berting, wala ata sa mood si Pasing ngayon ah.
12:23.8
Tingnan mo, nakasimangot oh.
12:26.0
Parang hindi natutuwa sa pagpunta namin.
12:27.6
O nga eh, pero...
12:31.3
...hayaan mo na...
12:32.8
...wala eh.
12:34.4
Andito na tayo tsaka ayaw ko lang magmukhang basto sa angka ni Pasing eh.
12:41.0
Maya-maya ay nagsalita ang nanay ni Pasing.
12:44.0
O Pasing...
12:46.2
...andito na pala yung mga bisita mo.
12:48.5
Asikasuin mo naman.
12:50.2
Painumin at busugin mo sila.
12:52.9
Maya-maya lang...
12:54.5
...mag-uumpisa na tayo sa ating pagsasalo.
12:57.6
Pinasunod kami ni Pasing sa loob ng kanilang bahay para paupuin at pakainin.
13:05.7
Hindi kayo dapat nagpunta dito.
13:08.8
Sinabi ko na sa inyo, di ba?
13:11.2
Pagsisisihan nyo to.
13:13.0
Hindi kayo nakinig sa akin.
13:15.5
Sambit ni Pasing.
13:17.9
Ah, bakit naman Pasing?
13:20.5
Ayaw mo bang makikisalo kami sa inyo?
13:23.7
Ayaw mo bang nandito kami?
13:27.0
Berting,
13:27.6
hindi sa ayaw, pero...
13:30.8
...pero kayo yung ihahanda at pagsasaluhan ng angkan ko ngayong gabi.
13:36.2
Alam kong alam nyo na angkan kami na mga aswang.
13:40.2
Hindi pa ako aswang sa ngayon, pero...
13:42.6
...malapit na akong maging katulad nila.
13:45.5
Kaya kung ako sa inyo,
13:47.1
umalis na kayo habang may pagkakataon pa.
13:51.5
Walang ano-ano ay biglang sumingit ang isang lalaki at nag-uwi ka ito ng...
13:56.6
Aba, Pasing!
13:57.6
Huwag namang ganyan.
13:60.0
Huwag namang bastos.
14:01.9
Asikasuin mo naman yung mga bisita natin at...
14:04.3
...maya-maya lang, magsisimula na tayo sa pagsasalo.
14:08.3
Sabay ng itinon.
14:12.3
Tumahimik at yumuko si Pasing.
14:15.2
Binigyan kami ng makakain na prutas at...
14:17.9
...yung karne na may malapod na sabaw na...
14:20.6
...hindi kumawari kung anong karne yun.
14:25.1
Nung bumalik na sa paglabas yung lalaki na...
14:27.5
...tito ni Pasing.
14:29.5
Nagsabi si Pasing na...
14:32.1
...wag umano namin kakainin ang karne na...
14:35.5
...inihanda niya.
14:37.6
Gawa ng sasama umano ang pakiramdam namin nun.
14:41.2
At mawawalan kami na malay.
14:45.5
Sinunod namin siya.
14:47.9
Hanggang sa nakaramdam naman ako ng pagkaihinon.
14:51.3
Nagpaalam ako sa dalawa na iihi muna ako sa labas pero...
14:54.8
...ang totoo.
14:57.5
Bukod sa pag-iihi.
14:59.5
Ang plano ko ay magmatsyag sa...
15:02.3
...kinagawa nila.
15:06.6
Nung nasa labas na ako.
15:09.4
Nagulat ako sa nakita ko.
15:12.2
May malalaking kawali ang pinapakuluan ng tubig.
15:15.6
At lumalagab labito sa apoy.
15:19.6
Ito din ang dahilan kung bakit maliwanag ang paligid doon.
15:24.5
Agad naman akong gumapang ng dahan-dahan...
15:27.5
...papunta doon sa isang bahay kung saan ko nakita nung nakaraan.
15:31.6
Yung mga nilalang na kumakain ng hilaw na baboy.
15:35.9
At nung naroon-roon na ako.
15:39.0
Kitang-kita ko na yung mga taong nagpapakulo ng tubig sa malaking kawali.
15:44.3
Ay may kung anong malapot na pinupunas ang mga ito sa kanilang katawan.
15:50.6
Na parang isang langis.
15:53.7
Pero tinuloy ko pa rin ang bala kong pagmamatsyag.
15:57.5
Nung nasa silong na ako ay may nakita kong mga bangang nakahilera.
16:06.4
Napagpasyan ko na doon magtago pero...
16:09.4
...maling disisyon pala yun.
16:13.1
Paano ba naman?
16:15.0
Pagbukas na pagbukas ko sa isang banga.
16:18.7
Tumambad sa akin ang isang ulo ng tao na dilat na dilat ang mga mata.
16:23.8
Bagamat gusto nang kumalas ng kaliluwa ko sa katawan ko.
16:31.4
Tinatagan ko ang loob ko nun.
16:34.9
Kinuha ko yung ulong yun at dahan-dahan akong gumapang pabalik kila berting.
16:41.0
Bit-bit mismo ang ulo na yun para ipakita sa kanya.
16:47.0
At alam kong sa puntong yun, maniniwala na siya sa akin.
16:53.8
Pero hindi pa man ako nakapasok sa bahay nila, Pasing.
16:58.1
Narinig ko na umiiyak si Pasing at nagmamakaawa na bitawan si Berting.
17:04.3
Agad ko namang sinipa ang pinto at bumungad sa akin na...
17:08.4
...nakadagan na ang tito ni Pasing kay Berting habang sakal-sakal niya ito nun.
17:14.4
Ewan ko ba?
17:17.0
Kusa na lamang gumalaw ang katawan ko.
17:20.8
Binato ang bit-bit kong ulo sa nila lang.
17:23.8
Na nakapatong kay Berting nun.
17:26.9
Agad kong niyakap si Pasing at tinutukan ng punyal ang leeg niya.
17:32.5
Sa puntong yun ay napasigaw ang tito at nanay ni Pasing.
17:38.8
Bitawan mo yung anak ko!
17:40.8
Huwag na huwag ka magkakamaling sakta ng anak ko!
17:45.1
Bitawan?
17:46.9
Bibitawan ko lang si Pasing kung bibitawan niyo si Berting.
17:51.2
Bali tayo.
17:53.8
Hindi naman sila nagdalawang isip na bitawan si Berting.
17:58.1
Kaya binitawan ko na rin si Pasing nun.
18:01.8
Sabay wika ng tito ni Pasing na mga katagang...
18:05.8
Wala kang utak.
18:08.6
Sa tingin mo ba makakaalis pa kayong buhay dito?
18:12.2
Kakainin namin kayo.
18:14.6
At sisiguraduin kong lalantakan kita ng buhay.
18:20.7
Pararamdam mo ang sakit.
18:22.0
At ikaw na mismo ang hihiling ng kamatayan mo.
18:28.0
Pero hindi ba man ito tapos magsalita, Sir Seth?
18:32.1
Pigla itong napahiyaw.
18:35.5
Habang nagsasalita siya,
18:38.0
tumakot na ako ng asin at isinaboy sa pagmumukha niya nun.
18:42.9
Dahil sa ginawa ko ay lalong nanggigil ang angkan ni Pasing
18:46.6
at pinalibutan kami kaya
18:48.6
inabot ko kay Berting ang isinukbit kong bundo.
18:52.0
Ito ang tuntot ng pagi.
18:54.1
Kasama na ang mga bawang at asin.
18:57.5
Kitang-kita namin ang pagdadalawang isip ng angkan ni Pasing.
19:02.4
Unti-unting umatras sa mga iyon.
19:05.7
At nung akmang susugod na ang nanay ni Pasing,
19:09.4
biglang may sumigaw sa hindi kalayuan.
19:13.4
Dito ay nakita namin na tatay ito ni Pasing
19:16.2
at kasama nito ang aking ama
19:19.5
na nagtataba ko sa isin.
19:22.0
Paling-iling ito habang naglalakad.
19:24.5
Pailing-iling ito na nagwika ng
19:26.6
Ano ba yan?
19:31.3
Sa dinami-daming pwedeng biktimahin,
19:34.2
mga anak ko pa talaga,
19:36.6
di nyo man lang ginalang ang kasunduan ng angkan natin.
19:40.9
Hinayaan ko kayong manirahan sa lupaing to
19:43.3
sa kondisyong hindi kayo mang biktima ng taga rito sa baryong to.
19:48.4
Lalong-lalo na yung mga angkan ko.
19:52.0
Tapos siyang pa'y ginawa nyo?
19:55.2
Gusto nyo talaga akong magalit, no?
19:59.4
Dito ay nagsimula ng magdasal ang aking ama.
20:04.1
Napanganga na lamang ako dahil yung kaninang mga mababangis na mga halimaw na gusto kaming ilapain
20:09.7
ay nagmistulang mga tutang binuhusan ng mainit na tubig.
20:16.3
Nangingisay.
20:17.9
Habang nagsisisigaw na itigil na ang ginagawang pag-uusal ni Tanya.
20:22.0
Tatay.
20:23.9
Ultimong ang nanay ni Pasing.
20:26.9
Nagmistulang baliw sa ginagawa niya.
20:30.8
Nanginginig ito
20:31.8
habang inuuntog-untog ang sariling ulo sa may haligi.
20:38.6
Kahit na nagdudugo na yon.
20:43.1
Dito na pumagit na ang tatay ni Pasing.
20:46.9
Abraham,
20:48.3
alam kong nagkasala ang angkan ko
20:49.9
at alam ko na kahit gabi,
20:52.0
nagtubunan ako sa aking angkan.
20:54.3
Wala akong laban sa buong mong kakayan.
20:57.6
Kaya bilang pinuno ng aking angkan,
21:00.7
hayaan mong buhay ko ang itutubos ko sa angkan ko.
21:05.0
Palayain mo sila.
21:07.0
Buhay ko ang kitilin mo.
21:10.9
Gabo,
21:12.6
alam mong hindi ko gagawin sa iyo yun.
21:15.9
Nung araw, magkasama tayong lumaban sa mga hapon.
21:19.4
Ilang beses natin iniligtas ang buhay ng isa.
21:22.0
At sa pagkakataong ito,
21:25.5
tutubusin ko ulit yung buhay mo.
21:28.6
Sampu ng angkan mo sa isang kudisyon.
21:32.2
Umalis kayo sa lugar na ito.
21:35.2
Umuwi ka na ng Cebu.
21:37.5
Bumalik ka na doon.
21:39.3
Dahil alam kong naroroon ang iba mong angkan na tunay na sumusunod sa iyo.
21:46.4
Pumayag si Manggabo sa sinabi ng aking ama.
21:50.3
Sumipo lamang si tatay at bigyan.
21:52.0
At hindi lang nahimasmasan ang angkan ni Manggabo.
21:54.8
Na kanina'y parang nababaliw na.
22:00.1
Sumunod na araw,
22:02.4
nilisan ng angkan ni Manggabo ang lugar na iyon.
22:06.2
Sa Cebu na sila nanirahan.
22:09.6
Magmula din ang araw na iyon,
22:12.1
doon na ako nagpursigin na tuklasin ang mundo ng lihim na karunungan.
22:17.5
Samantalang si Berting naman, inapapansin kong palagi nang matamlay.
22:20.6
At lalong naging tahimik ito.
22:24.6
Siyempre kahit naman siguro sino,
22:27.2
mababroken diba?
22:29.3
Tapos malaman nung pang ganong klaseng angkan palang minahal mo.
22:34.5
Pero siyempre, hindi ko pa din pinabayaan si Berting.
22:38.6
Hanggang sa isang araw,
22:40.7
nasa dalawamput-dalawang taong gulang na kami noon.
22:44.7
Napadpad kami sa dating tiraan nila pasing.
22:48.8
Nagulat kami.
22:50.6
At may mga iilang bahay na naman ang nakatirik doon kaya sa pagtataka namin,
22:55.6
pinunta namin ni Berting iyon.
22:59.2
Laking gulat namin dahil bumalik ang angkan ni pasing pero,
23:03.4
wala na si Mang Gabo at ang nanay nito.
23:07.7
Kita ko naman kay Berting ang saya at pangungulila kay pasing.
23:12.2
Napatakbo at napaiyak si Berting papunta kay pasing.
23:16.1
Bigla niya itong niyakap.
23:19.8
Pasing,
23:20.6
salamat at nagbalik ka.
23:23.7
Ang tagal kitang hinintay mula nung mawala ka dito.
23:27.9
Palagi ako nagbabaka sakali na baka bumalik ka at,
23:31.1
eto na ka,
23:32.4
nagbalik ka na.
23:36.1
Agad naman din akong napatakbo papalapit kay la pasing.
23:40.0
Pero bigla akong napahinto ng
23:42.2
uminit ang kwintas ni tatay na sa panahon yun
23:46.6
ay ako na ang nangangalaga.
23:50.6
Pasing,
23:54.0
wag mong sabihin na
23:55.0
ikaw na yung namumuno sa angkan mo?
23:59.2
Tanong ko.
24:01.5
Oo, Carlos.
24:03.5
Magmula nung napatay si nanay at tatay,
24:06.8
ako na ang sumalo sa pagiging gabunan ng aming lahi.
24:10.6
Ako na ang pinuno sa angkan na to.
24:15.1
Ibig sabihin aswang ka na?
24:18.6
Pero,
24:19.5
pero pasing,
24:20.6
wala akong pakialam kong aswang ka na kahit ano.
24:24.1
Sino ka pa tatanggapin kita?
24:26.8
Sa pagkakataon na to,
24:28.9
hindi na kita papakawalan.
24:31.4
Ipaglalaban ko na yung pagmamahal ko sa'yo.
24:35.6
Pero ting,
24:37.2
makakahanap ka pa ng babaeng normal na pwede ka ding mahalin pabalik ng buo.
24:42.0
Di ka tulad kong aswang.
24:45.0
Pasing,
24:46.4
ikaw lang yung mahal ko.
24:48.4
Nakahanda akong gawin ang lahat kahit kapalit mo.
24:50.6
Ipaglalaban ko pa ng buhay at kaluluwa ko.
24:54.0
Hm,
24:55.0
napangiti si Pasing.
24:57.1
Talaga, Berting?
24:58.9
Ganun mo ko kamahal?
25:01.3
Sige, Berting.
25:03.2
Aayaan kitang ligawan ako at hindi ka gagalawin ang anggan ko.
25:07.4
Malaya ka makakapunta dito sa pamamahay ko kahit anong araw at oras mong gustuhin.
25:14.3
Habang nakikinig ako sa usapan nila,
25:18.0
may kung ano sa loob-loob ko na nagsasabing,
25:20.6
may mali.
25:23.1
At parang,
25:24.5
parabang patibong lamang ito ni Pasing.
25:27.9
Pero dahil mahal ko ang kaibigan ko at itinuring kong kapatid,
25:33.2
hinayaan ko ito sa kanyang gustong gawin.
25:37.1
Nagdaan ang mga araw at buwan,
25:40.0
tuloy-tuloy ang panliligaw ni Berting kay Pasing.
25:44.7
Nakakapunta siya kila Pasing kahit hindi ako kasama.
25:48.1
Ayaw na niyang magpapasama sa akin noon.
25:51.4
Kesa sa tuwing nagpipresenta akong samaan ito ay ayaw pa rin.
25:56.2
Nagkagalit pa kaya hinayaan ko na lang.
26:00.1
Nga pala,
26:01.8
sa puntong ito,
26:03.5
may sariling bahay na si Berting at nasa tuktok ito ng bundok.
26:08.0
Binigyan kasi siya ni tatay ng sariling lupaena at hanap buhay para
26:11.0
sa darating na panahon ng kanyang pag-aasawa
26:14.0
ay may matatawag na siyang kanyang sariling ari-arian at hanap buhay.
26:18.4
Ako naman ay doon pa din ako nakatira sa pamamahay namin.
26:24.9
Ako na rin ang namamahalas sa ilang negosyo at lupay namin noon.
26:29.9
Dumaan pa ang ilang buwan.
26:32.4
Napapansin ko sa bawat araw ng pagdalaw ko kay Berting sa kanyang pamamahay.
26:37.9
Wala siya doon.
26:39.8
Hindi ko ito naaabutan.
26:42.5
Ang palagi kong naaabutan at nakakausap
26:44.8
ay ang kanyang katiwala.
26:46.8
Sabi nito,
26:50.3
noong mga nagdaang araw ay parang
26:51.8
may nagbago nga kay Berting.
26:55.5
Namamahayat ito.
26:57.5
Mainitin na ang ulo
26:58.7
ang dating Berting na mabait at malumanay
27:02.2
para naumanong demonyo.
27:07.6
Dagdag pa nito,
27:10.0
kada uwi umano ni Berting sa kanyang pamamahay,
27:14.2
palaging may namamatay na baboy.
27:16.8
Kung hindi baboy,
27:19.5
kambing,
27:20.7
kung minsan naman ay mga manok at itik.
27:25.6
Kaya naman naghinala agad ako noon.
27:29.6
Hindi kaya nasalinan ng pagkaaswang si Berting.
27:33.4
Pero huwag naman sana.
27:36.9
Kaya inantay ko ang araw ng pagbilog at pagdudugo ng buwan kung saan
27:40.7
kating-kating na mangdiktima ang mga aswang.
27:44.9
Kaya naman naman.
27:46.8
Habang naglalakad ako,
27:50.5
naisipan kong daanan ng aking kumpare.
27:54.2
Kakamustahin ko sana ang kanyang asawa na nagdadalang tao noon pero
27:57.2
nagulat ako sa ibinalita niya.
28:02.4
Ilang araw na umano silang inaaswang
28:04.5
at ilang araw na rin umano siyang kamuntik na mapasok noon.
28:11.4
Kaya agad naman akong nagikot-ikot sa kanilang bakuran
28:14.6
at doon ay may naaamoy ako.
28:16.8
At doon ay may napamilyar na amoy
28:18.0
na kung hindi ako nagkakamali.
28:23.3
Amoy ito ni Pasing.
28:26.7
Bilang isang albularyo ay madali na lang sa akin ang makaramdam,
28:31.4
makaamoy at makakita,
28:34.0
lalo na sa usaping kababalagan.
28:37.7
Kaya sa puntong iyon,
28:39.7
nagdesisyon ako na huwag na munang umuwi noon.
28:43.7
Makikipag-inuman ako sa aking kumpare
28:46.8
habang nagmamatsyag sa paligid.
28:50.3
Eksaktong alas 9 ng gabi
28:51.9
nang may kumalabog sa may bubungan
28:53.9
ng aking kumpare.
28:57.9
Nakampante ang nilalang na iyon gawa nang
28:59.7
nagpapanggap ako na lasing
29:02.2
at nung alam kong oras na para kumilos ay
29:06.0
agad akong gumalaw
29:08.1
at doon ko nakita ang isang nilalang na
29:11.6
nakadapa sa may bubungan noon.
29:15.8
Agad naman akong umuwi noon.
29:16.7
At nung umusal ng orasyon,
29:19.4
sinaksak ko ito ng punyal na tanso
29:21.4
na palagi kong daladala.
29:25.7
Bigla itong napahiyaw at kumaripas ng takbo noon.
29:31.5
Kinabukasan ay sinadya kong magpunta kila pasing
29:33.9
at naabutan kong may patay sa kanilang tahanan.
29:39.8
Alam ko na iyon yung nilalang
29:42.5
na nasaksak ko noong nakaraang gabi.
29:46.7
Nakita ko namang nakatitig na masama sa akin
29:50.6
ang angka ni pasing.
29:53.0
Pati si pasing.
29:55.6
Nagwi ka ito ng
29:56.5
Carlos,
30:00.4
ikaw ang nagumpisa nito.
30:02.9
Pinatay mo ang tiyuhin ko.
30:05.5
Buhay ang kinuha mo.
30:08.0
Buhay din ang sisingilin ko.
30:12.0
Pasing,
30:14.0
nung nawala kayo dito,
30:15.1
tahimik ang baryong to.
30:18.9
Pero ngayon nagbalik kayo.
30:21.4
Nagsisimula na namang magulo.
30:24.4
Napupuno na naman ang pangangaswang ang baryong to.
30:28.6
Magahaman kayo.
30:31.0
Gawin mo ang gusto mong gawin, pasing.
30:33.6
Gagawin ko din ang gusto ko.
30:36.3
Ako laban sa lahi mo.
30:39.0
At isa pa, pasing,
30:40.9
alam kong may ginawa ka kay Berting.
30:43.9
Pag sa oras,
30:45.1
na malaman kong pati si Berting
30:46.8
ipinahamak mo,
30:50.1
uubusin ko kayo.
30:54.5
Magmula nung araw na yon,
30:57.2
hindi ko na nakita si Berting
30:58.9
maging si Pasing.
31:02.1
Ang balita ko ay
31:03.0
nagsama ito papuntang Cebu.
31:06.3
Lumipas ang limang taon.
31:08.7
Aba,
31:10.0
bumalik ulit si Napasing
31:11.2
sa kanilang kuta noon.
31:13.4
Kasama si Berting,
31:15.1
at may dalawa na silang anak.
31:18.7
Natuwa naman ako pero,
31:20.8
kasabay ng tuwang yon,
31:22.7
may kalungkutan.
31:24.9
Kalungkutan dahil kinumperma mismo ni Berting
31:27.4
na isa na rin siyang aswang.
31:32.2
Masaya naman siya sa pagiging aswang niya.
31:35.3
At pinangako niya sa akin na,
31:37.6
bagamat isa na siyang aswang,
31:39.8
ay hindi niya pa rin sinubukang tumikim
31:41.9
ng laman ng tao.
31:42.8
Puro lamang karne ng mga hayop.
31:48.6
Humingi ito ng tawad sa akin
31:49.9
dahil sa kanyang ginawa
31:50.9
na hindi nagpakita sa akin
31:52.3
ng mahabang panawan.
31:55.0
Alam niya kasi umano
31:55.8
na hindi ako papayag
31:58.3
na maging ganun siya.
32:00.7
Kaya siya na mismang lumayo sa akin.
32:04.9
Sinabi ko naman sa kanya na ayos lang
32:06.5
at naiintindihan ko siya.
32:09.7
Basta buwang pasya niya
32:10.8
at masaya siya.
32:12.8
Bagamat isang aswang si Berting
32:15.4
ay nakapagtatakang nakakayanan niyang
32:17.6
maglabas-pasok sa aking tahanan
32:19.4
na punong-puno ng dasal
32:21.5
at pangontra nun.
32:24.2
Ayon sa kanya,
32:25.8
nung nasa Cebu umano siya,
32:28.2
napag-aralan niya
32:29.2
ang ganung kakayahan.
32:32.1
Sa una,
32:33.7
sobrang hirap umano pero
32:34.9
kung gugustuin mo umano
32:37.1
at talagang mabuti ang intensyon mo,
32:40.6
magagawa mo.
32:42.8
Dumaan ang panahon,
32:46.6
nag-asawan na rin ako.
32:49.1
Nagkaroon ng mga anak.
32:52.5
Hanggang may isang pangyayari
32:54.4
na kahit kailan,
32:56.7
hindi ko makakalimutan.
33:00.3
Fiesta noon sa aming baryo.
33:03.0
Masaya ang lahat.
33:04.7
Masaya kaming nagiinuman ni Berting.
33:07.8
Nilalaro-laro niya pa ang mga anak ko
33:09.7
at nagsabi na kahit anong mangyari,
33:11.5
puprotekta niya ang mga anak ko
33:14.6
kahit buhay pa niya ang kapalitnon.
33:18.9
Bilang kabayaran sa lahat ng masasaya
33:20.6
at mabuting samahan namin
33:21.9
at bilang itinuring niyang pamilya.
33:27.6
Pagkatapos namin maginuman,
33:30.1
nagpaalam si Berting na uuwi muna siya sa kanila
33:32.4
at kinagabihan ay babalik siya para
33:34.9
ipagpatuloy ang pagsasaya namin.
33:39.6
Dakong alas otso ng gabi
33:41.2
habang nag-aantay kay Berting.
33:43.9
Biglang may nagsisigawan at nagtatakbuan noon.
33:48.4
Maya-maya,
33:49.9
sunod-sunod na putok ng baril
33:51.4
sa hindi kalayuan ang naririnig ko.
33:54.7
Kaya napatakbo ako papunta doon.
33:57.3
Kasi inisip ko na baka
33:58.4
napahamak ang mga anak ko.
34:01.8
Nagpaalam kasi ang mga ito
34:03.0
na manood ng mga programa sa baryo.
34:06.5
Doon ay naabutan ko ang mga anak ko
34:08.2
na umiiyak kaya agad ko itong nilapitan
34:11.0
at inakay pa uwi noon.
34:13.5
At nung naroon na kami,
34:16.0
tinanong ko ang mga ito
34:17.2
kung ano ang nangyari.
34:20.4
Ayon sa kanila,
34:22.4
habang naglalaro umano sila noon,
34:25.5
biglang humarang si Pasing
34:27.1
habang nanlilisik ang mga mata nito.
34:30.6
Naglalaway.
34:32.4
Bigla niyang dinakma ang anak ko
34:34.4
at nagwika ng
34:35.5
oras na umano ng kanyang paniningil.
34:39.1
Maswerte umano siya
34:42.0
dahil dalawa daw ang kanyang mabibiktima.
34:46.1
Nung kinakaladkad umano sila
34:47.6
papunta sa likod ng baryo,
34:50.4
humarang umano si Berting
34:51.8
at agad na dinumog si Pasing.
34:56.3
Habang nakikipagbuno umano ang dalawa,
34:59.6
sumisigaw si Berting
35:00.7
na huwag biktimahin ang mga anak ko
35:02.6
dahil parang mga anak niya rin umano ang mga iyon.
35:07.0
At sa kasamaang palad,
35:09.1
habang nagwawala silang dalawa,
35:12.6
biglang may dumating ng mga tanod na nagroronda
35:15.1
na may dalang baril.
35:18.7
Pinagbabaril nila ang dalawang nila lang
35:21.0
na nag-aaway noon.
35:23.7
Humarang si Berting.
35:25.4
Pilit sinasalo ang mga bala
35:27.8
para lamang hindi matamaan si Pasing.
35:31.4
Kaya ang nangyari,
35:34.0
si Berting ang napuruhan.
35:37.0
Agad naman akong napatakbo
35:38.4
papunta sa likod ng baryo.
35:41.2
Doon ko naabutan si Berting
35:42.8
habang naghihingalo
35:43.9
at yakap-yakap ni Pasing.
35:49.1
Pasensya ka na, Carlos.
35:51.8
Pero hanggang dito na lang ako.
35:54.8
Salamat sa lahat.
35:57.2
Salamat sa inyo na naging pamilya ko.
36:00.7
Patawarin mo ako kung
36:01.8
hanggang dito na lang ako.
36:06.5
Yun ang mga huling katagana
36:08.2
na narinig ko kay Berting
36:09.2
bago ito nawalan ng buhay.
36:13.7
Galit na galit ako kay Pasing noon.
36:16.6
Siguro,
36:17.9
kung walang mga tao doon ay baka
36:19.9
ginilitan ko na siya ng leeg.
36:24.8
Bilang albularyo ay gumawa ko ng ritual
36:27.4
para mawala ang pagiging aswang ni Berting
36:30.7
kahit sa huling antungan niya.
36:35.9
Doon ko na din pinaburol
36:37.0
ang kanyang labi sa aking pababalik.
36:38.2
Dahil kung doon sa pamamahay ni Pasing
36:41.5
sigurado akong lalantakan lamang
36:44.5
ng angkanya ang bangkay ni Berting.
36:48.7
Noong inilibing na si Berting
36:50.5
nangako ako na hanggat maaari
36:53.6
hindi na ako papatay ng isa
36:56.6
sa kanyang kalahi pero
36:57.6
sa huli
36:59.3
hindi ko rin natupad yon.
37:05.8
At inyong sarsat ang kwento
37:07.6
ng aking kalahay.
37:08.2
At inyong sarsat ang kanyang lolo
37:08.5
at ng kanyang matalik na kaibigan.
37:11.9
Maraming salamat sa pagbabasa nyo.
37:14.9
Mabuhay kayo.
37:16.5
At pati na rin
37:17.3
ang inyong mga
37:19.5
taga-subaybay.