Close
 


Plants (Part 2) | Puno ng Buhay
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe to Knowledge Channel YOUTUBE Channel: http://bit.ly/KnowledgeChannel For Donors, Teachers and Learners: www.knowledgechannel.org Knowledge Channel Foundation Inc. 3rd Floor Main Building, ABS-CBN Compound, Sgt. Esguerra Ave., South Triangle, Diliman, Quezon City Email: info@knowledgechannel.org
Knowledge Channel
  Mute  
Run time: 17:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Music 🎵
00:18.7
Grabe naman, kung saan saan nakalagay mga gamit dito.
00:26.5
Halo-halo pa yung mga bagay-bagay.
00:28.1
Ay, paano ko naman mahanap yung inaanap kong stapler?
00:34.7
Maymay, saan ba nakalagay itong files natin?
00:38.2
Ang dami pang nakakalat doon, kailangan ko pang hakutin.
00:41.2
Dito, pwede David.
00:42.3
Ayan, diyan pala.
00:45.4
Ay nako, saan na kaya yun?
00:51.3
Grabe, nakakapago din pala talaga maglinis.
00:54.3
Sobra, lalo na pag madaming gamit.
00:57.2
Ay, ano ba hinahanap mo? Nahanap mo na ba?
01:00.4
Yung stapler ko, e paano ko mahanap? Tingnan mo naman.
01:05.0
Ay, bawat lugar na natignan ko kasi, may mga bagay na dapat hindi nandoon.
01:10.4
Yung mga gamit na sa kusina, mga pagkain na sa study area, mga libro na doon sa garden.
01:16.8
Aabutin tayo ng buong araw dito.
01:20.3
Halika, umupo muna tayo at magpahinga.
01:24.3
Mahanap din natin yan, stapler mo. Nandyan lang yan.
01:27.2
Ay, pero alam mo David, sa paghahalongkat natin dito,
01:34.0
napansin ko lang ang dami nating mga gamit.
01:36.2
Kaya napak-importante na may sarili silang pinaglalagyan para madali silang hanapin.
01:42.5
Oo nga, no. Mas madali na pagdating natin dito,
01:47.2
alam na natin kung saan hanapin yung mga bagay na kailangan natin.
01:51.0
Tama, ganoon din siguro sa kalikasan, no?
01:54.7
Oo, may may.
01:57.2
Alam mo naman, yung mga lugar dito sa mundo, magkakaiba rin.
02:06.2
Merong mainit, merong malamig, merong basa at merong tuyo.
02:10.2
Merong mataas at merong mababa.
02:13.2
Kaya malamang, iba't ibang klaseng hayop at insekto ang makikita natin sa kanila.
02:19.2
Hindi lang hayop at insekto, Maymay. Pati mga halaman.
02:23.7
Talaga, David?
02:25.1
Oo naman.
02:27.2
Magkakaiba ang mga halaman na tumutubo sa lupa at sa tubig.
02:30.9
Pero kahit yung mga halaman na tumutubo sa lupa, hindi rin pare-pareho.
02:35.7
Kaya tayo may iba't ibang klase ng mga halaman.
02:38.7
Ah, e paano natin malalaman kung saan ba dapat makita yung isang klaseng halaman?
02:45.9
Pinakamaganda dyan, pumunta tayo sa labas.
02:49.0
Para mas malinaw sa atin.
02:50.2
Sige!
02:50.8
Tara!
02:51.0
Tara!
02:57.2
Kapag tumingin tayo sa paligid, ang una nating mapapansin ay mga halaman, di ba?
03:06.8
Tama ka.
03:08.0
Pero paano ba natin malalaman kung halaman nga talaga ang tinitingnan natin?
03:12.6
Eto, kadalasan, verde. May mga ugat, may mga tangkay, at may mga dahon.
03:19.7
Meron ding halaman na namumulaklak.
03:22.1
Yung iba naman, namumunga ng prutas at gulay.
03:25.3
Tama ka dyan, Nay-Nay.
03:28.9
Pero napansin ko lang, David.
03:31.0
Hindi sila prepara yung nangitsura.
03:33.1
May mga maliliit at may mga malalaki.
03:36.0
Parang tao.
03:37.4
Depende kasi yan kung saan sila tinanim at tumubo.
03:40.5
Kagaya niya, no?
03:42.4
Ah.
03:43.9
Kahit pa pano, may mga nakikita kong puno sa mga lugar na napupuntahan ko.
03:48.8
Pero meron din mga lugar na wala masyadong puno.
03:51.9
Pero may mga halaman naman, kagaya niyan, na tumutubo.
03:54.4
Ang tawag dyan ay shrub o palumpong.
03:58.5
Pansin ko nga, mas mababa pa sa puno.
04:01.3
Ito pa, may mga lugar naman na kahit wala masyadong puno o kaya palumpong,
04:06.2
sagana naman sa damo.
04:09.0
Ah.
04:10.5
Napakarami yata ang klaseng halaman na nakikita natin sa paligid, no?
04:14.5
Siyempre.
04:15.5
Alam mo bang halos 400,000 species ng halaman
04:18.4
ang nadiskubre na ng mga scientist sa buong mundo?
04:21.2
Sa bilang na ito,
04:22.5
mahigit labing 6,000 o 16,000 ang makikita sa Pilipinas.
04:27.2
Ha? Wow naman!
04:29.4
Naku, mag-uusapan ba natin silang lahat?
04:32.2
Iniisip ko pa lang, naihilo na ako.
04:36.2
Pero sa tingin ko, marami pa dyan, hindi pa nila nakikilala
04:39.7
o tutuklasan pa lang nilang lahat.
04:42.3
Pero hindi naman natin sila kailahan lahatin ngayon.
04:45.1
Baka abutin tayo ng isang linggo kung lahatin natin sila.
04:48.5
Mabuti naman.
04:49.5
Pero David, meron naman siguro silang basic na patuloy.
04:52.5
Pagkakahati-hati, di ba?
04:54.5
Oo, tama ka dyan.
04:56.0
Simulan siguro natin sa pinakamaliliit.
05:02.2
Lahat ng mga halaman nag-umpisang mamuhay sa tubig
05:05.1
bilang mga single-celled organism.
05:08.2
Sa paglipas ng mahabang panahon,
05:10.5
karamihan sa kanila ay natutong mamuhay sa lupa
05:13.3
at sa iba't ibang parte pa.
05:15.1
Ang tawag dito ay evolution,
05:17.0
kung saan nag-iiba yung mga namamana nilang katangian
05:19.5
habang lumilipas ang panahon.
05:21.0
Pero may mga halaman pa rin na patuloy na tumutubo
05:24.0
at nabubuhay sa tubig.
05:25.5
Isa na rito ang algae.
05:27.5
Ang algae ay mga simpleng halaman na walang totoong ugat,
05:30.5
dahon o tangkay.
05:32.5
Pero paano sila nabubuhay?
05:34.5
Meron pa rin silang chlorophyll.
05:36.5
Kaya nabubuhay pa rin sila sa pamamagitan ng photosynthesis.
05:40.0
Pero iba't iba ang kulay nito sa kalikasan.
05:42.5
Merong green algae, red algae, brown algae at gold algae.
05:47.0
Mahigit 2 billion years na ang itinagal ng algae sa mundo.
05:50.5
Kumbaga, sila ang ninuno ng mga halamang kilala natin ngayon.
05:54.5
Parang senior citizen para sila ng mga halaman.
05:57.5
Pero hanggang ngayon, may mga bagong klase pa rin ng algae ang nadidiskubre.
06:02.5
Nasa 37,000 species na ang kilalang species ng algae.
06:06.5
At sa tansya ng scientist, may 30,000 pa raw na hindi pa natutuklasan.
06:11.5
Isang klase ng algae na pamilyar sa atin ay ang seaweed o damong dagat.
06:16.5
Ginagamit ito bilang pagkain ng tao o hayop.
06:19.5
Sa paggawa ng gamot at bilang pataba sa lupa.
06:23.5
Yung gelatin na madalas kinakain natin bilang panghimagas, galing yun sa seaweed.
06:28.5
Naguto na naman tuloy ako?
06:30.5
Karaniwang tumutubo ang algae kung saan sagana ang tubig.
06:34.5
Sa mga batis, ilog, sapa at syempre sa dagat.
06:41.5
Sumunod sa algae ay ang moss o lumot.
06:44.5
Karaniwang maliit lang kung tumubo ang moss.
06:47.5
Ito ay 1.1 hanggang 3.9 inches.
06:50.5
Pero ang pinakamalaking moss sa buong mundo ay ang Dosonia superba.
06:54.5
Kayang umabot ng mga 20 inches.
06:57.5
Ay talaga? Di ba parehas sila ng algae?
07:00.5
Nasa 12,000 species na ng moss ang nadidiskubre sa buong mundo.
07:04.5
Kung titignan, parang parehas lang sila ng algae.
07:06.5
Pero may mga importante rin silang pagkakaiba.
07:09.5
Ang algae kasi pwedeng magsuloyan, lalo na yung maliliit.
07:13.5
Pero ang moss, iisa lang ang anyo.
07:15.5
Ah, ganun pala yun.
07:17.5
Kung ang algae ay pwedeng mabuhay sa dagat, bihirang makita ang moss sa tubig alat.
07:22.5
Madalas tumubo ang moss sa mga mamasa-masa at may lilim na lugar.
07:26.5
Kalimitan sa lupa, mga bato at sa mga puno.
07:29.5
Hindi kagaya ng algae na mahilig sa araw at sa tubig.
07:32.5
Ang isa pang pagkakaiba ng algae at moss ay sa bilis ng pagtubo nila.
07:36.5
Ang algae, mabilis ang pagtubo.
07:38.5
Makakailang henerasyon ng algae sa loob lang ng ilang araw.
07:42.5
Ang moss naman, sobrang tagal tumubo.
07:44.5
Pero mahaba ang buhay.
07:46.5
Ah, mas nagtatagal pala ang moss kumpara sa algae.
07:50.5
Tama, Maymay.
07:54.5
Meron ding mga halaman na kung tawagin ay fern o pako.
07:58.5
Ah, ay, alam ko yan.
08:01.5
Nagikita ko yan ginagamit sa halamang paso, sa floral bouquet,
08:05.5
pati na rin sa mga pagkain, lalo na sa salad.
08:08.5
Tama ka dyan, Maymay.
08:10.5
Milyong taon na ang nakalipas, wala pang taong buhay noon.
08:13.5
At ferns ang pinakamaraming klase ng halaman sa mundo.
08:16.5
Ang mga kagubata noon ay siksik sa naglalakihang tree ferns,
08:20.5
kaya naman ito ay karaniwang pagkain ng mga herbivorous dinosaur tulad ng triceratops.
08:26.5
Oo, yung mga dinosaur kumakain ng halaman, David?
08:29.5
Oo naman, Maymay.
08:31.5
Talaga?
08:32.5
Sa panahon ngayon, ang ferns ay karaniwang nabubuhay sa mga gubat,
08:36.5
sa mga siwang na mga bato, mga lusak o swamp, pati na rin sa mga tropical na puno.
08:41.5
Mahigit 10,000 species ng ferns ang nakita na ng mga scientist sa iba't ibang parte ng mundo.
08:50.5
Ano yung angawap mo, David?
08:52.5
Ah, ito? Ang tawag dito ay damong gamot at herb.
08:55.5
Alam ko na yung iniisip mo, Maymay. Madalas itong gamitin na sangkap sa pagluluto.
09:00.5
Oo naman, pero alam ko din na madalas nang gagaling sa mga halaman na ito ang mga gamot para sa sakit.
09:06.5
Mismo ka dyan, Maymay.
09:08.5
Mismo!
09:09.5
Meron tayong tinatakot.
09:11.5
Ito ang tawag na culinary herbs o yung herbs na ginagamit para magbigay lasa sa pagkain natin.
09:16.5
Ang mga halimbawa nito ay ang anis, garlic o bawang, at oregano.
09:21.5
Meron ding medicinal herbs na ginagamit natin sa panggagamot.
09:25.5
Kasama dito ang banaba na mabisang gamot sa lagnat at diarrhea,
09:29.5
pansit-pansitan na ginagamit sa paggamot ng gout at arthritis,
09:34.5
at sambong para sa mga sumasakit na kasukasuan o joints.
09:38.5
Oo nga pala.
09:39.5
Pati ang saging na madalas nating gawing panghimagas ay galing din sa herb.
09:43.5
Karamihan sa mga herbs ay tumutubo kung saan sagana ang araw at hindi masyadong basa ang lupa.
09:48.5
Marami rin sa atin ang nagtatanim ng herbs sa mga paso at garden para magamit sa bahay.
09:57.5
Paano naman itong mga damo, David?
09:59.5
Madalas nakikita ko ito sa bukit, sa park, at sa harding ng bahay.
10:03.5
Oo, Maymay. Kasama yan sa karaniwan natin nakikitang mga halaman.
10:07.5
Ang gras o damo ay kasama sa kinakain ng mga herbivorous na hayop tulad ng baka, usa, at kambing.
10:14.5
Merong may higit labindalawan libong species ng damo na nakilala ng siyensya.
10:18.5
Kasama dito ang mga pinagkukunan natin ng pagkain tulad ng palay at mais.
10:23.5
Sa maniwala kayo o hindi, ang kawayan o bambu ay itinuturing na isang klase ng damo.
10:29.5
Talaga? E di ba mataas ang kawayan?
10:32.5
Oo, Maymay. Isa ring klase ng damo ang kawayan.
10:36.5
Mahalaga ang mga damo sa pagkuha at paggawa natin ng pagkain.
10:40.5
Kaya buti na lang, tumutubo ito sa halos kalahati ng lupain sa mundo.
10:44.5
Isa ito sa pinakalaganap na uri ng halaman. Makikita sa mga bundok, rainforests, kahit sa disyerto.
10:51.5
Ang galing! Pero napansin ko din na malago ang damo kung saan bibihira ang mga puno.
10:57.5
Tama. Katamtaman lang kasi ang kailangan tubig ng mga damo.
11:01.5
Mas marami sa nakukuha ng disyerto. Pero hindi kasing dami ng nakukuha ng mga gubat.
11:05.5
Siyempre, makakalimutan ba natin ang mga naglalakihang puno kagaya nito?
11:13.5
Oo nga, David. Malaki na, mataas at matibay pa.
11:19.5
Kabilang ang mga puno sa tinatawag na perennial plants o yung mga halaman na lampas dalawang taon ang buhay.
11:25.5
Sabi nga ng mga scientists, may 3 billion na puno ngayon na nabubuhay sa mundo na hinati-hati sa mahigit 60,000 species.
11:33.5
Sa tinatayang 3 billion na puno, may 3 billion na puno na nabubuhay sa mundo na hinati-hati sa mahigit 60,000 species.
11:34.5
Sa tinatayang 3,600 native trees sa Pilipinas, 67% ay endemic o dito lang matatagpuan.
11:41.5
Ang dami palang mga puno pa sa mundo, lalo na sa Pilipinas.
11:45.5
Pero may may, sa tansya nila, e mas marami pa nga dapat ang mga ito. Nabawasan na daw ng halos kalahati mula nang magkaroon ng tao.
11:52.5
Pero kahit ganun, parang wala pa rin tatalo sa mga puno kung patagalan din lang ang pag-uusapan.
11:58.5
Sinasabing ang puno ang longest living organisms at hindi sila mamamatay sa katandaan.
12:03.5
Ay, buti pa sa puno, may forever!
12:07.5
Oo nga, sinabi mo pa.
12:09.5
Ang mga puno ay nagsisilbing tirahan ng iba't ibang klase ng hayop at insekto sa kalikasan.
12:14.5
Sa tao naman, madalas itong pinagkukunan natin ng pagkain, mga bulaklak na nagpapaganda sa paligid,
12:20.5
at mga sari-saring materyales na ginagamit natin sa ating pamumuhay, gaya ng kahoy at papel.
12:26.5
Kung hindi naman natin puputulin ng isang puno, pwede itong mabuhay ng ilang libong taon o higit pa.
12:32.5
Ang pinakamatandang puno sa mundo ngayon ay isang bristlecone pine tree sa California.
12:37.5
Pinaniniwala ang mahigit limang libong taon na ang edad nito.
12:41.5
Dito naman sa Pilipinas, may isang napakalaking puno ng balete sa Canlaon City, Negros Oriental.
12:47.5
Sa tansya ng mga eksperto sa Silliman University, mahigit isang libong tatlong daang taon na ang edad nito.
12:53.5
Wow! Andami sigurong pwedeng ikwento noon tungkol sa history natin. Kung nakakapagsalita lang sana ang mga ito.
13:00.5
Nililinis na mga puno ang hangin sa ating paligid dahil hinihigop nila ang carbon dioxide at ibinabalik ito bilang oxygen.
13:07.5
At kaya din nilang pababain ang temperature sa paligid dahil sa water vapor na galing sa mga dahon nila.
13:13.5
Medyo maraming nakakatuwang malaman tungkol sa puno talaman, lalo na sa kung saan sila nakatira.
13:19.5
At syempre, malaking tulong talaga ang mga lugar katulad ng Lame sa Eco Park at sa mga grupong kagaya ng bantay kalikasan na nangangalaga ng kapaligiran.
13:28.5
Para sa mga bago natin natutunan ngayon.
13:30.5
O, namanggit mo na rin ng tirahan. Mukhang kailangan natin bumalik. Ano, tara na?
13:35.5
Tara!
13:36.5
Tara!
13:38.5
Hindi na naman nasayang araw natin, David. Sa dami ba naman na natutunan natin tungkol sa kalikasan?
13:45.5
Siyempre naman, Maymay. Bawat uri ng halaman, maliit man o malaki, may kanya-kanyang kinalalagyan.
13:53.5
Kaya pag may hinahanap kang halaman, dapat alam mo kung saan siya makikita.
13:58.5
Nakita ko na!
14:00.5
Ano yun? Ano nakita mo, Maymay?
14:03.5
Ang hinahanap kong stapler!
14:09.5
Hai, salamat. Nakita mo na rin yan, stapler mo.
14:12.5
At ngayon, ilalagay ko na siya sa ibabaw ng mesa sa kung saan siya dapat. Para sa susunod, madali ko na siyang mahanap.
14:19.5
Sana ganyan din kadaling hanapin ang puno at halaman kapag kailangan natin sila, no?
14:23.5
Ang totoo niyan kasi, marami ng lugar ang nawawalan ng puno.
14:27.5
Kaya napipinsala sa iba't ibang sakuna.
14:30.5
Pag-ibig ng pagguho at pagbaha.
14:32.5
Tama ka, David. Kaya napaka-importante na sumali tayo sa tree growing activities sa school, opisina at sa barangay para makatulong tayo sa pagsasayos ng ating kalikasan.
14:45.5
At dahil best friends of the forest tayo, magbasa at mag-aral tayo tungkol sa forest conservation.
14:52.5
At huwag mag-aksaya ng papel para mabawasan ang pagputol ng puno.
14:58.5
Kapag iningatan natin ang kalikasan, aalagaan din tayo nito.
15:02.5
Araw-araw na nabubuhay tayo ay siguradong magiging...
15:05.5
Puro ng buhay!
15:12.5
Kahit ang Pilipinas ay isang archipelago o isang bansa na binubuo ng magkakahiwalay ng mga isla, marami pa rin mga halaman dito na hindi matatagpuan kahit saan.
15:20.5
Iba't iba kasi ang lupain sa Pilipinas, kaya malawak din ang mga halamang taglay nito.
15:25.5
Mapadpad ka man sa bulubundukin, kapatagan, lambak o tabing dagat.
15:31.5
Isa sa mga ito ay ang Philippine Teak o Tectona philippinensis.
15:36.5
May taas ito na mula labing lima hanggat dalawampunt limang metro.
15:40.5
At makikitan tumutubo sa coastal at lowland limestone forests.
15:44.5
Sa ngayon, matatagpuan lang punong ito sa lalawigan ng Batangas sa Luzon at sa Iling Island sa Mindoro.
15:51.5
Nauubos ng Philippine Teak.
15:53.5
Dahil madalas itong ginagamit sa construction at bilang panggatong.
15:58.5
Nakalista ang Philippine Teak bilang critically endangered tree species.
16:02.5
Ayon sa listahan ng International Union of Conservation of Nature o IUCN.
16:07.5
Gayunpaman, may mga inisiyative na ang gobyerno at ilang mga NGO para mapangalagaan ito.
16:12.5
Nasa Pilipinas din ang Atinboros Pitcher Plant o Nepenthes Atenborowii.
16:18.5
Matatagpuan naman ito sa Mount Victoria sa Palawan.
16:21.5
Ang Atinboros Pitcher Plant ay carnivorous o kumakain ng hayop.
16:26.5
Karaniwan ay mga daga.
16:28.5
Ito ang pinakamalaking carnivorous plant na nadeskubre sa buong mundo.
16:32.5
Madalas itong kinukuha at ipinagbibili.
16:35.5
Pero bibihira itong tumubo.
16:37.5
Kaya nakalista din ito bilang critically endangered plant species sa IUCN.
16:42.5
Isa pang puno na makikita lang sa Pilipinas ay ang Kalingang o Sinamumom Mercadoy.
16:48.5
May mataas ito na mula 6 hagan.
16:50.5
Mula 6 hanggang 10 metro.
16:52.5
At makikita sa mga gubat ng Babuyan Island sa Luzon at sa Mindanao.
16:57.5
Makapal at mabango ang balat nito.
16:59.5
Ginagamit ang kalingag bilang halamang gamot para sa iba't ibang uri na sakit.
17:04.5
Nakalista ito bilang vulnerable species sa IUCN.
17:07.5
Sana'y matutunan nating pahalagahan ang mga halamang ito na nasa Pilipinas lang matatagpuan.
17:13.5
Bago sila tuluyang mawala at sa libro na lang natin makikita.
17:20.5
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.