Close
 


NASA TELEVISION NA KAMI 😱😱😱
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
NASA TELEVISION NA KAMI 😱😱😱 #ofw #benchtv #kalingaprab #valsantomatubang #pugongbyahero #pugongbyaherolatestupload #depression #latestnewstoday #responde
Bench TV
  Mute  
Run time: 18:31
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
At vlogger na ginawa ng content ang pagtulong sa mga nangangailangan, atin po silang kilalain.
00:20.8
Karaniwan sa isang vlogger o content creator ang nagbibigay po ng entertainment sa kanilang mga followers.
00:26.5
Pero iba ho ang naging laman ng vlog ni Benji at ang kanya pong grupo sa Bench TV.
00:32.7
Nalsumentro ang kanilang content sa pagtulong sa mga mahihirap, may sakit nating kababayan at yung mga tao sa lansangan.
00:40.1
Ang kanila makabuluhang palabas, tampok mo ngayon sa ating e-responder.
00:45.3
Puno ng katatuanan, may aktingan at may song cover pa.
00:50.5
Ganito ang karaniwang content ng vlogger na si Benji Perillo o mas kilala bilang Bench.
00:57.1
Nagsimula si Bench sa mga simpleng videos na may iba't ibang kwento.
01:01.9
Sa paggawa niya ng vlog ay kahit papaano ay nababawasa ng hindi mabuting nangyayari sa kanyang buhay.
01:08.3
Ma'am, yung time na yun ma'am, nung naisipan ko maggawa ng channel ma'am,
01:14.1
syempre medyo may mga pinagdadaan sa buhay tapos gusto ko rin na malibang maging masaya kahit papaano at makapagpasaya ng ibang tao.
01:23.2
Pero sa pagtagal ng panahon, si Bench hindi...
01:26.5
kinakontento sa kanyang mga storya sa YouTube.
01:29.3
Pero yung time na yun ma'am, parang may hinahanap pa yung puso ko na hindi lang dito, kulang to, hindi pa to sapat.
01:38.7
Kaya ma'am yun, napag-anuhan ko po na yun ang gawin ko na mas marami pa akong matulungan, mapasayang tao sa pamamagitan po ng pagtulong sa ating mga kababayan.
01:49.9
Kaya naman, ginawa niyang mas makabuluhan ang kanyang mga content.
01:54.7
Mula sa mga mukbang challenge,
01:56.5
pagluluto at cover songs.
01:59.6
Priority rin ng kanyang team ang pagsagip sa mga taong nasa lansangan.
02:04.5
Bukasiya po namin ma'am yung pagtulong sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po sa mga homeless na mga nasa lansangan.
02:11.7
Nanghangad po natin na maibalik po sila sa kanilang mga pamilya.
02:15.2
Hinukup-kup natin sila para maalagaan, mapakain, matulungan, mapagamot at maibalik po sa kanilang pamilya.
02:23.9
Araw-araw nilang nililibot ang Sampetro.
02:26.5
Para makahanap ng homeless individuals.
02:44.5
Hindi naging madali para sa kanila ang tulungan ng mga nasa lansangan.
02:49.4
Anya, masinsinang pakipag-usap at pangunawa ang kailangan.
02:56.5
Kinakausap po namin siya ma'am kung sasama sa atin at pag napapayag po agad-agad ma'am isinasama namin.
03:04.1
Pinapaliguan po, binibihisan, pinapakain ma'am at dito po namin dinadala sa shelter para may maayos po silang tulugan.
03:13.5
Nag-renta rin sila ng isang bahay para gawing shelter na mga nasa gip nilang homeless.
03:19.4
Naitatag po ito ma'am nung naparaang buwan, mga kalagitnaan po ng January.
03:26.5
Hindi po talaga nadating yung isang araw o lilipas yung isang araw na sa pag-ikot namin.
03:31.6
Wala kaming nakakasalamuha, nakakasalubong ng mga homeless na talagang walang matirahan ma'am.
03:38.5
At nakakaawa po na makita sila na natutulog lang sa kalsada ma'am.
03:44.0
Para kay Bench, kailangan na mahabang pasensya at pagiging mahinahon upang maunawaan ang mga kinukukup nilang may problema sa pag-ikisip.
03:52.8
Sa totoo lang ma'am, sobrang ano...
03:56.5
Sa madaling salita ma'am, napakahirap pakisamahan ma'am yung mga tulad nila.
04:02.8
Pero kami po, ibinibigay po namin yung aming buong pasensya.
04:07.3
At hanggat maaari ma'am, dinudugtungan pa namin ito.
04:10.0
Dahil talagang hindi maiwasan ma'am, minsan sisigaw at kami ay talagang kumakabog yung dibdib namin.
04:16.1
Pero lalaban kami ma'am.
04:18.2
Sa paglilibot nila Bench, marami rin kwento na ibang tao ang kanilang natitisod.
04:22.9
Hindi lang storya ng mga homeless.
04:26.5
Storya ng mga individual na nangangailangan ng tulong.
04:30.3
Dito kasi ma'am sa programa po ng Bench TV ma'am.
04:33.3
Dito nyo po mararanasan ma'am na lumuha, mapatawa sa mga ginagawa nating pagtulong ma'am.
04:42.8
Na itong pagtulong natin ma'am, hindi lang po isang beses.
04:46.6
At binabalik-balikan po namin ang ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong hanggang sa maging okay po yung kanilang kalagayan.
04:53.9
Gaya na lamang ni Princess.
04:56.5
Pagkakabutan po namin, sobrang laki po nung tiyan niya, talagang halos parang sasabog na at naglalabasan na yung mga ugat.
05:03.8
Ayun po, naitampok po natin yung sa programa ng Bench TV at napanood po ng ating mga kababayan.
05:10.0
Si Princess po, ayun, binawayan po ng buhay.
05:13.4
Ngayon po, mga kababayan po natin ng OFW ang nagtulong-tulong para po maipalibing si Princess.
05:19.7
At the same time ma'am, para mapabinyagan yung kanyang mga anak.
05:24.3
Dahil tatlo po yung anak niya na ulila.
05:26.5
At yung kanyang asawa ma'am ay pedicab driver.
05:30.9
Nakilala rin nila ang isang foreigner na hanggang sa ngayon ay ayaw sumama sa kanilang shelter.
05:36.8
Nililigaw-ligawan po namin dahil napakahirap ma'am kuhanin ang loob ng mga British, lalo na Sir Arthur.
05:44.7
May pagka-istricto si Sir.
05:48.2
At nung nakaraan ma'am, bumalik kami doon, nilinis namin yung buong bahay niya.
05:53.0
Maliit lang naman po yung bahay niya pero talagang tinuturing niya.
05:56.5
Napakahanan, napakaliit lang na halos walang kagamitan.
06:00.2
Dariyan din ang kwento ni Ma'am na iniinda ang kanyang bindi.
06:04.8
Si ate Ma'am talagang napakalaki po ng kanyang paa ma'am.
06:08.9
Mas malaki pa po sa katawan ko ma'am yung kanyang paa.
06:12.2
Nakakaawa po dahil mag-isa na lang siyang namumuhay.
06:17.0
Samamatay lang po nung kanyang nanay nung last November.
06:21.3
Yung sa pang-araw-araw niya ma'am, yung pagkain, mga kapitbahay po.
06:26.3
Yung pagkain, mga kapitbahay po ang gumawa.
06:26.5
Yung pagkain, mga kapitbahay po ang gumawa para sa kanya dahil hindi na po siya talaga makakilos.
06:30.4
At ang kwento na nag-trending nilang si Maricar at Marietta.
06:34.0
Oo, si ate Maricar po, yan po, nag-trending, trending talaga sa ate Maricar
06:38.9
dahil talagang mula sa pagiging taong grasa, ngayon ganyan siya at kasalukuyang nagpapagamot.
06:46.2
Nagpapagamot natin para maging maayos siya.
06:49.4
Sa ate Marietta po, ayan, sa ate Marietta mukhang nagkaroon lang ng depresyon
06:53.9
pero nasunod siya ma'am.
06:55.7
Kapag kinausap mo siya na maayos, sumusunod.
06:58.7
Minsan po nagugulat kami niya ma'am, nauuna pa sa aming magising,
07:02.2
nagwawalis na siya, nagwawalis, naglalaban ng damit niya at naglilinis ng CR ma'am.
07:08.3
Oo, ganun siya ma'am kasipag.
07:10.9
Kaya talagang makikita mo sa kanila yung ganyan man sila na may problema sa pag-iisip
07:16.3
pero makikita mo pa rin kung gano'n silang kabait na tao sa kanilang pamilya.
07:23.5
Pero ang pagtulong na ito ni Bench,
07:25.7
ginawa na niya kahit walang kamera.
07:29.3
Noon ma'am, nung parang bata pa ako ma'am, pag may nakakita ako ng mga ganyan ma'am,
07:34.8
parang may kurot sa puso ko ma'am.
07:37.5
Kaya nung medyo nagkaedad na ma'am, nag-ano ko ng business ma'am, lugaw.
07:43.8
Ayan, yung kinikita po namin doon ma'am, binibigay po natin yun sa ating mga kababayan.
07:47.7
At wala pa po yun ma'am sa camera ma'am, may lumalapit sa atin na nanghingi ng tulong.
07:52.1
Hindi ako makatiis ma'am na hindi ako makapag-abot kahit sa maliit na bagay.
07:55.7
Sa pamagitan ng kanyang pagbavlog, mas maraming taong nakakapanood ng kanilang mga paraan kung paano rin makakatulong sa iba.
08:03.8
Kasi ma'am, dito po sa pagbibidyo po natin ma'am, dito po natin maipapakita yung tunay na kalagayan ng ating mga kababayan.
08:13.4
At the same time ma'am, napapanood po ito ng maraming ating mga kababayan ma'am, lalo ng mga OFW ma'am.
08:20.7
At minsan po kinukurot ang mga puso nila.
08:25.7
Nila po ay talagang tumutulong. Marami pong OFW ma'am na talagang napakabubuti ng puso ma'am na nagsasend sila ng tulong para sa mga kababayan natin na talagang napapanood nila na ganito yung kalagayan.
08:37.3
Tinipiyak din nila na ang makakalap na tulong sa vlog may lalaan sa pagpapagamot ng kanilang mga nakukupo.
08:44.6
Ginagawa po natin ma'am na nanawagan po tayo sa tulong po ng social media ma'am.
08:49.9
I-video po natin sila para makita po ng kanilang mga kamag-anak.
08:55.7
Nito lamang miyerkole sinunda natin ang ginagawang pag-responde ng grupo nila Bench sa ilang lugar sa San Pedro, Laguna.
09:24.0
Mag-ikot po tayo.
09:25.7
Para makita natin yung mga kalagayan ng mga kababayan natin na talagang halos wala silang bahay.
09:32.4
Sa lansangan po sila natutulog at kahit sa maliit na bagay po makatulong po tayo sa kanila ma'am.
09:37.9
Pinasok ang ilang eskinita at kinausap ang mga nadadaanang homeless.
09:42.7
Nagbigay din sila ng kaunting tulong sa mga ito.
09:45.8
At kasabay ng pag-aabot ng tulong ay pinapayuhan rin nila Bench ang ilang mga taong lansangan.
09:51.7
Mag-trabaho kayo para kahit pa paano.
09:55.7
Pagdating ng panahon magiging maayos naman yung kalagayan nyo kasi ang hirap pag ganito talaga sobra.
10:02.4
Lalo na wala kang masisilungan, wala kang pwedeng matulogan na maayos.
10:07.7
Kaya yun nga yung hangad namin, ang programa namin, ang team namin na maging maayos ang takbo para makatulong kami sa mga tulad nyo.
10:17.1
Pansamantala ito muna yung maibibigay namin sa inyo o yung mga tulong na ganito at talagang nagsusumikap kami para mas lalo pa kami makatulong.
10:25.7
Mag-iingat kayo lagi dito ha.
10:28.0
Sa pagpapatuloy ng aming pag-iikot ay napagpag kami sa ilalim ng overpass na ito.
10:34.6
Dito na namin nakilala ang isang babae. Kinausap at kinumbinsi na sumama sa kanila.
10:40.1
At may matutuloy ang tayong bahay. Maayos ha.
10:43.3
Masama ka sa amin. Tara na nai.
10:45.1
May pagkain kami o.
10:47.6
Bawa naman.
10:49.2
Tara na nai.
10:50.7
Ano, asama ka? Halika may pagkain doon.
10:54.6
Sakay natin si nanay.
10:55.7
Nanay, kasama.
10:57.1
Sasama sa atin.
10:59.1
Kawawa naman.
11:00.4
Nanay, halika nanay dito nanay.
11:03.0
Kawawa naman si nanay ha.
11:05.0
Saan kaya to si nanay galing?
11:07.8
Ang layo ng pinanggalingan niya. Ang daming niya pang sugat.
11:14.2
Pero bago dalhin sa shelter ay ibinili muna nila ito ng bagong damit at sinelas.
11:20.2
Pinaliguan sa sikat na balon na ito, ang balon ni Lolo Uwing.
11:24.3
At tiniyat nilang malinis din ang mga sugat nito sa paa.
11:28.8
At ang babae na aming narescue, Michelle pala ang pangalan.
11:32.9
Pinakain at pinagpahinga.
11:36.2
Dito na rin namin na kilalang iba pang mga kinukup sa kanilang shelter na sina Maricar, Marietta at Alexis.
11:43.6
Makikita rin ang ilang pang miyembro ng Bench TV team na ayon kay Bench, nagmula pa sa iba't ibang lugar.
11:51.2
Nagkita-kita kami sa iba't ibang lugar, ma'am.
11:54.3
Parang yun ang nasa puso nila, ma'am, na tumulong.
11:57.4
Kaya po nabuo yung Bench TV, ma'am, dahil sa iisang advokasya namin, ma'am, na pagtulong sa ating mga kababayan.
12:03.6
Oo. Katunayan, ma'am, mayroong tayong malalayang lugar. May buhol, may masbate.
12:09.8
Isa si Jessa sa matagal ng miyembro ng grupo na kumakalinga sa homeless na dinadala sa shelter.
12:16.5
Ako po yung nandito sa shelter. Isa po ako sa kasama ng Bench TV sa shelter.
12:20.4
Ah, kami po yung gumagabay po sa mga homeless doon na narescue natin.
12:25.2
At saka tayo rin po yung lumilingap sa kalsada o kaya sa kahit saang lugar po kasama ng Bench TV po.
12:32.5
Ah, ma'am, kami po, ah, ano po kami, nagpapalaro ng mga bata. Simple organization lang po kami before.
12:39.4
Parang doon ako namulat, ma'am, na tumulong sa kapwa. Especially sa mga kabataan, ma'am.
12:45.4
Ah, doon tayo namulat na, ah, ganito pala. Marami palang nangangailangan sa kalsada.
12:50.4
Mas marami palang pwede tayong gawin kahit sa simpleng bagay.
12:55.3
Doon po ako namulat na, katulad ko, ma'am, lumaki ako na maraming tumutulong sa amin kasi mahirap lang kami.
13:02.8
Parang na-inspired po ako na, ah, someday ako naman yung magbibigay ng tulong.
13:07.3
Someday ako naman yung magbibigay ng pagmamahal sa kanila. Ganito.
13:11.4
Ramdam din ni Jessica ang bawat kwento ng mga taong lansangan na kanilang nirespondihan.
13:17.7
Masakit po, ma'am, eh. Hindi siya.
13:20.4
Hindi ko ma-explain yung nararamdaman. Lalo na po kapag naririnig mo na yung kwento, kung ba't sila nagkaganon.
13:27.7
May pinagmulan po kasi lahat, eh, kung bakit nangyari yun sa kanila.
13:31.7
Alam ni Jessica na tanging pangunawa at pagmamahal lamang ang kanilang may bibigay para sa mga taong ito.
13:38.1
Malimit sa mga katulad nila, hindi na tayo naiintindihan sa salita. Kahit anong sabihin natin, wala na sa kanila yan, eh.
13:44.3
Sa amin, ma'am, pinapakita na lang namin sa pagmamahal, pagkaalaga sa kanila.
13:50.4
Iniintindihan nila. Pag naramdaman nila yung kapanatagan na, ah, mahal nila ako, iniintindi nila ako.
13:56.7
Nandun po, ma'am, yung tiwala nila sa inyo na, ah, kakampi ko to. Dun, ma'am, parang sa pagkaalagang mo talaga mapapakita.
14:05.9
Hindi rin mayaalis na marami silang bashers. Ganun pa man, tuloy lang ang pagtulong ng kanilang grupo.
14:11.9
Ano namin niyang pinapansin? Kasi pag pinagtuonan namin yan, mawawala po yung focus namin.
14:17.0
Imbis nasa good mood kami, maari pong ma-divert na ma-bad trip kami bigla.
14:22.6
Which is mali, ma'am, kasi dapat ang nararamdaman natin ngayon, eh, puro pagmamahal na lang, eh.
14:27.7
Napaka-ikli na lang ng buhay ng tao. May pandemic pa. Bakit umunahin pa natin magalit sa mga nagkikritisize sa atin?
14:35.0
Pero yung iba naman, ma'am, ano, tinitake namin yan na as a lesson para mas mag-improve pa po kami sa kahit anong ginagawa namin.
14:42.6
Lagi po kaming meron room for improvement, ma'am.
14:45.4
At dahil nasa kasagsagan pa rin ang bansa ng pandemia, sinisugurado ng kanilang team ang kaligtasan ng bawat isa.
14:53.2
Nasunod po tayo ng mga protocols, ma'am. Sa katunayan po, mga vaccinated na, ma'am, po.
14:59.3
At saka nag-sanitize bago umuwi. At mamaya gagawin namin yung para sa sarili naman namin na maliligo para at the same time, ma'am, mapangalagaan din namin, protectionan din namin yung mga taong nandito, ma'am, sa shelter.
15:13.7
Higit sa pag-aalaga, gusto rin ang grupo nila, Bench, na maiatid ang mga homeless sa mga pamilya nito.
15:21.5
Buong puso po na inalay na namin sa kanila sa pagtulong. Yung ginagawa namin, ma'am, hindi lang basta to vlog, hindi lang basta content. May puso sa bawat video. May puso dun sa bawat nakakausap namin, sa natutulungan namin. May binibuild na po kaming relationship.
15:39.6
Pangarap din na lumawak pa ang kanila mga pagtulong.
15:43.7
Ma'am, nakikita ko po yung team namin, yung buong team namin na may mas malawak na kaming shelter, meron sa para sa matatanda, sa bata, at sa mga may sakit po. Nakikita ko po na lalawak kami, ma'am.
15:57.6
Pakiusap ni Bench para sa lahat na nakakapanood ng kanyang vlog.
16:01.4
Sa mga kababayan ko po, sana po pag may nakakita po tayo ng mga homeless, abutan po sana natin kahit konting tinapay, konting halaga.
16:11.4
Dahil po, ma'am, yung pagtulong, ma'am, hindi naman po nasusukat kung gaano ito kalaki o kaliit.
16:17.1
Hindi po tayo dapat mamatakot dahil yung mga homeless po, ma'am, hindi po nila ginusto yan.
16:24.9
Alam ko po na gusto rin nila na meron sa kanilang makaunawa at makapagbigay ng pagmamahal na kung hindi man naibigay ng kanilang pamilya kaya sila nagkaganyan, ay pagmamahal ng ibang tao yung gusto nilang maramdaman.
16:37.9
Ang mga katulad nila Bench, kahangahanga ang pagmamahal sa kapwa.
16:43.5
Ang sandata nila, ang puso nilang mapagkalinga at umuunawa.
16:48.7
Na sa lahat ng oras, handang rumisponde sa mga taong iniwana ng pag-asa sa lansangan.
16:56.7
Kami ang Bench TV Team at kami ay Certified E-Responder.
17:07.9
Kung kayo po ay may nais na isumbong sa inyong lugar, problema sa lipunan na gusto po ninyong paksunan,
17:16.6
mag-text lamang sa 0956-867-1833 o mag-email sa responding at net25.com.
17:25.5
Pwede rin po kayo magpadala ng mensahe sa ating Facebook page at Net25 TV.
17:31.0
Sa ating lipunan, hindi na mawawala ang mga samot sa aring problema.
17:35.4
Kaya tuloy lamang pong pag-aksyon.
17:37.0
Pag-ahanap ng solusyon, lalo na ngayon, may maasahan ka ng re-responde.
17:43.1
Hanggang sa susunod na Sabado, alas 6 hanggang alas 7 po ng gabi.
17:48.3
Ako po si Alex Santos at ito ang responde.
17:51.8
Mata ng mamamayan.
18:07.0
🎵 Music 🎵