Close
 


Bakit Pagsisisihan Mo Ang Manalo Sa Lotto
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Gugustuhin mo pa kayang manalo sa Lotto kung posibleng mangyari sayo itong mga to? Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #lotto #pcso #lottoresulttoday
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.4
Bakit di mo gugustuhin manalo sa loto?
00:03.8
Ilang beses ka nang nag-imagine na nanalo sa loto.
00:06.8
Iniisip mo kung ano ang mga unang bibilhin mo,
00:09.6
kung ano pa ang paggagamitan mo ng pera at kung paano nito babaguhin ang buhay mo.
00:15.0
Ayon sa New York Times, ang pinakamalaking pera na napanalunan ng isang ticket buyer ay $2.04 billion o mahigit sa P115 billion.
00:24.7
Napanalunan ito ni Edwin Castro noong November 7, 2022 sa Altadena, California.
00:32.2
Subalit alam mo ba na hindi lahat ng nanalo sa loto ay nagkakaroon ng happy ending?
00:38.5
Sa katunayan, ilan sa kanila ang nagsabi na mas gugustuhin nila kung hindi sila nanalo.
00:44.6
Kung bakit? Pag-usapan natin.
00:47.2
Unang-una, mag-iiba ang tingin sa iyo ng tao ngayong napakayaman mo na at makakaapekto ito sa buhay mo.
00:54.0
Ito mismo ang nangyari kay Craig Henshaw, isang high school teacher na nanalo ng $21 million o P1.9 billion noong August 2011.
01:03.6
Nang malaman nito ng mga tao, marami sa kanyang mga kasamahan ang nanghingi sa kanya ng pera, pati na rin ang kanyang mga estudyante.
01:11.4
Noong una ay katuwaan lang iyon hanggang sa may ilan nang sineryoso ito.
01:15.5
Sa sobrang lala ng sitwasyon, umalis na lang siya sa trabaho kahit nagusto niya ang pagiging guro.
01:20.8
Minsan naman ay pwedeng masira pati ang relasyon mo sa iyong pamilya.
01:25.8
May isang lalaking nanalo ng $20,000 o P1.1 million mula sa Colorado.
01:31.9
Noong una ay masayang-masaya siya dahil may medical bills siyang nabayaran dahil dito.
01:36.9
Ang hindi niya alam, ito pala ang sisira ng relasyon niya sa kanyang pamilya.
01:41.1
Noong malaman nilang nanalo siya, may tumawag sa kanyang ilang mga family members na hindi na niya nakakausap sa loob ng ilang buwan o taon upang manghingi ng pera.
01:51.0
Nang may mga hindi siya nabigyan, tinawag siyang maramot at ilan sa kanila ay talagang nagalit sa kanya.
01:58.2
Isa pang lalaki ang nanalo ng $86 million o P4.8 billion, dalawang linggo bago siya ikasal.
02:05.8
Agad siyang naglahad ng plano upang masiguro na hindi niya ay tumawawaldas.
02:09.6
Higit sa lahat, hindi niya ay pinagkalat ang nangyari.
02:13.1
Sa kasamaang palad, sa kanyang lugar, hindi mo pwedeng kunin ang perang na panalunan mo kung hindi mo ibibigay ang pangalan mo.
02:19.5
Nang malaman nito ng publiko, nagkagulo sa lugar niya.
02:23.5
Araw-araw ay nakakatanggap siya ng voicemails mula sa mga taong hindi niya kakilala upang manghingi ng pera.
02:30.3
Nagpunta pa nga ang ilan sa bahay ng nanay niya upang manghingi pa ng pera.
02:34.8
Napilitan silang lumipat ng tirahan, kasama ang kanyang nanay at ang kanyang fiancé.
02:39.7
Dahil sa nangyari, nahirapan sila ng kanyang fiancé sa kanilang relasyon at napagdesisyonang maghiwalay na lang.
02:46.0
Hanggang ngayon, pag nakainom siya.
02:48.4
Tinatawagan niya pa rin ang kanyang ex-fiancé at sinasabihang sana ay hindi na lang siya nanalo sa loto.
02:55.1
Marami siyang nawalang mga relatives at mga kaibigan dahil sa pera.
02:59.3
Higit sa lahat, ngayon ay takot na siya na lahat ng babaeng magkakagusto sa kanya ay dahil lamang sa kanyang pera.
03:06.7
Kakaiba naman ang nangyari kay Dennis Rossi mula sa California.
03:10.5
Noong December 28, 1996, nag-file siya ng divorce upang makipaghiwalay sa kanyang asawa.
03:16.4
Subalit ang hindi alam ng lalaki.
03:18.4
Nang korte at kahit ng abogado niya ay nanalo pala siya ng $1.3 million sa loto bago pa siya nag-file ng divorce.
03:26.8
Nalaman na lamang ito ng ex-husband ni Denise dalawang taon pagkatapos ng divorce
03:31.1
nang bigla siyang nakatanggap ng liham tungkol sa lump sum payment ng loto na naka-address sana kay Denise.
03:37.8
Agad na kumuha ng abogado ang kanyang ex-husband at ipinalam sa korte ang nangyari.
03:42.5
Sa huli, humatol ang korte na kailangang bayarin ni Denise ang kanyang ex-husband.
03:48.4
Kung ito total itong lahat, aabot ito ng mahigit sa $1.3 million.
04:00.8
Mas malaki pa sa napanalunang pera ni Denise.
04:03.7
Ayon sa abogado niya.
04:05.5
Kung sinabi lang sana niya ang kanyang lottery winnings bago siya nag-file ng divorce,
04:10.2
posible pang mapasakanya ang pera at hindi mapunta sa kanyang ex-husband.
04:15.0
Pag minamalas ka nga naman oh.
04:17.4
May isa pang kwento na pangalaman.
04:18.4
Ang pamilya din at mahal sa buhay ang sumira sa panalo ng isang lalaki.
04:22.8
Noong 1981, nanalo si William Bud Post ng $16.2 million sa loto.
04:28.8
Dito nagsimula ang kanyang malas.
04:30.8
Kinasuhan siya ng kanyang ex-girlfriend upang makakuha ng pera mula sa panalo niya,
04:35.5
habang kumuha naman ng hitman ang kanyang sariling kapatid upang makuha ang napanalunan niya.
04:40.7
Marami din siyang mga relatives na lumapit sa kanya at hindi siya tinantanan hanggang mabigyan sila ng pera.
04:46.4
Pagkatapos lamang ng isang buwan,
04:48.4
file ng bankruptcy si William at nagkaroon siya ng utang na $1 million.
04:53.4
Ibang tao naman ang nakabiktima kay Abraham Shakespeare,
04:57.5
na siyang nanalo ng $30 million o 1.7 billion pesos noong 2009.
05:03.3
May nagpakilala sa kanya na isang babae sa pangalang Dee Dee Moore
05:06.8
na nagpresenta ang tumulong sa kanyang sobra-sobrang pera upang hindi ito mawaldas.
05:12.7
Maya-maya pa, hindi na mahanap ng kanyang pamilya si Abraham.
05:16.6
Hanggang sa natagpuan si Abraham,
05:18.4
na nakaburol sa bakura ni Moore.
05:21.3
Minsan, kapamilya mo pa nga ang magbabalak ng masama sa iyo.
05:25.8
Minsan rin ibang tao.
05:27.5
Gayunpaman, may mga pangyayari rin nagmula sa sarili mong kagagawan.
05:32.0
Marami sa mga nananalo ay nalulong sa pagbili ng mga hindi naman kailangang luho at masasamang bisyo.
05:38.3
Parang ganito din ang nangyari kay Evelyn Bayshor.
05:41.3
Ilang taon nang nakatira si Evelyn sa kanyang trailer park.
05:44.4
Subalit noong 1985,
05:46.2
nanalo siya ng 3.9 million dollars o mahigit sa 200 million peso sa loto.
05:51.7
At biglang nagbago ang kanyang buhay.
05:53.7
Agad na lumipat sa mas magandang tirahan si Evelyn.
05:56.7
Sa kasamaang palad, noon pa man, may adiksyon na siya sa pagsasugal.
06:01.2
At noong nanalo siya ng maraming pera,
06:03.2
ginamit lang din niya ito sa kanyang pagsasugal at di nagtagal ay naubos rin ito.
06:08.7
Pagkatapos ng 15 years, wala nang pera si Evelyn at napilitan na siyang bumalik sa kanyang trailer park.
06:15.2
At kung swerte lang din ang pag-uusapan,
06:17.7
wala nang mas maswerte pa sa mag-asawang nanalo sa lottery ng tatlong beses sa loob lamang ng apat o limang taon.
06:25.2
Noong una ay nanalo sila ng 1 million dollars o 56 million pesos.
06:30.2
Tapos nanalo sila ng 50 thousand dollars o 2.8 million pesos.
06:35.7
At ang panghuli nilang napanalunan ay 1.2 million dollars o 68 million pesos.
06:42.2
Agad silang bumili ng maraming mamahalin na sasakyan,
06:44.7
at pinaremodel ang kanilang bahay.
06:47.2
Ginawa nila ito kahit na may utang sila sa kanilang bahay.
06:50.7
Di nagtagal, naubos din ang kanilang pera.
06:53.7
Ibinenta nila ang mga sasakyan at nabaon pa sa mas malaking utang pagkatapos manalo sa loto.
07:00.2
Subalit, ang mga pinakamalungkot na kwento ay sa mga taong hindi kinaya ang pressure sa pagkapanalo ng napakalaking halaga.
07:08.2
Ito na siguro ang pinakamalungkot na kwento sa video.
07:11.2
Unang dapat mong malaman na ang pagkapanalo sa loto,
07:12.7
Ito na siguro ang pinakamalungkot na kwento sa video.
07:13.7
Ito na siguro ang pinakamalungkot na kwento sa video.
07:14.7
ay isang seryosong bagay para sa mga Thai.
07:17.7
Para sa ilan, ito lamang ang tanging paraan na pwede silang makaahon sa kahirapan.
07:22.7
Nagdadasal sila na makuha ang winning numbers.
07:25.7
Marami rin ang nagpupunta sa mga manghuhula upang humingi ng tamang kombinasyon ng numbers.
07:31.7
Ayon sa iba, minsan ay napapanaginipan nila ang winning number o may mga multong bumubulong sa kanila tungkol dito.
07:38.7
May ibang Thais din na ginagamit ang plate numbers sa mga nadidisgrasyang sasakyan.
07:43.7
Kaya naman, napakasaya ng 42-year-old na si Jirawut Pongpan nang manalo siya ng $1.8 million o 100 million pesos noong 2018.
07:55.7
Bago pa niya na-claim ang kanyang panalo, nag-celebrate na siya at nagpa-party.
08:00.7
Sa party, nasobrahan ang pag-inom ni Jirawut sa gabing iyon.
08:04.7
Pag-ising niya sa umaga, hindi na niya nakita ang winning ticket.
08:08.7
Ilang araw pa ang ginugol niya sa paghahanap pero wala na talaga ang ticket.
08:12.7
Nalungkot si Jirawut sa nangyari.
08:14.7
Sa sobrang lungkot niya, hindi na nga siya nakapasok sa trabaho.
08:18.7
Kinalaunan, siya ay lumisan na.
08:21.7
Hindi rin nakita ang tickets, walang nag-claim nito, at tuluyan na itong nawala.
08:26.7
Nagbigay ng ilang advice ang USA Today kung ano ang mga dapat gawin kung sakaling manalo ka sa loto.
08:33.7
Unang-una, huwag mong ipagkalat ang pagkapanalo mo sa loto.
08:37.7
Siyempre, minsan ay hindi mo ito makokontrol dahil may ilang lugar na kailangan tayo.
08:41.7
Kailangan talagang sabihin ang iyong pangalan upang maklaim ang money.
08:45.7
Ginagawa nila ito para mas marami pa ang sumugal.
08:48.7
Siyempre, importante din na huwag kang basta-basta maniniwala sa mga taong lumalapit sa iyo para i-invest ang iyong pera.
08:55.7
Marami sa kanila ang susubok na iscam ka.
08:58.7
Higit sa lahat, kailangan kang mag-financial planning para hindi mo mawaldas ang iyong pera.
09:03.7
Sa huli, nakadepende pa rin sa tao kung ano ang gagawin niya sa pera at kung sinong mga tao ang hahayaan niya.
09:10.7
Ikaw, anong gagawin mo kung mananalo ka sa loto?


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.