Close
 


PINAGTAGPO NGUNIT DI TINADHANA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 06:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kailangang pirmahan ko ang kontratang daladala niya. Kung hindi, hindi na ako ang kapartner niya.
00:13.7
Ang pinakapaboritong magkapareha sa ice skating sa internet.
00:18.1
Ikukuwento ko sa inyo, mga katinagalog ko, kung anong nangyari, bakit hindi na sila pwede.
00:24.2
Ang labing walong taong gulang na si Veselysa Alekseyevna ay ipinanganak sa St. Petersburg sa Russia.
00:33.2
Nagsimula itong mag-ice skating ng taong 2018.
00:37.3
Samantalang ang kanya naman na kapareha ay ang dalawampung taong gulang na si Valeria Sergeyevich ay ipinanganak naman sa Moscow sa Russia.
00:47.7
Nagsimula itong mag-ice skating ng taong 2005 pa.
00:51.8
Taong 2019 na nang magsimula ang pagiging magkapareha ng dalawa sa larangan ng pampalakasan sa pagsayaw sa yelo.
01:02.0
Sa ice skating ring tila ba iisa ang galaw nila.
01:05.3
At talaga namang nakukumbinsin nila ang buong madla na mayroon ngang namamagitan sa kanilang dalawa.
01:11.7
Na siya namang kinakailangan upang makuha nila ang inaasam-asama na medalya.
01:17.1
Sa tulong ng coach nila na si Angelica Kriolova.
01:21.8
Nila ang silver na medalya.
01:23.6
Ito ay ng taong 2021 sa Russian Cup Finals.
01:28.0
Sa parehong taon nakuha ng magkapareha ang JGP Slovenian na kampiyonato at ang silver JGP Junior na medalya.
01:38.8
Sa galing ng dalawa napansin ito ng mga tao sa social media.
01:42.7
Kaya naman mas umugong at dumami pa ang mga fans ng dalawa.
01:48.4
Kumbinsido ang lahat na itong dalawang atleta.
01:51.8
Ay may totoong relasyon na namamagitan na.
01:55.5
Ngunit laking gulat ng lahat nang hamang nasa tugatog ng tagumpay ang dalawang magkapareha.
02:01.2
Ay bigla na lamang nag-anunsyo ang mga ito na ang landas nila ay maghihiwalay na.
02:07.3
Walang nais na magsalita.
02:09.4
Kaya naman lumabas ang napakarami ng mga agam-agam.
02:13.0
Hanggang sa nito lamang Oktubre ay binasag na sa wakas nitong si Veliza ang katahimika niya.
02:20.1
Sa Instagram nito ipinost niya.
02:21.8
Ang totoong naging kaganapan kung saan ang kinahantungan naman ay ang kanilang masalimuot na hiwalayan.
02:29.4
Ayon sa kanya natotoo ang lahat ng usap-usapan at nagsimula ang totoong kwento ng ikaapat ng July ngayong taon.
02:38.3
Ito ay nang si Valeria ay nagsabi sa kanya na hindi na nito nais na siya ay maging kapareha pa.
02:46.0
Dagdag ng dilaga alam na alam nito ang naging totoong dahilan.
02:49.9
Ito ay dahil bago pa sinabi sa kanya ito ng personal ni Valeria, sinabi na nito ang katotohanan sa kanyang ina at mga pinakamalalapit na mga kaibigan.
03:00.8
Personal daw ang kanyang kadahilanan.
03:03.6
Ngunit kinabukasan ayon sa dalaga ay binawi nito ang sinasabi niya at ang tunay daw na dahilan ay dahil hindi na ito masaya sa performance na ipinakikita niya.
03:13.4
Hindi ito kontento sa galing niya, hindi raw siya tinatrato nito ng maganda.
03:19.9
Ito lang lagi sa ensayo at kung ano-ano pang mga masalimuot na salita ang binitawan nito sa kanya.
03:26.6
Ayon naman sa coach ng dalawa na sinubukan nila ng husto na pag-ayusin ang mga atleta.
03:32.5
Ngunit sa dyang hindi sila magkasundo pa.
03:35.6
Lalo pa at dumating itong si Valeria ng may tangan-tangan na kontrata.
03:40.0
Sa kontrata, ilan sa mga nakalagay ay ang kinakailangan na bayaran ng buo ng dilag ang lahat ng gagastusin ng kaparehang na si Valeria.
03:49.9
Lalo na sa pag-iensayo nilang dalawa.
03:53.0
Lahat dapat nang nasa kontrata niya ay masusunod, walang labis, walang kulang.
03:59.0
Kung ayon sa dalaga na ganito ang mangyayari ay hindi kayang lunukin ng pamilya niya kahit pa ng sarili niyang coach ang mga nais nito na mangyari sa grupo nila.
04:10.5
Kaya naman kahit pa sumapit na ang takdang araw na ibinigay ng kapareha na si Valeria sa kanya upang pirmahan ang dala niya na kontrata.
04:19.9
Ay hindi niya ito pinirmahan pa.
04:23.3
Dagdag ng dalaga sa sulat niya na nagpapasalamat ito sa limang taon na magkasama sila maraming magagandang mga alaala at mga panalo ang pinagsaluhan nila.
04:35.4
Marami di umano itong natutunan at siya ay uusad na ng mag-isa.
04:40.4
Nais niya ang kanyang ginagawa at hilig niya ito.
04:44.0
Itutuloy niya ang pagsayaw sa yelo.
04:46.1
Ito ay kahit pa siya na lamang mag-isa.
04:49.9
Mga katinagalog ko, walang iniwan ito sa totoong relasyon ng dalawang magsing-irog.
04:59.2
Para po sa akin, mga katinagalog ko, inaalis sadya ng Panginoon ang mga tao sa buhay natin na sa tingin niya ay hindi na makakabuti pa.
05:09.6
Kaya naman dapat harapin natin ang buong tapang ang kinabukasan dahil wala namang ibibigay ang Diyos na problema na alam niya na hindi natin na makakaya.
05:19.9
Di pa nga po at may kasabihan ng mga matatanda, kapag may nagsaradong pintuan ay may bubukas na bintana.
05:27.6
Huwag pong kalimutang magdasal at tumawag sa poong may kapal at hinding-hindi niya po tayo pababayaan.
05:34.0
Mga katinagalog ko, sa tingin po ba ninyo hanggang saan pa dapat ipaglaban ang pagsasama ng dalawa?
05:41.3
O kailan na lang dapat na ito ay bitawan?
05:43.7
Isulat po ang inyong malalim na saluobin sa comment section sa ilalim upang samasamangin.
05:49.9
Tama naman po na ito ay ating basahin.
05:52.4
Ang may pinakamagandang sagot po ay mananalo ng 100G cashload.
05:57.1
Ito pong muli ang inyong lingkod na si Tinagalog.
05:59.5
Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.
06:15.7
Thank you for watching!