Close
 


PAANO YUMAMAN Gamit Ang UTANG? (LEVERAGE)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa video natin ngayon, sabay nating talakayin ang ideya ng utang. Kung bakit ito masama sa karamihan at ginagamit naman na tool sa pag-asenso ng iilan. Kung oobserbahan natin ang mga taong merong utang, makikita nating karamihan sa kanila ay hindi masaya. Dahil sa halip na nai-enjoy nila ang mga bagay na kanilang inutang, nagiging burden na ito. Dahil sa bayarin na automatic na nakakaltas sa kanilang sweldo buwan2x. At yan ang madalas na katotohanan sa buhay ng taong may utang. Pero kahit ganun paman, ang paggamit ng utang ay hindi masama sa lahat ng panahon. CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #utang #asensopinoy #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 11:38
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Intro
00:00.5
Sa video natin ngayon, sabay nating talakayin ang ideya ng utang, kung bakit ito masama sa karamihan at ginagamit naman na tool sa pag-asenso ng iilan.
00:21.0
Kung oobserbahan natin ang mga taong mayroong utang, katulad ng kaibigan mong nangungutang ng cellphone, yung kapitbahay mong may utang na motor o di kaya ay sasakyan, at yung kakilala mong nangungutang para mapatayo ang kanilang bahay, makikita natin karamihan sa kanila ay hindi masaya.
00:38.6
Dahil sa halip na nai-enjoy nila ang mga bagay na kanilang inutang, nagiging burden na ito dahil sa bayarin na otomatik na nakakalta sa kanilang sweldo buwan-buwan.
00:48.6
At yan ang madalas na katotohanan sa buhay ng taong may utang. Pero kahit ganun pa man, ang paggamit ng utang ay hindi masama sa lahat ng panahon.
00:58.2
Totoo na maraming buhay na naging miserable dahil sa utang, pero kung strategic ka at kung gagamitin mo ito sa pagbuo ng isang asset, matutulungan ka rin itong yumaman.
01:08.9
At posible yun. Sa katunayan, lahat ng mga successful entrepreneur na kilala natin ngayon ay gumagamit ng utang sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
01:18.6
At para na rin ma-maintain ang kanilang lifestyle. At ito ang tinatawag na leverage.
01:24.7
Sa halip na sarili mong pera ang gagamitin sa pagbuo ng isang asset, pera ng ibang tao ang iyong gagamitin kapital.
01:32.0
Dahil sa halip na mag-iipon ka pa sa loob ng mahabang panahon, pwede mo nang simulan agad ang iyong business idea ngayon gamit ang pera ng ibang tao o ng mga bangko.
01:41.9
At mamaya iba bahagi ko sa iyo kung bakit ang pinakamayamang tao sa kasaysayan ay gumagamit ng utang.
01:49.0
At kung bakit hindi tumatanggap ng sahod si Elon Musk sa kanyang kumpanya na Tesla.
01:54.4
At kung bakit mas pinili niyang gumamit ng utang sa pagsustain ng kanyang lifestyle sa halip na sariling pera.
02:01.1
Pero sa ngayon, hihimayin muna natin ang dalawang uri ng utang.
02:05.0
Kung hindi mo pa ito alam, ang utang ay merong dalawang uri. At ang dahilan kung bakit meron itong pinagkaiba, yun ay dahil sa paggagamitan nito.
02:14.7
Ang unang uri ng utang ay ang tinatawag na bad debt.
02:18.1
At ang pangalawa ay ang good debt.
02:20.9
Ang konseptong ito ay una kong natutunan sa sikat na author at businessman na si Robert Kiyosaki.
02:27.1
At ayon sa kanya, ang bad debt ay ang uri ng utang na nagpapahirap sa isang tao.
02:32.7
Dahil ito yung utang na napupunta sa mga liabilities o mga bagay na bumababa ang value paglipas ng panahon.
02:40.1
Katulad ng mga gadget at sasakyan.
02:42.4
At ang common na problema sa ganitong uri ng utang ay malaki ang iyong babayaran na interes.
02:48.1
Ang good debt naman ay ang uri ng utang na magpapayaman sa isang tao.
02:53.6
O kung hindi man, at least meron ka pa rin kikitain na pera galing dito.
02:58.4
Dahil sa halip na gagamitin mo ang pera sa iyong mga personal na pangangailangan,
03:03.2
gagamitin mo ito sa pag-acquire at pagbuo ng isang asset na kapag na-handle mo ng maayos, ay magbibigay sa iyo ng extra income.
03:12.3
Para lalo pa nating mabibigyang linaw ang kahulugan ng good debt, gagawa tayo ng halimbawa.
03:17.5
Gusto mong magtayo ng sarili mong negosyo, meron ka ng produkto, business plan, at marketing strategy.
03:24.5
Pero ang problema ay kulang ang iyong kapital, at ang halaga na kailangan mo ay 100,000 pesos.
03:31.5
So ang ginawa mo ay nag-pitch ka ng iyong business idea sa iyong mga kakilala na potential investor.
03:37.5
At pagkatapos mong mag-present ng iyong mga plano, nagustuhan ito ng isa mong kaibigan, at nakumbinsi mo siya na magpahiram sa iyo ng pera.
03:46.5
Nagtatakot mo siya ng mga kaibigan, at nakumbinsi mo siya na magpahiram sa iyo ng pera.
03:47.5
Nagkasundo kayo na babayaran mo siya sa loob ng dalawang taon, kasama ang interest.
03:52.5
Tapos sinimulan mo agad ang iyong negosyo.
03:55.5
Tinangkilik ito ng mga tao, at naging profitable agad sa unang taon.
04:00.5
Constant itong nagbibigay sa iyo ng income, at patuloy pa ito na lumalago.
04:05.5
At pagkatapos ng dalawang taon, nabayaran mo na ang iyong kaibigan, at patuloy lang sa paglago ang iyong negosyo.
04:13.5
Nagsimula lang ang lahat sa idea.
04:15.5
Nagsimula lang ang lahat sa idea.
04:16.5
Nagsimula ng negosyo, at ginamit mo bilang isang tool ang resources ng ibang tao sa pagbuo ng sarili mong asset.
04:24.5
Pero mahalagang paalala na kailangan mo rin magdoble ingat sa paggamit ng utang.
04:29.5
Kahit maganda itong tool, dapat ay una mong trabahuin ang iyong sarili para ma-handle mo ito ng maayos.
04:36.5
Ang ibig kong sabihin, dapat ay meron kang disiplina sa paghawak ng pera.
04:41.5
At dapat ay meron ka ring skills.
04:43.5
Katulad ng communication skill,
04:45.5
leadership,
04:46.5
negotiation,
04:47.5
skill sa pagbibenta,
04:49.5
at skill na imotivate ang sarili.
04:52.5
Dahil kung sakaling nanghiram ka ng pera, at ginamit mo itong kapital sa iyong negosyo, hindi ibig sabihin na okay na ang lahat.
04:59.5
At kusa nang lalago ang iyong negosyo.
05:02.5
Dahil ang madalas na nangyayari sa totoong buhay ay hindi sasangayon sa iyo ang panahon sa kung ano ang gusto mong mangyari.
05:09.5
Ayon sa report, 20% na mga negosyo ay nag-fail sa unang taon,
05:14.5
at 50% naman sa loob ng limang taon.
05:17.5
Most of the time, makakaranas ka ng problema.
05:20.5
At kung nagka problema ka sa iyong negosyo, kailangan mong gawan agad yan ng paraan.
05:25.5
Dahil kung hindi, posibleng malugi ito at meron ka pang utang na kailangan bayaran.
05:31.5
Patong patong lang na problema ang iyong sasapitin.
05:35.5
Kaya ang advice ko ay mag-develop ka muna ng skills bago ka gumamit ng leverage.
05:40.5
Dahil kapag meron kang skills,
05:42.5
madali mo lang mahahanapan ng solusyon ang mga problema na darating sa iyong buhay,
05:48.5
especially ang problema na related sa iyong finances.
05:52.5
At kung curious ka bakit ang mga mayayaman ay patuloy na gumagamit ng utang,
05:56.5
kahit afford naman nila na bayaran ng cash ang ganila mga gusto,
06:00.5
merong dalawang dahilan kung bakit nila ito ginagawa.
06:03.5
Una, madaling access sa capital.
06:07.5
Katulad ng sinabi ko kanina, mas madali mong ma-execute ang iyong plano,
06:11.5
kung pera ng ibang tao ang iyong gagamitin na capital.
06:15.5
Dahil sa halip na mag-iipon ka pa ng mahabang panahon bago magsimula,
06:19.5
sa utang ay napapabilis mo ang proseso.
06:22.5
Kaya ito ang dahilan kung bakit ang mga mayayaman ay patuloy na gumagamit ng utang.
06:27.5
Ito ang ginamit na strategy ng unang pinakamayamang tao sa kasaysayan na si John D. Rockefeller.
06:33.5
Hindi siya pinanganak na mayaman, pero meron siyang mataas na ambisyon sa kanyang buhay.
06:39.5
Noong nakapagtrabaho siya bilang isang assistant bookkeeper noong siya ay labing-anim na taon pa lang,
06:44.5
doon niya unang natutunan ang sistema ng pagnenegosyo.
06:48.5
At ang karanasan na ito ay nagbigay ng malaking impact para sa kanyang mga plano sa hinaharap.
06:54.5
At noong 1859, dito unang sumubok si John na magnegosyo kasama ang kanyang dalawang kaibigan.
07:01.5
Ang kapital na kailangan nila ay $4,000. Ang kanyang business partner ay meron lang $2,000.
07:08.5
Habang ang cash na available kay John ay $800 lang.
07:13.5
So ang ginawa niya ay nangutang siya ng $1,000 sa kanyang ama kasama ang 10% na interest.
07:20.5
At sinimulan agad nila ang kanilang negosyo.
07:23.5
Sa loob lang ng unang taon, tumoble agad ang kanilang pera dahil kumita sila ng $4,400 at $17,000 naman sa susunod na taon.
07:34.5
Noong 1867,
07:36.5
binasok naman ni John ang oil business kasama ang kanyang kapatid at kaibigan.
07:42.5
Parehong strategy pa rin ang ginamit niya sa pagkuhan ng kapital.
07:46.5
Nanghiram siya ng pera sa mga investor at mga bangko.
07:50.5
Nire-invest din niya ang kita ng negosyo.
07:52.5
At patuloy lang niya itong ginagawa hanggang sa lumaki ng lumaki ang kanilang negosyo.
07:58.5
Kung gaano kalaki, 90% ng mga oil sa US ay sila ang may control.
08:04.5
At ang dating mahirap ay naging pinakamayamang tao sa buong mundo.
08:08.5
Alam ni John D. Rockefeller na merong demand sa kanyang negosyo na papasukan.
08:13.5
At ginamit niyang tool ang pangungutang para masimulan agad ang kanyang negosyo.
08:18.5
Pangalawa, tax advantage.
08:21.5
Alam nating lahat na kapag gumikita tayo ng pera,
08:24.5
kailangan din nating magbayad ng tax o buwis.
08:27.5
At siguro ay isa ito sa iniiwasan ng mga mayayaman.
08:30.5
Kaya ang ginawa ng tech billionaire na si Elon Musk,
08:33.5
ay sa halip na tatanggap siya ng cheque o cash bilang sahod sa kanyang kumpanya,
08:38.5
ang tinatanggap lang niya ay stocks.
08:41.5
At ang halaga ng mga stocks na iyon, kung iko-convert natin sa cash,
08:45.5
ay billions of dollars.
08:47.5
So kung tinatanong mo ngayon, kung wala siyang sahod na natatanggap,
08:51.5
paano siya gumagastos?
08:53.5
At kung marami siyang stocks na ang halaga ay billions,
08:56.5
bakit hindi niya ito binibenta?
08:59.5
At diyan na pumapasok ang utang.
09:01.5
Sa halip na ibibenta niya ang cash,
09:02.5
na ibibenta niya ang kanyang stocks
09:04.2
o shares ng kanyang kumpanya
09:05.9
para magkaroon ng pera,
09:08.1
ang ginawa niya ay ginamit niya itong kolateral
09:10.4
sa mga bangko at ang perang
09:12.4
kanyang inutang, yun ang gagamitin
09:14.6
niya sa kanyang mga personal na
09:16.2
pangangailangan. Kung sakaling ang
09:18.1
interest na babayaran niya sa kanyang utang
09:20.3
ay 5 to 10% sa loob
09:22.2
ng isang taon, tapos ang increase
09:24.3
naman sa value ng kanyang stocks
09:25.9
ay 20%, panalo pa rin
09:28.2
siya sa huli. Dahil lahat ng
09:30.0
kanyang stocks ay nasa kanya pa rin,
09:31.8
lalo pang lumalaki ang value
09:34.0
at wala siyang binabayaran
09:35.8
na tax. At yan ang dahilan
09:37.7
kung bakit ang kanyang annual income
09:39.7
sa kanyang kumpanya na Tesla
09:41.3
ay $1 lang.
09:43.7
Sahalip na magbabayad siya ng 30%
09:46.0
galing sa kanyang income,
09:47.7
mas pinili niyang mangutang at
09:49.6
magbayad ng 10% na interest.
09:52.7
At yan ang isa sa malaking
09:53.8
pinagkaiba ng mga employee at
09:55.7
business owner. Ayon sa isang
09:57.7
interview ng American billionaire
09:59.5
si Warren Buffett noong 2017,
10:01.8
mas maliit na tax ang kanyang
10:03.9
binabayaran kumpara sa kanyang
10:05.9
mga empleyado. At ang dahilan
10:07.9
ay ito. Kapag ang iyong income
10:09.9
ay galing sa dividend at capital
10:11.9
gains, which is ang uri ng
10:13.7
income ni Warren Buffett,
10:15.7
mababang tax lang ang makakaltas
10:17.8
dito. Di kagaya ng sahod ng
10:19.8
isang empleyado na kapag lumalaki,
10:22.3
lalo rin lumalaki ang tax
10:23.9
na mababawas. At yan
10:25.8
ang katotohanan. Ang katotohanan
10:28.1
na hindi magkapareho ang
10:29.8
tax ng mga mayayaman at
10:31.8
mahihirap. In conclusion,
10:34.3
ang utang ay isang tool.
10:36.4
Masama ito kung gagamitin mo
10:38.0
ito sa pag-acquire ng mga liabilities
10:40.0
o mga bagay na ikaw lang ang
10:41.9
nakikinabang at mga bagay na patuloy
10:44.2
na bumababa ang halaga.
10:46.2
Pero kung gagamitin mo naman ito
10:47.8
sa pag-acquire ng asset,
10:49.7
katulad ng negosyo, matutulungan
10:52.3
ka rin itong umasenso.
10:54.3
At sana naman ay nalinawan ka
10:55.8
ngayon kung ano ang utang at
10:57.8
kung ano ang kaya nitong ibigay na
10:59.4
binibisyo sa ating buhay. Sana
11:01.8
ay marami kang natutunan sa video
11:03.6
natin ngayon. Huwag kalimutang mag-subscribe
11:06.1
sa aming YouTube channel para
11:07.6
lagi kang updated sa mga bago naming
11:09.6
videos. Bisitahin mo na rin
11:11.7
ang iba pa naming social media account
11:13.7
at mag-follow. I-like kung
11:15.6
nagustuhan mo ang video. Mag-comment
11:18.2
ng iyong mga natutunan.
11:19.8
At ishare mo na rin ang video nito sa
11:21.7
iyong mga kaibigan. Maraming salamat
11:23.9
sa panunood. At sana ay
11:26.0
magtagumpay ka!
11:31.8
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.