Close
 


Hanggang Saan Kayang Mag Survive Ng Ating Katawan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hanggang saan nga ba ang limitasyon ng ating katawan? Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #survival #science #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 13:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hanggang saan kayang mag-survive ng ating katawan? Ayon kay Charles Darwin, ang mga taong may kakayahang mag-adjust at mag-survive sa kanilang kapaligiran ay ang mga pinakamalalakas sa kanilang lahi.
00:13.1
Kaya kung nakikinig ka sa video nito, base sa theory of evolution ni Charles Darwin, isa ka sa mga natitilang survivors.
00:21.2
Pero ang tanong, hanggang saan nga ba aabot ang survival capabilities ng isang tao? Ano ang mga limits nito? Tara, pag-usapan natin!
00:30.0
Magsimula tayo sa pinaka-basic. Gaano katagal bang mabubuhay ang isang tao nang walang kinakain?
00:35.9
May ilang factors na dapat i-consider kung gaano katagal kayang mag-fasting ng isang tao.
00:41.1
Una, nakadepende ito kung gaano karami ang iniinom mong tubig.
00:45.7
Isa sa pinakasikat na fasting sa kasaysayan ay ang ginawa ni Mahatma Gandhi noong 1924.
00:51.7
Sa loob ng 21 days, hindi kumain si Gandhi at uminom lamang ng kaunting tubig.
00:56.5
Isang malaking factor rin ang katawan ng isang tao.
00:59.2
Maraming eksperto ang naniniwala na mas maganda kung mataas ang iyong timbang at obese ka.
01:05.3
Napatunayan ito sa isang study noong 1973 nang tinulungan ng Department of Medicine ng University of Dundee
01:11.7
ang isang obese na lalaki sa pangalang Angus Barbieri.
01:15.9
Noong nagsimula sila, may timbang na 456 pounds o 207 kilograms si Barbieri.
01:21.9
Sa loob ng 382 days, walang kinain na anumang pagkain si Barbieri at uminom lamang siya ng tubig.
01:28.7
At ilang mga vitamins.
01:30.7
Pagkatapos ng study, bumaba ang timbang niya mula sa 456 pounds papunta sa 180 pounds.
01:37.9
Gayunpaman, dapat mo malaman na hindi ito pwedeng gawin ng kahit sino mang obese na tao.
01:43.4
Nagawa ito ni Barbieri dahil sa water-soluble vitamins na binigay sa kanya na siyang nakametabolize sa fat stores ng kanyang katawan.
01:51.9
Higit sa lahat, ginawa niya ito ng may gabay ng medical professionals.
01:56.5
Ayon sa datos,
01:58.7
Pag-umabot na sa 40 to 45 days ang iyong fast, delikado na ito para sa iyong katawan at posibleng kang magkaroon ng iba't ibang sakit.
02:10.7
At kung lalagpas ka ng 45 days, maraming eksperto ang naniniwala na pwede mo itong ikamatay.
02:17.0
Kaya naman, napaka-importante na bago magsimula ang kahit sino man ng fasting,
02:22.2
kailangan mo munang ikonsulta ang iyong doktor upang masiguro ang kaligtasan mo.
02:27.4
Kakaiba naman ang sitwasyon.
02:28.7
Kung tubig na ang pag-uusapan natin, mas hindi makakapag-survive ang isang tao kung hindi siya iinom ng tubig kaysa sa hindi siya kumakain.
02:37.7
Ayon sa datos, kaya makasurvive ng isang tao nang hindi umiinom ng tubig sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.
02:44.8
Siyempre, may mga factors din na dapat i-consider dito.
02:48.4
Kung gumagawa ka ng mabibigat na trabaho o nage-exercise, hindi ka tatagal ng walang iniinom na tubig.
02:54.6
Habang ginagamit mo ang iyong lakas, bumababa ang blood volume mo.
02:58.7
Kung ginagamit mo, na siyang magpapababa rin ng iyong blood pressure.
03:02.5
Kung mangyayari ito, kakapal ang iyong dugo sa loob at mas mahihirapan na itong dumaloy sa iba't ibang parte ng iyong katawan.
03:10.3
Dahil dito, lalakas ang iyong heart rate upang pilitin na dumaloy ang iyong dugo.
03:15.6
Di magtatagal ay mauubos din ang iyong pawis at mas lalo pang iinit ang iyong pakiramdam.
03:21.4
Hindi ka aabutan ng isang araw nito kung hindi ka iinom ng tubig.
03:25.7
Noong 1979,
03:28.7
18-year-old bricklayer mula sa Austria sa pangalang Andreas Mihavex ang nakasurvive ng 18 days na hindi umiinom ng tubig.
03:37.0
Nang makulong si Andreas at dinala sa kanyang Zelda, agad siyang nakalimutan ng mga officers sa presinto.
03:42.9
Tumagal pa ng 18 days bago nila maalala ang binata at nang dumating sila sa Zelda, halos patay na si Andreas.
03:50.3
Nakasurvive siya at nasali siya sa Guinness Book of World Records.
03:54.3
Subalit sa huli, kailangan mo pa rin alalahanin na ang pag-survive ni Andreas.
03:59.0
Ay halos isang milagro.
04:00.8
At higit sa lahat, delikado ito at hindi dapat subukan ng kahit sino man.
04:06.1
Pero kung ang paghinga ang pag-uusapan, walang sino man ang tatagal ng kahit isang oras lang kung hindi mo ito magawa.
04:13.5
Kaya ang tanong, gaano mo katagal kayang pigilan ang iyong paghinga?
04:17.9
Ayon sa mga datos, ang isang average person ay kayang pigilan ng kanyang paghinga sa loob ng 30 to 90 seconds.
04:25.2
Siyempre, depende din ito sa tao.
04:27.4
Maraming tao ang kayang umalala.
04:28.7
Sumabod ng 3 minutes ng hindi humihinga, lalo na kung gagamitin nila ang teknik na ginagamit ng free divers, ang static apnea.
04:37.6
Ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-submerge ng iyong ulo sa isang pool nang hindi ka gumagalaw.
04:43.8
Tinatawag din itong mammalian diving reflex.
04:47.0
Pag nag-submerge ka sa ilalim ng tubig at hindi ka gumagalaw, humihigpit ang iyong blood vessels at mas nagpo-focus ang iyong dugo papunta sa iyong utak at puso.
04:56.7
At papalayo sa ibang mga oras.
04:59.3
Dahil dito, bumabagal ang iyong heart rate at ang bilis ng pag-pump ng oxygen.
05:05.1
Noong June 2009, naset ng French free diver na si Stéphane Misfoud ang record sa pinakamataas na static apnea.
05:13.7
Nakuha niyang mag-submerge sa tubig nang hindi humihinga sa loob ng 11 minutes and 35 seconds.
05:20.4
Noong October 2014, nalagpasan pa ito ni Branko Petrovic nang makuha niyang mag-submerge sa tubig sa loob ng 11 minutes and 35 seconds.
05:28.7
Noong 11 minutes and 54 seconds.
05:31.9
Pero kung gusto mo talagang mas tumagal pa, makakatulong ang paglanghap ng pure oxygen.
05:37.7
At ito mismo ang ginawa ni Alex Segura na siyang lumanghap ng pure oxygen bago mag-submerge.
05:44.3
Tumagal siya ng 24 minutes sa tubig nang hindi humihinga.
05:48.8
Magpunta naman tayo sa taas o baba ng temperature na kaya nating mag-survive.
05:53.4
Lingid sa kaalaman ng marami, mataas ang tolerance ng mga tao sa init.
05:58.7
Maniniwala, tignan mo na lang ang Badwater Ultra Marathon na ginaganap taon-taon sa Death Valley ng California sa US.
06:06.5
Ayon sa mga datos, umaabot sa 50 to 53 degrees Celsius ang init ng ruta ng mga runners na nagko-compete sa marathon.
06:14.7
Sa lugar ding ito, na-record ang pinakamainit na temperature na na-record sa mundo, na nasa 56.7 degrees Celsius.
06:22.5
Ayon sa mga eksperto, ang pinakamataas na temperature ng isang lugar na kaya mag-survive ang isang tao ay 60 degrees Celsius.
06:31.7
Kung ganito ang mangyayari, mabubuhay ka pero hindi rin magtatagal.
06:35.8
Dahil pagkatapos ng 10 minuto lamang, tataas sa 40 to 42 degrees Celsius ang body temperature mo mula sa 37 at magkakaroon ka ng hyperthermia.
06:45.9
At kung body temperature na lang din ang pag-uusapan, isang lalaki ang nag-set ng record para sa pinakamainit.
06:52.5
Ang init na body temperature na nakasurvive ang isang tao.
06:55.8
Noong July 10, 1980, dinala sa Grady Memorial Hospital sa Atlanta, Georgia, si Willie Jones.
07:03.0
Matapos siyang magkaroon ng heat stroke dahil sa init ng panahon.
07:06.9
Pagdating niya sa ospital, napagalaman ng mga doktor na umabot na sa 46.5 degrees Celsius ang kanyang body temperature.
07:14.5
Napakataas nito kung iisipin mo na ang normal body temperature ng isang tao ay 37 degrees Celsius.
07:21.3
Tumagal ng 24 days.
07:22.5
Si Jones sa ospital bago pa siya ma-discharge.
07:26.6
Kung sanay tayo sa mainit, mas mababa naman ang tolerance natin sa malamig.
07:31.4
Ayon sa mga eksperto, inilalabas ng ating katawan ang init na natatanggap nito at hindi iniimbak.
07:38.1
Ito ang rason kung bakit mas mababa ang tolerance natin pagdating sa lamig kaysa sa init.
07:43.5
Kung 37 degrees Celsius ang normal body temperature, pag bumaba ito sa 35 degrees, manginginig ka na at puputla ang iyong katawan.
07:52.5
Kung bumaba pa ito sa 30 degrees Celsius, mahihimatay ka na.
07:57.6
Pagdating ng 25 degrees Celsius, magkakaroon ka na ng cardiac arrest at pag bumaba pa ito, posibleng patay ka na niyan.
08:05.7
Ito ang rason kung bakit nagulat ang lahat ng may isang babaeng lumagpas pa sa 25 degrees Celsius ang temperature at nabuhay.
08:13.0
Noong May 20, 1999, isang 29-anyos na babae sa pangalang Anna Bagenholm ang nagpunta sa mga bundok ng Narvik,
08:22.4
sa Norway upang mag-skiing.
08:24.9
Habang pababa sa isang matarik na area ng bundok, nawalan siya ng kontrol sa kanyang skis at nahulog sa isang frozen stream malapit sa isang waterfall.
08:34.9
Agad na nabutas ang frozen stream at nahulog si Bagenholm sa ilalim ng ice na may kapal na 7.9 inches.
08:42.5
Natrap siya dito sa loob ng 1 hour and 20 minutes bago pa siya ma-rescue ng kanyang mga kasama.
08:48.2
Sa sobrang lamig ng yelo, bumaba sa 13.7 degrees.
08:52.4
Ang body temperature ni Bagenholm hanggang sa nagka-cardiac arrest siya.
08:58.0
Pero hindi namatay si Bagenholm.
09:00.1
Ganito ang nangyari.
09:01.9
Habang nasa ilalim ng yelo, lumamig ang vital organs at ang utak niya na siyang nakapreserve nito.
09:09.0
Dahil sa lamig, konting oxygen na lang ang kinakailangan ng mga vital organs upang mag-function ito ng maayos.
09:15.4
Ang pangyayaring ito ang nakadelay ng pagkamatay ni Bagenholm at nang madala siya sa ospital,
09:21.4
nakuha siyang i-revive ng mga doktor.
09:23.4
Ang nangyaring ito kay Bagenholm ay nakatulong na maka-develop ng bagong medical practice,
09:29.4
ang therapeutic hypothermia.
09:31.4
Pinalalamig ng mga doktor sa 32 degrees Celsius upang ma-preserve ang vital organs ng mga taong sumasabag sa isang open-heart surgery
09:40.4
at mga taong nagka-stroke, liver failure at epileptic seizures.
09:44.4
Madedelay ang epekto ng mga sakit na ito at pwede pang ma-revive ang pasyente.
09:49.4
Hanggang ngayon,
09:50.4
ang third disease,
09:51.1
ang 13.7 degrees Celsius na body temperature pa rin ni Bagenholm ang may hawak ng record na pinakamalamig na body temperature na pwedeng makasurvive ang isang tao.
10:01.1
Kahit ano pa ang survival limits ng isang tao,
10:04.1
kailangan mo pa rin magpahinga,
10:06.1
gaano mo katagal kayang hindi matulog.
10:08.1
Ayon sa mga experts,
10:10.1
masama ang epekto ng sleep deprivation para sa tao.
10:14.1
Napatunayan ito noong December 1964 nang maset ng 17-year-old college student na si Randy Gardner.
10:20.1
Ang record para sa dami ng sunod-sunod na araw na hindi natutulog.
10:26.1
Sa kabuuan, hindi natulog si Gardner sa loob ng 264.4 hours o 11 days and 24 minutes.
10:33.1
Ayon sa mga nag-obserba kay Gardner,
10:36.1
nagpakita ng ilang symptoms ng psychosis si Randy habang ginagawa ang experiment.
10:41.1
Nagkaroon siya ng iba't ibang delusion,
10:44.1
naging paranoid, naapektohan ng memory na tila may mga ilang bagay na siyang hindi maalala,
10:49.1
at sa kabuuan ay hindi nakapag-isip ng mabuti.
10:52.1
Nakarecover naman si Gardner pagkatapos ng eksperiment na kanyang ginawa,
10:56.1
pero delikado pa rin iyon.
10:58.1
Maswerte siya at hindi siya nakadevelop ng fatal familial insomnia,
11:03.1
isang klase ng insomnia kung saan habang tumatagal ay mas lumalala pa ito.
11:08.1
Kapag may ganito ka, hindi nagpa-function ng maayos ang iyong thalamus,
11:12.1
ang parte ng iyong utak na nagkokontrol ng pagtulog at paggising.
11:16.1
Napunta man sa Guinness Book of World Records,
11:18.1
ang ginawa ni Gardner, tinanggal na rin ito ng committee dahil sa takot nila
11:23.1
na may iba pang mga tao na susunod sa ginawa ni Gardner,
11:26.1
at magkakaroon ng masasamang efekts sa katawan.
11:29.1
Kaya naman, huwag mo itong susubukan.
11:32.1
Ang punto ng video na ito ay survival o pagkabuhay.
11:35.1
Kaya naman, dapat lang na ang panghuling survival limit na pag-uusapan natin
11:40.1
ay kung anong edad nga ba ang limit para sa isang tao. May limit nga ba?
11:45.1
Ayon sa mga datos, ang pinakamatandang tao na nabuhay sa kasaysayan
11:49.1
ay isang babae mula sa France sa pangalang Jeanne Calment.
11:53.1
Ipinanganak siya sa taong 1875 at namatay noong 1997.
11:58.1
Ang ibig sabihin nito na matay siya sa edad na 122.
12:03.1
Eto, konting trivia. Hindi ka na dapat magulat na French si Jeanne.
12:07.1
Dahil ayon sa database ng Gerontology Research Group, karaniwan sa mga pinakamatandang tao sa kasaysayan
12:14.1
ay nagmula sa Japan at siyempre sa France.
12:17.1
May iba't ibang theory sa mga experts tungkol sa edad ng isang tao.
12:21.1
Ayon kay Dr. John Vige, may limit ang edad na pwedeng maabot ng isang tao.
12:26.1
Naisip na ito nang tignan niya ang International Database on Longevity
12:31.1
at nakita niya na noong una ay tumataas ang life expectancy natin
12:35.1
pero huminto na ito noong 1980s at hindi na umabanti pa hanggang ngayon.
12:40.1
Gayunpaman, may ibang scientist din na hindi naniniwala dito.
12:44.1
Lalo na ang dumadami na rin ang umaabot sa edad na 105.
12:49.1
Ayon sa mga eksperto, ang probability ng pagkamatay ng isang tao ay nagiging patas pagdating sa edad na 105.
12:57.1
Ang ibig sabihin nito, pagkarating sa ganitong edad, hindi na tataas o bababa ang probability mo na mamamatay kahit anong edad pa ang abutan mo.
13:06.1
Sa huli, survival pa rin ang isa sa pinaka-importanting bagay para sa atin at nakadepende na lang ito sa tao.
13:13.1
Kung ano ang limits mo?


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.