Close
 


ITO PALA ANG HUWAG NA HUWAG MONG GAGAWIN SA SNAKE PLANT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ITO PALA ANG HUWAG NA HUWAG MONG GAGAWIN SA SNAKE PLANT =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din kame ng mga recipes na may sahog na halamang gulay for healthy living! Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this info
Tey Telly
  Mute  
Run time: 11:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kilala rin bilang mother-in-law's tongue, ang snake plant ay popular dahil sa air purifying abilities nito.
00:07.5
Bagamat hindi nito kailangan ng sobrang pag-aalaga, may mga bagay na hindi mo dapat gawin sa snake plant.
00:14.4
Ang ilan sa mga ito ay, number one, over-watering o sobrang pagdidilig.
00:19.8
Ang pag-aalaga ng snake plant ay madali lang dahil hindi ito kailangang diligan palagi.
00:25.2
Sa katunayan, kailangan munang patayuin ang lupa nito bago diligang muli.
00:31.0
Kung didiligan ng madalas, ito ay magdudulot ng root rot at iba pang mga problema na nakakamatay sa snake plant.
00:39.0
Humihina at lumalambot ang mga dahon ng snake plant dahil sa sobrang pagdidilig.
00:44.6
Nagiging dilaw ang mga dahon nito at maaaring malagas, na sign ng over-watering o pagkabulok ng mga ugat.
00:52.0
Kaya naman, dapat iwasan ang over-watering.
00:55.8
Upang mapanatiling healthy at mapalago ang iyong snake plant.
00:59.9
In general, ang snake plant ay dapat diligan every 2 to 3 weeks, depende sa temperature at humidity ng lugar.
01:08.5
Mas maganda rin kung ang gagamitin tubig sa pagdidilig ng snake plant ay room temperature, hindi mainit o malamig.
01:15.9
Kung ito ay nasa labas ng bahay, siguraduhin na mamasa-masa o moist ang lupa nito pero hindi basang-basa.
01:23.9
Tanggalin ang sobrang tubig mula sa plant saucer pagkatapos magdilig.
01:28.7
Iwasan din na mabasa ang mga dahon nito kapag nagdidilig.
01:32.8
Dahil kinaklasify ang snake plant as succulent, ang mga dahon nito ay nagsisilbing imbakan ng tubig.
01:39.6
Number 2. Paggamit ng clay soil o moist growing medium.
01:44.1
Bukod sa sobrang pagdidilig, ang mga ugat ng snake plant ay maaaring mabulok dahil sa klase ng lupa o growing medium na pinagtaniman nito.
01:53.9
Kung hindi tama ang lupang gagamitin, posibleng magkaroon ng root rot ang iyong snake plant.
01:59.6
Ang paggamit ng potting soil mix na may high percentage ng peat ay makakasama sa snake plant dahil pinapanatili nito ang sobrang tubig.
02:09.7
Kapag nababad sa tubig ang snake plant, ito ay magdudulot ng root rot, pagkalagas ng mga dahon at iba pang mga problema.
02:18.5
Ang mga halamang bahay tulad ng snake plant ay mainam itanim sa lupang madaling matuyo.
02:23.9
Mas lalago ito kung gagamit ng well-training potting soil mix.
02:29.0
Tulad ng cactus, ang makakapal na dahon ng snake plant ay nagsisilbing imbakan ng tubig.
02:35.2
Therefore, good choice ang mabuhanging lupa bilang all-purpose cactus potting soil.
02:41.2
Mas mabubuhay din ang snake plant sa lupang hindi masyadong siksik sa nutrients.
02:46.7
Iwasan ang paggamit ng heavy soil na nagpapanatili ng tubig, kagaya ng clay soil.
02:52.4
Kung first time mong magtatanim ng snake plant, mas magandang gumamit ng potting soil na may halong sand o perlite.
02:59.7
Best solution din ang soil-less potting mix upang maiwasan ang root rot.
03:04.8
Number 3. Maling sukat at klase ng paso o pot
03:08.6
Ang snake plant ay lumalaki hanggang 6 feet sa wild.
03:13.2
Samantala, lumalaki ito hanggang 3 feet kapag wala sa kanilang natural environment.
03:18.9
Kung magtatanim ka ng snake plant,
03:21.4
siguraduhin tama ang sukat ng paso.
03:24.1
Ang paggamit ng malaking paso sa maliit na snake plant ay hindi advisable dahil kakailanganin ito ng sobrang lupa kung saan mananatili ang tubig.
03:34.9
As a result, magiging prone ang iyong snake plant sa root rot.
03:38.9
Ang rule of thumb sa pagpili ng tamang sukat ng paso ay dapat mas malaki ito ng 1 to 2 inches in diameter.
03:46.4
Kasya sa root ball ng halaman.
03:48.6
Mas mabubuhay ang snake plant sa pasong malaking paso.
03:50.6
Ngunit mababaw at maraming drainage holes.
03:54.6
Dahil malakas ang ugat ng snake plant,
03:57.6
dapat ding iwasan ang plastic na paso dahil pwede itong pumutok o mabasag agad.
04:03.6
Mas magandang gumamit ng paso na gawa sa clay, terracotta at ceramic.
04:08.6
Pero kung gusto mong maiwasan ang overwatering,
04:11.6
best choice ang terracotta pot dahil inaabsorb nito ang excess water.
04:16.6
By the way, please subscribe to our channel
04:19.6
at sabay-sabay nating tuklasin ang mga benefits at side effects ng iba't ibang klase ng halaman.
04:25.6
Kami ay nag-upload ng video tuwing Tuesday at 6pm.
04:29.6
Number 4, hindi nililipat ng paso o not repotting.
04:34.6
Gaya ng sinabi ko kanina, ang tamang sukat ng paso ay mahalaga upang mapanatiling healthy at mapalago ng ayos ang halaman.
04:43.6
Kung maliit pa ang iyong snake plant, kakailanganin ito ng mas malawak at malalim na pot.
04:47.6
Pero kung hindi mo ito ililipat ng paso o iriripot, ito ay magiging atrix sa pot bound.
04:57.6
Ang pot bound na snake plant ay mawawalan ng potting mix dahil mapupuno ng ugat ang paso nito.
05:04.6
May hirapan itong mabuhay dahil sa kakulangan ng tubig at nutrients.
05:09.6
Kaya naman, ang snake plant ay dapat iripot every 3 to 5 years.
05:14.6
Lumalaki ito ng 2 to 12 inches per year, depende sa environment at pag-aalaga.
05:20.6
Pero kailan nga ba dapat gawin ang repotting?
05:23.6
Ang snake plant ay dapat nang iripot kapag ang mga ugat nito ay lumabas na sa mga butas ng paso at mabilis itong matuyo.
05:32.6
Kailangan din iripot ang iyong halaman kapag ang tumubong dahon nito ay pangit at maigsi.
05:38.6
Number 5, sobrang pagkabilad sa araw o direct sun exposure.
05:43.6
Ang snake plant ay kilala sa kakayahan nitong mabuhay ng direkta sa araw at low light conditions.
05:50.6
Gayunpaman, mas lalago ito sa bright light conditions na may kaunting liwanag ng araw at lilim.
05:57.6
Kung mabibilad ng matagal sa araw, ang snake plant ay masusunog at masisira ang mga dahon nito.
06:04.6
Kaya nitong mabuhay ng may kaunting lilim.
06:07.6
Pero kapag kinulang sa liwanag, puputla ang kulay at magiging bansot ang ilo.
06:13.6
Therefore, ang snake plant ay dapat ibilad ng 8 to 10 hours sa indirect sunlight o kaunting oras sa direct sunlight tuwing umaga.
06:23.6
Pwede rin itong ilagay sa beranda o patio para maarawan.
06:28.6
Kung hindi naman maaraw sa lugar mo, pwedeng ilagay ang snake plant sa bintana kung saan maliwanag sa umaga.
06:35.6
Additional tip, iwasan mong ilipat agad ang snake plant mula sa low light area papunta sa direct sunlight.
06:42.6
Dahil pwedeng ma-shock ang halaman.
06:45.6
Kapag maglilipat ka ng mga halaman mula sa madilim papunta sa maliwanag na lugar,
06:50.6
i-expose ito ng paunti-unti sa liwanag makalipas ang isang linggo para hindi ito ma-stress.
06:57.6
Number 6, Extreme Temperature at Humidity
07:01.6
Dahil ito ay native sa Afrika, hindi nakakapagtaka na nabubuhay ang snake plant sa mas mainit na panahon kung saan walang frost o yelo.
07:11.6
However, ang snake plant ay lumalago sa lugar kung saan hindi masyadong mainit o malamig.
07:18.6
Kung ang temperatura ay magtatagal ng mababa sa 60 degrees, babagal ang paglago ng snake plant.
07:25.6
Kung lalamig naman ang temperatura ng mas mababa pa sa 50 degrees, maaaring masira ang mga dahon ng halaman.
07:33.6
Kaya dapat iwasan ang pagtatanim ng snake plant kapag sobrang lamig ng panahon.
07:38.6
Huwag din kalimutang ipasok sa loob ng bahay ang snake plant tuwing winter.
07:43.6
Kung ikaw ay nasa bansang may winter season, dahil siguradong mag-iyelo ito.
07:48.6
Mas maganda rin magtanim ng snake plant tuwing spring o summer.
07:52.6
Pero iwasan itong ibilad sa direct sunlight ng mahabang oras kapag lumagpas ang temperatura sa 100 degrees.
08:00.6
Kung gusto mong mag-alaga ng snake plant sa loob ng bahay, panatilihin ang temperature sa 65 at 85 degrees,
08:06.6
para mapalago ito ng maayos.
08:09.6
Iwasan mo ding ilagay ang iyong snake plant sa loob ng banyo dahil mas gusto nito ang dry areas, tulad ng sala o kwarto.
08:17.6
Mainam din na ilagay ito malayo sa mga bintana at pintuan kung saan umiihip ang malamig na hangin.
08:24.6
Number 7, Pagupit ng mga Dahon o Propagation
08:28.6
Ang propagation ay proseso kung saan ang seedlings o ginupit na dahon mula sa parent plant ay itinatakot.
08:36.6
Ibig sabihin na ito ay magtanim para lumago ang bagong halaman.
08:39.6
Bagamat posibleng itong gawin sa snake plant, ang propagation ay hindi dapat gawin ng mga beginners.
08:45.6
Kung mali ang paggupit ng mga dahon, madaling masisira ang snake plant.
08:50.6
Isa pa, ang bagong tubo na snake plant ay posibleng hindi ganoon kaganda dahil maaaring wala itong variegations o iba't ibang kulay na pattern sa mga dahon.
09:00.6
Marami rin problemang mararanasan sa propagation.
09:04.6
Ito ay hindi ideal sa beginner.
09:06.6
Dapat may kasanayan at kaalaman ka na bago gawin ang propagation para hindi masira ang halaman.
09:12.6
Pero kung gusto mong i-propagate ang iyong snake plant, gumamit ka ng matulis na kutsilyo at pumutol ng active growing leaf malapit sa soil line.
09:22.6
Number 8, Maling Paraan ng Propagation
09:25.6
Kung tama ang pagkakaputol mo sa dahon ng iyong snake plant, pwede ka nang mag-propagate.
09:31.6
Pero bago yun, kailangan mo munang mamili kung i-propagate ang dahon ng iyong snake plant.
09:34.6
Pwede kang mag-propagate ito sa tubig o lupa.
09:36.6
Parehas may pros at cons ang soil at water propagation.
09:40.6
Although pinakamadaling gawin ang water propagation, dahil makikita mo ang paglaki ng ugat, matagal kang makakapagproduce ng bagong halaman na pwedeng itanim sa lupa gamit ang solusyon na ito.
09:53.6
Mataas din ang chances ng root rot at transplant shock sa water propagation.
09:58.6
Samantala, pwede kang magtanim ng iba't ibang variations ng snake plant sa parehong paso.
10:03.6
Gamit ang soil propagation.
10:06.6
Bagamat hindi mo makikita ang mga ugat, mas matigas at matibay ito kumpara sa water propagation.
10:13.6
Therefore, ang soil at water ay parehong pwedeng gamitin sa propagation.
10:18.6
Pero dapat mong aralin ang mga cons nito bago subukan.
10:22.6
Iwasan din ang paghugot sa snake plant habang pinopropagate.
10:26.6
Kung susubukan mo ang water propagation, mas mainam na gumamit ng clear glass
10:31.6
para makita ang mga ugat nito at dami ng tubig.
10:34.6
Ngayong alam mo na ang mga bagay na hindi dapat gawin sa snake plant, pwede mo nang simulan ang iyong gardening journey.
10:41.6
Ngunit bago ka magsimula, siguradong tinatanong mo ang iyong sarili kung madali ba talagang alagaan ang snake plant.
10:49.6
Ang sagot, yes, napakadali nitong alagaan.
10:53.6
Actually, isa ito sa pinakamatibay at madaling alagaang halamang bahay.
10:58.6
Dahil hindi nito kailangan ng madaming tubig,
10:59.6
at mas nabubuhay sa dry na lugar, ang snake plant ay isa sa pinaka-common na halamang inaalagaan ng mga Pilipino.
11:09.6
Kailangan lang nito ng tamang hydration at light conditions para lumago sa loob ng bahay.
11:15.6
So kung first time mong mag-alaga ng halaman, ang snake plant ay siguradong magugustuhan mo.
11:21.6
Bukod sa low maintenance, maganda rin ang mga dahon nito, swak sa dekorasyon sa salas at kwarto.
11:27.6
Pero paalala lamang, ang snake plant ay mildly poisonous para sa mga tao.
11:33.6
Ayon sa American Kennel Club, ang dahon nito ay toxic sa mga hayop lalo na sa aso at pusa.
11:40.6
Ito ay nagpuproduce ng saponins na nagdudulot ng diarrhea, nausea o vomiting.