Close
 


Sipon: 7 Bad Signs na May Komplikasyon na. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sipon: 7 Bad Signs na May Komplikasyon na. Tips Para Mabilis Gumaling ang Sipon. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/GYFK5bTHbDU
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Topic po natin ngayon, sipon, ubo, trangkaso, parang ang daming ngayong may sipon, ang daming absent.
00:09.6
Minsan, buong school, buong classroom, lahat may sipon, buong pamilya, bata, matanda, parang outbreak ang dating.
00:18.4
So, pag-usapan natin paano mabilis gumaling sa sipon.
00:22.4
At syempre, tuturo ko rin mamaya ano yung mga warning signs or bad signs na yung sipon may komplikasyon na.
00:31.6
Dapat naman hindi nagkakaroon ng komplikasyon ng sipon, pero may pagkakataon, lalo na sa mga bata, matanda, mahina immune system,
00:40.7
pwede magkaroon ng komplikasyon kahit sipon lang.
00:44.6
Pero first, pag-usapan natin paano nyo malalaman na common cold pala itong nararamdaman mo.
00:51.2
Mamaya, alam.
00:52.4
Alergy pala.
00:53.4
Mamaya, trangkaso pala.
00:55.4
So, common cold, allergy, at flu, paano malalaman?
01:00.4
So, ganito muna. Sipon versus allergy.
01:03.4
Pag sipon ang problema nyo, dahan-dahan ang labas ng sintomas.
01:09.4
Mga 1 to 3 days.
01:11.4
Pakati-kati dito, medyo sore throat.
01:14.4
Pag allergy, bigla.
01:17.4
Nananahimik ka lang, nakalanghap ka ng perfume, yun, inubo na.
01:22.4
Pag sipon, dapat 1 to 2 weeks lang gagaling ka na.
01:28.4
Pag allergy, pwede isang buwan, may allergy ka pa rin, hanggang may allergy.
01:33.4
Pag sipon, minsan parang may konting sinat sa sipon, masama pakiramdam virus kasi.
01:41.4
May konting parang lagnat, masakit ang buto-buto, pagod siya, may virus.
01:49.4
Kung allergy, wala lahat to.
01:50.4
Walang body aches, walang patig, wala anything.
01:54.4
Pag allergy, makati ang ilong, makati.
01:58.4
Pag sipon, ang uhog usually malapot at nagiging madilaw.
02:06.4
Malapot o madilaw.
02:08.4
Pero pag allergy, ang sipon mo white lang or clear.
02:12.4
Malinaw ba?
02:14.4
So, pag sipon talaga may virus, masama pakiramdam up to 10 days.
02:18.4
Possible lagnat, body aches, at malapot yung uhog.
02:23.4
Pag allergy, biglaan lang yan.
02:26.4
Makati-kati lang.
02:28.4
Malakas pa rin pakiramdam mo.
02:30.4
At yung sipon ay malabnaw.
02:34.4
So, ganito ang stage.
02:36.4
Paano na makontra ang kaso?
02:39.4
Flu. Ang flu, ibang usapan.
02:41.4
Lagnat, high fever, headache.
02:44.4
Usually, mga 4 days, 39 ang fever mo.
02:48.4
Pero itong mga gamutan natin, pwede ito sa sipon, pwede sa ubo, pwede rin sa trangkaso.
02:54.4
So, kaya tinawag ng common cold, very common.
02:57.4
Ang daming, madalas yan nangyayari.
03:00.4
Pag sa matatanda, 2 to 3 times a year sinisipon.
03:04.4
Pag sa bata, 4 to 5 times in a year sinisipon.
03:09.4
Mas madalas siponin ang bata kumpara sa matanda.
03:13.4
Bakit?
03:15.4
Tayo kasi matanda na, na-expose na tayo.
03:16.4
Medyo na-immune na tayo sa ibang virus ng sipon.
03:21.4
Pero yung bata, hindi pa siya na-immune, mas madalas siya mahawa.
03:25.4
Maraming cold virus, mga 200 types of virus.
03:28.4
Tatlo ang stages ng sipon.
03:32.4
Stage 1, stage 2, stage 3.
03:34.4
Tingnan natin anong stage kayo.
03:36.4
Sa stage 1, bago pa lang ang sipon.
03:40.4
1 day up to 3 days.
03:42.4
Kakaumpisa pa lang, day 1 to day 3.
03:44.4
Usually, makati-kati lalamunan.
03:48.4
50% ng tao kumakati muna dito bago magkakasipon.
03:54.4
Tickly, sore throat, runny nose, barado ilong, may ubo at namamaos.
04:02.4
Yan ang day 1 to day 3. Medyo okay pa pakiramdam mo.
04:06.4
Stage 2, day 4 to day 7. Yan.
04:10.4
Pag day 4 to day 7, sasakit na muscle mo.
04:14.4
Sasakit na ulo.
04:16.4
Mas lalapot na yung uhog.
04:19.4
May konting pagod na.
04:21.4
Body aches.
04:23.4
Sa bata, may nilalagnat na.
04:25.4
So, day 4 to day 7, mas lumalala ang sipon.
04:29.4
Pag day 8 to day 10 na, 1 week na, dapat pagaling ka na.
04:34.4
Nawawala na sintomas, although yung ubo pwedeng tumagal.
04:38.4
Minsan yung ubo hanggang isang buwan nandyan pa eh.
04:41.4
Diba, natitira yung ubo. Yun ang problema.
04:44.4
Pero, magaling ka na. Wala ka ng body aches.
04:47.4
So, yan ang stage 1, stage 2, stage 3 ng sipon.
04:51.4
Nakakahawa ang sipon. Galing sa ilong, sa bibig, yung uhog, nakakahawa.
04:58.4
Kailan kayo nakakahawa?
05:01.4
During, actually 10 days eh.
05:04.4
Buong 10 days nakakahawa ka.
05:05.4
Pero, yung unang 3 araw na may sakit kayo, the first 3 days,
05:12.4
diyan kayo pinaka nakakahawa.
05:15.4
So, maawa tayo sa mga anak natin, sa lolo-lola, iwas tayo.
05:21.4
The usual, iwas, pwede magmask, hugas kamay, alkohol ng mga gamit, kasi virus siya eh.
05:28.4
Mga doorknob, ganyan. Para hindi mahawa ang senior citizen.
05:33.4
Hindi mahawa yung bata.
05:35.4
Sa school, sa trabaho, pwede umabsent muna o magmask kayo para hindi kayo makakahawa.
05:41.4
Kawawa naman yung iba.
05:43.4
So, first 3 days, pinaka nakakahawa. Although, 10 days nakakahawa kayo.
05:49.4
Pag kayo ay nahawa, kayong ngayon nanonood, maraming may sipon ngayon.
05:54.4
Sino ang salarin? Sino nakahawa sa inyo? Diba?
05:58.4
Usually, pag nahawa kayo ang incubation period,
06:02.4
tinamaan ka ng virus, nalanghap mo, mahina ang katawan mo, tinamaan ka.
06:08.4
Within 1 day to 3 days, mahahawa ka.
06:12.4
So, kung nahawa ka ngayon, tingnan mo sino nakasama mo 1 day, 2 day, 3 days ago.
06:20.4
Baka 3 days ago, may napuntahan kang sinihan o nanood ka ng sini.
06:25.4
O may isang group meeting kayo, may inuubo, may sinisipon.
06:28.4
So, yun ang may kasalanan. Nahawa kayo.
06:32.4
At nagpahawa din tayo. Mabilis makahawa siya.
06:35.4
So, 1 to 3 days, mahahawa ka dapat kung tatamaan ka.
06:40.4
Diagnosis and test.
06:43.4
So, wala naman talagang test. Ito na nga.
06:46.4
Stuffy nose, swelling sa nostril, medyo mapula-pula lalamunan.
06:51.4
Pwede rin pa x-ray.
06:53.4
X-ray, chinecheck na natin komplikasyon kung may pulmonya.
06:58.4
Pwede rin magpa-COVID test. Usually, negative ang COVID test ngayon.
07:03.4
Tsaka humihina na rin yung COVID.
07:05.4
Ang maganda lang dito sa cold, sa sipon, sa trangkaso, hindi naman napupuno ang hospital.
07:11.4
Ibig sabihin, nakakaya natin. Although, medyo matindi rin.
07:16.4
Pag sinipon ka na trangkaso ka, medyo baldado din tayo dito.
07:22.4
Ang daming may sakit. Kasi nga kumakalat yan.
07:25.4
Pero hindi naman lumalala. Hindi siya bagong virus.
07:28.4
Hindi siya ganun ka-deadly. Kasi nga ang nag-iingat lang yung mga mahina ang immune system.
07:36.4
Kailangan mo ba ng antibiotic?
07:39.4
Actually, simpleng sipon, hindi kailangan ng antibiotic.
07:43.4
Mamaya, pag-uusapan natin yung mga komplikasyon na kailangan magpa-check sa doktor.
07:50.4
Home remedies para sa sipon.
07:53.4
Masimple lang ito.
07:55.4
Pag may konting lagnat, pwede para sa etamol.
07:58.4
Usually, sa sipon, hindi ka na magpa-paracetamol.
08:01.4
38 degrees pataas, pwede magpa-paracetamol.
08:04.4
Pero kung 37.5 lang, ano na lang, inuman mo na lang maraming tubig.
08:10.4
8 to 10 glasses of water, pwede na yan. Bababa na yung lagnat.
08:14.4
Gamot sa sipon. Cold remedies. Diba? Usong-uso yan. Bibili ka. Over the counter.
08:20.4
Ako po, bilang internist cardiologist, hindi ako mahilig mag-reseta ng gamot sa sipon.
08:26.4
Pagbata ka pa, uminom ka ng gamot sa sipon, okay.
08:31.4
Pero pag meron ka ng sakit sa puso, mahina puso mo, senior ka na, medyo huwag na uminom ng gamot sa sipon. Bakit?
08:41.4
Meron siyang pseudoephedrine.
08:44.4
Ephedrine yan. Parang epinephrine yan.
08:47.4
Pag uminom ka ng gamot sa sipon, bibilis ang kabog ng puso. Paano kung mahina puso mo.
08:53.4
Meron nagsaside effect dito.
08:54.4
Okay.
08:55.4
Pagbata lang yan.
08:57.4
So, paano sa sipon? Tubig lang. 8 to 10 glasses of water.
09:01.4
Pwede kang mag-steam kung gusto mo. Chicken soup. Pwede na yan.
09:08.4
Para sa allergy. Pag allergy ang problema, anti-allergy ang gamot. Okay, ibang usapan yun.
09:14.4
Pag ang ubo mo may plema, umabot na sa ubo, pwede the usual carbo-cysteine, pwede ang ambroxol, guayaphenicin, pampaluwag ng plema.
09:25.4
Kung may plema. Pero tubig pa rin. 8 to 10 glasses pampaluwag ng plema.
09:31.4
Paano kung yung ubo mo walang plema? Dry cough.
09:36.4
Ang binibigay natin ngayon for dry cough, ano eh, itong butamerate, citrate, sinicone. Yan na lang ang medyo available eh.
09:44.4
So, yan. Kung malala, pwede mo gawin. Pero home remedies natin, siyempre ah, mga tubig, chicken soup, at iba pa.
09:53.4
Anong vitamins pwede inumin? Okay. So, usually ang binibigay natin, pwede kayong mag-vitamin C.
10:03.4
Or kung hindi vitamin C, 500 mg. Pwede yung mga juice, mga citrus fruits, mga orange, dalandan, lemon, piƱa, pwede na rin. Pero mas gusto ko kalamansi, lemon, dalandan, orange.
10:19.4
Vitamin C, rich foods or vitamin C, pwede yan sa sipon.
10:23.4
Zinc, pwede rin ng zinc. Less than 40 mg dapat ng zinc. So, vitamin C, pwedeng zinc, pwedeng vitamin D, as in dog.
10:34.4
Ngayon, may pag-aaral ba ito? Okay. Ayon sa mga pag-aaral, medyo hilaw ang pag-aaral.
10:41.4
Sa zinc, may konting pag-aaral. Pag-iinom ka daw ng vitamins na may zinc, mas iiksi yung tagal ng sipon. So, kung 10 days, magiging 7 days. Kung 7 days, magiging 5 days.
10:53.4
Yung lala ng sintomas, mababawasan.
10:57.4
Vitamin C, medyo hilaw ang pag-aaral. Pero wala naman masama. Inom ka na may vitamin C at zinc. Baka makatulong din.
11:05.4
Or kunin mo sa juices. Okay?
11:08.4
Magpahinga ng magpahinga. Iwas alak, iwas kape. Iwas alak, iwas kape. Pag may sakit, madi-dehydrate ka. Gusto mo maraming tubig.
11:19.4
Hugas kamay. Huwag maghahawa ng ibang tao.
11:21.4
Matulog, kumain, maigi. Bawas exercise. Huwag masyado magbilad sa araw.
11:29.4
Pahinga muna. May kalabang kang virus. Okay?
11:33.4
Ngayon, eat, sleep, cool place, water. Bawal manigarilyo. Okay?
11:39.4
Huwag mag-expose sa mga sa labas, sa kalye. Lalo kang mairita.
11:44.4
Gargle salt water. Pwede gargle ng salt water.
11:48.4
Isang basong tubig. Maligam-gam.
11:50.4
Konting asin. Mumog para dito sa throat.
11:54.4
I-check mo na rin yung throat nyo. Okay?
11:57.4
Mamaya, yung lalamunan mo sa salamin. Ma-check up mo. Lagyan mo ng ilaw.
12:01.4
Kung malaki ang tonsils, may nana. Ibang usapan yun. Hindi na sipon yun. Strep throat yun. Antibiotics ang usapan. Okay?
12:11.4
Ano na ngayon yung seven bad signs na ang sipon mo nagkomplikasyon? Bira naman itong mangyari.
12:17.4
Usually, may edad, bata, o mahina immune system, pwede magka-komplikasyon. Ano itong seven bad signs?
12:25.4
Number one, very high fever. Matagal na panahon. Dapat nga, walang lagnat. Pag nilagnat na matagal, iba na yun. Hindi na sipon yun.
12:34.4
Number two bad sign, hirap huminga. May huni. Hirap huminga. Fatig. Pagod. Baka may problema sa baga. Baka bronchitis. Baka pulmonya.
12:45.4
Diba? Bakit hirap huminga?
12:48.4
Number three, palala ng palala yung ubo. Dapat tulad na sinabi ko, diba? Day four, day seven, may ubo tapos makawala.
12:56.4
Eh kung palala ng palala, paplema ng paplema, hinihingal, ibang usapan yun.
13:01.4
Number four, super sakit ang ulo. Hindi dapat masakit masyado ang ulo. Kung sobrang sakit ang ulo, baka sinusitis.
13:09.4
Sinusitis, bacterial infection, antibiotic din yan.
13:13.4
Number five, masakit ang tenga. Very important sign sa bata. Bata, sinisipon. Tanungin mo, anak, masakit ba tenga mo?
13:23.4
Oras na sumakit ang tenga niya, pacheck natin yan. Kasi common sa bata yung infection sa tenga, otitis media.
13:32.4
Misan pumuputok pa ear drum, lumalabas yung luga sa tenga. Diba yung sipon, sabi nila lumalabas sa tenga. Antibiotics din yan. Common yan sa bata.
13:43.4
Number six, yung sinabi ko sore throat na may nana dito, strep throat yun.
13:49.4
At seven, chest pain. Pag masakit ang dibdib, ibang usapan yun. Baka puso, baka baga.
13:56.4
So ito yung pitong bad signs na iingatan natin. Fever, hirap huminga, malalang ubo, headache, ear pain, sore throat, chest pain.
14:06.4
Ano pa yung dagdag na babantayan? Sukatae. Baka iba na ito, sukatae.
14:11.4
Sobrang pagod, sobrang hapo, baka na. Baka iba na ito.
14:16.4
And lastly, disoriented. Hindi na gano'ng makausap. Parang iba yung iniisip.
14:23.4
Kasi itong mga virus na ito, bihira lang naman. Pero minsan salbahe itong mga virus na ito. May pumupunta sa puso, myocarditis, may pumupunta sa utak, meningitis.
14:34.4
Hindi mo masabi itong mga virus na ito. So gawin lang itong mga home remedies natin para gumaling.
14:39.4
Tulad na sinabi ko, pahinga, tulog-tulog, absent muna, inom ng maraming tubig, vitamin C, zinc, mga citrus fruits, gargle, suob.
14:52.4
Hindi naman kailangan. Siguro maligaw lang mainit, maligam-gam lang. At pag natutulog pala, taas ang unan. Mga two, dalawang unan.
15:02.4
Kasi pag nakahiga kayo, magbabara lalo yung ilong nyo. So pag nakaupo, mas okay.
15:07.4
At pag singa, dahan-dahan. Si Dok Liza pag suminga, grabe, kala mo baka dumugo eh.
15:15.4
Dahan-dahan ang singa. Kasi pag sobrang singa, may nangyayari, may pumuputok na ugat sa utak. May ganun.
15:23.4
So huwag sobrang singa, huwag sobrang ubo, tamang-tama lang. Kasi biglang tataas yung presyo. Normal singa, normal ubo.
15:33.4
Sana nakatulong itong videos.
15:35.4
Para sa iyong mabilis na paggaling. Salamat po.