Close
 


Over-Thinking at Sobrang Pag-iisip, Nagdudulot ng Stress at Nerbyos. - By Doc Liza Ramoso-Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sobrang Pag-Iisip (Over-Thinking): Tips Para Maiwasan. Stress, Anxiety at Nerbyos. By Doc Liza Ramoso-Ong Panoorin ang Video: https://youtu.be/3lmQ-fxjL0c
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 10:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.9
Magandang araw sa inyo. Masaya at maganda ang topic natin ngayon.
00:05.6
Para ito dun sa mga tao na isip ng isip, yung talagang paulit-ulit ang pag-iisip nila sa maghapon.
00:13.3
So paano ba ito maiaalis sa inyong isipan?
00:15.9
Ang tawag dito sa Ingles, overthinking. Pero part din ito ng inyong nervyos.
00:22.7
Ano ba yung overthinking o sobrang pag-iisip?
00:26.7
Yan, overthinking. Ah, hindi ito sakit yung overthinking pero ito ay parte o sintomas ng depresyon o kaya ng nervyos, ng anxiety, yung pagkabalisa.
00:41.8
Ang isip ng isip, paulit-ulit na may iniisip dun sa kanyang brain, dun sa kanyang utak.
00:50.1
Hindi na siya makagawa ng iba. Sobra na yung pag-alala niya. Nag-worry na siya.
00:56.3
Parang paralyzed na kasi sa dami ng iniisip, hindi na makagawa ng iba.
01:01.2
Hirap nang mag-desisyon, hindi makatulog. So makakalimutin na, hindi na makatulog, magpapalpitate pa.
01:09.5
Masakit na ulo, feeling nila hindi sila makahinga. Laging worry, worry ng worry.
01:16.6
Actually, winoworry nila yung future, yung dadating, yung hindi pa nangyayari.
01:21.9
Tapos, hindi nila gagawin yung mga dapat nilang gawin.
01:26.3
Tapos na, bukas na kasi, nabisi na sila kakaisip. Hindi sila makakonsentrate.
01:31.7
Tsaka, mainitin ulo nila. So wala na silang patience.
01:36.0
Minsan, parang panic attack. Laging makulo yung tiyan nila.
01:40.0
Tapos, nagpapawis. At kung pwede, iya-avoid yung ibang tao.
01:45.0
Ano ba yung example ng overthinking?
01:48.9
Yung sila kasi, nakafocus sa negative thoughts. Yung nangyari na. So hindi makamove on.
01:55.4
Tapos, yung mangyayari naman, yung future, lagi nilang inaalala.
02:01.4
Bibigyan ko kayo ng example para maunawaan nyo ano yung overthinking.
02:05.4
Example 1. Nako, di nag-meeting kayo kahapon.
02:09.4
Sa paulit-ulit sa mind mo, pag uwi mo, nakakahiya yung mga sinabi ko kanina sa meeting.
02:14.4
Parang mali. Pakasabihin nila, wala akong alam. Yan, example nyan.
02:19.4
Tapos, paulit-ulit ka sa nangyari. Yung kahihiyan na nangyari. Eh, hindi naman pala nakahiya.
02:25.4
Number 2. Minsan, parang nagsi-self-pity ka. Sana hindi na lang ako umalis dun sa dati kong trabaho.
02:33.4
E di sana mas masaya ako ngayon. Eh, tapos na yun eh. Wala ka nang magagawa. Diba?
02:38.4
Or number 3. Example, hindi ako naturuan ng mga magulang ko maging confident.
02:44.4
Kaya ngayon, insecure ako. So naninisipa. Pero sa totoo naman, hindi naman ganun yung nangyari.
02:51.4
Ang mga nag-overthinking din, pinapredict na nila.
02:54.4
Or inuunahan na nila yung pwedeng mangyari. So iisipin na nila.
02:59.4
Halimbawa, may recitation, presentation bukas. Sabihin na, naku, mapapahiya ako sa presentation ko bukas.
03:06.4
Makakalimutan ko lahat ang dapat kong sabihin. So inuunahan mo na yung sarili mo. Yung future.
03:12.4
Number 2. Hindi ako mag-example ah. Number 2 example. Hindi ako magkakaroon ng pera. Pagtanda ko.
03:18.4
Mawawalan kami ng pera. Wala na akong gagastusin. Eh, hindi pa naman ang iyayari yun.
03:23.4
May panahon ka pa naman para mag-impok at mag-ipo ng pera.
03:28.4
So yan yung mga nangyayari dun sa mga taong medyo may nervyos.
03:34.4
So pasok ng pasok sa isip nila, may magagawa ba tayo? Ano ba yung tips para maialis natin sa isipan natin?
03:41.4
Yes, meron. Ito po yung mga tips na ituturo ko sa inyo.
03:45.4
Number 1. Magkaroon lang tayo ng thinking time. Dapat mga 20 minutes lang.
03:52.4
May specific time lang. 20 minutes lang. Yun lang ang time limit mo.
03:58.4
After that, iibahin mo na yung mga gagawin. I-write down mo. Isulat mo sa isang papel.
04:07.4
Ito ang mga problema ko. Blah, blah, blah. Ano yung trigger? Isulat mo rin.
04:12.4
Tapos may time ka din mag-meditate o kaya naman mag-reflect o mag-muni-muni. Ano yung mga pwede mong gawin?
04:21.4
Kasi kailangan mo problem solving sa mga ganito. Huwag kang magpapatali sa wala kang magagawa.
04:26.4
Hindi. Mag-reflect ka. Mag-muni-muni ka. Ano yung pwede mong gawin?
04:32.4
So may mga mababago ka. Marami pa. Tignan mo ano ang dapat gagawin.
04:40.4
Tapos mag-problem solving ka. I-accept mo yung best na pwede mong gawin. At isipin mo lahat naman ng tao.
04:49.4
Ano yung mga kamali? Walang perfecto. Tulugan mo muna. Baka bukas meron ka ng bright idea.
04:57.4
O kaya baka pwede mag-shiesta ka muna. Basta iba muna yung gawin mo.
05:03.4
Number two, tignan mo din yung layunin mo. Ano ba yung goal mo sa buhay? May ebidensya ba? May rason ba yung pinagkakaabalahan mong pag-isipan?
05:13.4
E ngayon, kung wala at hindi naman makakatulong sa'yo, manong tanggalin mo na sa iyong mga mababago.
05:18.4
Number three, di ang dami-dami mo nang iniisip. Relasyon, maliit na bagay, malaking bagay.
05:28.4
Pati yung kakainin, iniisip mong mabuti, pang self-care. Ang dami-dami ng question dyan.
05:37.4
O kaya paulit-ulit ang mga topics dyan sa isipan natin. Humihingi ka ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.
05:43.4
Yung mga trusted mo. Pwede kaibigan, pwede pamilya.
05:47.4
Pwede yung spouse mo, yung kabyak mo. So sila, mag-brainstorming kayo.
05:52.4
Baka naman may solusyon dun sa mga ikinakatakot mo. At saka baka matutulungan ka nila dun sa problema mo.
06:00.4
Number four, gumawa ka rin na ibang bagay. Mag-exercise ka. Nakakatulong ka sa exercise.
06:06.4
Maglabas ng endorphins. Ito yung mga good hormones.
06:10.4
Tapos mag-change channel ka. Sabi nga, i-change. Palitan ng channel. Anong pwede? Pwede ka mag-hubby.
06:16.4
Mag-cooking, kumanta, magbasa, mag-arts, mag-drawing. Change channel. Yan ang mga pwede mong gawin.
06:24.4
Ngayon, pag may mga sintomas na na, yung kanina nga, hindi ka na makatulog, stress na stress ka na,
06:32.4
nag-i-irritable bowel ka na, nag-ELBM ka na, nagsusoka ka na.
06:37.4
Humihingi na tayo ng tulong sa psychologist. Ito yung kakausap sa'yo ng matagal. Ito kasi parang life coach mo yan eh.
06:45.4
Baka may magandang masabi siya sa'yo. Pag hindi na talaga makatulog, hihingi din tayo ng tulong sa psychiatrist.
06:51.4
Kasi sila yung mga doktor na nagbibigay ng gamot para mas maslow down yung utak natin at makatulog tayo.
06:58.4
Anyway, sometimes, pansamantala lang naman yung mga gamot. Tsaka magaganda na po yung mga gamot ngayon.
07:04.4
So, kailangan natin. Medyo mahal lang po ang psychiatrist at psychologist. Pero kung meron kayong kamag-anak na psychologist, baka pwede kayong matulungan.
07:13.4
Ito.
07:15.4
Number six, train your brain na maging positibo lagi. Paano magiging positibo ang ating utak?
07:24.4
Kailangan mapagpasalamat tayo sa lahat ng bagay. Tapos yung mga paulit-ulit na magagandang nangyari, pwede mong ilagay sa brain mo para matakpan yung mga negative thoughts na pumapasok doon.
07:37.4
So, i-train mo na matakpan. So, yan. Tanggalin. Train your brain.
07:42.4
Tapos mag-focus ka. Paano ma-re-resolve yun?
07:44.4
Paano ma-re-resolve yung problema?
07:46.4
Siyempre, minsan may mga bagay wala naman sa iyong control. Pero may mga bagay din na meron kang pwedeng gawin. Ano bang strategy ang gagawin mo? Anong effort?
07:58.4
So, anong pagsisikap kailangan mo? Tsaka yung attitude mo. Paano mo gagawin? Yung dating ba? Yung gagawin mong ugali. Kailangan ba isang masayahin?
08:06.4
Iyon yung mga bagay na kontrolado mo at magagawa mo. So, doon tayo mag-focus.
08:13.4
Tanggalin mo yung takot. Gawin mo yung best na pwede mong gawin. Magpasalamat ka sa lahat ng bagay.
08:20.4
Tapos ito yung ilalagay mo sa mind mo. Kaya mo yan. Maswerte ako. Malakas pa ako para gawin lahat yan. Mahal ko ang mga taong makakausap ko at confident ako para gawin ang mga bagay na ito.
08:34.4
So, takpan mo lahat ng negative. Paudit-udit mong ilagay yan sa isipan mo. Dapat mas marami yung ganon. Mas maraming positive doon sa atin.
08:43.4
Tapos isa pa, number nine, pwede tayong mamasyal. Maganda daw nakikita yung nature kasi mas nare-relax tayo.
08:52.4
So, pwede tayong mag-walking, mag-exercise doon, mag-hiking. Kung meron sa inyong tabing dagat, dito sa atin, pwedeng Manila Bay o yung tabing Baybay Dagat.
09:02.4
Kung kayo nasa probinsya, tabing ilog, maligo kayo dyan. O kung maraming trees na for hiking, may pagka-forest doon sa lugar nyo, maglakad-lakad kayo.
09:12.4
Kailangan nyo yan. Umiba ng tanawin. Kasi mare-relax kayo pag maganda din yung tanawin.
09:20.4
Laging tinuturo ni Doc yung deep breathing exercises. Uupo kayo. Relax ang leeg. Relax ang balikat. Inhale. One, two, three, four.
09:31.4
Pigil. Inhale through the nose. Pwede nyo nga pong ilagay yung inyong kamay. Isang kamay sa dibdib, yung isa sa chan. Para nararamdaman nyo kung tumataas siyan.
09:40.4
Tapos, pigil.
09:42.4
Tapos, saka i-exhale nang mababaw, nang mabagal dito sa inyong bibig.
09:49.4
So, inhale through the nose. Exhale through the mouth. Dahan-dahan. Tapos, repeat. Yan. Yan yung mga pwede nyo gawin, yung mga exercises.
09:57.4
At, isa pa, gumawa ng magaganda sa inyong kapwa. Pwede kayong tumulong mag-focus. Kasi pag ganun, mawala yung lungkot nyo. Mag-meditate kayo. I-distract nyo ang sarili nyo.
10:10.4
Tapos, sinabi ko nga, deep breathing at positive lang.
10:13.4
So, sa ating mga kababayan, sana hindi na kayo nervyusin at matanggal na yung paulit-ulit na dumadaan sa utak ninyo. Salamat po.