Close
 


SIRANG KAIBIGAN | Kulam True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SIRANG KAIBIGAN | Kulam True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 23:29
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWETO NI ZERO
00:30.0
Noong nagtatrabaho pa ako sa dati kong trabaho sa isang opisina, sa bahaging Antipolo Rizal.
00:41.3
Matagal na kaming magkaibigan ni Mona at talagang nasubok ng maraming taon ang pagkakaibigan naming dalawa.
00:49.6
Halos kapatid na rin ang turing namin sa isa't isa.
00:54.0
Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong elementarya.
00:57.7
Nagmula siya sa may Sikihor.
01:00.0
At dumayo ang pamilya niya sa aming bayan para makipagsapalaran at hanapin ng kapalaran.
01:07.2
Naging magkaklase kami hanggang sa sekundarya.
01:10.5
Nagkahihwalay lamang kami noong mag-aral kami sa kolehyo pero
01:13.3
maswerte na naman kaming magkasamang muli sa trabaho nang matanggap kami bilang empleyado sa opisina sa aming bayan.
01:23.5
Nagalak ako dahil mukhang hindi kami pinaghihiwalay ng tadhana pero
01:27.0
noong dumating ang panibagong empleyado,
01:30.0
nanagangalang Stella at nakapalagayan namin ng loob ni Mona.
01:35.0
Inisip ko na magiging maganda ang samaan naming tatlo.
01:40.0
Pero habang tumatagal, napansin ko na parang lumalayo ang loob sa akin ni Stella.
01:50.0
Dumating ang panahon na nadiskubre ko na sinisiraan pala ako ni Mona kay Stella.
01:55.0
At kung ano-anong kwento ang iniimbento niya para layuan ako.
02:00.0
Doon kami nagsimulang magkasamaan ng loob.
02:05.0
Lalo pa nang malaman ko na ayaw pala ni Mona na lumayo ang loob ko sa kanya.
02:10.0
At ang gusto niya lamang ay kami lamang dalawa ang magkaibigan.
02:15.0
Dahil nagsiselo siya sa atensyon na binibigay ko kay Stella.
02:20.0
Naisip ko na baka may problema sa pag-iisip si Mona.
02:24.0
O posibleng may matindi siyang pinagdadaraanan pero
02:27.0
na naig sa sarili ko na naging sakim siya sa pagkikipagkaibigan sa akin.
02:32.0
Kung kaya't ilang linggo rin kaming hindi nagkibuan.
02:38.0
Makalipas pa ang ilang linggo.
02:42.0
Nagulat na lamang ako na siya mismo ang nakipag-usap sa akin at tumingin ang kapatawaran.
02:48.0
Nabulag siya sa matinding kasakiman at hindi niya inisip ang pwede kong maramdaman nun.
02:53.0
Kagad ko naman siyang napatawad dahil alam ko na nagsisisi rin siya sa kanyang kasalanan.
03:02.0
At alam ko naman na hindi namin matitisang isa't isa.
03:06.0
Mas pinairal namin ang matagal na samahan na nagpatibay sa aming pagkakaibigan.
03:12.0
Simula nang magkasundo kami ay hindi na kami muli nag-away pa.
03:17.0
Unti-unti na rin natanggap ni Mona sa sarili niya na may iba pang taong pwede kong maging kaibigan.
03:23.0
At hinayaan niya si Stella na pumasok sa buhay ko.
03:29.0
Lumipas ang isang taon, may panibagong empleyadong nag-apply sa opisina.
03:36.0
Taong 2001, may nakilala kaming lalaki na nagpabago sa takbo ng buhay namin.
03:43.0
Ruben ang kanyang pangalan. Halos magkaedad lamang kami.
03:49.0
Mabait siya, maginoo.
03:51.0
Kaya naman karamihan ng mga katrabaho namin ay talagang nagkakagusto sa kanya.
03:57.0
Lalong-lalo na si Mona.
04:00.0
Malaki ang paghanga sa kanya ni Mona kaya naman ako ang gumawa ng paraan para magkalapit silang dalawa.
04:07.0
Natuwa naman si Mona dahil naging magkaibigan sila ni Ruben.
04:11.0
Hinakala ni Mona na masusuklian ni Ruben ang kanyang itinatagong pagtingin pero...
04:16.0
Nagkamali siya.
04:18.0
At sa hindi ko pa inaasahang pangyayari.
04:21.0
Nahulog pa ang loob ko kay Ruben.
04:24.0
Pinilit ko siyang iwasan pero siya na mismo ang lumalapit sakin nun.
04:29.0
At ang mas malalapa sa lahat ng nadiskubre ko ay ang malaman na may lihim din siyang pagtingin sakin.
04:38.0
Ayokong masaktan si Mona kaya kahit mahirap sakin ay pinakausapan ko si Ruben na ligawan at pag-aralang mahalin si Mona.
04:46.0
Bagay na hindi niya makayanan pero sa huli.
04:49.0
Pumayag na rin siya sa mga sinabi ko kahit pa alam naming dalawa na kami ang tunay na nagmamahalan.
04:57.0
Nasaktan ako pero nagpaubaya ako alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Mona.
05:03.0
Kaso hindi na pigilan ni Ruben na kausapin ako.
05:08.0
Kaya lang ay itinutulak ko pa rin siya palayo sakin sa takot na baka masira nito ang pagkakaibigan namin ni Mona.
05:15.0
Nagfokus ako sa pagtatrabaho.
05:18.0
Nag-overtime at pilit na ibinigay ang oras at panahon ko sa pagtapos ng reports at iba pa mga papeles sa opisina.
05:26.0
Kinalimutan ko ang sakit at bigati na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong magkasama si Ruben at Mona noon.
05:34.0
Tawagin na akong marter ng iba naming kasamang empleyado pero pinili ko na pigilan ang pansarili kong kaligayahan para sa aking matalik na kaibigan.
05:44.0
Sa kabila ng pagsasakripisyo ko,
05:48.0
ay nagkaroon naman ng magandang risulta ang mga paghihirap ko noon.
05:52.0
Napromote ako sa trabaho.
05:54.0
Tumaas ang posisyon.
05:57.0
Tuwang-tuwa ang mga kapwa-empleyado ko.
06:00.0
Gayun din si Stella at Ruben.
06:04.0
Pero ang lubos kong ikinagulat
06:07.0
ay sa dinami-dami ng kaibigan o tao na inahasaan ko na matutuwa sa aking tagumpay.
06:14.0
Ay tila hindi masaya si Mona
06:16.0
at mukhang pakitang tao lamang ang mga ngiting ipinukol niya sa akin noon.
06:23.0
Sabagay, naisip ko rin naman na matagal na niyang inaas sa masamang posisyon na kinalalagyan ko noon.
06:30.0
Kaya hindi ko siya masisisi kung hindi siya masyadong masaya sa tinatama sa akong tagumpay.
06:37.0
Hinayaan ko na lamang siya pero pinayuhan ko na magsumikap at magsipag din siya sa pagtatrabaho para maabot ang posisyon ko.
06:46.0
Hindi ko alam kung tinanggap niya o hindi ang mga sinabi ko dahil wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya na kahit ano pa man.
06:55.0
Pero sa kabila ng lahat ay nagpatuloy pa rin kaming magkaibigan at madalang naming mapag-usapan ang tungkol sa aking naging promosyon.
07:05.0
Lumipas ang ilang linggo ay nakausap namin ni Stella si Ruben.
07:10.0
Nabanggit niya sa amin na unti-unti nang nagbabago si Mona.
07:14.0
At halos lahat na lamang nang kang nakakasamang babae ni Ruben.
07:19.0
Pinagseselosa nito.
07:22.0
Ultimong si Ate Jinky na halos nanay na ang ituring naming lahat ay nagkagawa pang pagselosa na pagbantaan ni Mona.
07:31.0
Napagsasabihan na rin ang iba naming katrabaho na baka may problema sa pag-iisip si Mona o may inferiority complex kung tawagin.
07:40.0
Medyo nabag naman ako sa kaibigan ko at sinikap ko siyang ko.
07:44.0
Nakausapin.
07:46.0
Pero pinigilan ako ni Ruben.
07:48.0
Dahil ayaw niyang masaktan ako ni Mona.
07:51.0
Dahil hanggang nun, hindi pa rin niya magawang itago ang nararamdaman niya para sa akin nun.
08:00.0
Kahit napilit kong tinatakasan ang pag-ibig ko kay Ruben, hindi ko magawa dahil ginagawa ko lang komplikado ang lahat.
08:07.0
Pinahihirapan ko lamang ang sarili ko.
08:11.0
Dumating ang araw ng mga puso.
08:14.0
Masaya ang lahat ng mga empleyadong nakatanggap ng mga regalo sa kanilang mga nobyo at asawa nun.
08:20.0
Mag-uwihan na kami noon at nauna akong lumabas sa opisina.
08:24.0
Nang bigla akong sinundan ni Ruben.
08:28.0
Nasorpresa ako dahil binigyan niya ako ng mga sariwang bukay ng rosas.
08:33.0
Ipinagtapad niya sa akin na talagang hindi niya kayang mahalin ng buong buo si Mona.
08:39.0
Na talagang ako ang kanyang tunay na minamahal at balak niyang hiwalayan ang kaibigan ko na iyon.
08:45.0
Hindi ko na sana tatanggapin ang binigay niyang bulaklak pero,
08:50.0
niyakap niya ako ng mahigpit.
08:53.0
Humagulgol siya sa pag-iyak.
08:56.0
Inamin niyang hindi niya kayang dayain ang kanyang sarili at ayaw niyang mawala ko sa buhay niya.
09:02.0
Hindi ko na nakayanan ng mga sandaling iyon.
09:06.0
Tinugon ko na rin ang kanyang mahigpit at maalab na mga yakap pero,
09:10.0
biglang lumabas ng opisina si Mona.
09:14.0
Nagpuyo siya sa galit nang maabutan niya kaming magkayakap ni Ruben.
09:19.0
Binulyawan niya si Ruben at kamuntik na niya akong masabunutan.
09:24.0
Mabuti na lamang at humarang sa akin si Ruben at siyang sumalo ng mga suntok at sampal ni Mona noon.
09:31.0
Galit na galit sa akin si Mona.
09:34.0
Tinawag pa niya akong traidor at ahas na kaibigan.
09:38.0
Hindi ko napigilan ang sarili ko.
09:40.0
Tumulo ang mga luha sa aking mga mata habang ipinapaliwanag ko sa kanya ang buong pangyayari.
09:47.0
Pero hindi niya ako pinapakinggan.
09:50.0
Mas lalo niya akong minumura at binubulyawan.
09:55.0
Dumating ang mga katrabaho namin at pilit na inilayo si Mona sa aming dalawa.
10:00.0
Sa mga pagkakataong iyon ay daw nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag at magpahayag ng sarili si Ruben.
10:07.0
Ayon sa mga pahayag niya,
10:10.0
sinamin niyang pumayag siya sa aloko na ligawan at ibaling ang atensyon at pagmamahalag kay Mona kahit na masakit sa kalooban niya.
10:19.0
Dahil ang totoong mahal niya nga ay ako at wala nang iba.
10:23.0
Kaso noong nagtagal ang relasyon nila ni Mona ay hindi na niya nakayanan ang pagiging seloso nito at maigpit sa kanya.
10:32.0
Na kahit ano pang gawin niyang paliwanag at pagpapaamo dito ay hindi siya nito pinapakinggan.
10:40.0
Napag-isip-isip niya na talagang hindi si Mona ang dapat niyang mahalin at hindi na rin niya makakayanang ipagpatuloy pa dito ang kanyang pagmamahal.
10:49.0
Dagdag pa niya na ang pagmamahal ay hindi makasarili at mapaglin lang.
10:55.0
Kaya kung hindi ko man siya piliin ay mananatili pa rin siyang nasa tabi ko at mas gugustuhin na lamang niyang kumalas sa relasyon nila ni Mona.
11:03.0
Kaya sa manatilin makipagrelasyon dito na unti-unting sumisira sa buhay niya.
11:08.0
Sakit diba?
11:11.0
Lalong umigting ang galit ni Mona at pinagduduro pa niya ako.
11:15.0
Tinapunan niya ako ng masasamang tingin at sinabihan ng mga aagawa.
11:20.0
Nabanggit pa niya na lahat na lang na mga bagay ay inagaw ko sa kanya.
11:25.0
Ang posisyon na pangarap niya, gayon din ang lalaking pinakamamahal niya kaya simula sa araw na iyon ay tinatapos na niya ang pagkakaibigan namin.
11:34.0
At kahit anong gawin ko ay hindi ako magiging masaya at hindi kami magkakatuluyan ni Ruben.
11:42.0
Pagkatapos nun ay bigla siyang umalis at nagmamaktol na naglakad patungo sa may tabi ng highway at nagabang ng sasakyan pa uwi.
11:53.0
Nung nakalis na si Mona ay iniatid ako ni Stella at Ruben sa bahay.
11:59.0
Napagkasunduan namin ni Ruben na huwag na muna kami mag-usap
12:02.0
at hayaan na muna namin humupa ang nangyari dahil hindi namin alam kung anong pwedeng gawin ni Mona nun.
12:09.0
Pumayag naman siya sa sinabi ko at mananatili siyang maghihintay sa takdang panahon na pwede na namin ipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan.
12:19.0
Hindi ako nakasagot sa kanya dahil gulong gulo na ang isip ko nun.
12:24.0
Sumapit ang gabi. Hindi ako makatulog. Nangangati ang aking buong katawan.
12:32.0
Hindi ko malaman kung anong klaseng insekto ang kumagat sa akin.
12:37.0
Hanggang sa dumako ang hating gabi at pabaling-baling ako sa mahigaan.
12:43.0
Parang nagliliyab sa sobrang init ang aking buong katawan pero hindi naman ako nilalagnat.
12:51.0
Nakatulog na lamang ako noong bandang madaling araw na.
12:56.0
Pero noong pumatak sa alas tres, nalimpungatan ako.
13:02.0
Noong makarinig ako ng kakaibang boses na sumisigaw.
13:06.0
Nakakabing iyon.
13:09.0
Tinakpan ko ang aking tenga pero nakakita ako ng mga bubuyog na lumabas sa tenga ko.
13:15.0
Hindi ko alam kung masasabi mong bubuyog pero ganun na ganun yung tunog.
13:22.0
Napasigaw ako nang makita ko na may bahid yun ng dugo.
13:27.0
Kumatok sa pinto ng aking silid ang aking inatama.
13:30.0
Pinagbuksan ko sila at agad nila akong tinanong pero
13:35.0
nagulat sila ng makitang may dugo sa ilong ko.
13:39.0
Hindi na ako nakasagot dahil bigla akong nawalan ng malay.
13:46.0
Nagising na lamang ako na inaapoy ako ng lagnat.
13:50.0
Umiikot ang aking paningin at talagang hilong-hilo ako noon.
13:55.0
Hindi ko malaman kung anong nangyayari sa akin.
13:58.0
Hindi rin ako nakapasok sa trabaho.
14:02.0
Gumanda lamang ang pakiramdam ko noong bandang tanghali kaya dinala na ako ng mga magulang ko sa ospital para maipacheck up at malaman kung anuang sakit ko noon.
14:14.0
Laking gulat ng mga magulang ko nang malaman sa findings na simpleng lagnat lamang ang nangyayari sa akin.
14:23.0
Pero setahan na lamang ako ng gamot at umuwi na rin kami sa bahay noon.
14:29.0
Bandang hapon, maganda pa ang pakiramdam ko.
14:34.0
Pero nang sumapit na naman ang gabi, bumalik na naman ang lagnat ko at paghihilo noon.
14:41.0
Sa tuwing umiihi ako ay may buhangin kasama ang ihi ko at sa tuwing dumudumi naman ako ay may lumalabas na mga malalaking insekto.
14:53.0
At talagang nakakasuka ang amoy ng aking dumi.
14:58.0
Ako pa lamang ang nakakakita ng insekto noon, Sir Seth.
15:02.0
Kahit anong tingin ng mga magulang ko, wala silang makita.
15:08.0
Bukod pa dun ay kinikilabutan ako dahil may mga gumagalaw sa loob ng tiyan ko.
15:13.0
Hindi ko magawang magpahinga noong dumako ang gabi kaya lalong nabahala ang aking mga magulang.
15:21.0
Wala na rin akong ganang kumain at pakiramdam ko ay unti-unti na rin bumabagsak ang aking timbang.
15:28.0
Hindi na natagalan ang tatay ko ang nangyayari sa akin noon.
15:34.0
Kaya kahit hindi niya maintindihan ay agad siyang nagpaalam sa nanay ko.
15:39.0
Lumabas ng bahay noong mga oras din yon.
15:43.0
Nagtungo siya sa kakilalang manggagamot ng kanyang kumpare na nakatira sa hindi kalayuan ng aming lugar.
15:50.0
Magaling na manggagamot si Mang Birting.
15:54.0
May kaalam din siya sa pangontra sa kulam.
15:56.0
At barang maging sa mga gayo matiba pang mahikang itim na masasamang elemento.
16:04.0
Nang makarating siya sa aming bahay ay agad niya akong pinulsuhan.
16:09.0
At pagkatapos ay naghanda siya ng orasyon.
16:12.0
Insenso, gayon din ng mga halamang gamot.
16:17.0
Nagpahanda siya ng palangganang may tubig, gayon din ng kandila sa aking ina.
16:22.0
Hinihiga ako sa kama at kahit naliligo na ako sa pawis at talagang pinaglalaban ko noon ang pananakit ng tiyan at matinding pagkahilo.
16:34.0
Hirap na hirap na ako sa nararamdaman ko noon pero pinipilit ko pa rin na manatiling gising sa takot na baka maging katapusan na rin ang buhay ko kung sakaling ipikit ko ang aking mga mata.
16:49.0
Pakiramdam ko, Sir Seth, ay nararanasan ko na noon mga sandaling iyon.
16:54.0
Ang tinatawag na near-death experience.
16:57.0
Kinikilabutan ako kahit masama ang pakiramdam ko.
17:01.0
Naririnig ko pa na bumubulong si Mang Berkting habang sumasambit ng kakaibang mga dasal.
17:07.0
Hindi ko na makayanan ang amoy ng usok at insenso kaya tuluyan na akong nakatulog noon.
17:15.0
Kinaumagahan,
17:17.0
nagising ako sa aking kama na sobrang mahal.
17:20.0
Sobrang sakit ng ulo ko at nanghihina.
17:23.0
Pumasok sa kwarto ang nanay ko at humiha ko kaagad ng isang basong tubig dahil uhaw na uhaw na ako ng mga sandaling iyon.
17:31.0
Lumabas ng silid ang nanay ko pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya kasama ang tatay ko.
17:39.0
Sa likuran nila, naroroon si Nastela at Ruben.
17:46.0
Dinalaw nila akong dalawa.
17:50.0
Ang awa sila sa kalagayan ko.
17:52.0
Inawakan ni Ruben ang aking mga kamay at kahit nanlalamig ang mga iyon, hinayaan ko na halika ni Ruben.
17:59.0
Inalalayan ako ng nanay ko at nakainom ako ng isang basong tubig.
18:04.0
Pagkatapos noon, lumabas sila ng silid at hinayaan nila makapag-usap kaming tatlo.
18:10.0
Napagalaman ko kay Nastela na nabanggit pala sa kanila ni Ruben na mga magulang ko ang nangyari sakin sa nagdaang mga araw.
18:20.0
Kinontak sila ng mga ito kaya naman gumawa sila ng paraan para makatulong sa nakakakilabot na nangyari sakin.
18:28.0
Dagdag pa ni Nastela na ibinalita ng nanay ko na binarang pala ko ni Mona o kinulam at kamuntik na niya akong mapatay sa sobrang galit sakin.
18:39.0
Nabanggit ni Mang Berting sa akin mga magulang lahat ng kanyang nanalaman pagkatapos niya akong magamot sa nagdaang gabi.
18:46.0
Kaya naman nagkaroon ng plano si Nastela at Ruben. Hindi nila kagad sinabi sa akin kung anong klaseng plano yon.
18:55.0
Nang biglang bumulaga sa likuran nila.
18:59.0
Ang presensya ni Mona.
19:02.0
Kinausap niya kaming tatlo at nasabi niya na kaya siya nagkusang pumunta sa bahay.
19:08.0
Dahil hindi na niya makayanan ang ginagawa niyang pagpapahirap sakin.
19:13.0
At para mawakasan na rin ang lahat ng mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan at mabigat na dalahin sa kanyang dibdibnon.
19:23.0
Nagulat ako pero binati ko si Mona sa mapait ng ngiti habang bumubukal at bumabagta sa mga luha sa aking mga mata.
19:33.0
Masasamang tingin pa rin ang ipinukol niya sakin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paanon.
19:40.0
Naglakas loob akong magsalita.
19:45.0
Nagawa kong humingi ng kapatawaran sa kanya.
19:48.0
Kung nasaktan ko siya sa paglilihim ko sa kanya ukol sa tunay kong nararamdaman kay Ruben.
19:54.0
Ipinaliwanag ko rin sa kanya na kahit kailan.
19:58.0
Hindi ko inagaw ang pinapangarap niyang posisyon.
20:01.0
Pinaghirapan ko ang lahat sa pagtatrabaho at idinaan ko sa maayos at tamang proseso ang lahat kaya ako nakuha ang tagumpay na iyon.
20:10.0
Isiniwalat ko din sa kanya na kaya nagawa kong magparaya.
20:14.0
At hindi ko sinagot si Ruben.
20:17.0
Ay dahil gusto ko na maibigay ang pagmamahal na inaasam niya kahit ang kapalitnon.
20:22.0
Ay ang sarili kong kaligayahan.
20:25.0
Gusto ko maging masaya si Mona dahil alam ko na matagal na niyang pinapangarap na maging kasintaan si Ruben.
20:31.0
At malaki na ang kanyang naging pagtatyaga para lang bigyan siya ng pagtingin nito kaya,
20:37.0
kahit masakit,
20:38.0
tiniis ko yung lahat.
20:41.0
Para hindi masira ang pagkakaibigan naming dalawa.
20:47.0
Sa puntong yun ay hindi ako nakahanda na makitang lumuluha si Mona.
20:52.0
Lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.
20:56.0
Hinamin niya sakin na naiingit siya sa lahat ng swerte na nangyari sa buhay ko.
21:02.0
Alam din niya na ako ang talagang minamahal ni Ruben.
21:05.0
Kung kaya't nilamon siya ng galit at selos.
21:09.0
Dahil lahat na lamang ng bagay ay napunta sa akin samantalang naging madamot naman ang kapalaran para sa kanya.
21:17.0
Nabulag na siya ng kanyang ambisyon at pagiging makasarili.
21:22.0
Hindi na niya naisip at nakita ang paghihirap ko sa kapila ng mga tagumpay na nakuha ko noon.
21:28.0
Hindi rin niya naisip na nagpaubaya ako para lang makitang masaya siya
21:33.0
sa piling ng lalaking pinakamamahal niya.
21:37.0
Humingi siya ng kapatawaran sa naggawa niyang pangbabarang sa akin dulot ng matinding puot sa ginawa ko sa kanya.
21:46.0
Hindi naman ako naging malupit.
21:49.0
Sino ba naman ako para hindi magpatawad?
21:52.0
At saka malaki pa rin ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan at itinuring ko na rin siya bilang tunay na kapatid noon.
21:59.0
Kaya naman buong puso ko siyang pinatawad.
22:03.0
Naging emosyonal kaming dalawa.
22:06.0
Lalo pat humingi rin siya ng kapatawaran kay Ruben sa pagiging mapang-abuso at makasarili niya sa kanilang relasyon.
22:14.0
Nabanggit pa niya na hahayaan na niya kaming magkaroon ng relasyon dahil kami naman talagang nararapat na magmahalan.
22:22.0
Hindi na namin yon binigyang pansin dahil mas minabuti naming manatiling magkakaibigan pagkatapos ng lahat ng nangyari.
22:30.0
Binawi na rin ni Mona ang kulam o ang pagkakataon.
22:34.0
At ibinaon na namin sa hukay ang lahat ng sakit at galit namin sa isa't isa.
22:40.0
Nanatili kaming magkaibigan at hindi nagtagal ay naging magkasintaan kami ni Ruben.
22:47.0
Si Mona na mismo ang naging maid of honor sa aming kasal.
22:52.0
Sa kasalukuyan ay may sarili na kaming pamilya.
22:56.0
Nanatili pa rin tumibay ang aming pagkakaibigan sa paglipas na maraming panahon.
23:01.0
Nagkaroon man ng lamat ito dahil sa inggit.
23:06.0
Sa huli, nanaig pa rin ang pagmamahal namin sa isa't isa.