Close
 


Bakit Sobrang Binomba Ng US Ang Bansang Laos?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
References: chrome-extension://efaidnbmnnnibpcajpcglclefindmkaj/http://nra.gov.la/resources/AnnualReports/English/UXO%20Sector%20Annual%20Report%202020_English.pdf?fbclid=IwAR3GDD6D7yxoIlwIHkVAN9WGFSDYDxufPlpAmqyPvD27VY0i5A5bdbJFbs4 https://www.reuters.com/article/us-laos-bombs-idUSKCN11B1EA/ https://www.nationalgeographic.com/magazine/article/laos-recovery-unexploded-ordnance-vietnam-war Sa isang probinsya sa bansang Laos ay makikita ang kakaibang nayon. Ang nayon ay nababalot ng napakaraming bomba. Normal na dito ang mga naglalakihang empty shells ng bomba na naka display sa mga bakuran. Ang mga bombang ito ay pinabagsak ng United States . Mahigit 270 million na mga bomba ang pinabagsak ng America sa bansang Laos. Binomba ng US ang Laos kahit hindi naman sila magkalaban. Bakit kaya? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https:/
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:09
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa isang probinsya sa Bansang Laos ay makikita ang kakaibang nayon.
00:05.7
Ang nayon ay nababalot ng napakaraming bomba.
00:09.7
Normal na dito ang mga naglalakihang empty shells ng bomba na nakadisplay sa mga bakuran.
00:16.2
Sa dami ng mga bomba, upang mapakinabangan ay ginagawa nila itong poste ng kanilang mga bahay.
00:22.6
Ginagamit sa landscaping, ginagawang bakod, ginagawang kutsara, bottle opener at iba pa.
00:30.4
At ang nayong ito ay hindi nag-iisa dahil merong 17 provinces sa Laos ang nababalot ng mga bomba.
00:38.7
Milyon-milyon ang bilang nito.
00:41.1
At alam mo ba, ang mga bombang ito ay pinabagsak ng United States noong panahon ng Vietnam War.
00:47.8
Ayon sa report ng National Regulatory Authority ng Gubyerno ng Laos,
00:52.6
mula 1964 hanggang 1973 ay mahigit 270 milyon na mga bomba ang pinabagsak ng Amerika sa bansang Laos.
01:03.0
At nasa 80 milyon ito ay hindi pa sumasabog hanggang ngayon.
01:08.0
Ibig sabihin, meron pang nasa 80 milyon na mga bomba ang nagkalat sa buong Laos, nakatago o nakabaon sa lupa.
01:17.2
Naghihintay ng mga mabibiktima nito.
01:20.1
Madalas ay nauhukay ito ng mga farmers.
01:22.6
Mga mga ngalakal at napaglalaroan pa ng mga bata.
01:27.2
At ito'y bigla na lang sumasabog.
01:30.2
Kung hindi putol ang mga kamay at paa, ay nasusunog ang katawan at mukha ng biktima.
01:36.3
At ang masaklak pa, ay libo-libo na rin ang mga namatay dahil sa hindi inaasahang pagsabog.
01:43.2
Since 1964, ay nasa 50,000 katao na ang namatay o na-injured sa bansa dahil sa mga unexploded explosives.
01:52.6
Dahil dito, itinuturing ang Laos bilang the most heavily bombed country per capita.
01:59.0
Ngunit ang tanong, hindi naman magkalaban ang Laos at Amerika at isang neutral na bansa ang Laos.
02:05.9
Ngunit bakit kaya ganun katindi ang pambubomba ng Amerika sa bansang ito?
02:13.1
Ang Laos o Lao People's Democratic Republic ay makikita sa Southeast Asia.
02:19.3
Taong 1962, nilagdaan ng United States.
02:22.6
United States, Soviet Union, China, Vietnam at sampu pang ibang bansa ang International Agreement on the Neutrality of Laos.
02:31.7
Nakasaad dito na bawal sakupin o magtayo ng base militar sa Laos ang mga pumirmang bansa.
02:38.5
Pero anong nangyari na sa kabila ng pagiging neutral, ay nadamay pa rin ang Laos sa gyera?
02:44.5
Kung babalikan ang kasaysayan, mukhang ang nangyari sa Laos ay wrong place at the wrong time.
02:51.2
Nang panahon yun, ay maraming...
02:52.6
At hindi ang pakikipaglaban ng Amerika para mapigilan ang paglaganap ng komunismo.
02:58.3
Dahil malapit sa China, naniniwala ang presidente ng Amerika noon na si Dwight D. Eisenhower
03:04.3
na kapag nahulog sa komunismo ang Laos, ay posibleng sumunod na rin ang ibang bansa sa Southeast Asia.
03:11.8
Nagsimula ang Vietnam War noong 1955.
03:14.8
Ang komunistang North Vietnam ay sinuportahan ng mga komunistang bansa na gaya ng Soviet Union at China.
03:22.6
At ang South Vietnam naman ay suportado ng mga anti-communist countries na pinangungunahan ng United States.
03:29.7
Merong tinatawag na Ho Chi Minh Trail, isang daanan na siyang pangunahing ruta na ginagamit ng komunistang North Vietnam
03:37.2
para magdala ng military supplies papunta sa South Vietnam.
03:41.8
At ang rutang ito ay dumadaan sa bansang Laos.
03:45.6
Naging layunin ang US na pahinain, guluhin o pigilin ang supply chain na ito.
03:51.6
Ito ang dahilan kung bakit naging target ng pambubomba ng US ang Laos, kahit pa ito'y isang neutral na bansa.
03:59.6
1964 nang magsimulang bombahin ng Amerika ang Laos gamit ang mga AC-130s and B-52s planes na nagbabagsak ng kumpul-kumpul na bomba.
04:11.6
Dumanas ang Laos ng katumbas na pambubomba every 8 minutes, 24 hours a day sa loob ng siyam na taon.
04:19.5
Natapos ang Vietnam War.
04:21.6
1975, ngunit sa pagtapos ng gyera, ay hindi doon nagtapos ang kalbaryo ng Laos.
04:28.1
Dahil kahit almost 50 years na ang nakalipas, ay matindi pa rin ang pinsalang hatid ng mga bomba.
04:35.1
Gaya ng nabanggit, simula 1964, tinatay ang 50,000 Lao ang namatay o nasugatan dahil sa mga lumang bomba.
04:43.3
At simula 2011 hanggang 2020, 54% ng mga biktima ay mga bata.
04:51.6
Noong 1994, nagsimula ang clearing operation ng Organisasyong Mines Advisory Group, at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-aalis nila ng mga UXO sa Laos.
05:04.5
At ang Amerika din ay patuloy ang pagtulong sa pag-aalis ng mga UXO sa Laos.
05:10.5
The United States will double our annual funding to 90 million dollars over the next three years to help Laos expand its work.
05:16.5
UXO o Unexploded Ordinances.
05:20.5
Ito ang tawag sa mga hindi sumabog na mga bala, grenades, at mga bomba.
05:26.1
Ayon pa sa pananaliksik ng Congressional Research ng Amerika, ay pusibling umabot ng 100 years bago tuluyang makamit ang UXO-free na Laos.
05:36.5
Matagal at mahirap ang pag-aalis sa natitirang 80 milyong hindi sumabog na mga bomba.
05:42.8
Pero higit na mahirap ay burahin ang mapait na alaalang hatid ng pag-ulan ng bomba sa Laos.
05:49.7
Isang bansang nagnais na maging neutral para makaiwas sa digmaan, pero naging biktimang pinagkaitan ng kapayapaan.
05:58.8
Nagustuhan niyo po ba ang content natin ngayon? Kung oo ay mag-comment ng Big Yes.
06:04.1
This is your Ate O from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.