Close
 


May Walking Pneumonia Ka Ba? Nandito ang Gamutan. Payo ni Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
May Walking Pneumonia Ka Ba? Nandito ang Gamutan Payo ni Doc Willie Ong 1. Kadalasan ito ay galing sa bacteria ( Mycoplasma) na nagdudulot ng mild pneumonia. 2. Ubo, lagnat, masakit lalamunan at panghihina ng katawan ang sintomas. 3. Depende sa eksamen ng doktor, pwede bigyan ng antibiotics ang pasyente. Alamin ang Paliwanag. https://youtu.be/vxtNMwv7GVk
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 06:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.8
Magandang araw po, Doc Willie Ong. Meron akong magandang topic sa inyo.
00:06.0
Meron ba tayo nito minsan? Walking pneumonia. Tingnan nyo ito po. Walking pneumonia.
00:12.3
Ano ang ibig sabihin ng walking pneumonia? Nakakatakot pakinggan.
00:17.7
Naglalakad yung tao, malakas, kaya niya, pero may pulmon niya na siya sa baga.
00:23.9
So, maraming klase ng pulmon niya. Yung ganito, actually, mas malala itong pneumonia.
00:30.9
Ito yung regular na pneumonia. Pero meron ding pulmon niya, pakita natin itong x-ray,
00:37.2
na medyo parang papatsi-patsi.
00:40.6
Atypical pneumonia, at kadalasan, ito yung walking pneumonia.
00:45.3
Nakita nyo, may mga bakteriya dyan sa baga.
00:50.0
Sa walking pneumonia, also called atypical pneumonia,
00:53.9
yung mga sintomas, inuubo, nilalagnat, papakita ko mamaya.
00:57.9
Ang gamutan ay antibiotics. At mga pag-inom ng tubig, pakita natin dito.
01:04.4
Ito yung normal na baga natin. Okay, uubo.
01:07.9
Sample sa uubo, walang laman. Ito, pag uubo, may plema.
01:12.9
May plema siya. Ito ang mga symptoms ng walking pneumonia.
01:17.4
Kadalasan, ito po yung bakteriya. Mycoplasma. Lagi daw inuubo.
01:22.9
Masakit ang dibdib.
01:24.4
Nagkakaubo. Hindi dahil meron siyang sakit sa puso.
01:27.9
May sipon. Pag pinakinggan ng doktor yung baga, tumutunog.
01:32.9
Minsan, nagtatae. Laging may lagnat. Laging masakit ulo.
01:37.9
Masakit din yung katawan. At minsan, tumutunog na yung baga at hinihingal.
01:43.9
Okay? So, ito po. Pakita ko sa inyo. Ito yung pasyente. Naglalakad. Walking pneumonia.
01:50.9
Okay?
01:52.4
Pag inom ng tubig, napakalaking bagay. Kailangan mga 10 to 12 glasses.
01:56.9
Kasi pag uminom tayo ng maraming tubig, mahugasan yung dumi, dumi sa katawan, magkaganda yung kidneys.
02:04.9
Kailangan mo rin tubig para bumaba yung lagnat. Okay?
02:08.9
So, ang ibig sabihin ng walking pneumonia, yan ang tawag namin. Kung pasyente may pulmonya, pero malakas-lakas naman.
02:15.9
Actually, mas mild form nga siya. Mas hindi siya nakakatakot.
02:19.9
Mas nakakatakot yung regular pulmonya na baldado sa hospital nakahiga. Okay?
02:26.9
Nakakahawa ba? Opo, nakakahawa. 10 days siya nakakahawa sa pagbahing, pag-ubo.
02:34.9
Pag malapit ka sa kanya, pwede ka mahawa. Lalo na kung mahina ang katawan. Okay?
02:40.9
Yun na nga. Yung mga sintomas na sabi ko na ipapa-X-ray siya ng doktor, makikita na sa X-ray.
02:45.9
Pero minsan po sa X-ray, delayed.
02:48.4
Kunyari, may lagnat kayo, inuubo kayo, may plema, tapos pina-X-ray kayo ng doktor, normal.
02:55.4
Normal. Huwag kayo muna mag-rejoice kasi may radiologic lag.
03:01.4
Ibig sabihin, nilagnat ka ngayon, may bakteriya ka ngayon, pero X-ray mo malinis.
03:06.4
Ibig sabihin, papunta pala yung bakteriya, baka nandun hindi pa nakikita.
03:10.4
So, panaghintay ka ng isa-dalawang araw, doon lilitaw. Hindi po kaya normal X-ray ay normal na.
03:18.4
Pwedeng normal X-ray, na-delay lang yung paglabas ng puti-puti sa baga. May ganun eh.
03:24.4
Kaya, symptoms pa rin tinitingnan namin.
03:27.4
Prevention, walang bakuna sa mycoplasma infection, yung sinasabi ko. Kumain ng kain pa rin ng regular.
03:35.4
Hugas ng kamay palagi, bawal man ni garilyo. Alam nyo naman po, sigarilyo, air pollution, makakasira sa baga, takpan ng bibig.
03:44.9
At, ang napakalaga, bukod sa pag-inom ng tubig, binibigyan ng antibiotics.
03:50.9
Hindi kayo makakabili ngayon ng antibiotics basta-basta. Siyempre, bawal. Pag naguhula-hula lang.
03:56.9
Pero, tinuturo ko na rin po sa inyo, para at least may idea kayo kung anong gamot na binibigay.
04:02.9
Ito po, focus natin, medyo maliit. Ito, pang-doktor na ito eh. Pero, at least alam ninyo, sa community-acquired pneumonia, sa pulmonya,
04:12.4
merong outpatient, ibig sabihin, sa labas ng hospital lang siya. May pulmonya, pero pwedeng hindi i-admit.
04:20.4
Ito yung tinatawag na parang walking pneumonia. Okay? Outpatient eh. So, naglalakad. So, ito yung mga binibigay naming gamot.
04:28.4
Pinuwento ko na sa inyo, azithromycin, mga 3 days to. Itong mga may mycin, clarithromycin, erythromycin, usually, mga 7 days. Pwede rin ito.
04:38.4
Pero, kung medyo malala na, let's say, naggamot na dati.
04:42.4
May diabetes yung pasyente. May heart failure. Tapos, may pulmonya pa. Kulang na ang isang azithromycin lang. Kulang na ito.
04:53.4
Dadagdagan mo pa. So, itong nauna, dadagdagan mo pa ng isa. Usually, mga co-amoxiclab eh. Ito. Okay? Maraming brand name.
05:03.4
Ito po, alam nyo na ito. So, 1 plus 1, dalawang iniinom na gamot para sa walking pneumonia. Kung medyo malala.
05:10.9
Pero, kung very mild, isa lang.
05:13.9
Ngayon, pag na-admit naman sa ICU, let's say, ito. Na-admit sa ICU, ay mas maraming gamot binibigay. May IV antibiotics.
05:21.9
Pero, pag inpatient, wala naman sa ICU, ganon pa rin. Merong mga moxifloxacin plus binibigay ng antibiotic na nasa swelo.
05:31.9
Okay? Simple lang po ito. May regimen yan. At least, alam ninyo.
05:37.4
Paano man nalaman kung walking pneumonia o kailangan ma-admit? Depende sa katawan ng pasyente.
05:43.4
Merong iba, paubu-ubo lang. Pero, may pulmonya, malakas, nakakatrabaho. Eh, outpatient na lang.
05:50.4
Pero, kung may edad, mahina katawan. Mararamdaman nyo naman na medyo mahina. Pahinga muna tayo 1 to 2 weeks.
05:57.4
Para hindi makahawa sa iba. Pahinga talaga, number 1. Pilit mo itulog, higa. Kain pa rin ng marami, kahit walang gana. Tuloy yung antibiotics.
06:05.9
Ito, iniinom po. Mas maganda after meals para hindi sumakitante yan. At inom ng maraming tubig, 10 to 12 glasses.
06:12.9
Okay? Bakit tinatamaan? Traffic, stress, maraming iniisip. Lahat yan. Nakakahina ng immune system.
06:21.9
Mas mabilis tayo tamaan ng pulmonya. At kung tatamaan man tayo, okay na itong walking pneumonia kaysa doon sa serious pneumonia sa hospital na mas delikado at mas binabante.