Close
 


Paano Ninakaw Ng Amerika Ang Hawaii?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano nga ba pinabagsak ng mga Amerikano ang Kingdom of Hawaii? Ang Hawaii ay isang dating malayang bansa na pinamumunuan ng Hari at Reyna. Pero sapilitan diumanong pinatalsik ng mga Amerikano ang Reyna ng Hawaii at inangkin ang bansa sa ilegal na paraan. At ngayon, ang Hawaii ay isa na sa mga estado ng Amerika. Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Aloha! Welcome to Hawaii!
00:02.7
Kilala bilang Paradise on Earth, may nagagandahang mga beaches at makulay na kultura.
00:09.1
Pero sa kabila ng ganda ng Hawaii, alam mo bang meron itong madilim na nakaraan?
00:15.0
Bago pa man ito naging parte ng Amerika, isa itong malayang bansa na pinamumunuan ng hari at reyna.
00:22.6
Pero sa pilitan di umanong pinatalsik ng mga negosyanteng Amerikano ang reyna ng Hawaii
00:28.6
at inangkin ang bansa sa iligal na paraan.
00:32.2
At alam mo ba, humingi pa nga ng tawad noon si dating Presidente Bill Clinton sa mga Native Hawaiians
00:38.9
sa pagpapabagsak ng kanilang kaharian.
00:41.7
Paano nga ba pinabagsak ng mga Amerikano ang Kingdom of Hawaii?
00:46.1
At totoo bang iligal ang kanilang ginawa?
00:51.6
Ang Hawaii ay ang panghuling nadagdag sa 50 na estado ng Amerika.
00:56.6
Binubuo ito ng mga volcanic islands.
00:58.6
Islands na matatagpuan sa Central Pacific Ocean.
01:02.3
Noong 19th century, nagsimulang tumira dito ang mga missionaries at mga negosyanteng galing sa Europe at Amerika.
01:09.8
Nahumaling sila sa isang produkto ng Hawaii at ito ay ang asukal.
01:14.8
Kaya nagtayo sila ng mga plantasyon at nag-export ng asukal sa Amerika.
01:19.5
Taong 1874 nang mahalal bilang hari si David Kalakua.
01:24.1
Sa panahong ito ay naging maunlad ang industriya ng asukal sa Hawaii.
01:28.6
Pero hindi lamang sa industriya ng asukal lumalawak ang kapangyarihan ng mga puting negosyante dahil lumalakas na rin ang impluensya nila sa nakaupong monarkiya.
01:38.8
Noong 1887, sa pamumuno ng mga abugadong si Lauren Thurston at Sanford B. Dole, bumuo sila ng isang grupo na tinawag na Hawaiian League.
01:48.8
Gumawa sila ng bagong konstitusyon na tinatawag na Bayonet Constitution at pinuwersa nila si King Kalakua na permahan ito.
01:58.1
Sa visa ng Bayonet Constitution ay nabawasan ang kapangyarihan ni King Kalakua.
02:03.9
Nawalan rin ang karapatang bumoto ang karamihan sa mga native Hawaiians samantalang nabigyan naman ang karapatan ang mga dayuhang residente.
02:12.7
At dito na nga na pa sa kontrol ng Hawaiian League ang mga isla ng Hawaii.
02:17.4
Pagdating ng 1890s, bumagsak ang presyo ng asukal.
02:21.5
Para patatagin ang ekonomiya ay nagpetisyon sa Amerika ang mga negosyante para i-annex o gawin ang asukal.
02:28.1
At gawing parte ng Amerika ang Hawaii.
02:39.8
Nang mamatay si King Kalakua noong 1891 ay humalili na ang kanyang kapatid na si Queen Lily Ocalani.
02:47.8
Ang unang naging hakbang ng reyna ay palitan ang Bayonet Constitution.
02:51.9
Gumawa siya ng bagong konstitusyon kung saan maaalisan ang karapatang bumoto ang mga dayuhan.
02:58.1
At palakasin ang kapangyarihan ng monarkiya.
03:01.2
Pero noong malaman ito ng Hawaiian League, itinuring nila itong isang revolusyon at isang pagtataksil.
03:08.2
Kaya bumuo sila ng bagong grupo na tinawag na Committee of Safety at nagsagawa sila ng CODETA.
03:15.3
Sa tulong ng US Marines, sinugod nila ang reyna at nagdemand na siya ay bumitiw sa pwesto.
03:21.8
Para maiwasan ang madugong labanan, walang nagawa ang reyna kundi sumuko noong January 17.
03:28.1
1893.
03:30.1
Binuwag ng Committee of Safety ang monarkiya at itinaas ang bandila ng Amerika.
03:36.1
Sa isang iglap, ang mga native Hawaiians na kung tawagin ay Kanaka Mauli ay ninakawan ng kanilang bansang kinagisnan.
03:44.1
Noong umapila ang reyna sa Amerika na ibalik siya sa trono, ay pinaimbestigahan ng nooy Presidente ng Amerika na si Grover Cleveland ang CODETA sa Hawaii.
03:54.1
At napagalaman ayon sa report ni Commissioner James Blount na ang mga tao sa Hawaii ay pumapanig sa kanilang reyna.
04:02.1
Tutol sila sa provisional government na itinatag ng Committee of Safety at lalong tutol sila sa annexation ng Amerika.
04:10.1
Ang US Marines ay umaksyon di umano ng walang pahintulot mula sa gobyerno ng Amerika.
04:16.1
Kaya masasabi daw talagang iligal ang pagpapabagsak sa monarkiya ng Hawaii.
04:22.1
Pagkakataon pa sa historian na si Tenant Mack Williams,
04:33.1
tinawag pa ni Presidente Cleveland ang CODETA na isang seryosong kahihiyan, kaya ipinag-utos niyang ibalik sa pwesto si Queen Lily Ocalani.
04:43.1
Pero tumutol ang Committee of Safety at sinabing legal ang kanilang ginawa at dahas lang ang makakapagpabuwag sa kanila.
04:51.1
Ayaw ni Cleveland na gumamit ng dahas, kaya ipinaubayan niya ito sa Kongreso na ayon sa National Geographic ay sang-ayon sa annexation.
05:00.1
Kaya noong July 4, 1894, naitatag ang Republic of Hawaii at itiniklara bilang Presidente si Sanford Dole.
05:08.1
Pagdating ng 1895, nasentensyahan ng kamatayan ang anim sa mga supporters ni Queen Lily Ocalani.
05:15.1
Bilang kapalit ng kanilang buhay, formal nang binitawan ni Queen Lily Ocalani ang kanya.
05:21.1
At dito na nga nagtapos ang monarkiya at ang kaharihan ng Hawaii.
05:26.1
Pagdating ng 1898, nung mangyari ang Spanish-American War, isinulong ni President William McKinley ang pag-annex sa Hawaii dahil sa strategic nitong lokasyon para sa pag-refuel ng mga pandigmang sasakyan.
05:40.1
Kaya noong August 1898 ay naging U.S. territory na ang Hawaii at naging estado naman ito noong 1959.
05:48.1
Pero alam mo ba, noong 1993 ay nilagdaan ni President Bill Clinton ang opisyal na paghingi ng tawad sa naging papel ng Amerika sa pagpapatalsik ng monarkiya noong 1893.
06:00.1
Kinikilala rin ito na hindi kailanman direktang binitawan ng mga native Hawaiians ang kanilang pag-angkin sa soberanya.
06:08.1
Pero sa kabila ng apology, ang mga kanaka-mauli ay nanatiling tanging katutubong grupo sa Amerika na walang political sovereignty.
06:17.1
Kung ano ang mga kanaka-mauli ay nanatiling tanging katutubong grupo sa Amerika na walang political sovereignty.
06:18.1
Kung nagustuhan niyo po ang content natin ngayon ay pakicomment po ng yes.
06:22.1
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!