Close
 


"NAGDASAL NANG TAIMTIM pero HINDI SA DIYOS!" | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
"NAGDASAL NANG TAIMTIM pero HINDI SA DIYOS!" | HILAKBOT TRUE PARANORMAL STORY 🔗 https://youtu.be/4kG8Y1KWAZE 🔴 STORY SENDER ► MAXINE Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► REBOUND_MO_LANG_AKO 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL Patreon ► https://www.
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 15:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Oras na naman na!
00:30.0
Bata pa lamang po ako, alam ko na hindi ako normal.
00:37.5
Hindi normal in a sense na bukas yung third eye ko.
00:43.9
Marunong akong mag astral projection, mag lucid dreaming at madalas ay nakikita ko po yung future sa loob ng fog.
00:54.4
I mean kapag meron pong fog tapos napasok po ako sa loob nun.
00:59.0
Madalas ay may kung anong mga larawan o imahe akong nakikita na para pong halusinasyon na hindi ko po talaga ma-explain.
01:09.4
Tapos ang lahat na nakikita ko doon ay nangyayari.
01:14.9
After a week, two months, basta nangyayari.
01:22.9
Ito po ay akin pong ihikwento kapag nakahanap ako ng time na magsulat muli.
01:29.0
At makapag-send sa inyo.
01:31.4
Pero ito pong aking ihikwento ngayon sa inyo ay nangyayari noong 2021.
01:38.5
Na-involve po ako sa isang relationship sa isang kasal ng tao.
01:46.4
Itago na lang po natin siya sa pangalang Mark.
01:51.0
Matagal ko na pong kilala si Mark.
01:53.4
High school pa lamang ay siya na po ang minsang nakakausap ko.
01:59.0
At not so very close naman.
02:02.6
Nagkakilala kami kasi naging boyfriend ko yung isa sa mga best friends niya.
02:08.3
Pero sa totoo lang, siya po talaga yung crush ko noon.
02:12.5
Kaya hindi rin nagtagal yung relasyon namin noong best friend niya.
02:17.9
High school at college po ako ay lagi ko nang pinagdarasal na sana ay maging close kami.
02:25.0
At sana siya ang magiging asawa ko.
02:29.0
Pero hindi po iyon nangyari.
02:32.1
Hanggang sa parang nagkahiwalay po ng landas.
02:35.2
Pero noong 2021, ewan ba kung bakit bigla-biglang nag-cruise ang aming mga landas dahil sa Facebook.
02:45.6
Sa katunayan, naalala lamang daw po niya ako at siya mismo ang unang nag-message sakin.
02:53.6
Doon na po muling na-establish yung communication namin.
02:58.0
Hanggang sa tumagal ay pareho na po kaming na-develop sa isa't isa.
03:03.0
Opo, nagtataasan ang kilay ng inyong mga tigapakinig.
03:09.0
Kasal po siya at merong isang anak.
03:13.0
Alam ko pong mali pero pilit pong dinajustify ng utak ko na hindi naman niya mahal ang asawa niya at pinakasalan lamang niya ito dahil nabuntis lamang niya.
03:25.0
Ilang buwan pa lamang po silang kasalan.
03:27.0
Nang mag-cruise ulit ang landas namin.
03:30.0
Kaya sinabi niya sa akin na kung sana hindi ako nahuli ng ilang buwan ay baka kami ngayon ang nagkatuluyan.
03:39.0
Yung relationship po namin ay sa chat at video call lamang dahil pareho po kaming nasa ibang bansa.
03:46.0
Isa po siyang seaman at nasa Switzerland naman na po ako.
03:51.0
Halos 6 months po yung naging relationship namin ni Mark.
03:54.0
Pero alam ko pong kapagtapos na.
03:57.0
Ang kontrata niya sa barko at uuwi na siya sa Pilipinas.
04:01.0
Doon na rin matatapos ang relasyon namin.
04:05.0
So habang papalapit po ng papalapit yung araw ng pag-uwi niya.
04:10.0
Nakakailang punit na ng kalendaryo at tiyak ko na kung kanino siya uuwi.
04:16.0
Doon ako nadidepress.
04:19.0
Dahil nga po meron akong ibang gift.
04:23.0
May isang gabi po noon.
04:25.0
Na taimtim po akong nagdasal pero hindi sa Diyos.
04:28.0
Kundi sa kung sino man ang makakarinig ng dasal ko.
04:35.0
Nagdasal po ako na sana maging byudo siya.
04:38.0
Na sana merong masamang mangyari sa asawa at anak niya.
04:43.0
Na sana mamatay po yung asawa at anak niya at ako yung papalit.
04:49.0
Alam ko rin po na sobrang mali ang humiling at magdasal.
04:54.0
Nang hindi maganda para sa kapwa.
04:57.0
Pero nang panahong iyon ay talagang nasasaktan ako.
05:02.0
Bata pa lang ako ay siya na talaga yung pinapangarap kong maging asawa.
05:08.0
Tanong ko nga po noon ay bakit pinagtagpo ulit kami kung hindi naman pala magiging kami sa bandang huli.
05:16.0
Kaya po masamang masama ang loob ko at yun ang tangi kong naidasal.
05:22.0
Tuwing gabi pinagdarasal ko na iyon.
05:26.0
As in taimtim kung taimtim talaga si Red.
05:31.0
Pinagdarasal ko po na sana ilang araw bago siya umuwi ay mangyari yung hindi niya inaasahan.
05:40.0
At noon nga pong umuwi siya pagkatapos ng ilang araw ay meron nga pong nangyari.
05:52.0
May isang umaga po na iba yung naramdaman ko.
05:56.0
Yung pakiramdam po ay parang merong hindi magandang mangyayari sa paligid mo pero hindi mo mawari kung ano.
06:05.0
So hindi ako mapakali kaya ang ginawa ko ay nagbrowse ako sa Facebook kung meron bang balita o masamang nangyari.
06:14.0
At eto, isang kapamilya po ni Mark ang namatay.
06:20.0
Gulat na gawin ako.
06:21.0
Gulat na gulat po ako nang malaman iyon.
06:24.0
Nginig na nginig ang buong kalamnan ko sa katawan nang makita yung post ng kapatid niya.
06:31.0
Namatay na lang daw po bigla ang tatay nila.
06:36.0
Sa hindi nga din po ma-explain ng kanyang kamag-anak eh wala naman pong inig ng kahit na anong malubhang sakit ang kanilang tatay.
06:47.0
As in namatay po itong nakaupo sa sala nila.
06:51.0
Habang natutulog lamang daw.
06:54.0
Hindi na daw po ito nagising at naaabutan na lamang ng nanay nila na akala ay tulog pero wala na palang buhay.
07:04.0
Nang hilakbot po talaga ang buong sistema ko nang malaman iyon.
07:10.0
Nasa isip ko po kung baka dahil sa dasal ko kaya namatay yung tatay niya.
07:16.0
Pero bakit hindi yung asawa na siyang laging laman ng dasal ko?
07:21.0
Yun ang nagpapabalik balik na tanong ko sa aking sarili.
07:27.0
Masama pero wala po akong naramdamang guilt o anuman.
07:34.0
Yun po yung naisip ko sa mga panahong iyon.
07:38.0
And then side note.
07:40.0
Sabi ko nga wala po akong guilt, konsensya o kung ano pa man simula pa nung bata ako.
07:49.0
I don't care.
07:50.0
I don't care po kung medyo mapapataas yung kilay ng ilan sa inyong mga tiga pakinig.
07:57.0
Bahala na po kayong magkomento mamaya pag natapos ko ang aking kwentong to.
08:06.0
So sa pagpapatuloy.
08:08.0
Simula nung araw na iyon tila hindi na po nawala sa aking pakiramdam yung kakaiba o yung feeling ko na meron akong kasama kahit wala naman talaga.
08:20.0
And then mga ilang araw after po nun ay nag lucid dream ako.
08:25.0
Sa loob nun nangyari na habang naglalakad daw ako sa lugar na hindi ko naman alam kung saan ay may nakita po akong sumasabay.
08:36.0
Hindi po ako matatakutin.
08:39.0
Wala nga po talaga akong pakiramdam na ganun.
08:43.0
Pero nung panahon na iyon.
08:45.0
Sadyang hindi ko maipaliwanag ang nasa loob ng aking kakaiba.
08:48.0
So tumingin ako sa itsura nung nila lang na sumasama at sumasabay sa akin.
08:58.0
Hindi ko masabi kung lalaki o babae itong nila lang na ito.
09:04.0
Hindi ko rin ma-describe yung muka niya kasi iba po talaga.
09:09.0
As in walang words na makapagde-describe sa itsura nung muka ng mga ito dahil hindi talaga klaro.
09:18.0
Basta't purong itim yung mga mata niya.
09:21.0
May malalaking hikaw sa gitna ng ilong na parang ganun sa mga kalabaw.
09:28.0
Meron din po siyang sinasabi sa akin na nasa ibang lenguahe na hindi ko alam kung bakit hindi ko maintindihan.
09:38.0
Sabi niya po sa akin matagal na daw po siyang nakabantay sa akin kaya hindi daw dapat ako matakot.
09:46.0
Bukod pa doon si Red, sa ibang lenguahe pa rin po niya ito winiwika pero tila nagtatranslate sa pamamagitan ng pagtitig ko sa kanyang bibig ang lahat ng mga lenguaheng iyon.
10:01.0
Hanggang sa parang kalaunan ay naintindihan ko na bukod sa hindi nga daw po niya ako sasaktan ay pwede daw akong humiling ng kahit anumang gustuhin ko sa kanya.
10:14.0
Sinabi niya po sa akin na hindi ko matakot.
10:15.0
Sinabi niya po na sinadya niyang hindi matupad yung dinasal ko noong mga nakaraang gabi dahil parang yun daw po ang sample na ipinakita niya sa akin na kaya niyang ibigay ang lahat ng hiling at dasal ko.
10:28.0
Kung gusto ko pa raw ituloy ulit ang dasal na mamatay ang asawa't anak ni Mark, ang kailangan ko lamang daw na gawin ay magdasal lamang ng paulit ulit upang iyon ay tunay na maganap.
10:45.0
Nang mga sandaling iyon si Red ay hindi ko po talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
10:51.0
Sinabi ko po sa kanya na hindi ko nahihilingin iyon dahil masama na din ang loob ko kay Mark.
10:58.0
Hahayaan ko na lang siya sa buhay niya at magmove on na lamang ako.
11:05.0
Pagkasabi ko po noon kitang kita ko ang pagngisi niya.
11:11.0
Alam ko na naintindihan niya.
11:14.0
Ang aking mga sinabi.
11:17.0
At wala nga pong ilang segundo matapos kong bitawan ng mga salitang iyon si Red, bigla na lamang po siyang nawala.
11:26.0
Pagkatapos nga po noon ay nag move on na lamang ako kay Mark.
11:32.0
Iniisip ko na lang po na casualty yung tatay niya.
11:37.0
Na ganun talaga ang buhay at hindi talaga napagbigyan ang hiling ko.
11:43.0
Pero yung pong nila lang na nagpakita sa akin.
11:47.0
Alam ko po na hanggang sa ngayon ay sumasama pa rin sa akin.
11:54.0
Para siyang counterpart ng Guardian Angel.
11:58.0
Dito ko po talaga mapapatunayan na meron din tayong Guardian Devil.
12:05.0
Nagpapakita pa rin siya sa lucid dreaming ko at minsan ay sumasabay sa astral projection ko.
12:12.0
Pero hindi po ako nakakaramdam ng takot sa kanya.
12:16.0
Totoo nga po siguro yung laging sinasabi ng mga kapamilya ko dati sa akin noong ako ay bata pa.
12:24.0
May sa demonyo daw ako.
12:27.0
Kaya demonyita ang tawag nila sa akin noon.
12:34.0
I admit si Red, masama akong tao.
12:38.0
At alam na alam ko naman yun.
12:40.0
At hindi na po kailangang ulit-ulitin pa ng mga mabibwisit o kaya ay maiinis sa akin.
12:49.0
Sinasabihan ako dati na masama yung ginagawa ko.
12:54.0
Kaya mas lalo ko patuloy ginagawa.
12:57.0
Nasisiyahan po ko sa tuwing sinasabi nilang masama ako.
13:02.0
Hindi ko po maipaliwanag kung bakit iba yung level ng saya na naidudulot sa akin sa tuwing naririnig ko.
13:08.0
Hanggang dito na lamang po muna siya Red.
13:17.0
Sa susunod ka na po ibabahagi yung iba ko pang kasamaang ginawa.
13:21.0
Pero for the record, yan po yung first time na may namatay talaga.
13:38.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media.
13:48.0
Supportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media. Check the links sa description section.
13:55.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
14:03.0
Supportahan din ang ating mga brother channels.
14:06.0
Tindak short stories for more one-shot Tagalog horrors.
14:09.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
14:14.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
14:23.0
Mga Solid HTV Positive!
14:26.0
Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ng ating bunsong channel ang pulang likido animated horror stories.
14:34.0
Subscribe na!
14:36.0
Or else...
14:39.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
14:47.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!