Close
 


Paano Luminis ang Kidneys: Alamin ang Good Foods at Bad Foods sa Kidneys. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano Luminis ang Kidneys: Alamin ang Good Foods at Bad Foods sa Kidneys. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/vpciMDRiWGs
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Kaibigan, marami po nagtatanong sa akin,
00:03.1
paano maging healthy ang kidneys natin?
00:06.0
Paano daw aalisin yung mga bato, yung mga dumi sa kidneys natin?
00:11.9
O ganito po ah,
00:13.6
pag ang kidneys, maraming pwedeng sakit eh.
00:16.1
Pwedeng kidney disease,
00:18.7
pwedeng magkakaroon ng mga bato-bato,
00:21.6
ayan o, di ba? Masakit yan mga bato.
00:24.1
So paano daw aalisin para maging healthy ang kidneys natin?
00:28.4
Tuturo ko po sa inyo, pati yung mga pagkaing mabuti at masama sa kidneys.
00:34.4
Okay?
00:36.1
Ayan.
00:37.0
Simpleng-simple.
00:38.2
Kung gusto natin maging healthy ang kidneys natin,
00:40.7
malinis yung mga dumi,
00:42.5
kailangan iinom ng maraming tubig.
00:44.6
Ayan ang pang-flush natin sa kidneys natin.
00:48.0
10 to 12 glasses everyday.
00:50.3
Ako nga, mas gusto ko nga eh, kahit sa gabi.
00:53.1
O kahit gabi na eh,
00:54.5
misang gigising nila ako madaling araw
00:56.4
kasi pag hindi ako maiinom sa gabi,
00:59.0
misan magiging very yellow.
01:01.2
Oo, lalo na.
01:02.4
Yung mga may kidney stones,
01:03.8
kahit sa gabi, pinapainom ng tubig eh.
01:06.0
Para ayaw mong maging madilaw masyado ang kidneys.
01:09.8
Pag madilaw na ihi mo, inuman mo na agad.
01:12.1
Yan talaga, panlaban natin yan sa sakit sa kidneys.
01:16.0
Second, yung sa diet natin, sa kinakain.
01:20.1
Ang masama sa kidneys na bawal o iiwasan yung maalat.
01:24.9
Yung talaga kalaban.
01:26.4
Pag sobra alat, patis, toyo, actually ketchup eh.
01:31.2
Ketchup, high salt din, bawasan din yung ketchup.
01:34.2
Delata, noodles, chichiria.
01:37.6
Pag sobrang alat ang kinakain,
01:39.6
pwede magmanas, pwede tumaas ang blood pressure.
01:43.6
Pag tumaas ang blood pressure, yan ang number one cause.
01:47.6
Number one, number two cause ng kidney failure sa Pilipinas.
01:51.6
High blood.
01:52.6
Bakit na high blood? Sobrang alat.
01:54.6
Mga delata.
01:56.0
Kung mahili kayo lagi sa delata, napaka-alat.
01:59.0
Pagkakain sa karinderiya, sa restaurant.
02:02.0
Naku, inaalatan talaga masyado sa mga nagluluto sa mga chef.
02:06.0
Baka pwede mas matabang na lang konti.
02:08.0
Bigyan mo na lang ng asin o toyo.
02:11.0
Parang choice na nila kung gusto pa nila dagdagan.
02:14.0
Tingnan din yung mga binibiling pagkain.
02:17.0
Piliin yung mas low sodium. Tingnan nyo yung ingredients.
02:21.0
Ang healthy talaga sa kidneys, sari-saring prutas.
02:25.0
At gulay. Fresh, mas maganda.
02:28.0
Anong klaseng prutas at gulay?
02:31.0
Mansanas, ubas, strawberry, mga onions, tomatoes, kamatis, sibuyas, talong, cauliflower, itlog.
02:42.0
Pwede ang isda.
02:44.0
At any mga leafy green vegetables.
02:47.0
Wala naman talagang bawal.
02:48.0
Alam ko may ibang nagsasabi na baka bawal yung sobrang spinach, sobrang asparagus.
02:54.0
Actually, hindi naman gaano. Pwede naman po.
02:57.0
Bored sila doon sa mga oxalate daw. Baka mag-cause ng kidney stones.
03:01.0
Hindi naman. Kumain lang kayo ng itong gulay. Damihan lang pag-inom ng tubig.
03:05.0
Healthy po pa rin yan. Mas okay pa rin yan.
03:08.0
Basta bawas lang doon sa alat.
03:10.0
Pagdating sa paglinis, alam ko marami kayong nababasa na kidney cleansing.
03:17.0
Itong mga healthy na shakes, wala naman masama. Healthy naman talaga ito.
03:21.0
Pwede sa kidneys, pwede sa liver.
03:24.0
Pero wala talagang scientific na pag-aaral nagsasabi na pag ininom mo ito, gagaling ka na.
03:31.0
Hindi po ganoon.
03:33.0
Pero siyempre, pag kinain mo, puro french fries, puro mga alat.
03:37.0
Magkakasakit tayo agad doon.
03:40.0
Kung dito, at least neutral ang efekto sa kalusugan o mas healthy pa.
03:46.0
Ang issue ko lang sa mga shakes, kung meron kayong diabetes.
03:50.0
Kung may diabetes kayo, baka hindi pwede masyado maraming fruits.
03:53.0
Baka isang baso lang.
03:56.0
Kasi matamis din siya.
03:58.0
Ayoko masyado matamis eh.
04:00.0
Pero kung healthy kayo, nag-exercise, pwede po ito.
04:03.0
Itong mga vegetables, mga pipino na shake, pwede yan.
04:07.0
Gulay pwede kahit diabetic ka.
04:09.0
Tsaka, mas healthy din naman yung prutas mismo, yung gulay mismo.
04:14.0
Kasi may fiber yun eh.
04:16.0
Ito mas wala ng fiber.
04:18.0
Pero mas madali lang inumin.
04:20.0
Okay?
04:21.0
So yan.
04:22.0
Ito yung natural juice.
04:23.0
Panglinis din yan sa kidneys natin.
04:25.0
Pagdating sa mga tableta, kailangan mag-iingat tayo.
04:29.0
Actually, mas concerned nga tayo sa mga dietary supplement, herbal supplement.
04:35.0
Tanong nyo muna sa doktor nyo.
04:37.0
Kasi lalo na yun, nabibili sa ibang bansa.
04:39.0
Mahirap po eh.
04:40.0
Meron doon, may side effect din eh.
04:43.0
Paalam nyo muna sa doktor nyo.
04:45.0
Kahit sa vitamins, ang gusto ng mga nephrologist.
04:49.0
Pag vitamin C, 500 mg.
04:51.0
Ayaw nila masyado mataas.
04:54.0
Like kay doktora Montemayor, isang nephrologist.
04:57.0
Sabi niya, pag 2,000 mg. ng vitamin C para sa kanya,
05:01.0
masyado mataas na sa kanya yun eh.
05:04.0
Baka magkaroon ng kidney stones.
05:06.0
Lalo na kung prone kayo.
05:08.0
Doon lang tayo sa tamang dosis ng vitamins.
05:11.0
Huwag na masyado yung high dose.
05:13.0
High dose ng vitamins.
05:15.0
Kasi pag sobra, iniihirin natin eh.
05:17.0
Isa pang maganda na pampalakas ng kidneys,
05:20.0
yung pag-exercise.
05:22.0
Pag nag-exercise tayo, gaganda yung daloy ng dugo sa kidneys.
05:27.0
Pero, tamang exercise.
05:29.0
Bawal din po ang sobra exercise.
05:32.0
Anong sinasabi ko?
05:34.0
Let's say, marathon runner ka.
05:36.0
Pwede kung sanay ka.
05:38.0
Pero, pag sobra kasing exercise,
05:41.0
minsan nasisira din yung muscles eh.
05:43.0
Pag nasisira yung muscles,
05:45.0
pwede makapahirap sa kidneys.
05:48.0
Tulad ng misa sa boxing,
05:51.0
yung talagang na bug-bug, sarado,
05:54.0
o nasisira din yung muscles.
05:56.0
Sa hazing.
05:57.0
Diba sa hazing, pinapalo yung tao?
06:00.0
Pag pinalo sa hita,
06:01.0
nadudurog yung muscles.
06:03.0
Kaya namamatay yung mga na-hazing sa kidney failure.
06:07.0
Kidney failure ang...
06:09.0
Kaya kung meron kayo mga hazing dyan,
06:11.0
inuman nyo muna ng dalawang basong tubig beforehand.
06:15.0
Kasi hirap ang kidneys sa maraming proteins.
06:17.0
So hazing, boxing, sobrang exercise, sobrang marathon,
06:24.0
ingatan ang kidneys.
06:26.0
Kasi ayaw ng kidneys na sobrang protina.
06:28.0
Lalo na yung nadudurog na protina.
06:30.0
Speaking of protein,
06:32.0
hirap din ang kidneys kung puro protein ang kinakain.
06:36.0
Kaya nga, yung mga may kidney failure,
06:39.0
kita mo, halos low protein sila.
06:42.0
Ang karne nila napaka-konti na lang.
06:45.0
Yung mga nagda-dialysis,
06:47.0
o malapit na mataas na creatinine,
06:50.0
sasabihin sa kanila,
06:51.0
yung karne, hiwain mo na lang na maliliit-liit.
06:54.0
Kasi maraming protina,
06:56.0
hirap yung kidneys.
06:57.0
Lalo na kung may depresya na.
06:59.0
Ngayon kung healthy pa kayo,
07:01.0
pwede naman kumain ng protina.
07:02.0
Huwag lang siguro yung puro karne na lang kinain,
07:06.0
wala ng carbohydrates,
07:09.0
o hindi rin maganda.
07:11.0
Hirap yung kidneys sa protein.
07:13.0
Kaya tama-tama lang.
07:15.0
Quit smoking, sigarilyo, masama.
07:18.0
Nakakasira din.
07:20.0
Pagdating sa gamot,
07:22.0
para sa akin, safe yung gamot sa high blood at diabetes.
07:26.0
Kasi ang number one, number two cause,
07:29.0
bakit ba nasisira ang kidneys natin?
07:31.0
Number one, may diabetes yan, di ginamot.
07:33.0
Nasira ang kidneys after five years.
07:35.0
Nag-dialysis.
07:36.0
May high blood, nakakasira ng kidneys.
07:39.0
Merong glomerulonephritis, isang infection yun.
07:43.0
Meron ding pain relievers.
07:44.0
Kakainom ng pain relievers, nasira ang kidneys.
07:47.0
Meron din po yun.
07:48.0
So, pag ang high blood, diabetes mo, hindi nakuha sa jeta,
07:54.0
hindi nakuha sa pagpapapayat,
07:56.0
binigyan kayo ng gamot, safe po yun.
07:58.0
Kasi pag hindi nyo nga ininom, lalong masisira.
08:02.0
Tsaka binigay naman ng doktor yan.
08:04.0
Wala pong problema.
08:06.0
Basta sa tamang dosis, yung pampahaba ng buhay.
08:10.0
Ang iniiwasan nating gamot o tablet,
08:12.0
para maprotektahan ng kidneys.
08:16.0
Alam na alam ito ng mga doktor.
08:18.0
Pain relievers.
08:20.0
Kaya nga, pag maraming advertisement masyado ng pain relievers,
08:23.0
medyo kinakabhan ako.
08:25.0
Dadami na namang kidney failure sa atin.
08:27.0
Anong pain relievers?
08:29.0
Mga ibuprofen, mefenamic acid, lahat yan.
08:32.0
Lahat ng mga pain relievers,
08:34.0
NSAIDs ang tawag.
08:36.0
Ngayon, pwede naman uminom, short time.
08:40.0
Siguro.
08:41.0
Tatlong araw.
08:43.0
Pinakamatagal, isang linggo.
08:45.0
Tigil nyo na.
08:46.0
Pero ako, one or two days lang ako.
08:49.0
Kung masakit ang ulo, masaj mo na lang.
08:52.0
Masakit ang kamay, lagyan na lang ng hot pack o cold pack.
08:56.0
Birang-bira ako uminom ng pain relievers.
08:59.0
At most, paracetamol. Safe.
09:02.0
Pero yung pain reliever kasi, merong ibang tao,
09:05.0
one to two days lang uminom ng pain reliever,
09:08.0
nasisira na yung kidneys.
09:09.0
Yung iba naman, ginagawang,
09:11.0
bitamina yung pain reliever.
09:13.0
Konting sakit ng ulo, may pain killer agad.
09:16.0
Hindi po maganda.
09:19.0
Kahit i-research ninyo,
09:21.0
pain killer, pag sobra,
09:23.0
kung di naman kailangan,
09:25.0
iwas na lang po tayo.
09:27.0
Piliin natin yung procedure na mas safe para sa kidneys.
09:31.0
Yung mga hot pack na lang tayo.
09:34.0
Tapos, isa pang iingatan natin sa kidneys,
09:38.0
lalo na kung may edad na,
09:39.0
pag pumunta po kayo sa ospital,
09:41.0
kung merong mga medical procedures,
09:43.0
ang angiogram, CT scan, MRI,
09:47.0
alam ko nilalagyan ng contrast yan.
09:49.0
I-check nyo muna.
09:51.0
Ipasure natin na kaya ng kidneys ninyo.
09:55.0
Minsan kasi, like yung tatay ko dati,
09:58.0
normal ang creatinine, pero may edad na siya.
10:01.0
Nalagyan siya ng contrast dye.
10:03.0
May ginawa sa kanya.
10:05.0
Pag uwi niya, kidney failure kami agad.
10:07.0
Hindi na umihi.
10:09.0
Doon siya napaaga na matay.
10:11.0
Kasi nga, pag nagkakaedad tayo,
10:13.0
humihina na ang kidneys.
10:15.0
Diba?
10:16.0
Tapos, meron pa mga injury.
10:19.0
Ipaalam nyo lang sa doktor.
10:21.0
Meron naman silang paraan para protectahan yung kidneys.
10:24.0
Binibigyan ng tubig beforehand,
10:26.0
niloload ng swero.
10:28.0
Ganun po.
10:30.0
Okay?
10:31.0
Sintomas.
10:32.0
Anong sintomas pag mayroon ng kidney problem?
10:35.0
Ito po.
10:36.0
Late na symptoms na ito eh.
10:37.0
Pag meron kayo nito, late na ito.
10:39.0
Hindi na umiihi.
10:40.0
Humihina na ihi.
10:41.0
Late na yun.
10:42.0
Nagsusoka.
10:43.0
O, ah,
10:45.0
nangangati.
10:47.0
Nagmamanas na.
10:48.0
Nahihirapan huminga.
10:50.0
Yan, namamaganay mo ka.
10:52.0
Late na ito.
10:53.0
Ang early is,
10:55.0
pag early, wala pa ganong symptoms eh.
10:58.0
Magkaka-symptoms lang kung malala na eh.
11:01.0
Ganun ang problema dito.
11:03.0
At palagay ko, pinaka-early check mo yung ihi nyo.
11:06.0
Kung ang ihi nyo mabula masyado, mabula,
11:09.0
ibig sabihin may protina doon.
11:12.0
So, para malaman, early,
11:14.0
pag ang ihi nyo mabula, pa-urinalysis.
11:17.0
Oras na may protina sa ihi, bad sign yun.
11:22.0
Kailangan pa check na tayo sa kidney doctor at nephrologist.
11:26.0
Oras na may protina.
11:28.0
Pag tumaas ang creatinine, hindi na rin magandang sign yun.
11:32.0
Late na yun.
11:33.0
Late na yun.
11:34.0
Kasi nga,
11:35.0
oras na tumaas ang creatinine,
11:37.0
halos may sira na yung kidneys eh.
11:41.0
Ang unang stage, nangkakaroon ng protina.
11:44.0
Ba't nangkakaroon ng protina sa ihi?
11:46.0
Diabetic.
11:47.0
High blood.
11:48.0
Hindi nagagamot.
11:49.0
Sisira ang kidneys.
11:50.0
Tumakapon yung protein eh.
11:51.0
Okay?
11:52.0
Pag kidney stones naman,
11:54.0
kidney stones,
11:55.0
sobrang alat,
11:57.0
matatamis,
11:58.0
toyo, bagoong,
11:59.0
diba dito,
12:00.0
sa likod naman ang sumasakit.
12:01.0
Napakasakit ng kidney stones.
12:03.0
Ako,
12:04.0
naka-kidney stones na.
12:06.0
Kasi tinipid ko lang inom ko ng tubig.
12:08.0
Nung resident ako eh,
12:11.0
ayoko punta na punta sa CR.
12:13.0
Ang dami kong pasyente tinitingnan,
12:15.0
di ako gaano may inom.
12:16.0
Yan, na-kidney stones tuloy ako.
12:18.0
So, magtyaga na lang kayo sa kakapunta sa banyo.
12:21.0
Wala pong choice eh.
12:23.0
Talagang kailangan uminom tayo ng tubig.
12:25.0
Lalo na sa Pilipinas.
12:27.0
Tingin ko stone former tayo sa Pilipinas.
12:30.0
Chronic kidney disease.
12:32.0
High blood.
12:33.0
Diabetes.
12:34.0
Glomerulonephritis.
12:35.0
Yan ang top 3 causes.
12:37.0
Nahirapan umihi.
12:39.0
Namamaga.
12:40.0
Pag hindi natin ginamot to,
12:42.0
tumataas ng creatinine,
12:43.0
ito yung kinakatakot natin.
12:45.0
Dialysis.
12:46.0
O, kidney transplant na lang makakatulong sa atin.
12:50.0
Napakamahal yan po.
12:51.0
Sobrang mahal.
12:53.0
Okay?
12:54.0
So, yung mga tinuro ko po sa inyo,
12:58.0
itong mga tips,
12:59.0
ano pwede, ano bawal.
13:00.0
Ito po yung summary.
13:01.0
Yan ang summary.
13:02.0
Diba sinabi ko sa inyo?
13:03.0
Mga bawal para sa kidneys.
13:05.0
High salt.
13:06.0
Salt ang kalaban.
13:08.0
Sigarilyo.
13:09.0
Ito, sobrang kape.
13:11.0
Siguro kung 6 na tasang kape, sobrang na.
13:14.0
Sigarilyo.
13:15.0
Kulang sa tulog.
13:16.0
Sobrang stress.
13:17.0
Hindi umiihi agad.
13:19.0
Pinipigil ng ihi.
13:21.0
Kulang ang pag-inom ng tubig.
13:23.0
Diabetic.
13:24.0
High blood.
13:25.0
Uncontrolled blood sugar.
13:26.0
Ito, sinabi ko sa inyo.
13:27.0
High protein.
13:28.0
Masama sa kidneys.
13:29.0
Sobrang alak.
13:30.0
Ito.
13:31.0
Sobrang pain reliever.
13:33.0
Sinabi ko sa inyo.
13:34.0
Sobrang pain reliever.
13:35.0
At kung maraming mga infection sa katawan.
13:38.0
Isa pa pala dapat bawasan ang soft drinks na kulay itim or brown.
13:45.0
Diba may soft drinks na maputi lang.
13:48.0
Like 7up o Sprite.
13:50.0
Pwede yun kung gusto nyo.
13:52.0
Tubig nga mas gusto ko.
13:54.0
Pero yung dark colored na soft drinks,
13:57.0
mas maganda po iiwas na lang or bawas na lang.
14:00.0
Lalo na kung may kidney problem.
14:02.0
O kung may lahi kayo ng kidney disease.
14:04.0
Kasi yung mga dark colored,
14:06.0
may additive na phosphorus.
14:08.0
Pag maraming masyado nun,
14:10.0
masama sa kidneys.
14:12.0
O yung iba, ginagawang tubig ang soft drinks.
14:15.0
Hindi po.
14:16.0
Tubig talagang ang kailangan natin.
14:19.0
Okay?
14:20.0
So ito yung summary ng tips ko
14:22.0
para maging healthy ang kidneys natin.
14:24.0
Lalo na dito sa Pilipinas.
14:26.0
Tingnan nyo ito.
14:27.0
1 to 8.
14:28.0
Inuulit ko lang.
14:29.0
Exercise.
14:30.0
Tamang exercise lang.
14:32.0
Inom ng maraming tubig.
14:34.0
Bago mag-exercise.
14:35.0
Pagkatapos mag-exercise.
14:37.0
Hindi ma-dehydrate.
14:38.0
Control ang blood sugar at high blood.
14:41.0
Ito sinasabi ko sa inyo.
14:43.0
Ito.
14:44.0
Timbang.
14:45.0
Tama lang ang timbang.
14:46.0
Huwag masyado maalat ang kinakain.
14:48.0
Blood pressure.
14:49.0
Dapat control.
14:50.0
Tinuro ko na sa inyo.
14:51.0
Sigarilyo masama na kabara ng blood flow
14:55.0
sa renal artery.
14:57.0
Tubig.
14:58.0
Napakarami.
14:59.0
2 to 3 liters.
15:00.0
8 glasses to 12 glasses a day.
15:02.0
Lalo na kung may kidney stones.
15:04.0
Napakasakit nito.
15:05.0
Pwede mag-kidney failure dito.
15:08.0
Iwa sa pain reliever.
15:10.0
Alam naman ito na lahat ng mga doktor.
15:12.0
Hindi lang na-emphasize.
15:14.0
Kung pupwede hindi ganun kasakit,
15:16.0
huwag na lang.
15:17.0
Lalo na kung bata ka pa.
15:19.0
Baka matsambahan tayo ng kidney failure dyan.
15:22.0
At kung meron kayong lahi ng diabetes,
15:25.0
overweight sa pamilya,
15:27.0
mas maaga tayo magpapacheck.
15:29.0
Ang pupuntahan nating doktor ay nephrologist.
15:32.0
Kung may kidney problem.
15:34.0
Kung may kidney stone naman, urologist.
15:37.0
Sana pa nakatulong itong video natin
15:39.0
sa inyong kalaman.
15:41.0
God bless po.