Close
 


Sa Sobrang Laki Ng Circle Ay Makikita Ito from Outer Space
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa lupain ng New Zealand ay makikita ang isang napakalaking BILOG. Ano kaya ito? May misteryo kayang nababalot dito? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS* #awerepublic Bakit May Napakalaking Circle Sa New Zealand? - https://you
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Noong April 28, 2022, isang kakaibang larawan ang nakuna ng mga high-tech satellites ng European Space Agency mula sa kalawakan.
00:11.0
Isang tila-dambuhalang berding bilog ang nakuna ng litrato sa lupain ng New Zealand, at sa gitna nito ay merong napakaputing nakaumbok.
00:21.7
Ang bilog ay merong diameter na 19,000 meters. Napakalawak! Biroin nyo, kasha dito ang 180 na football field.
00:32.2
Pero ano kaya ang bilog na ito at ang puting nasa gitna nito? May misteryo kayang nababalot dito?
00:41.7
Maraming hiwaga ang kalikasan na patuloy ninagpapamangha sa atin. May mga likas na nalikha ng mga pagbabago sa mundo sa mahabang panahon.
00:50.9
May mga gawarin ng malilikhaing tao at mayroon ding mga hindi maipaliwanag at hanggang ngayon ay nananatiling misteryo.
01:01.0
Nariyan yung mga tinatawag na crop circles o mga dambuhalang bilog na makikita sa malawak na taniman ng trigo na nabuo sa pamamagitan ng pagtupi ng mga tanim para makalikha ng hugis-bilog.
01:14.4
Sa mahabang panahon ay may mga hakahakang maaaring marka itong naiwan ng mga spaceships.
01:20.9
O di kaya likha ng mga aliens. Pero kalaunan ay umamin ang mga landscape painters na sila David Chorley at Douglas Bauer na mahigit 13 years na daw nila palihim na ginagawa ang mga crop circles.
01:35.0
Naging malaking misteryo din ang mga di bababa sa 2,000 years old na mga big circles na matatagpuan sa Middle East. Ito ay gawa sa mga batong ilang talampakan lamang ang taas at bumubuo ng isang bilog na halos 400 meters.
01:50.9
12 ang natagpuan sa Jordan, isa sa Syria at dalawa sa Turkey. Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin linaw kung sino ang gumawa at ano ang dahilan ng pagbuo ng mga pabilog na bato.
02:05.2
Sa New Zealand naman, kung izu-zoom in mo sa Google Earth ang bahaging ito ng bansa ay agad makikita ang napakalaking bilog na ito. Matatagpuan ito sa North Island ng New Zealand.
02:18.4
At alam nyo ba kung ano itong kulay puti sa gitna? Isang bulkan na nababalot ng yelo. Ito ang Mount Taranaki o kilala rin sa tawag na Mount Egmont, isang stratovolcano.
02:32.5
Stratovolcano ang tawag sa mga bulkan na karaniwang may halos perfectong cone shape na nabubuo sa pagpapasabog nito ng lava, mga pirapirasong bato at pyroclastic flow.
02:44.4
Ang Mayon Volcano natanyag din sa perfectong cone shape nito.
02:48.4
Ang Mount Taranaki at Mount Mayon ay kapwalikha ng kalikasan na nabuo sa loob ng libu-libong taon ng paulit-ulit na pagsabog.
03:00.4
Ang Mount Taranaki ay isa sa mga pinakamataas na bundok sa North Island na may taas na 2,518 meters. Halos kasing taas nito ang tatlong pinagpatong na Burj Khalifa.
03:13.4
Pero di tulad ng Mayon na halos perfecto ang cone shape, ang Taranaki ay may pirapasabog.
03:18.4
At ito ang pangalawang cone, ang Phantom's Peak na may taas na 1,966 meters.
03:24.6
Pero ano naman itong berding bilog na makikita sa paligid ng bulkan? Sanhidin ba ito ng sumasabog na kalikasan?
03:32.1
Well, ang bilog na ito ay isang national park. Itinayo ito sa paligid ng Mount Taranaki.
03:38.9
Teka, park sa paligid ng bulkan? Di ba napakadelikado nun?
03:45.5
Noong 1881, itinilaga ng National Geographic.
03:48.4
Ito ay ginawa para ma-preserve ang paligid ng bulkan at makatulong sa pagdepensa laban sa flash floods at erosyon.
04:06.1
Ang area naman na sumasakop sa labi ng pagsabog ng bulkan ng Puwakhai at Kaitaki ay itinagdag sa reserba.
04:13.5
Hanggang pagsapit ng 1900, ang lahat ng lupaing ito ay itinalaga ng...
04:18.4
na bilang Egmont National Park.
04:21.1
Ano ba ang meron sa park na ito?
04:23.1
Ito ay binubuo ng makapal na kagubatan, habang ang mas di matingkad na verde sa paligid nito ay grassland o damuhan na ginagamit na pastulan o taniman ng mga magsasaka.
04:35.4
Ipinagmamalaki ng park ang mga walking o hiking trails nito, na riyan ang kamahi truck or goblin forest na kayang lakarin sa loob lamang ng 15 minutes.
04:45.5
Samantala, kailangan mo namang magbao ng mas maraming lakas para malibot ang Puwakhai Circuit sa loob ng 3 days.
04:53.9
Mamamanghaka rin sa ganda ng 18 meters kataas na Dawson Falls.
04:59.1
Pero sa kabila ng ganda ng Egmont National Park ay mayroon palang nakaabang na panganib.
05:04.9
Ang Mount Taranaki kasi ay isang dormant volcano.
05:08.5
Ibig sabihin, para itong natutulog sa ngayon, pero darating ang panahon na muli itong magigising.
05:15.1
At sasabog dahil ito'y aktibo pa rin.
05:18.8
Una itong sumabog mga nasa 130,000 years na ang nakalilipas.
05:24.0
Ang pinakahuling malakas na pagsabog naman ay naganap noong 1790.
05:29.2
Sinasabing overdue na daw ang pinangangambahang muling pagsabog nito.
05:33.9
Ayon kasi sa pag-aaral, sa nakalipas na 9,000 years, ang mga minor eruptions ng vulkan ay nagaganap tuwing ika-90 na taon.
05:42.5
Habang ang major eruption naman ay tuwing ika-500 na taon.
05:47.0
Ayon pa sa pag-aaral na isinagawa ng Massey University,
05:50.8
base sa mga naobserbahang seismic activity,
05:53.8
hindi malayong sumabog muli ang Mount Taranaki sa mga susunod na 50 years.
06:00.1
May dalamang panganib, hindi pa rin maitatanggi ang ganda ng Mount Taranaki.
06:05.3
Ang taglay nitong perfeksyon ay dinagdagan pa ng nakapalibot ditong National Park
06:10.7
na dambuhalang bilog.
06:12.2
Ang mga naobserbahang bumayang kung mamasdan mula sa kalawakan.
06:14.8
Patunay ang Mount Taranaki na kahit ang mapaminsalang pagsabog ay kayang magbunga ng isang likas na kagandahan.
06:22.4
Beautiful Disaster ika nga.
06:24.6
Samantala, ang Egmont National Park naman ay patunay na nasa kamay natin ang kakayahan
06:30.3
para mas mapaunlad ang biyayang ganda ng kalikasan.
06:34.7
Kung nagustuhan niyo po ang content natin ngayon ay mag-comment po kayo ng yes!
06:39.3
This is your ate O from our Republic.
06:42.2
muli and stay awesome!