Close
 


Vince Rapisura 2690: Pasko on a budget: Smart noche buena and media noche planning
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 04:50
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.1
Pasko on a Budget, Smart Noche Buena and Media Noche Planning
00:04.7
Mga kasosyo at kanegosyo, malapit na naman ang Pasko at syempre kasama dyan ang paghahanda para sa ating Noche Buena at Media Noche.
00:14.4
Pero teka, hindi ito tungkol sa kung paano tayo magpabonggahan, kundi paano maging masaya at praktikal sa ating handaan.
00:22.9
Tara, bigyan ko kayo ng tips na siguradong makakatulong para maging masaya ang Pasko ninyo nang hindi nagwawaldas.
00:32.0
Humanap ng kapalit, substitutes o alternatibo.
00:35.6
Una sa lahat, mag-isip tayo ng mga alternatibo.
00:38.9
Huwag yung mahal na apple pie a la mode.
00:41.9
Pwede nating palitan ng turon a la mode.
00:44.4
O di kaya yung fruitcake, gawin nating buko bibingka or bibingka topped with cheese at salted egg.
00:51.0
At yung seafood paella.
00:53.1
Subukan natin ang longganisa paella.
00:55.3
Mas mura, mas pinoy at siguradong patok sa panlasa.
00:59.6
Gumamit ng unbranded ingredients.
01:01.9
Isa pa, gumamit tayo ng unbranded ingredients.
01:05.1
Kadalasan, parehas lang naman ang lasa nila sa branded.
01:09.3
Pero mas mura.
01:11.3
Sa totoo lang, sa packaging nagkakatalo pero ang quality ay value for money.
01:17.2
Kaya ang karaniwang tawag dito ay mga produktong hubad.
01:21.4
Maghanap sa mga tsangge, talipapa o palengke ng mga unbranded ingredients.
01:27.2
Tamang dami ng pagkain.
01:29.2
Pagdating sa dami ng pagkain, tandaan na yung sapat lang para iwas sa sobra.
01:35.9
Mas masaya ang handaan na walang panis, diba?
01:39.1
Aminin, sayang ang pagkain na itatapon.
01:42.0
Literally, that's cash down the drain.
01:45.0
Tsaka nakakaumay ang mag-ubos ng handa pagkatapos ng Christmas at New Year.
01:49.7
Hindi na ito sing-sarap.
01:51.4
Nang bagong luto.
01:53.2
Bumili ng in-season at local ingredients.
01:56.6
Mga in-season at lokal na ingredients tulad ng atis, chico, dalanghita, lansones at papaya ang gamitin natin.
02:04.0
Simple law of supply and demand.
02:06.2
Kapag marami kasing supply ang isang bagay, mas mura ito dahil may sapat para sa lahat ng mamimili.
02:13.3
Bukod dyan, malaki pa ang suporta sa lokal na magsasaka.
02:18.6
Iwas pamahiin.
02:20.6
Iwas pamahiin.
02:21.2
Iwas pa nang pamapamahiin.
02:23.1
Naku, napapagastos lang tayo dyan.
02:26.0
Napapabili tayo ng bagay na hindi practical.
02:28.6
Example, sa New Year daw, dapat may labing tatlong bilog-bilog na prutas na hindi itimang buto.
02:34.9
O, ey!
02:36.2
Naku, maniwala kayo sa akin.
02:38.0
Masuswerthin sa pera ang di susunod dito.
02:41.5
Marami siyang may ipon at ang tunay na mahalaga, busilak na puso at mabuting gawa para sa mas masayang selebrasyon.
02:49.4
Sales at Discounts
02:51.2
Parang hidden treasures ang sales and discounts.
02:54.7
Kaya maging matalino at alerto sa mga ganitong pagkakataon.
02:59.4
Pero mga kasosyo at kanegosyo, huwag tayong magpapadala sa tukso.
03:03.2
Yung iba kasi, pag nakakita ng sale sign, nakakalimutan na ang budget.
03:08.1
Tandaan, kahit gaano pakalaki ang bawas presyo, kung hindi naman kailangan, hindi yun tipid.
03:14.5
Gastos yun.
03:15.8
Kaya stick to the plan at shopping list.
03:19.1
Sabayang Pagbili
03:20.2
Ito ay bulk buying at pasabay combined with a twist.
03:24.3
Ito yung bibili ka ng items in larger quantities on behalf of your family and friends para makakuha ng discount o ex-deals.
03:32.6
Halimbawa, papunta kang Baguio at mamimili ng mga gulay doon.
03:36.6
O, edikunan mo na ng order ang mga kaklose mo.
03:39.5
That way, mas may bargaining power ka sa tawaran dahil bultuhan ang bili mo.
03:44.2
Plus, menos pa sa transportation kasi minsanan na lang.
03:48.6
Community Celebration
03:49.3
Community Celebration
03:50.2
Isipin natin ito.
03:52.2
Sa halip na magkanya-kanyang handaan sa kanya-kanyang bahay,
03:56.6
bakit hindi tayo mag-organize ng isang malaking celebration para sa buong community?
04:01.9
Potluck style ang labanan dito.
04:04.1
Ending, mas makakamura ka dahil mapaghahati-hatian ninyo ang gastos sa paghahanda.
04:09.5
Parang bayanihan sa kainan, diba?
04:11.6
Ito'y isang paraan para mas lumakas ang samahan ng bawat isa.
04:15.6
Be merry!
04:16.8
Kaya mga kasosyo at kanegosyo,
04:19.0
sa paghahanda ngayong Pasko, hindi lang basta tipid ang habol natin.
04:23.8
Ang diwa ng Kapaskuhan ay ang maghatid ng kasiyahan at magtulungan.
04:28.5
Ang importante, nasa puso ang pagbibigayan at pagmamahalan.
04:33.4
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guru,
04:36.8
lagi nyong kasama sa pagyaman ng kaalaman.
04:40.0
Laging tandaan ang pagyaman na pag-aaralan at na pagtutulungan.
04:49.0
Pag-aaralan na pag-aaralan at na pagtutulungan.