Close
 


Bakit Hindi Tumutumba Ang Leaning Tower Of Pisa
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ito ang rason bakit hindi tumutumba ang sikat na Leaning Tower Of Pisa. Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #science #travel #engineering
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:50
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.1
Bakit hindi natutumba ang Leaning Tower of Pisa?
00:04.5
First time mo sa Italy, ang ganda pala ng bansang ito, nasabi mo sa sarili mo.
00:09.7
Nasa syudad ka ng Pisa, naglalakad.
00:12.8
Maya-maya pa, bigla kang nagulat nang may nakita kang napakataas na tower na tila natutumba.
00:19.8
Agad kang tumakbo pa palayo hanggang sa napagtanto mo na hindi pala natutumba ang tower.
00:25.7
Mukha lang dahil sa kakaibang tilt nito.
00:28.2
Sa videong ito, pag-uusapan natin ang Leaning Tower of Pisa, ang kwento nito at kung bakit hindi ito natutumba.
00:37.1
Noong 1172, isang mayaman na widow sa pangalang Donna Berta de Bernardo
00:42.2
ang nagbigay ng 60 soldi na siyang tawag sa sinaunang Italian coins sa opera Campanilis Petrarum Sancte Marie.
00:50.5
Ang perang ito ang ginamit ng gobyerno upang bumili ng mga bato na siyang ginawang foundation ng Pisa.
00:58.2
Pagkatapos ng isang taon, noong 1173, sinimulan ang pag-construct sa Pisa.
01:04.1
Inunan nila ang foundation bago nila inisa-isang i-construct ang mga floors ng tower.
01:09.9
Nagsimula ang problema nang sinimulan ng grupo ang pag-construct ng second floor ng tower.
01:15.5
Pagkatapos ng limang taon lamang, nagulat sila nang biglang lumubog sa lupa ang tower at nagsimulang mag-tilt.
01:23.4
Bakit nga ba?
01:24.3
Sa mga panahon iyon, ang mga pinakamagaling at pinakamagaling.
01:28.2
Matalinong architects at engineers ang trumabaho sa tower.
01:32.1
Gayunpaman, napakalimited lang ng kanilang knowledge dahil hindi pa advanced ang technology.
01:38.2
Higit sa lahat, wala silang alam tungkol sa importansya ng lupa na pagtatayuan mo ng tower.
01:44.3
Alam mo ba na ang Pisa ay ang Italian word para sa marshy land?
01:48.2
Sa madaling salita, ang lupa na pinagtayuan ng mga architects ay matubig at malambot.
01:54.7
Malabo itong makasuporta ng isang mataas na tower.
01:58.2
Pero hindi lang iyan ang problema.
02:00.7
Importante ang matatag na foundation para sa isang matibay na tower.
02:04.2
Kaya naman, isa sa mga problema ng Tower of Pisa ay ang napakaikling foundation nito.
02:09.7
Ayon sa data, 3 meters lang ang taas ng foundation na nasa ilalim ng lupa na kinatatayuan ng Pisa.
02:16.7
Napakaikli lang nito kung iisipin mo na magiging mataas ang tower na itatayo.
02:21.7
Nang matapos ang mga workers sa pag-construct ng pang-apat na floor, tumigil ang construction ng tower.
02:27.2
Nang pumasok ang pang-apat na floor, tumigil ang construction ng tower.
02:28.2
Pumasok sa ilang mga gera at labanan ang Republic of Pisa.
02:31.7
Laban sa Geno, Lucca at Florence.
02:34.7
Maganda ang naidulot ng pansamantalang paghinto na ito dahil nabigyan ng tsansa ang lupa na tumigas at mag-stabilize.
02:42.7
Umabot ng isang siglo bago pa nagpatuloy ang construction.
02:46.7
Noong April 12, 1264, pinili ng gobyerno ang architect at master builder na si Giovanni di Simon.
02:54.7
Sa mga panahong iyon, kilala si di Simon bilang ang head architect.
02:58.2
ng Campo Santo, isang historical edifice sa Cathedral Square ng Pisa.
03:03.7
Kasama ang 23 na workers, sinarado ni di Simon ang Leaning Tower upang pag-garalan ito at mag-isip ng paraan kung paano ito aayusin.
03:13.2
Tumagal ng walong taon ang pagsuri ng grupo sa tower at noong 1272, sinimulan na naman ang trabaho sa Leaning Tower of Pisa.
03:23.2
Upang mabalans ang pag-tilt ng tower, nag-construct ng mga floors ang grupo
03:27.7
ng mga upper floors na mas mataas ang isang gilid upang ilagay sa parte ng tower na may tilt.
03:34.2
Hindi ito umubra dahil mas lumubog pa ang tower at mas nag-tilt ito.
03:39.7
Sa mga sumunod na taon, maraming sumubok na ayusin ang tower.
03:43.7
Noong 1319, natapos na ang construction ng seventh floor ng Pisa at na-install ang bell chamber nito noong 1372.
03:52.7
Si Tommaso de Andrea Pisano ang naglagay ng bell chamber na siyang may pitong mga.
03:57.7
Isa para sa bawat nota ng musical major scale. Sa mga panahong iyon, nasa 1.6 degrees na ang tilt ng tower.
04:06.7
Noong 1838, sinubukan ng ilang workers na maghukay ng walkway sa paligid ng base ng tower upang makita nila at ma-examine ang lumubog na foundation.
04:16.7
Sa kasamaang palad, hindi nila napagtanto ang epekto nito at mas lumala pa ang pag-tilt ng tower dahil kinunan ang lupang nagsusuporta nito.
04:26.2
Noong 1935, nag-inject ang Italian Corps of Engineers ng mortar para patibayin ang base ng tower.
04:34.2
Ang mortar ay pinaghalong buhangin at simento na noon ay ginagamit upang pagdikitin ang mga bricks.
04:41.2
Sa kasamaang palad, hindi na-distribute ng maayos ang mortar sa foundation kaya imbis na makatulong, mas lumubog pa ang base ng tower sa ilalim ng lupa.
04:52.2
Pagkatapos ng World War II, ilang researchers ang nakadevelop ng mga tower.
04:56.2
Ang mga tests na kakailanganin upang ayusin ng tower at nakalculate nila ang center of gravity nito.
05:03.2
Napaka-importante ng center of gravity ng isang building. Ito ang magdidikta kung tuluyan na bang matutumba ito o mananatiling nakatayo.
05:12.2
Lahat ng bagay ay may mass at may center of gravity. Ito ang nasa loob ng bagay kung saan kung itatayo mo ang bagay gamit kung saan ang center of gravity ay nasa gitna, magkakaroon nito ng perfect equilibrium.
05:26.2
Para sa leaning tower of Pisa, may bigat itong 14,500 metric tons at nasa fourth floor ang center of mass nito. Hanggang nasa loob ng base ang center of gravity ng tower, mananatili itong nakatayo.
05:40.2
Pero kapag lumabas ito sa linya ng base, matutumba ito. Ito ang pangunahing rason kung bakit hindi pa rin ito natutumba. Kahit nakatilt ito, nasa loob pa rin ng linya ng base ang center of gravity.
05:53.7
Nung 1989, natumba ang 236 feet na civic tower sa Pavia, isa pang syudad sa Italy. Ang pangyayaring ito ang isa sa rason kung bakit binilisan ang pag-aksyon sa tower of Pisa.
06:07.2
Kaya naman, nung 1990, sa unang pagkakataon, sinara ang leaning tower of Pisa sa publiko. Sa mga panahon iyon, umabot na sa 5.5 degrees ang tilt ng tower. Sa pagkakataon ito, ang mga architects at engineers na nagtatrabaho sa tower ay hindi lang magaling at matalino. May access na rin sila sa makabagong teknolohiya.
06:29.2
Kaya nilang alamin kung gaano katigas ang lupa, kung ano ang trajectory ng building at ang excavation na kakailanganin.
06:37.2
Upang hindi tuluyang matumba ang tower.
06:39.2
Nung 1992, nang inalis ng grupo ang 38 cubic meters na lupa mula sa ilalim ng northern end ng tower, ginawa nila ito upang mabalance ang pagtayo ng tower na nakatilt sa southern end nito.
06:53.2
Pansamantala silang gumamit ng 600 tons ng lead ingots upang i-counterbalance ang tower. Pagkatapos nito, nagkabit naman sila ng steel cables upang ayusin ang pagtilt.
07:05.2
Malaki ang tulong nito sa pagkakataon ng tower.
07:07.2
Kakaayos ng PISA
07:09.2
Kahit pagkatapos ng project nung 2001, ay dahan-dahan pa rin gumagalaw ang PISA at naayos ang pagtayo nito.
07:17.2
Nung 2008, nadetect ng ilang sensors na tuluyan nang huminto sa paggalaw ang PISA at sa kabuuan ay nakunan ang pagtilt nito ng 48 centimeters at ngayon ay nakatilt na lang ito sa 3.99 degrees mula sa 5.5 degrees.
07:34.2
May ilang eksperto nagsasabi na tila isang milagro nito.
07:37.2
Ang pananatiling pagtayo ng leaning tower of PISA
07:40.2
Sa katunayan, ayon sa datos, apat na malalakas na lindol na ang tumama sa tower mula noong 1280 pero nandyan pa rin ito.
07:49.2
Ang tanong, hanggang kailan nga ba mananatiling nakatayo ang nakatilt na tower?
07:54.2
Ayon sa mga datos, ang pag-ayos sa ginawa ng mga architects noong 1990s ay kayang patagali ng pagtayo ng tower sa loob ng tatlong daang taon.
08:03.2
Siyempre, sa modern technology na mayroon na tayo ngayon, may ilang mga construction pang pwedeng gawin upang mapatibay ang leaning tower of PISA.
08:13.2
Sa ngayon, tila matibay pa rin ang pagkakatayo ng leaning tower of PISA kahit na nakatilt ito.
08:19.2
Oo, nakatagili dito, pero nagsisilbi itong simbolo ng determinasyon at ating kakayahan na ayusin ang mga mali natin sa nakaraan.
08:28.2
Igit sa lahat, ang leaning tower of PISA ay patunay na sa ating mga kaibigan.
08:32.2
At patunay na sa ating mga imperfections, nagmumula ang pinakamagagandang obra.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.