Close
 


PAANO MAG IPON NG PERA Kahit Maliit ang Kita? (Ipon Tips)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Gusto mo bang malaman kung paano makaipon kahit maliit lang ang iyong income? Madalas mo rin bang tinatanong ito sa iyong sarili, pero hindi mo alam kung paano at saan magsimula? Tamang-tama dahil yan ang tatalakayin natin ngayon. Sa iyong palagay, magkano kaya ang sapat na income para mamuhay ng komportable dito sa Pilipinas? Ang ibig kung sabihin sa pamumuhay ng komportable ay yung meron kang time para mag-enjoy, nababayaran mo on time ang iyong bills, nabibili mo lahat ng kailangan mo, meron kang ipon, at nakakatulog ka ng maayos gabi-gabi, dahil wala kang iniisip na mga bayarin. Walang specific na sagot sa tanong na ito dahil magkaiba tayo ng sitwasyon. Yung iba ay meron ng pamilyang binubuhay. Samantalang yung iba naman, ay nagsisimula palang magtrabaho. Sa ibang salita, magkaiba tayo ng mga gastusin dahil magkaiba tayo ng priority. Pero kahit marami tayong pinagkaiba, makikita natin na karamihan sa ating mga pinoy ay magkapareho ng problema sa pera. At ang problema na yun, ay ang kawalan ng ipon. Com
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 14:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Gusto mo bang malaman kung paano makaipon kahit maliit lang ang iyong income?
00:04.9
Madalas mo rin bang tinatanong ito sa iyong sarili pero hindi mo alam kung paano at saan magsimula?
00:10.3
Tamang tama dahil yan ang tatalakayan natin ngayon.
00:13.3
Sa iyong palagay, magkano kaya ang sapat na income para mamuhay ng komportable dito sa Pilipinas?
00:19.7
Ang ibig kong sabihin sa pamumuhay ng komportable ay yung meron kang time para mag-enjoy,
00:24.7
na babayaran mo on time ang iyong bills, na bibili mo lahat ng kailangan mo,
00:29.3
meron kang ipon at nakakatulog ka ng maayos gabi-gabi dahil wala kang iniisip na mga bayarin.
00:36.1
Walang specific na sagot sa tanong na ito dahil magkaiba tayo ng sitwasyon.
00:40.8
Yung iba ay meron ng pamilyang binubuhay samantalang yung iba naman ay nagsisimula palang magtrabaho.
00:47.0
Sa ibang salita, magkaiba tayo ng mga gastusin dahil magkaiba tayo ng priority.
00:51.8
Pero kahit marami tayong pinagkaiba, makikita natin na karamihan sa ating mga Pinoy ay magkapareho ng problema sa pera.
00:59.3
At ang problema na iyon ay ang kawalan ng ipon.
01:02.9
Common na problema ito ng lahat.
01:04.9
Kahit mga taong kumikita ng malaki ay nahihirapang mag-ipon.
01:08.9
Sa tingin ko, merong tatlong dahilan kung bakit patuloy itong nangyayari.
01:13.4
Una, hindi natin binibigyang halaga ang pag-iipon o hindi natin alam kung para saan tayo nag-iipon ng pera.
01:21.2
Pangalawa, masyado tayong magastos.
01:24.2
Yung ginagawa na nating priority ang ating mga luho kesa magtabi ng pera.
01:28.7
At pangatlong dahilan kung bakit hirap ang karamihan sa atin na makaipon ng pera ay maliit lang ang income.
01:35.8
Ito ang common na sitwasyon ng karamihan sa ating mga kababayan ngayon.
01:39.8
Yung hindi sapat ang kinikita para mabili lahat ng pangangailangan.
01:44.1
Kaya ang madalas na nangyayari ay wala silang ipon kahit na binabawasan pa nila ang kanilang mga gastusin at palaging nagtitipid.
01:52.3
Ayon sa ibinahaging data ng Department of Labor and Employment,
01:56.5
ang minimum na sahod ng mga Pinoy sa taong kailangan,
01:58.7
2023 ay 610 pesos per day.
02:02.9
Ibig sabihin, ang estimated monthly income ng mga kababayan nating nagtatrabaho ay 12,000 pesos
02:09.2
kung nagtatrabaho sila ng limang araw sa isang linggo at hindi bayad ang kanilang mga day off.
02:15.2
At 18,000 pesos naman kung sakaling bayad sila sa loob ng isang buwan.
02:19.8
Kung sakaling ikaw ang Pinoy na may monthly income na 18,000 pesos,
02:24.3
sapat kaya ito para makaipon ka buwan-buwan at mamuhay ng komportable?
02:28.7
Kung babawasan natin ito sa iyong mga expenses, magkano nalang kaya ang matitira?
02:33.9
Kung sakaling nagbabayad ka ng 5,000 pesos sa renta buwan-buwan,
02:37.7
9,000 pesos sa pagkain, 1,000 pesos sa internet, 1,000 sa pamasahe at 1,500 pesos sa iba mong bills,
02:47.0
meron ka nalang 500 pesos na natitira at pwede mo itong ilagay sa iyong alkansya.
02:52.8
Pero ang mahalagang tanong ngayon, sapat ba ang 500 pesos na ipon buwan-buwan?
02:57.8
Hanggang kailan ka kaya mag-iipon bago mo maabot ang iyong goal?
03:02.1
Paano kung tataas na naman ang presyo ng mga bilihin sa susunod na taon?
03:06.3
Mataas ang chance na kukulangin na ang iyong income at mahihirapan ka pa rin mag-ipon kahit babawasan mo pa ang iyong mga gastusin.
03:14.2
Kung nahihirapan ka rin mag-ipon ngayon at naghanap ka ng solusyon sa iyong problema,
03:19.3
inaanyayahan kitang mag-invest ng iyong oras sa panunood ng video nito
03:23.1
dahil ibabahagi ko sa iyo ang mga paraan o strategies na pwede mong gawin.
03:27.8
Para maka-ipon ka na ng pera at para na rin malayo ka sa mga financial stress.
03:33.4
Ang video nito ay nahahati sa tatlong parte.
03:36.7
Ang part 1 ay tungkol sa ating income, kung ano ang dapat gawin para lumaki ito.
03:41.8
Ang part 2 ay tungkol sa ating ugali at mindset sa pera, kung bakit mahalaga itong ayusin.
03:47.6
At ang part 3 ay tungkol sa pag-i-invest.
03:50.6
Hindi lang sapat na meron kang malaking income, dapat ay meron ka rin investment.
03:55.6
Kaya siguraduhin mo na mapanood mo.
03:57.8
At malista ang mga mahahalagang aral.
04:05.0
Walang ibang paraan kung paano maka-ipon ng mabilis at mamuhay ng komportable,
04:10.0
kundi ang magkaroon ng malaking income.
04:12.4
Alam ko na madali lang ito sabihin pero kailangan mo rin intindihin na wala kang ibang choice.
04:17.2
Ang pagtitipid ay meron lang limitasyon at short-term solution lang ito sa iyong long-term na financial problem.
04:23.6
Kung sapat lang ang iyong income ngayon para mabili ang iyong mga basic needs,
04:28.1
nahihirapan kang mag-ipon, ito ang pinakamagandang solusyon na pwede mong gawin.
04:32.9
Kung bakit nauuna ito sa ating video,
04:35.5
yun ay dahil naniniwala ako na kapag meron kang malaking income na natatanggap buwan-buwan,
04:40.7
halos lahat ng problema mo sa pera ay masusolusyonan.
04:44.5
Dahil kung iisipin mong mabuti,
04:46.7
hindi ka magkakaroon ng malaking utang kung kaya mong bayaran ng isang bagay.
04:51.3
Mabilis mo lang mabot ang iyong mga financial goals kung kaya mong mag-ipon ng malaking halaga buwan-buwan.
04:57.0
Kung gusto mo namang tumulong sa ibang tao,
04:59.8
marami kang matutulungan ng bukal sa iyong loob at hindi mo na isasakripisyo ang mga personal mong pangangailangan.
05:06.7
Tandaan na kahit hindi solusyon ang pera sa lahat ng bagay,
05:10.4
malaking tulong pa rin ang kaya nitong ibigay para mamuhay tayo ng payapa.
05:14.9
Kung empleyado ka ngayon at alam mo na sapat lang ang iyong income,
05:18.9
kailangan mo nang dumiskarte at maghanap ng ekstra mapagkakitaan.
05:22.8
Dahil walang magbabago sa iyong financial situation,
05:26.0
kung patuloy mong ginagawa ang mga bagay na nagdudulot ng parehong resulta.
05:31.0
Maraming paraan kung paano palakihin ang iyong income.
05:34.3
Ang unang paraan ay mag-apply ka ng ibang posisyon.
05:37.3
Kung nagtatrabaho ka ngayon sa isang kumpanya na merong opportunity para mag-apply sa ibang posisyon na mas mataas ang sahod,
05:44.3
pwede mong gawin yan.
05:45.7
Mas mabuting hindi ka muna titingin sa malayo
05:48.1
at tignan mo muna ang mga available na paraan kung paano kumita ng mas malaki sa iyong trabaho ngayon.
05:53.7
Pero kung sa tingin mo ay wala kang choice,
05:55.8
na kumita ng malaking halaga,
05:57.8
ang pangalawang paraan ay pwede kang mag-apply sa ibang kumpanya na nag-aalok ng malaking sahod.
06:02.8
Siguraduhin mo lang na angko pa rin ang iyong skills sa ibang kumpanya.
06:06.8
Meron akong kakilala na isang call center agent na kumikita ng 20,000 to 25,000 pesos buwan buwan doon sa unang kumpanya na kanyang pinagtatrabahuan
06:15.8
at ngayon ay kumikita na siya ng 35,000 to 40,000 pesos kada buwan sa ibang call center company.
06:21.8
Ang kwento niya sa akin ay parehong effort, parehong skill,
06:25.8
at parehong oras lang na pagtatrabaho ang kanyang inilaan sa pangalawang kumpanya,
06:29.8
pero mas malaki ang kanyang monthly income na nakukuha doon.
06:33.8
Katulad lang din ng mga nurse dito sa Pilipinas at ibang mga employee.
06:37.8
Kung nagtatrabaho sila sa ibang bansa, mas malaking income ang kanilang natatanggap.
06:42.8
Parehong skill at parehong trabaho, pero merong malaking pinagkaiba sa income.
06:47.8
Ang kagandahan sa ganitong paraan sa pagpapalaki ng ating income ay hindi magiging divided ang iyong oras,
06:53.8
dahil magtatrabaho ka pa rin,
06:55.8
dahil magtatrabaho ka pa rin ng ilang oras sa isang araw.
06:57.8
At ang pangatlong paraan kung paano palakihin ang ating income ay sa pamamagitan ng side hustle.
07:02.8
Ang problema lang sa ganitong paraan ay medyo time consuming dahil gagawin mo ito pagkatapos ng iyong trabaho.
07:09.8
Pero kung gusto mong mapalaki ang iyong income at makaipon buwan-buwan,
07:13.8
siguradong gagawan mo ito ng paraan.
07:16.8
Kung ayaw mong mag-apply sa ibang posisyon at lumipat ng ibang kumpanya,
07:20.8
nababagay sa iyo ang pagsaside hustle.
07:23.8
Kung magaling ka sa communication,
07:25.8
pwede kang maging real estate agent,
07:27.8
o di kaya ay financial advisor ng isang insurance company.
07:31.8
Kung gusto mo namang nasa bahay lang,
07:33.8
pwede kang magbenta ng pagkain sa iyong mga kapitbahay,
07:36.8
katulad ng mga lutong bahay,
07:38.8
barbecue,
07:39.8
at frozen products.
07:40.8
Kung magaling ka naman sa computer at marunong mag-English,
07:43.8
pwede kang maging freelancer.
07:45.8
Kung meron kang mga lumang gamit na hindi pa sira,
07:48.8
pero matagal nang nakatambak sa bahay,
07:50.8
pwede mo iyang ibenta sa iyong mga kaibigan,
07:53.8
o di kaya sa marketplace.
07:55.8
Napakarami ng side hustle opportunities na available ngayon,
07:58.8
na sa iyo na yan kung ano ang gusto mong pasukan.
08:01.8
At iyan ang tatlong paraan kung paano palakihin ang iyong income.
08:05.8
At kapag napalaki mo na ang iyong income,
08:07.8
gawin mo ring goal na ma-increase yan ng 10-30% taon-taon.
08:12.8
Kung paano?
08:13.8
Pag-uusapan natin yan sa part 3.
08:15.8
Pero kahit mahalaga magkaroon ng income at gawin itong priority,
08:19.8
hindi lang dito nagtatapos ang lahat.
08:22.8
Kung naglaan ka ng oras at pagod para mapalaki,
08:25.8
ang iyong income,
08:26.8
kailangan mo ring baguhin ang iyong sarili para mabigyan mo ito ng proteksyon.
08:31.8
At ito ang ibig kong sabihin.
08:33.8
Part 2. Ang tamang mindset sa pera
08:36.8
Marami sa ating mga Pinoy ang nahihirapang mag-ipon.
08:39.8
Dahil noong time na lumaki ang ating income,
08:42.8
sumasabay din ang paglaki ng ating gastos.
08:45.8
Narinig mo na ba na ang dating kumikita lang ng 18,000 pesos buwan-buwan
08:49.8
ay walang binago sa kanyang lifestyle at gumagastos pa rin ng 18,000 pesos,
08:54.8
kahit kumikita na ito ng 50,000 pesos ngayon?
08:57.8
Diba bihira lang ito mangyari?
08:59.8
Pero hindi ibig sabihin na huwag mong i-increase ang quality ng iyong buhay
09:03.8
at huwag kang mangarap ng mataas.
09:05.8
Siyempre, deserve mo pa rin gawin ang mga yun
09:08.8
dahil para saan ang iyong pagsusumikap kung hindi mo ito gagawin?
09:12.8
Ang gusto ko lang maunawaan mo ay huwag kang gumastos ng katumbas o lagpas pa sa iyong income.
09:18.8
Kung ang iyong monthly income ay 20,000 pesos,
09:21.8
gumastos ka lang ng 18,000 pesos,
09:23.8
at ipunin mo ang natira.
09:25.8
Huwag mong tularan ang spending habit ng mga taong kumikita ng 100,000 pesos.
09:31.8
Ika nga nang sinabi ng presidente at vice chairman ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang,
09:36.8
Live below your means.
09:38.8
Kahit bilyonaryo siya at malaki ang kinikita kumpara sa mga ordinaryong tao,
09:43.8
ang advice niya ay applicable sa lahat.
09:45.8
Dahil kahit kumikita ka ng malaking halaga,
09:48.8
kung ginastos mo lang ito lahat sa iyong mga luho,
09:51.8
at hindi ka nagtabi ng pera,
09:53.8
problema lang ang sasapitin mo sa hinaharap.
09:56.8
Kaya ang tamang mindset sa pera ay huwag lang puro gastos.
10:00.8
Kailangan din natin magtabi para meron tayong magagamit sa panahon ng emergency,
10:04.8
at para rin makapag-invest tayo sa hinaharap kapag merong magandang opportunity na pwedeng pasukan.
10:11.8
Kahit simple at madalas nating naririnig ang ganitong payo,
10:15.8
patuloy pa rin natin itong magagamit hanggang ngayon.
10:18.8
Ang iyong financial success ay hindi yan nakabase kung gaano ka katalino.
10:22.8
Dahil maraming matatalino pero hindi mayaman,
10:26.8
hindi rin niya nakabase sa kung gaano ka kasipag.
10:29.8
Dahil maraming masisipag na tao, pero hindi rin mayaman.
10:33.8
Kailangan mong tandaan na ang ating financial success ay nakabase sa ating money mindset.
10:38.8
Maraming matatalino at masisipag na tao na hindi successful financially,
10:44.8
dahil hindi nila inayos ang kanilang money mindset.
10:47.8
O di naman kaya ay wala silang pake sa ideya na pagyaman,
10:50.8
dahil mas mahalaga na ito.
10:51.8
Dahil mas mahalaga sa kanila ang kanilang ginagawa,
10:54.8
at iyon naman ang kahulugan ng salitang tagumpay sa kanila.
10:57.8
At naiintindihan ko ang kanilang desisyon at mataas ang respeto ko sa mga ganitong uri ng tao.
11:03.8
Pero kung gusto mong yumaman at gusto mong tahakin ang ganitong landas,
11:07.8
dapat ay simulan mong baguhin ang iyong money mindset o ang pananaw mo sa pera.
11:12.8
May mga taong hindi matalino pero mayaman dahil alam nila kung paano gumagana ang pera.
11:18.8
Mga iiilang paraan kung paano baguhin ang iyong money mindset.
11:21.8
Ay number one, maging conscious ka sa iyong mga desisyon,
11:25.8
lalong lalo na sa mga desisyon na related sa pera.
11:29.8
Marami ang napapagastos ng sobra dahil hindi sila aware sa kanilang mga desisyon,
11:34.8
hindi sila nagkocompute ng kanilang pera, wala silang goal na mag-ipon,
11:39.8
at hindi sila gumagawa ng budget dahil puro gastos lang ang laman ng kanilang isipan.
11:45.8
Number two, baguhin mo ang iyong mga paniniwala na nagpapahirap sa iyo.
11:50.8
Kailangan mong intindihin na majority ng mga bagay na pinaniniwalaan mo tungkol sa pera ay hindi makakatulong sa iyo.
11:58.8
Lahat tayo ay merong iba't ibang paniniwala sa lahat ng bagay at malaking impact ang naibibigay nito sa quality ng ating buhay.
12:06.8
At number three, baguhin mo ang iyong money habits.
12:10.8
Marami sa atin ang kumikita ng malaking halaga pero walang ipon at hindi mayaman.
12:16.8
Marami rin na sakto lang ang kinikita,
12:18.8
pero namamanage pa rin ang makaipo ng maliit na halaga.
12:22.8
Ninety percent ng resulta na meron tayo ay nagmumula sa ating mga habit.
12:27.8
Magkaiba tayo ng habit sa pera kaya magkaiba rin tayo ng resulta.
12:31.8
Mahalagang gamitin mo ang iyong oras para umunlad ang iyong buhay.
12:35.8
Magbasa ka ng mga success stories.
12:37.8
Magmanage ka ng iyong pera.
12:39.8
Huwag kang magpadala lagi sa iyong emosyon.
12:42.8
At sanayin mo ang iyong sarili na mamuhay ng simple.
12:46.8
Lahat tayo ay gustong magkaroon ng mga success stories.
12:47.8
Kaya mahalagang meron tayong money mindset na naka-align palagi sa ating goal.
12:54.8
Part 3. Mag-invest ka ng pera.
12:57.8
Merong dalawang uri ng income.
12:59.8
Una ay ang active income o income na galing sa pagtatrabaho.
13:03.8
At ang pangalawa ay passive income o income na galing sa mga investments.
13:09.8
Kung kumikita ka ngayon ng active income, mahalagang ipunin mo ang small percentage nito.
13:15.8
At ang gagawin mo naman sa iyong ipon ay ilagay ito sa mga investments.
13:20.8
Sa ibang salita, i-convert mo sa passive income ang iyong active income.
13:25.8
At ang magandang panahon para gawin ito ay ngayon.
13:29.8
Karamihan sa mga taong kumikita ng malaki ay bumalik sa pagiging mahirap noong sila ay matanda na.
13:35.8
Yun ay dahil umaasa lang sila palagi sa income na galing sa kanilang trabaho.
13:40.8
Mahalagang matutunan mo rin ang pag-iinvest.
13:43.8
Pagkakamit pa sa pagkakaroon ng malaking ipon ang iyong makakamit.
13:47.8
Tandaan mo na lang ang sinabi ni Warren Buffet na
13:49.8
If you don't find a way to make money while you sleep, you will work until you die.
13:55.8
At iyan ang mga pamamaraan na pwede mong gawin simula ngayon kung gusto mong makaipon ng malaking halaga at umaman.
14:03.8
Palakihin mo ang iyong income, baguhin mo ang iyong mindset o pananaw sa pera, at mag-invest ka rin ng pera.
14:10.8
Kung marami kang natutunan sa topic natin ngayon,
14:13.8
huwag kalimutang mag-iwan ng like at mag-comment ng iyong mga natutunan.
14:17.8
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!