Close
 


10 Artistang Nakapag-Asawa ng Bilyonaryo? | 10 Richest Husband of Filipina Celebrity
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
10 Artistang Nakapag-Asawa ng Bilyonaryo? | 10 Richest Husband of Filipina Celebrity
SOKSAY TV
  Mute  
Run time: 08:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Madalas ay napapanood natin sa TV o di naman kaya ay nababasa sa mga libro ang mga nakakaingit na kwento ng mga babaeng nakatagpo ng makakasama habang buhay sa mga lalaking milyonaryo o di naman kaya ay bilyonaryo.
00:19.3
Pero ang tanong, sa totoong buhay nga ba ay nangyayari ito? Nangyayari nga ba talaga ang suwerting pila suntok sa buwan at biglang ang isang tao ay makakapagkamit ng matinding karangyaan dahil sa napangasawa nito ang taong ubod ng yaman?
00:36.9
Kaya naman ngayon mga kasuksay, kikilalanin natin ang mga totoong reyna sa totoong buhay. Sila ang mga celebrities na hindi lamang bumida sa mga palabas.
00:48.2
Maging rin sa kanilang totoong kwento ng kanilang buhay pag-ibig nang matagpuan nila ang kanilang napangasawa.
00:56.6
Sino-sino nga ba ang mga Pinoy celebrities na nakapangasawa ng milyonaryo at bilyonaryo? Yan ang ating aalamin.
01:13.6
Ninia Jose
01:14.8
Ninia Jose
01:15.9
Ninia ay nakilala sa showbiz nang sumali ito sa Pinoy Big Brother. Matapos nun ay nagkaroon nito ng ilang proyekto tulad ng My Girl, Shake, Rattle and Roll, at Mano Ko 6.
01:28.8
Ngunit kalaunan ay huminto naman ito sa pag-arte nang makilala nito ang kanyang naging kabiyak.
01:35.3
Taong 2017 nang maikasal si Ninia Jose sa isang businessman at politician na si Cesar Quimbao.
01:42.8
Ito ay nagmula sa bayan ng Bayambang Pangasindahan.
01:45.9
Nakasalukuyang alkalde naman ng naturang lugar.
01:50.0
Maliban sa pagiging mayor, ay CEO din ito sa IT company na Stradcom Corporation.
01:56.8
May kalayuan man ang agwat ng edad ng mag-asawa, ngunit talaga namang hindi ito naging balakid sa kanilang pag-iibigan.
02:04.4
35 na si Ninia Jose ngayon, samantalang 66 naman ang kanyang asawa na si Mayor Cesar.
02:10.8
Magpasa hanggang ngayon ay makikita ang masayang pagsasama ng mag-asawa.
02:16.2
Kasama ang anak nito.
02:19.0
Kay Abad
02:19.8
Nasungkit naman ni Kay Abad ang swerte nang mapangasawa nito ang isa ring celebrity na mula sa mayamang angka na si Paul J. Castillo.
02:29.5
Ikinasal sila noong ikasyam ng Desyembre taong 2016 sa Cebu City, na siyang hometown ni Paul Jake.
02:36.4
Nakilala si Paul Jake bilang aktor nang madiskubre ito sa Pinoy Big Brother Double Up.
02:42.1
Ngunit maliban dito ay isa rin itong businessman na nagmamay-ari.
02:45.9
Pagmamay-ari rin ang pamilya ni Paul Jake ang ngayong isa sa pinakamalaki at matatag na pharmaceutical manufacturer na International Pharmaceutical Incorporated o IPI,
03:00.9
na siyang gumawa ng iilang sikat na produkto tulad ng Efficacent Oil, Casino Alcohol at Bioderm.
03:07.6
Kasalukuyan silang masayang nagsasama-kasama ang dalawang lalaking mga anak.
03:12.9
Julia Clarete
03:13.9
Hindi rin pa pahuli si Julia Clarete kung pagiging maswerte ang pag-uusapan dahil na pangasawa lang naman ito ang businessman na si Gareth Macquion.
03:24.8
Ang dating Eat Bulagajos at si Gareth ay ikinasal noong July 2017.
03:29.9
Samantala, si Gareth lang naman ang CEO ng Coca-Cola Philippines, Singapore, Brunei at Malaysia.
03:36.9
Sa ngayon ay nanatili ang pamilya nito sa Kuala Lumpur at masayang naninirahan doon.
03:42.4
Beauty Gonzalez
03:43.9
Matatanda ang nakilala rin si Beauty Gonzalez sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.
03:51.4
Mula sa kompetesyon ng teleserye ng Tutuong Buhay ay nakuha nito ang pang-apat na pwesto.
03:57.0
Pero hindi tulad ng ibang kalahok ng PBB, dati nang mayaman si Beauty dahil ang kanyang pamilya ay nagmula sa mga angka ng mga politiko sa Cebu.
04:05.7
Ngunit tila mas nadagdagan pa ang karangyaan nito nang makilala niyang isang negosyante na si Norman Crisologo.
04:12.7
Sikat din itong curator at art collector. Nagkakilala ang dalawa dahil sa kaibigang si Ellen Adarna.
04:20.1
Dati pang hinahangaan ni Norman ang ganda ni Beauty, kung kaya naman gumawa ito ng paraan upang mas makilala ito.
04:27.4
Bagay na kanya namang napagtagumpayan dahil naging asawa nga niya ito. Ikinasal sila noong 2017.
04:35.3
Masaya sila ngayon na nagsasama kasama ang anak na si Olivia.
04:40.3
Asunta De Rossi
04:42.7
Talaga namang hindi manlilimutan ang isa sa pinakanaging kontrobersyal at engrandeng kasal ng aktres sa asawa nitong si Jules Ledesma,
04:51.5
na siya lang namang tagapagmana sa ari-arian ng isang mayamang angkan sa San Carlos, Negros Oriental.
04:58.2
Disinwebe pa lamang noon si Asunta nang magpakasal kay Jules na nasa 41 taong gulang na sa pagkakataong iyon.
05:05.4
Naging usap-usapan man ang kanilang pag-iisang dibdib, pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang pagmamahalan.
05:11.5
Sa katunayan,
05:12.7
nga, matapos ang dalawampung taon, nabiyayaan pa sila ng anak na ipinanganak noong kasagsagan ng pandemya taong 2020.
05:21.6
Ngayon ay mas tumibay pa ang kanilang pagsasama dahil sa pagdating sa buhay nila ng kanilang anak.
05:28.5
Pauline Luna
05:29.3
Naging maugong rin sa sambayanan ang pagpapakasal ng aktres at host na si Pauline Luna sa sikat na veteranong aktor na si Vic Soto.
05:38.5
Sa tagal sa industriya ni Bosing ay hindi na rin maipagkakailaang.
05:42.7
Ang angking yaman nito.
05:43.7
Hindi naman humadlang sa pag-iibigan ng dalawa ang malaking age gap ng mga ito.
05:48.7
Pinatunayan nilang tunay ang kanilang pag-ibig sa isa't isa nang magpakasal ang mga ito noong taong 2016.
05:55.7
Sa ngayon ay makikitang matibay pa rin ang pagsasama ng dalawa kasama ang kaisa-isa nilang anak na si Tali.
06:02.7
Maituturing nga namang one-of-a-kind love story ang pag-iibigan ng dalawa dahil matatanda ang sumali pa noon si Pauline sa Little Miss Philippines sa Itbulaga,
06:11.7
nang makilala niya ang host na si Vic Soto.
06:14.7
Sino nga ba naman ang mag-aakala na sa pagdadalaga nito ay kay Bosing pala ito tuluyang mahuhulog?
06:21.7
Banks Garcia
06:24.7
Samantala, noong 2016 naman ay ikinasal rin si Banks Garcia sa isang Filipino-British businessman na si Lloyd Birchmore.
06:33.7
Tatlong beses pa nga ang ikinasal ang dalawa na patunay ng malalim na pagkakabighani ni Lloyd kay Banks.
06:40.7
Naging matibay naman ang kanilang pagsasama hanggang sa ngayon na biniyayaan naman sila ng dalawang supling.
06:47.7
Don Zolgueta
06:49.7
Isa rin sa magandang binibining si Don Zolgueta sa napakaswerteng nakatagpo ng pag-ibig sa isang napakayamang ginoo.
06:58.7
Napang-asawa lang naman ni Don si Antonio Ernesto Florendo Lagdameo Jr. na nagmula sa mayamang angkan sa Mindanao.
07:06.7
Nagmamay-ari lang naman ito ng malawak na mga taniman tulad ng banana plantation at pineapple plantation.
07:13.7
Ikinasal sila noong taong 1997.
07:16.7
Kasalukuyan namang isang kongresista si Antonio sa Davao del Norte.
07:20.7
Masaya rin silang nagsasama kasama ang dalawang anak.
07:24.7
Iilan lamang ang mga babaeng ito sa tila nakatagpo ng totoong prinsipe sa totoong buhay na nag-aangkin ng matatayog at malalawak na ari-arian.
07:35.7
Kaya naman minsan hindi natin maiwasang isipin o mangarap na sana'y dumating rin sa buhay natin ang ganitong klaseng pagpapala.
07:45.7
Ang makapang-asawa ng hindi lamang mayaman kundi totoong magmamahal sa atin.
07:52.7
Abangan nyo pa rin ang mga susunod nating mga kwento mga kasuksay.
07:56.7
God bless us all!
08:05.7
Thank you for watching!