Close
 


Chest Pain: Paano Malaman Kung Heart Attack or Hindi. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chest Pain: Paano Malaman Kung Heart Attack or Hindi. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/ZTn4gSl4ln0
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 11:55
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Sumasakit ba po minsan ang dibdib ninyo?
00:02.9
Parang mabigat? Parang tinutusok sa dibdib?
00:06.3
Worried ba kayo? Nag-aalala ba kayo?
00:09.3
Sa puso na ba ito? Atake ba ito sa puso?
00:12.3
O hindi naman? Tutulungan ko po kayo.
00:14.6
So, Doc Willie po ito. Isa po akong internist.
00:18.0
Isa po akong cardiologist.
00:20.1
18 years ako nag-arad para maging cardiologist.
00:24.4
And bibigyan ko kayo po ng simple explanation
00:27.9
para malaman kung yung sakit sa dibdib ay sa puso o hindi.
00:32.9
Tapos mamaya, meron din ako ituturo
00:35.3
yung mga warning signs naman ng atake sa puso
00:39.2
bago pa ito mangyari.
00:41.3
Meron tayong ganyan tuturo mamaya yung mga warning signs.
00:43.9
Anyway, chest pain muna tayo.
00:46.3
Okay? Yan ang lagi namin nakikita.
00:48.9
Pag isang tao may chest pain,
00:51.1
kayo, nakikinig kayo,
00:52.5
ini-imagine ko mga OFW,
00:55.4
mga kababayan natin may hirap,
00:56.9
masakit ang dibdib,
00:58.0
walang pera pang pa-check-up,
00:59.4
anong gagawin natin?
01:01.0
Para malaman kung puso yan
01:03.4
at delikado ba sa heart attack
01:05.7
or hindi naman delikado na pwede naman
01:08.8
tsaka na i-check-up,
01:10.7
tignan natin number one yung patient profile.
01:13.6
Anong ibig sabihin ng patient profile?
01:15.8
Ano yung risk factor mo?
01:18.0
Okay?
01:18.5
Dalawang klaseng grupo ng pasyente.
01:21.1
Kung kayo ay edad 50 pataas,
01:24.4
50 pataas,
01:26.1
masakit lagi ang dibdib,
01:27.9
parang mabigat,
01:29.5
eh medyo ingat tayo,
01:31.3
above 50 na eh.
01:33.1
O kahit above 40 years old,
01:35.3
kung kayo ay diabetic,
01:37.9
may high blood na kayo,
01:39.8
sumasakit pa yung dibdib,
01:41.5
tapos overweight pa kayo,
01:44.5
very stress ang buhay,
01:46.7
tapos sumasakit ang dibdib.
01:48.7
Or kung ang risk factor nyo,
01:50.5
naninigarilyo.
01:52.4
Okay?
01:53.6
Stressful yung work,
01:54.7
baka lawyer o baka accountant,
01:57.9
mga may deadline,
01:59.2
tapos sigarilyo, alak,
02:01.5
maraming bisyo,
02:02.5
overweight.
02:03.5
Pag ganyan ang sasabihin mong patient profile nyo,
02:07.0
masakit ang dibdib,
02:08.3
kailangan magpacheck sa isang internist,
02:11.2
cardiologist,
02:12.2
para malaman kung puso o hindi.
02:14.4
Kasi,
02:14.9
mas malaki ang chance na,
02:17.9
malaki chance na heart problem yun eh.
02:20.2
Kasi,
02:20.7
may bisyo na eh,
02:22.0
diabetic na eh,
02:23.2
tapos may edad na,
02:24.2
tapos naninigarilyo pa.
02:25.4
So,
02:25.9
malaking chance yung mga nararamdaman,
02:27.5
yung mga nararamdaman nyo dito,
02:29.5
baka may baray yung puso.
02:30.5
Lalo na kung mataas pa ang kolesterol,
02:32.5
di ba?
02:33.5
Pero,
02:34.0
pag ito naman ang patient profile mo,
02:36.0
kung ang patient profile mo ay 30 years old,
02:39.5
okay,
02:40.5
babae,
02:41.5
payat,
02:42.0
walang bisyo,
02:43.0
okay,
02:43.5
hindi ka naman naninigarilyo,
02:44.5
walang high blood,
02:45.5
tapos sakit na sakit yung dibdib mo,
02:47.5
laging mabigat ang dibdib mo,
02:49.5
pero,
02:50.5
ano ka naman,
02:51.5
wala ka ibang risk factor.
02:53.0
Pag gano'n ang pasyente,
02:55.5
99%
02:57.5
walang sakit sa puso.
02:59.5
Kasi nga,
03:00.5
sa edad na 30s,
03:02.5
walang bisyo,
03:04.5
walang high blood,
03:05.5
walang risk factor,
03:07.5
malabo ang chance na magkaroon siya ng bara sa puso.
03:10.5
Kasi,
03:11.5
bago magbara yung ugat sa puso,
03:13.5
kailangan marami mo ng bisyo at medyo may edad na.
03:16.5
So, that's one.
03:17.5
Ano yung patient profile?
03:18.5
Gaya kami mag-sit.
03:19.5
Pangalawa,
03:20.5
explain mo yung tagal.
03:22.5
Gano'ng katagal yung chest pain?
03:24.5
Pag sinabi mo,
03:26.5
one minute lang ang chest pain,
03:28.5
tapos nawala,
03:30.5
hindi yan sakit sa puso.
03:32.5
Ang tunay na angina, chest pain,
03:34.5
hindi pwede one minute lang.
03:36.5
Kung sinabi mo, ang sakit sa dibdib ko,
03:38.5
two hours,
03:39.5
three hours,
03:40.5
maghapon masakit,
03:42.5
hindi rin yan sakit sa puso.
03:44.5
Kasi ang sakit sa puso,
03:46.5
may timing lang yan.
03:47.5
Ang tunay na nagbabara yung ugat sa puso,
03:50.5
between five minutes ang sakit,
03:53.5
hanggang mga 15 minutes lang.
03:56.5
At most siguro, hanggang 30 minutes.
03:59.5
15 to 30 minutes,
04:01.5
masakit ang dibdib,
04:02.5
parang dinadaganan dito
04:04.5
ang itsura ng mga pasyente.
04:06.5
Ang tunay na sakit sa puso,
04:07.5
nakaganito yung kamay.
04:09.5
Ano yan? Levin sign, levin sign.
04:11.5
So, nakaganyan siya, nakaganyan siya.
04:13.5
So, pag ganyan,
04:14.5
five to 15 minutes,
04:15.5
pwede sa puso yun.
04:17.5
Pag na sumasakit ang dibdib,
04:20.5
with exertion,
04:21.5
umakyat ng dalawang palapag,
04:23.5
napagod, hiningal, na-stress,
04:25.5
na-galit,
04:26.5
bago sumakit ng five minutes o 15 minutes,
04:29.5
yun.
04:30.5
Typical angina yun,
04:32.5
posibleng sakit sa puso.
04:34.5
Pero kung nakikinig naman kayo,
04:36.5
kung sinabi mo one minute lang,
04:37.5
o sinabi mo sang oras,
04:39.5
eh baka hindi yun.
04:40.5
Tapos wala kang mga vision na sinasabi ko,
04:43.5
wala kang risk factor,
04:44.5
so malabo yun.
04:46.5
Napi-picture nyo na ha.
04:48.5
So, ganyan kami mag-isip na
04:50.5
another thing pa, tinatanong din namin,
04:53.5
bukod sa gano'ng katagal,
04:55.5
ano, patient profile,
04:56.5
kaya mo ba ituro ng sandaliri?
04:59.5
Pag naturo ng pasyente sandaliri,
05:02.5
usually muscle pain.
05:04.5
Kasi ang tunay na sakit sa puso,
05:06.5
hindi niya mahanap.
05:08.5
Okay?
05:09.5
So, sa explanation ko,
05:12.5
pag duda kayo na baka sakit sa puso,
05:14.5
pwede kayo pa check up sa internist,
05:16.5
cardiologist,
05:17.5
papaggawang kayo ng ECG.
05:20.5
Pero ang ECG po,
05:22.5
50% lang ang chansa niya
05:24.5
mahuli yung sakit sa puso.
05:26.5
Medyo mahinang test siya eh.
05:28.5
Malalaman lang ng ECG na may bara yung ugat mo
05:31.5
kung sobrang nadaming barado.
05:33.5
Siguro, tatlong ugat na,
05:35.5
na 90% barado,
05:36.5
bago lang lalabas sa ECG.
05:38.5
Mas magandang test,
05:40.5
yung stress test,
05:41.5
yung tumatakbo.
05:42.5
Yung nagja-jogging,
05:44.5
pinago, tapos nag-EECG,
05:46.5
yun, pwede yun.
05:47.5
2D echo,
05:48.5
yan, may tulong din yan.
05:49.5
Lalo na kung may dati nang may heart attack,
05:52.5
nakikita rin yan.
05:53.5
O lumalaki yung puso,
05:55.5
kita rin yan sa 2D echo.
05:56.5
So, ito yung mga test na ginagawa ng doktor.
05:59.5
Okay?
06:00.5
So, pag chest pain,
06:01.5
tulad na sinabi ko,
06:02.5
na-explain ko na sa inyo,
06:03.5
pag yung sintomas ay very typical
06:06.5
at may risk factor,
06:08.5
high blood,
06:09.5
cholesterol,
06:10.5
diabetes,
06:11.5
overweight,
06:12.5
may edad,
06:13.5
pwedeng angina yun,
06:14.5
pwedeng heart attack yun.
06:15.5
Pag wala kayong risk factor,
06:17.5
ay baka acid reflux lang yan,
06:19.5
nangangasim.
06:20.5
O baka muscle pain lang yan.
06:22.5
Okay?
06:23.5
O baka panic attack lang yan,
06:25.5
nervyos.
06:26.5
Diba? Pwede rin.
06:27.5
Panic attack.
06:28.5
O baka may gallbladder stone ka,
06:30.5
bato sa abdo.
06:31.5
Pwede rin yan.
06:32.5
Diba?
06:33.5
O baka may rib injury.
06:35.5
Pwede rin yan.
06:36.5
So, yan ang mga possibility
06:37.5
na sakit sa dibd.
06:39.5
Pero very common yung mga muscle pain.
06:41.5
Yung paghiga,
06:42.5
yung sa tulog,
06:43.5
nagkakaproblema.
06:44.5
Okay?
06:45.5
So, pag wala naman kayo dito sa mga risk factor,
06:48.5
so, don't worry.
06:49.5
Para dyan.
06:50.5
Next topic, very important.
06:52.5
Napakaganda nitong nakita kong article.
06:55.5
Ano ang warning signs ng heart attack
06:59.5
one month bago pa ito mangyari?
07:02.5
Okay?
07:03.5
Na-interview nila siguro daan-daang pasyente
07:06.5
na inatake na sa puso.
07:08.5
Tinanong sila,
07:09.5
bakit hindi kayo nagpa-check up?
07:11.5
Sabi nila eh,
07:12.5
wala naman akong masakit sa dibd eh.
07:14.5
Wala akong naramdaman.
07:15.5
Pero nung in-interview itong
07:17.5
100 or more na heart attack patients,
07:19.5
ano ba naramdaman mo
07:21.5
one month before ka inatake?
07:24.5
One month before.
07:25.5
Ah, magsasabi sila,
07:27.5
parang meron na ako nararamdaman ah.
07:30.5
Hindi ko lang pinansin.
07:32.5
Kasi hindi,
07:33.5
kala ko wala lang yan.
07:35.5
So, itong mga taong ito na na-heart attack,
07:37.5
may risk factor, malamang,
07:39.5
at least above 40 years old,
07:41.5
may mga bisyo,
07:42.5
ito naramdaman nilang
07:43.5
eight warning signs.
07:45.5
Tingnan natin ah.
07:46.5
Sasabi nito mga pasyente,
07:48.5
number one,
07:49.5
pansin nila,
07:50.5
one month before the heart attack,
07:52.5
number one is,
07:53.5
lagi nang pagod.
07:55.5
Parang for no reason,
07:56.5
di naman na pagod,
07:58.5
eh pagod na pagod na.
08:00.5
Lalo na yung mga babae,
08:01.5
ba't lagi silang pagod?
08:02.5
Yun pala humihina na ang puso.
08:04.5
So,
08:05.5
number two,
08:06.5
laging indigestion.
08:08.5
Parang nasusok ha,
08:09.5
masakit ang tiyan,
08:11.5
kala nila ah,
08:12.5
ulcer lang yan,
08:14.5
o acid reflux.
08:15.5
Yun pala,
08:16.5
baka,
08:17.5
baka puso na pala yan.
08:19.5
Number three,
08:20.5
paminsan-minsan,
08:21.5
pinapawisan sila ng malagkit,
08:23.5
malagkit ng pawis,
08:24.5
cold sweats.
08:25.5
Diba?
08:26.5
So,
08:27.5
hindi po magandang senyala siyan,
08:28.5
yung malagkit na pawis,
08:30.5
minsan,
08:31.5
heart problem yan,
08:32.5
bumabagsak blood pressure,
08:34.5
pwede rin panic attack sa cold sweats,
08:36.5
pero yung
08:37.5
pinapawisan ng malagkit,
08:38.5
usually,
08:39.5
alam ng katawan yan,
08:40.5
baka may problema sa puso.
08:42.5
Number four sign,
08:43.5
one month before a heart attack,
08:45.5
parang makabog na yung dibdib,
08:47.5
ba?
08:48.5
Parang malakas na yung kabog ah,
08:49.5
minsan,
08:50.5
nagagiging abnormal na.
08:52.5
Ibig sabihin,
08:53.5
baka nagbabara-bara na yung puso,
08:55.5
minsan,
08:56.5
nagbara,
08:57.5
kaya nahihirapan yung puso,
08:58.5
nagloko yung tibok,
08:59.5
tapos,
09:00.5
gaganda ulit yung daloy ng dugo.
09:01.5
So,
09:02.5
pabalik-balik.
09:03.5
Hindi pinansin itong mga senyales.
09:06.5
Yung number one,
09:08.5
fatigue.
09:09.5
Number two,
09:10.5
indigestion.
09:11.5
Number three,
09:12.5
cold sweats.
09:13.5
Number four,
09:14.5
palpitasyon.
09:15.5
Hindi pinansin,
09:16.5
kaya umabot sa heart attack.
09:17.5
Okay?
09:18.5
Ito lang ito ah.
09:19.5
Ito naman,
09:20.5
maliit lang naman ang chance eh.
09:21.5
Ito lang yung mga
09:22.5
huhulihin natin ng maaga,
09:23.5
kasi nga,
09:24.5
life-saving ito,
09:25.5
nakakabuhay ito.
09:26.5
Kung nahuli mo ng
09:27.5
one month before
09:28.5
the heart attack,
09:29.5
magagamot mo pa siya.
09:31.5
Number five,
09:32.5
madalas na hinihingal.
09:33.5
Akit ng hagdanan,
09:35.5
dati kaya naman,
09:36.5
tapos ngayon,
09:37.5
mas hingal na,
09:38.5
so baka mahina na yung puso.
09:40.5
Number six,
09:41.5
parang may nararamdaman dito sa dibdib.
09:44.5
Hindi talaga sakit sa dibdib eh.
09:47.5
Usually,
09:48.5
kasi yung heart attack,
09:49.5
hindi talaga siya masakit.
09:51.5
Yung ibang pasyente,
09:52.5
iniintay nila,
09:53.5
kailangan masakit na masakit.
09:54.5
Pero,
09:55.5
usually,
09:56.5
ang explained ng pasyente,
09:57.5
ganito,
09:58.5
parang dinidiin,
10:00.5
parang may nakaipit,
10:02.5
parang may umiikot-ikot,
10:05.5
o parang may mabigat,
10:07.5
may nakadagan,
10:08.5
something like that.
10:09.5
Minsan,
10:10.5
hindi sa dibdib,
10:11.5
parang sa may sikmura,
10:12.5
parang sa may kaliwa,
10:13.5
kanan,
10:14.5
kaya hindi nila masure.
10:15.5
Diba?
10:16.5
So, pag ganyang medyo alanganin,
10:17.5
hindi nila masure.
10:18.5
Tapos,
10:19.5
may risk factor,
10:20.5
pacheck na tayo sa puso.
10:21.5
Okay?
10:22.5
Number seven,
10:23.5
pwede yung sakit wala sa dibdib.
10:25.5
Minsan,
10:26.5
sa kamay lang,
10:27.5
left arm.
10:28.5
Minsan,
10:29.5
banda rito sa ilalim ng tiyan,
10:31.5
o pwede rin yan sa puso.
10:32.5
Dito,
10:33.5
pwede rin sa puso.
10:34.5
Minsan,
10:35.5
sa leeg.
10:36.5
Minsan,
10:37.5
dito sa lower jaw,
10:38.5
sa panga.
10:39.5
Possible din,
10:40.5
hanggang lower jaw.
10:41.5
Lahat yung areas na yan,
10:42.5
lalo na sa mga babae,
10:43.5
minsan,
10:44.5
sa puso ang pinagagalingan.
10:45.5
And,
10:46.5
number eight,
10:47.5
yung nahihilo,
10:48.5
biglang nahihilo na lang.
10:50.5
Okay?
10:51.5
Bakit parang nahihilo?
10:53.5
Pwedeng napagod,
10:55.5
o yung hilo,
10:56.5
minsan,
10:57.5
kulang ang blood pressure.
10:58.5
Baka nagbabara na yung puso,
11:01.5
pa konti-konti na,
11:02.5
papunta sa heart attack,
11:04.5
kaya nahihirapan na yung puso,
11:05.5
kaya minsan,
11:06.5
nagkukulang na.
11:07.5
So,
11:08.5
itong mga eight warning signs,
11:10.5
maliit lang naman ang chance,
11:11.5
pero tulad na sinabi ko,
11:13.5
kung may risk factor kayo,
11:15.5
tsaka kung duda kayo,
11:17.5
parang duda kayo,
11:18.5
napawisan ng malagkit.
11:19.5
Bakit kumakabog?
11:20.5
Wala namang akong ginagawa.
11:21.5
Kung duda kayo,
11:23.5
dahil nga sa study na ito,
11:25.5
one month before,
11:26.5
inatake sila sa puso,
11:27.5
pacheck na kayo na maaga.
11:29.5
Sa inyong cardiologist,
11:30.5
ECG,
11:31.5
treadmill,
11:32.5
blood test,
11:33.5
physical examination,
11:35.5
para maagapan pa
11:37.5
habang maaga.
11:38.5
Okay?
11:39.5
Sana po nakatulong itong video,
11:40.5
lalo na sa mga walang pera
11:42.5
magpa-check up,
11:43.5
kaya natin itong ginagawa
11:44.5
para makalibre kayo
11:47.5
at at least yung pagpupunta kayo sa doktor,
11:50.5
yung kailangan-kailangan na matulungan kayo.
11:53.5
Salamat po.