Close
 


10 Gusto Sabihin ng Magulang sa Anak na Hindi Nila Masabi. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
10 Gusto Sabihin ng Magulang sa Anak na Hindi Nila Masabi. By Doc Willie Ong Panoorin ang Video: https://youtu.be/DQYmNoP-iU0
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 09:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Bilang magulang po, merong sampung bagay na gusto natin sabihin sa mga anak natin
00:07.3
pero nahihiya tayong magsabi, hindi natin masasabi, pero gusto natin malaman nila.
00:15.1
So ako na lang magsasabi, baka mapadala nyo sa GC ninyo.
00:21.2
Medyo nakakahiya ako, magulang din kasi ako, pero itong sampung bagay gusto namin ipaalam sa mga anak.
00:27.9
Number one, baka pwede dalaw-dalawin nyo naman kami kahit minsan, kung gusto mo once a week, twice a week.
00:38.7
Siyempre pag magulang, tumatanda na, maiksina lang ang panahon sa mundo,
00:43.8
ang kasiyahan na lang naman ng magulang makita yung anak nila.
00:47.7
Kakahiya naman tatawagan para dalawin kami, alagaan kami.
00:54.1
Pero sa mga magulang, wala tayong magagawa kung walang dadalaw.
00:57.9
Pili tayo maging independent, kaya kung magkakasakit tayo, di hanap na lang tayo na ibang mag-aalaga
01:05.7
kung hindi natin maasahan ng anak natin, pero yun, sana gusto natin sabihin.
01:11.7
Number two, gusto natin sabihin sa mga anak na kailangan mag-aaral ng mabuti.
01:18.7
Okay, yun lang naman eh, aral ng mabuti, siyempre sana ma-appreciate, mahirap yung gastos, mahirap yung tuition,
01:27.9
diba? So, parang yun lang, magiging proud tayo sa anak natin.
01:32.1
Kung kaya lang mag-aaral, pero siyempre kung may mga ibang mga problema na hirapan sa pag-aaral, iniintindi naman natin.
01:41.3
Number three, gusto natin sabihin, pero nakakahiya sa mga anak natin,
01:45.9
baka pwedeng magtipid konti, huwag masyadong mag-gastos.
01:52.2
Okay, learn how to manage money.
01:55.2
Mas masaya tayo kung yung anak natin.
01:57.9
Marunong mag-ipon, marunong mag-budget, marunong magtipid, para sa ibang araw, meron silang kakainin, hindi sila malulugi, hindi sayang yung mga imipon natin para sa kanila.
02:11.1
Okay, at gusto rin natin sabihin, hindi mo naman kailangan ng trabaho ng trabaho o maraming pera para sumaya sa mga seniors, family is best.
02:22.7
Makasama yung pamilya, may konting ipong pera, tahimik na buhay.
02:27.9
Masaya na tayo.
02:29.2
So, pag sinabi mo magtipid yung anak, baka magalit po eh.
02:34.4
Number four, okay, gusto sabihin ng magulang, syempre na, nagwo-worry tayo sa kanila.
02:41.7
Nag-aalala tayo, kahit sabihin nila masyadong OA, gusto natin healthy ang anak natin.
02:49.3
Kaya nga pinapadala yung mga videos ni Doc Willie, di ba?
02:52.7
So, kung nakikita natin may maling gawain, o sobrang stress yung...
02:57.9
...anak natin, nagkakasakit na sa stress, di ba?
03:01.4
So, yun ang concern natin, na alagaan nila yung kalusugan nila, kasi very important.
03:07.9
Number five, ito mahirap sabihin sa mga anak.
03:11.6
Number five, sana naman, paano ba sasabihin na huwag mag-away-away?
03:19.0
Usually, magkakapatid, meron talagang mag-aaway dyan.
03:23.4
Lalo na pag tumatanda na yung magulang, may nag-aaway sa pera.
03:27.9
Sa ari-arian, sa mana, sino favorite, sino hindi favorite.
03:34.7
Actually, sa parents, wala namang...
03:37.2
Kala lang nila, minsan favorite at hindi favorite.
03:39.7
Pero syempre, kilala mo anak mo eh.
03:42.4
Yung isa, ito kailangan tulong.
03:44.8
Itong isa, ito kailangan tulong.
03:47.0
Wala namang perfect na magulang.
03:48.9
So, gusto lang natin, huwag mag-aaway-aaway, maging mas mabait, maunawain, at magdadasal din palagi.
03:56.8
Kaya nasabi ni Doc Willie,
03:57.9
isa, mas gusto natin, maging madasalin din yung mga anak natin.
04:02.1
Kasi ngayon, sa panahon ngayon, parang nakakalimutan na rin yung pagdarasal.
04:07.8
Number six, ang wish natin sa anak natin,
04:11.4
hirap naman sabihin harap-harapan,
04:13.1
sana, pag single kayo, makahanap kayo ng maayos na partner.
04:19.0
Diba, yan ang takot ng magulang.
04:21.1
Baka, yung magiging asawa ay aabusuhin yung anak natin.
04:26.3
Diba, lolokohin.
04:27.9
Papahirapan, sasaktan, marami, maraming issue.
04:32.5
Baka, mapunta ka sa may bisyo, gusto lang natin, maging masaya.
04:37.0
Okay, so, pinipray natin, makahanap siya ng maayos na partner.
04:41.2
Kasi sa batang isip, minsan, lalo ng mga teenagers, mapusok.
04:46.9
Diba, makakita lang ng maganda o gwapo, eh, yun na yun.
04:51.4
Diba, alam naman natin, eh, tayong mas may edad, alam natin yung makahanap ng matinong partner.
04:57.9
Number seven, ito, usually, request ng magulang, lalo na kung may apo na, ito, para sa may apo na,
05:05.9
mas gusto sana ng magulang, mapalapit sila sa apo.
05:11.4
Minsan, sana, mahiram yung apo, huwag naman ipagkait yung apo.
05:16.9
Usually, kasi wala talagang time mga magulang, eh, syempre, magulang, pinapalaki mo ang anak mo,
05:21.9
kailangan mo magtrabaho, kumita ng pera, wala ka nang time mag-alaga masyado ng bata.
05:26.9
Pero kung may apo na, usually, nandun yung time.
05:29.9
Minsan dyan, nag-aaway. Syempre, gusto ng magulang, ng mga lolo-lola, makita ang apo.
05:36.9
Number eight, gusto sabihin ng magulang, sana yung mga anak natin, syempre, huwag gagawa ng illegal,
05:44.9
huwag gagawa ng masama, lalo na sa batas, huwag maliligaw ng landas, huwag magbibisyo, okay lang konting pera.
05:53.9
At gusto rin natin paalam sa mga anak natin na life is full of challenges.
05:58.9
Mahirap talaga ang buhay. May up and down talaga. Kailangan matibay ka.
06:04.9
Okay lang bumagsak, okay lang mag-fail, ayaw natin, lalo na pag-depress ang anak mo, paano mo tutulungan?
06:11.9
Kung may mental health problem, lalo ngayon ang daming may depressed na mga bata.
06:17.9
So, gusto natin lumakas sila, matibay sila, para nga pag wala tayo, okay lang.
06:23.9
Mahirap naman sabihan, kung tutulungan mo agad, hindi rin po pwede.
06:28.9
Kung hahayaan mo, sasabihin nila, wala kang pakailam. Diba? Pero, yung wish natin na maayos sila.
06:35.9
Number nine, very important. Gusto sabihin ng magulang to, hindi lang masabi sa anak.
06:42.9
Number nine is, wala na sanang sisihan. Okay?
06:47.9
Minsan both sides eh. Minsan yung magulang din, masungit, sinisisi yung anak.
06:52.9
Pero, minsan, mas madalas yung anak ang nagsisisi sa magulang eh.
06:58.9
Siyempre, walang perfect na magulang. May pagkakamali dati ang magulang.
07:03.9
Baka napalo kayo, nasigawang kayo, naaway kayo, mainit ulo ng magulang. May nasabi o nagawang masabi.
07:13.9
Wala namang perfect eh. Pero, pag uulit-ulitin ng anak sa magulang, kasalanan mo yan. Ikaw kasi, ginanyan mo eh.
07:20.9
So, ano magagawa ng magulang? Lahat naman ang kakamali.
07:23.9
Sabi ko nga eh, wala naman makaka-100% perfect na magulang.
07:28.9
Makakuha ka lang na 60% na good, 40% na hindi maganda. Di pwede na yun, 60-40.
07:37.9
Diba? Kasi, walang perfect. Kahit yung mga anak, wala rin mang perfect.
07:42.9
Pag sila nagkaroon na ng anak, pag yung anak na nila ang magre-reklamo sa kanila, doon nila maintindihan.
07:49.9
Mahirap maging magulang. Diba? Kasi, concerned.
07:54.9
And number 10, ito ang gusto sabihin ng magulang, nahihiya kami sabihin.
07:59.9
Itong mga messages, yung una-una siyempre, mahal na mahal natin ang anak natin.
08:05.9
We love them unconditionally. Pero, di nila maintindihan. Di nila ma-feel.
08:10.9
Yung happiness nila pinakamahalaga, hindi rin nila ma-feel. Diba? Kasi bata eh.
08:17.9
Pwede tayo kausapin. You can always talk to me. Ayaw naman lumapit sa atin.
08:23.9
We are proud of them. Ayaw din naman nila maniwala.
08:27.9
Sasabihin nila, corny ka. Diba? Pag lalapit ka, sila iiwas.
08:32.9
So, merong yan. Pero I'm sure lahat ng magulang, ang happiness lang nila na lumaki yung anak nila maayos,
08:39.9
siyempre galing sa kanila yan. Yun lang naman. Okay?
08:43.9
So, gusto natin maging maayos ng parents.
08:46.9
Hopefully, kung hindi natin masabi sa anak natin,
08:49.9
padala mo nalang itong video. Lagyan mo nalang ng number.
08:52.9
Number 9 ba gusto mo sabihin sa anak mo? Walang sisihan.
08:56.9
O number 10, na mahal mo siya.
08:58.9
O number 3, dapat magtipid at huwag mag-gastos.
09:02.9
Kasi usually, pag parents ka talaga, short time lang naman eh.
09:07.9
Wala naman, maiksila naman ang buhay.
09:10.9
Actually nga, yung mga matatanda, hindi naman usually takot mamatay.
09:14.9
Parang, eh ganun lang eh.
09:15.9
Ginawa na natin mission natin. We'll just try to do our best.
09:19.9
So, happiness na lang natin maging maayos yung mga anak.
09:22.9
Kasi kung di sila maayos, nag-aaway-aaway,
09:25.9
yan ang pinakamasakit at pinakamalungkot sa mga magulang.
09:31.9
God bless po.