Close
 


Totoo Nga Ba Ang Illuminati
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
This video will explain whether the Illuminati are real, who they are, and how they started. Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Totoo nga ba ang Illuminati?
00:02.7
May mga narinig ka ng kwento tungkol sa mga Illuminati at ang kanilang mga kakayahan.
00:08.4
Pero saan nga ba galing ang mga Illuminati?
00:11.3
Ano ang kasaysayan nila?
00:13.0
Ano ang kwento sa likod ng kanilang alamat?
00:15.4
At higit sa lahat, totoo nga ba ang Illuminati?
00:19.1
Tara, pag-usapan natin!
00:21.4
Ang salitang Illuminati ay ang plural form ng Latin word na Illuminatus o Enlightened sa Ingles.
00:27.9
Ayon sa ilan, ang ilaw ay nagmula sa kataas-taasan na siyang nagdadala ng kalinawan na lumalagpas pa sa kakayahan ng tao.
00:37.3
May mga naniniwala na ang Illuminati ay nagsimula sa mga followers ng isang mystical movement sa Spain noong 16th hanggang 17th centuries.
00:47.9
Ang mga followers na ito ay tinatawag na Alumbrado o Enlightened sa Ingles.
00:53.8
Naniniwala sila na kapag naging perpekto ang kaluluwa ng isang tao,
00:57.5
sa pamamagitan ng kanyang magandang gawain,
01:00.6
bibigyan na siya ng kakayahang makita ang mga mangyayari sa hinaharap at makipag-usap sa banal na espirito.
01:09.3
Ito ang rason kung bakit ginamit nila ang terminong Enlightened.
01:14.5
Dahil para sa kanila, minulat sila ng banal na espirito.
01:19.8
Gayunpaman, karamihan sa mga eksperto ay naniniwala na ang salitang Illuminati
01:25.5
at ang pagkaintindi ng mga tao nito bilang pangalan ng isang secret society ay nagmula sa Bavaria,
01:33.3
na ngayon ay parte ng Germany.
01:35.9
Noong 1773, naging professor ng Canon Law at Practical Philosophy,
01:41.5
si Adam Weishaupt sa University of Ingolstadt.
01:44.8
Sa mga panahon iyon, siya lamang ang nag-iisang professor sa university na hindi parte ng anumang religious activities.
01:52.8
Dahil malaki ang impluensya ng mga Jesuits sa university,
01:55.5
madalas nilang nilalait ang mga non-clerical professors na tulad ni Weishaupt,
02:00.5
lalo na kung hindi nila gusto ang material na itinuturo ng mga professors.
02:05.5
Ito ay isa sa mga rason kung bakit humina ang tiwala ni Weishaupt sa religion.
02:10.5
Para kay Weishaupt, may mga limitasyon ang religion na pinaniniwalaan ng mga tao.
02:16.5
Kaya naman, noong May 1, 1776, napagdesisyonan ni Weishaupt na ipakalat ang kanyang mga panibagong ideas
02:24.5
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang secret society na siyang magpapakita sa mga kakulangan ng religion.
02:33.5
Kasama ang kanyang apat na estudyante, pinangalanan ni Weishaupt ang grupo ng Order of the Illuminati.
02:40.5
Lahat ng miyembro ng Illuminati ay kailangang gumamit ng alyas.
02:45.5
Pinili ni Weishaupt ang alyas na Spartacus.
02:48.5
Kung hindi mo paalam, si Spartacus ang leader ng slave revolution laban sa Rome.
02:54.5
Siyempre, si Weishaupt ang naging pinuno ng secret order habang ang mga pinakaunang miyembro naman ang naging ruling council na tinatawag nilang Areopagus.
03:05.5
Ang sikretong grupo na Illuminati ni Weishaupt ay inspired mula sa isa ring secret society, ang Freemasons.
03:12.5
Nagsimula ang Freemasons bilang grupo ng mga magagaling na stone workers sa late Middle Ages.
03:18.5
Noong una ay layunin ang grupo na ibahagi sa mga bagong miyembro ang kanilang secret order.
03:23.5
Pero dinagtagal ay nag-promote na rin sila ng mga ideals ng knowledge at reason.
03:32.5
Sa katunayan, sumali pa nga si Weishaupt sa Freemasons upang makakuha ng ideya kung paano niya palalakihin ang kanyang sariling grupo.
03:41.5
Isang mahalagang miyembro ng ruling council ng Illuminati ay si Baron Adolph Nige.
03:46.5
Si Nige ay dating miyembro ng Freemasons at dinagtagal ay nakapag-rekrut din siya ng mga Freemasons.
03:52.5
Upang sumali sa Illuminati at kumopya ng mga rituals mula sa Freemasons upang isagawa ng Illuminati.
04:00.5
Isa sa kanila mga ritual ay isinasagawa nila sa mga novice na gustong umakyat sa mas mataas na level na Minerval.
04:08.5
Bago ito mangyari, kailangang maghanda ng isang detalyadong report ang novice tungkol sa mga titles ng libro na mayroon siya, ang pangalan ng kanyang mga kaaway at ang mga weakness niya bilang tao.
04:20.5
Habang isinasagawa ang initiation sa pagiging Minerval, kailangang ipangako ng novice na isasakripisyo niya ang lahat ng kanyang personal interests para sa kabutihan ng grupo.
04:32.5
Gumawa din ang structured hierarchy ang grupo. May tatlong pangunahing classes ang Illuminati.
04:38.5
Ang pinakaunang class ay kinabibilangan ng Initiate, Novice, Minerval at Illuminatus Minor.
04:46.5
Bawat novice ay tinuturuan ng humanitarian philosophy.
04:50.5
Hanggang sa maging Minerval na sila. Kapag nangyari ito, makakakuha na sila ng statutes mula sa grupo at pwede na silang dumalo sa mga meetings.
05:00.5
Ang pangalawang klase naman ay kinabibilangan ng Apprentice, Fellow, Master, Illuminatus Major at Illuminatus Dirigents.
05:09.5
Ang Illuminatus Major ang magsusupervised sa recruitment ng bagong mga miyembro habang ang Illuminatus Dirigents naman ang namumuno sa mga meetings ng mga Minervals.
05:19.5
Ang panghuling grupo ay kinabibilangan ng Priest, Prince, Magus at King.
05:25.5
Nandito ang mga miyembro may pinakamataas na philosophical illumination.
05:30.5
Lahat ng mga miyembro ng grupo ay nasa ilalim ng pamumuno ng King, ang pinakamataas na trono sa Illuminati.
05:38.5
Kung noong una ang karamihan sa mga miyembro ay mga estudyante lamang ni Wayshop, di nagtagal ay marami ng makapangyarihan at mayayamang tao ang sumalis sa grupo.
05:49.5
May mga noblemen, politicians, mga doktor, mga abogado at jurists.
05:55.5
May mga intelektuals na ding sumali na katulad nina Johann Wolfgang von Goethe, isang sikat na German poet, manunulat at scientist.
06:04.5
Pagsapit ng 1782, umabot na sa 600 members ng Illuminati at sa katapusan ng 1784, nasa 2,000 hanggang 3,000 na ito.
06:15.5
Habang lumalaki ang grupo, mas lumalakas din ang American Revolution.
06:18.5
Habang lumalaki ang grupo, mas lumalakas din ang American Revolution.
06:19.5
May mga haka-haka na inspirasyon ng leader nilang si Thomas Jefferson, si Wayshop, at kung paano nito nagawang bumuo ng grupo na tapat sa kanya at sa kanilang pinaglalaban.
06:33.5
Gayunpaman, walang malakas na ebidensya na nagpapatunay sa claim na ito.
06:38.5
Nang malaman nito ng mga clergyman at ilang mga otoridad ng Bavaria, nabahala sila na baka mangyari rin ito sa kanila, natakot na ang mga Bavarian authorities na ito.
06:48.5
Bavarian authorities sa potensyal ng Illuminati na kalabanin ang religious order. Pero hindi ito totoo.
06:55.5
Hindi tutol ang Illuminati ni Wayshop sa religion. Naniniwala lang ang grupo na dapat ay hiwala ito sa gobyerno.
07:02.5
Mas lumala pa ang sitwasyon nang magkaroon ng internal problems ang Illuminati.
07:07.5
Nagkaroon ng bangayan sina Wayshop at Nigue sa mga layunin at mga paraan ng grupo, at sa huli ay napilitang umalis si Nigue.
07:16.5
Sa mga panahong ding ito, nagsulat ng liham ang dating miyembro ng grupo na si Joseph Utchin Snyder sa Grand Duchess ng Bavaria at ibinulgar ang mga lihim ng Illuminati.
07:28.9
Ayon sa reports, magkahalong katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ni Utchin Snyder sa liham.
07:35.3
Ayon sa kanya, naniniwala ang grupo sa ilang mga kontrobersyal na gawain at sa tingin nila ay maraming mali sa religion.
07:43.2
Sinabi niya na may masamang plano ang Illuminati laban sa Bavaria at kasabot ito ng Austria.
07:50.5
Kaya naman, noong June 1784, naglabas ng batasang Duke Elector na siyang nagbabawal sa mga secret society sa Bavaria.
07:59.6
Noong una ay inakalan ng grupo na hindi sila kasama sa ban, kaya hindi sila nabahala.
08:05.0
Pero noong March 1785, isang pangalawang batasang pinasa ng Bavarian authorities at sa pagkakataong ito,
08:12.8
isinaabot.
08:13.2
At na sa batas na kabilang sa mga bawal na grupo ay ang secret society ni Weishaupt.
08:19.1
Sa pagkakataong ito, siniguro ng Bavarian authorities na malalaman ng Illuminati na sila ang pangunahing target ng batas.
08:27.6
Inaresto ng mga otoridad ang mga miyembro ng grupo at nakakuha pa sila ng mga dagdag na ebidensya mula sa mga ito.
08:34.8
Nakakuha sila ng mga documents tungkol sa mga paniniwala ng grupo.
08:38.9
Plano na pagbuo ng female branch para sa grupo.
08:41.4
Invisible ink recipes at ilang mga medical instruction na unethical ayon sa mga otoridad.
08:49.0
Malakas ang mga ebidensyang ito na may plano ngang kalabanin ng grupo ang religion at ang state.
08:55.0
Kaya naman, noong 1787, naglabas ng pangatlong batas ang Duke Elector na siyang nagpaparusan ng death penalty sa mga magpapamiembro sa Illuminati.
09:05.3
Para naman kay Weishaupt, natanggal siya sa University of Ingolstadt at napilitang lumipats,
09:11.4
sa Saxony kung saan nagturo siya ng philosophy sa University of Göttingen.
09:16.9
Nang mangyari ito, naniwala na ang Bavarian state na natapos na ang Illuminati.
09:22.7
Pagkatapos mapabagsak ng Bavarian authorities ang Illuminati ni Weishaupt, marami ang naniniwala na nagpatuloy pa rin ang grupo sa underground.
09:31.2
May ilan pangang mga grupo na binigyan din ang publiko ng pangalan na Illuminati.
09:35.7
Isa na dito ang French Martinist na binoo ni Martinez Pascualis at Louis.
09:41.4
Di nagtagal ay naging konsepto na lang ang salitang Illuminati para sa mga conspiracy theorists na naniniwala dito.
09:51.9
Karamihan sa kanila ay naniniwala na nagpatuloy ang grupo pagkatapos ng pagbagsak nito at ngayon ay isang sikreto at makapangyarihang grupo na kinabibilangan ng mga pinaka-influential at pinaka-mayayamang tao sa mundo.
10:06.3
Naniniwala ang mga conspiracy theorists na itong Illuminati ang may kontrol ng ilang mga website.
10:11.4
At ang tunay na may hawak ng gobyerno.
10:15.1
Ilan sa mga artista at public figures na pinagdududahan ng miyembro ng Illuminati ay sina Beyoncé, Jay-Z, Madonna at kahit si Lebron James.
10:25.5
Kayon paman, walang anumang malakas na ebidensya ang mga conspiracy theorists sa mga claim nila at ilang beses na rin silang pinuna ng mga historians sa pagkakalat nila ng misinformation.
10:37.2
Kaya huwag agad maniniwala.
10:39.9
Para tuloy-tuloy ang sayat,
10:41.4
Huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube Channel at pidutin ang notification bell.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.