Close
 


Anong Mangyayari Pag May Sumabog na NUCLEAR BOMB sa MANILA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano kung may sumabog na Nuclear bomb sa Manila Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv English contents: https://bit.ly/mooblyworld #worldwar #war #whatif
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano kung may sumabog na nuclear bomb sa Manila?
00:03.7
Unang araw mo sa Manila, dumating ka kagabi mula Cebu at handa ka ng simula ng iyong bakasyon.
00:09.7
Agad mong binuksan ang kortina ng hotel room mo para tignan ang kahangahangang landscape ng capital city ng Pilipinas.
00:17.1
Grabe, ang daming matataas na building, maraming tao sa paligid at madaming magagarang sasakyan.
00:23.4
Maya-maya pa, bigla ka nalang may nakitang malaking ball of light sa malayo.
00:27.8
Pero wala ka pang naririnig, pero napansin mong may mga tao sa kalsadang tumatakbo pa palayo sa liwanag.
00:34.7
Kinakabahan ka na, pero hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari.
00:38.9
Paano kung sabihin ko sa iyong, pinasabog ng nuclear bomb ang Manila?
00:44.3
Ano sa tingin mo ang mangyayari?
00:46.5
Pag-usapan natin.
00:47.8
Isang malaking nuclear bomb ang tumama sa Manila, at hindi lang ito isang ordinaryong bomba.
00:52.6
Ang tumama ay isang AN-602 o Tsar Bomb.
00:56.3
Ang pinakamalakas na nuclear bomb na napasabog ng Soviet Union sa kapanahuna nila.
01:03.0
Wala pang isang segundo ang pagtama ng bomba ay nagkaroon na ng isang malaking fireball.
01:08.1
Aabot ang laki nito sa 113 square kilometers at lahat ng malapit dito ay agad na maglalaho.
01:14.5
Mga tao, hayop, buildings, at kung ano-ano pa.
01:18.9
Kung nasa loob ka ng fireball, para kang isang tubig na mag-ievaporate dahil sa nangyaring pagsabog.
01:25.1
Biglang naglaho ang mataong divisorya, at nawala na parang abo.
01:29.9
Isa na rin na nasa loob ng fireball ay ang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas, ang Santo Tomas.
01:36.3
Kasama ng fireball na mabubuhay isang malaking flash of light sa lakas ng liwanag nito.
01:42.1
Mahaari kang mabulag ng ilang oras kung nakatilat ang mga mata mo paglabas nito at nasa malapit ka,
01:48.4
at matatagalan pa bago bumalik sa normal ang iyong mga mata.
01:52.6
Isang napakalakas na hangin ang lumabas mula sa lugar na pinagsabuga ng bomba.
01:57.8
Ang hangin na ito ay mas malakas pa kaysa sa isang tornado.
02:01.8
Ito ang tinatawag na shockwave.
02:04.4
Lahat ng dinaanan nito ay natangay o nasira.
02:08.0
Lumipad ang mga sasakyan at lahat ng taong nadaanan ang hangin.
02:11.8
Hindi ka man namatay sa pagtama ng shockwave, sigurado magkakaroon ka pa rin ng matinding injuries kapag tumama ka sa mga buildings at ilan pang bagay na tinangay din ng shockwave.
02:21.8
Maraming buildings ang guguho mula sa impact nito.
02:24.8
Maliban na lang sa mga steel reinforced buildings na may chance ang malabanan ang napakalakas na impact.
02:30.8
Nakalbo din ang forest parks na matatagpuan sa siyudad.
02:34.8
Lahat ng kahoy na nadaanan ng shockwave ay nabali at may ilang mga puno na nabunot mula sa ugat nito.
02:40.8
Umabot sa halos 900 square kilometers ang naabot ng napakalakas na hangin na ito.
02:46.8
Ang maganda lang sa isang shockwave ay humihina ito habang tumatagal at lumalayo.
02:51.8
Gayunpaman, kahit sa bandang huli ka na natamaan ng shockwave, pwede pa rin itong masira ang mga bintana mo.
02:58.8
Kaya dapat ay magingat ka pa rin. Hindi rin ligtas ang ilan sa hindi inabot ng shockwave.
03:03.8
Isang kakaibang init ang lumabas sa pagsabog at tumabot ito ng 8,200 square kilometers.
03:09.8
Lahat ng tinamaan ng init ay nasunog tulad ng kahoy, mga damit, papel o plastic at syempre ang balak.
03:17.8
Hindi rin ito nakaligtas sa matinding init.
03:20.8
Lahat ng taong pasok sa radius ng matinding init ay nagtamo ng severe third degree burns.
03:26.8
Matapos ang ilang minuto, marami sa kanila ang hindi na nakatiis sa pagkasunog ng kanila mga balat at agad rin na matay.
03:33.8
Kahit ang mga taong malayo sa radius ng init ay nagkaroon din ng sugat. Nagtamo sila ng first o second degree burns.
03:40.8
Pagkatapos ng pagsabog ay dumilim ang kalangitan. May nabuong isang malaki at madilim na mushroom cloud.
03:46.8
Niyakap nito ang buong syudad at natakpan ang mga ulam.
03:49.8
Dahil hinigop ng mushroom cloud ang oxygen sa lugar at maraming gasolina ang syudad, nagkaroon ng firestorm malapit sa mushroom cloud.
03:58.8
At kahit wala nang gasolina, may mga gasoline station pa rin sumasabog kung saan saan.
04:03.8
Sa mga sumunod na oras, nawala na ang ingay ng mga pagsabog. Kaya ang ilang taong nakaligtas ay lumalabas na.
04:10.8
Mapapansin mo sa kanila mga mukha ang halo-halong emosyon na kanilang nararamdaman, tulad ng matinding takot at lungkot.
04:18.8
Pero higit sa lahat, tila naguguluhan pa rin sila sa tunay na nangyayari, at nagtatanong kung totoo ang lahat ng ito.
04:25.8
Gayunpaman, maswerte pa rin ang mga taong ito. Hindi lang dahil nakaligtas sila sa pagsabog, kundi dahil na rin sa kakayahan na ibinigay sa kanila upang makalabas.
04:35.8
Maraming mga taong natraps sa mga gumuhong building. Ilan sa kanila ay buhay pa, pero hindi makagalaw dahil natabunan ng debris ang isang parte ng katawan.
04:45.8
Kahit makuha pa ng iba na makagalaw at makalabas.
04:47.8
Natakpan naman ng malalaking debris ang kanilang labasan, at kakailanganin pa nila ng tulong upang makalabas.
04:55.8
Sa mga kalsada, maraming nagkalat na debris. Naglalakad ang mga survivors, at lahat sila ay may sugat o nabahaling mga buto.
05:04.8
Matagal pa bago sila magamot dahil tulad ng ibang mga building sa syudad. Nasira din ang mga hospitals, at maraming nurses, doctors, at iba pang healthcare professionals ang namatay.
05:15.8
Hindi pa alam ng mga survivors kung saan sila pupunta, at nagpasalamat na lang na sila ay nakaligtas. Pero, hindi rin ito magtatagal.
05:25.8
Nagsimulang umulan sa syudad, pero hindi ito isang ordinaryong pagulan. Maitim ang tubig na bumabagsak mula sa kalangitan, dahil na rin sa radioactive ash at dust. Natabunan nito ang buong syudad, at nabasa sa black ray ng mga tao.
05:40.8
Pagkatapos ng isang nuclear explosion, mapupuno ng radiation na gamma ray.
05:43.8
Pagkatapos ng isang nuclear explosion, mapupuno ng radiation na gamma ray.
05:44.8
Pagkatapos ng isang nuclear explosion, mapupuno ng radiation na gamma ray.
05:45.8
Tapos may ancoraze at neutrons ang hangin. Ang radiation na ito ay masama sa katawan, at inaatake ang cells ng mga tao. Kapag na-expose ka sa radiation ng matagal, pwede kang magkaroon ng radiation poisoning at mamatay.
05:57.8
At ito mismong ang nangyari sa ilang taong lumabas pagkatapos ng pagsabog.
06:03.8
Nakaramdam sila ng fatigue, na tila gusto nilang sumuka at pagkatapos ng ilang oras, nalagas ang kanila ng buhok.
06:10.8
Ang iba ay namatay sa loob lamang ng ilang oras.
06:13.8
Habang ang iba naman ay namowyang sumubiyak ng iyong reviolya.
06:14.8
Iba naman ay namatay pagkatapos ng ilang araw o linggo.
06:18.8
Namatay sila dahil sa tagal ng pagdating ng tulong.
06:22.9
Sinubukang rumesponde ng mga otoridad sa mga kalapit na siyudad na hindi napinsalan ang pagsabog.
06:28.1
Pero nahirapan sila. Hindi sila makapasok sa siyudad dahil sa dami ng debri.
06:33.9
May malalaking balakid sa mga bridge at ilang daanan papasok sa siyudad.
06:38.3
Kaya naman, habang tumatagal, marami pang mga natrap ang namatay.
06:42.5
Unang una, wala silang pagkukunan ng pagkain.
06:46.4
Marami sa mga convenience stores, restaurants at malls ang nasunog at may ilang gumuho.
06:51.9
Kahit may mga gusali na hindi nasalantan ang pagsabog, nahirapan pa rin ang mga tao na pumasok dito.
06:58.2
Wala rin tubig sa siyudad at kuryente.
07:01.0
Nagkaroon ng malahangger games na pag-aagawan ng resources ang mga survivors bago pa dumating ang mga otoridad.
07:07.8
Nagpadala ng tulong ang allies ng Pilipinas.
07:10.9
Nagpadala ng choppers ng US.
07:12.5
Upang mas madaling maabot ng rescuers ang siyudad nang hindi dumadaan sa mga sira at mga balakid na kalsada.
07:19.6
Dumating sa siyudad ang rescuers na may suot na proper gear upang hindi sila ma-expose sa radiation.
07:25.3
Agad nilang nirescue ang mga survivors na nakita nila sa kalsada.
07:29.3
Pinahiga sa stretchers ang ilan na hindi makalakad at dinala sa malapit na hospitals.
07:35.0
Pero hindi pa sigurado ang kaligtasan ng mga survivors na ito.
07:38.8
Marami sa kanila ang maaaring mamatay mula sa leukemia.
07:41.8
Dahil sa epekto ng matagal na exposure sa radiation at delikadong kemikal.
07:47.0
Para naman sa mga mabubuhay pagkatapos ng pagsabog, marami sa kanila ang magkakaroon ng post-traumatic stress disorder.
07:53.9
Sa madaling salita, matagal pa bago makita ang tunay na epekto ng nuclear explosion sa mga tao.
08:01.2
Sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, dahan-dahang inayos ng mga otoridad ang siyudad.
08:07.1
Una nilang inalis sa mga balakid sa daan upang mapadali ang kanilang operation.
08:12.4
Pagkatapos nito, ay pinasok na mga rescuers ang mga gumuhong buildings sa siyudad upang tignan kung may mga natrap pang survivors.
08:20.5
Dala ang kanilang mga flashlights, hardhats at walkie-talkies.
08:24.3
Matapang nilang pinasok ang madidilim na sulok ng siyudad.
08:27.8
Matapos ng ilang buwan na rescue operations, natapos din ng rescuers ang pagsusuri sa lahat ng buildings sa buong siyudad.
08:35.2
Nuclear weapons, isang bagay na pinahahalagahan ng maraming bansa.
08:40.0
Lalo na ngayon na ayon sa mga eksperto sa panahon natin ngayon, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng nuclear war kumpara sa mga nakaraang dekada.
08:49.5
Marami ang nagsasabing mahalaga ito sa pagdepensa sa ating bansa at sa mga citizens nito.
08:55.3
Subalit sa huli, ang mga nasa kapangyarihan lamang ang may kakayahang magdesisyon ng bagay na ito.
09:01.4
At kung may mangyari man, milyon-milyong ordinaryong tao ang madadamay.
09:07.6
Kaya ang tanong,
09:08.4
Dapat nga bang pahalagahan ng isang bansa ang mga nuclear weapons?
09:12.6
Ano ang dapat gawin pagkatapos ng isang nuclear explosion?
09:15.9
Ano ang pwede natin gawin upang maagapan ng nuclear explosions o bombing na ito?
09:20.8
May natutunan ba kayo sa videong ito?
09:23.3
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube channel at pindutin ang notification bell.
09:33.4
Thank you for watching!