Close
 


Grabe! 100 Milyon Indians Pinatay Ng United Kingdom
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Alam mo ba, na mahigit 100 milyon na mga Indiano ang namatay dahil sa kalupitan ng mga British? Nangyari yan sa loob lamang ng 40 years. At take note kinontrol ng Great Britain ang India sa loob ng 190 years. So isipin mo, mahigit 100 milyon Indians ang namatay in just 40 years, ilang milyon pa kaya ang namatay sa remaining 150 years na paghahari ng mga British sa India. Ano ngaba ang ginawa ng mga british bakit sobrang daming namatay na mga Indians noon? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Alam mo ba na mahigit 100 million na mga Indiano ang namatay dahil sa pananakop at kalupitan ng mga British?
00:08.4
Nangyari yan sa loob lamang ng 40 years.
00:11.9
At take note, kinontrol ng Great Britain ang India sa loob ng 190 years.
00:18.0
So isipin mo, mahigit 100 million Indians ang namatay in just 40 years.
00:24.1
Ilang milyon pa kaya ang namatay sa remaining 150 years na paghahari ng mga British sa India?
00:31.5
Ang mga datos na ito ay base sa lumabas na pag-aaral ni Dr. Jason Hickel at ito ang nakakalungkot mga kaosang.
00:39.5
Karamihan sa mga British ay proud sa kasaysayan at mga ginawa ng British Empire noon.
00:54.1
Sa ginawang survey ng YouGov noong 2014 ay halos 60% ng mga British ay proud sa mga ginawa ng British Empire noon.
01:06.6
At halos 50% ang naniniwala na dahil sa pananakop ng mga British ay nakabuti ito at gumanda ang pamumuhay ng mga tao sa India at iba pang bansang kanilang naging kolonya.
01:19.4
Ngunit tila kabaliktaran yata ang lumabas sa ginawang pag-aaral.
01:24.1
Scholars, noong kasagsagan ng kapangyarihan ng British Empire ay marami ang nagdusa, nagutom at namatay.
01:32.4
Sobrang bumaba ang life expectancy ng mga Indiano.
01:36.3
Isipin mo, sa kasalukuyan, ang life expectancy sa India ay 70 years.
01:41.8
Ngunit noong panahon ang pananakop ng mga British ay 22 years lamang.
01:47.3
Napakababa. Ibig sabihin, marami sa mga Indiano ang maagang namamatay noon.
01:52.4
Hindi na umaabot ng 25 years old.
01:55.8
Ano nga ba ang ginawa ng mga British? Bakit sobrang daming namatay ng mga Indians noon?
02:01.6
At bakit kaya ang mga Indians pa ang sinisi ni Winston Churchill?
02:06.4
Kasalanan daw ito ng mga Indians. Sinabi niya, it's their own fault for breeding like rabbits.
02:15.1
Ayon sa BBC, taong 1757 nagsimula ang kontrol ng mga British sa India.
02:21.1
At taong 1858 naman nang tuluyan ng naging kolonya ng Britanya ang India.
02:26.7
At tuloy-tuloy na ito hanggang 1947.
02:29.9
Noong 2022 ay lumabas ang isang pag-aaral na ginawa ng economic anthropologist na si Dr. Jason Hickel
02:37.5
at ng kanyang research partner na si Dylan Sullivan.
02:41.0
Ayon sa kanilang research, sa mga taong 1880 to 1920,
02:45.2
maaaring aabot daw sa 165 million excess deaths ang naganap sa India.
02:51.1
Ngunit ang conservative na estimate nila ay hindi daw talaga bababa sa 100 million na mga tao sa India
02:58.2
ang namatay prematurely dahil sa pananakop ng mga British sa panahong iyon.
03:03.8
Namatay prematurely, ibig sabihin karamihan sa kanila ay maagang namatay, hindi na umabot sa katandaan.
03:11.4
Karamihan ay namamatay sa edad na 22 years old.
03:15.0
100 million, sobrang dami niyan.
03:18.0
Isipin mo kung ikukumbay natin ang dami ng dami.
03:21.1
Ang mga namatay noong World War I at World War II ay hindi pa rin ito aabot sa 100 million.
03:27.8
Million-million ang namatay sa India dahil sa matinding kahirapan, gutom at paglaganap ng sakit.
03:34.6
At ang itinuturong pinakadahilan nito ay ang mapang-abusong pamamalakad at mga pulisiyang pinatupad ng mga British sa India.
03:42.5
Narito ang dalawa sa kanilang ginawa na nagpahirap sa mga Indyano.
03:48.7
Una, sinira nila ang manifold.
03:51.1
Bago pa man masakop ng Britanya ang India ay isa ito sa mga pinakamalaking industrial producers sa mundo na nage-export ng high-quality textiles sa maraming bansa.
04:04.1
Masasabing ang antas ng buhay ng mga Indyano noon ay halos kapantay lamang ng mga developing countries sa Western Europe.
04:11.9
Tinanggal ng Britanya ang mga taripa ng India at ipinasok ang kanilang mga produkto sa India para ibenta.
04:18.1
Nagpataw sila ng mga buwis at bayarin, kaya't nahirapan ang mga Indyano na magbenta ng sariling produkto sa loob at labas ng bansa.
04:27.6
Ang buwis na ito ang ipinambili ng Britanya sa mga produkto ng India sa mababang presyo, tulad ng rice at wheat, at binenta nila ito sa mga bansa sa Europa sa mas mataas na presyo.
04:40.1
Dahil sa tax na ipinataw sa mga Indians, parang nakuha ng mga British ang mga produkto ng India ng libre.
04:46.6
Kung iisipin, parang ginisa ang mga Indian sa sarili nilang mantika, at ang sistemang ito ang humila pababa at lalong nalugmok sa kahirapan ang India.
05:00.1
Pangalawa, pinilit nila ang mga farmers na magtanim ng mas maraming cash crops imbes na mga food crops tulad ng rice at wheat.
05:09.1
Ang mga cash crops ay mga pananim tulad ng cotton at indigo, mga produktong ine-export nila sa Britanya.
05:16.2
At karamihan sa mga cash crops ay hindi nakakain ng tao.
05:20.4
Isa ito sa dahilan kung bakit ilang beses na nagkaroon ng food shortage at famine o tagutom sa India.
05:27.4
Sa panahon ng pananakop ng mga British sa India ay nagkaroon ng labing dalawang tagutom sa bansa, kung saan milyon-milyon ang namatay.
05:36.1
Isa na nga dito ang Chalisa Famine na mahigit 10 milyon katao ang namatay, at ang 1943 to 1944 Bengal Famine naman ay nasa...
05:46.2
3 milyon ang namatay.
05:48.2
Ayon sa pag-aaral, nagkaroon ng Bengal Famine dahil sa mga maling pulisiyang ipinatupad ni Winston Churchill sa India.
05:56.2
Dahil kahit na may shortage na sa bigas sa India noon, ay patuloy pa rin daw ang pagkuhan ng mga British ng bigas mula sa India,
06:04.2
at dinadala sa mga bansang kolonya ng Britanya as food supply para sa World War II.
06:10.2
At sinisi pa di umano ni Churchill ang mga Indians.
06:14.2
Sabi niya ang mga Indian daw ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng shortage sa pagkain dahil sa sobrang dami nila.
06:22.2
At sinabi daw niya, it's their own fault for breeding like rabbits.
06:26.2
Noong 1947 ay tuluyan ng umalis ang mga British, at sa wakas ay nagkamit na ng India ang kalayaan.
06:34.2
Nagustuhan niyo po ba ang content natin ngayon? Kung oo ay mag-comment ng yes.
06:39.2
This is Ate O from Our Republic, hanggang sa muli and stay awesome!
06:44.2
Subtitles by the Amara.org community