Close
 


10 Pinaka Notorious Na Mga Hackers Sa Buong Mundo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
10 most notorious hackers in the world 1. Kevin Mitnick 2. Anonymous 3. Gary Mckinnon 4. Julian Assange 5. Adrian Lamo 6. Albert Gonzales 7. Vladimir Levin 8. Matthew Bevan and Richard Pryce 9. Astra 10. Jonathan James Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #hacker #cybercrime #crime
Moobly TV
  Mute  
Run time: 16:06
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Sampung pinakanotoryos na mga hacker!
00:03.5
Gabi na, patapos ka na sa trabaho at naghahandang umuwi.
00:07.6
Bago ka tumayo, sinet mo muna ang emails mo at may napansin kang kakaiba.
00:12.3
Nakatanggap ka ng isang email na may titulong Love Letter For You.
00:16.8
Klinik mo ang email, pero wala namang nangyari.
00:20.0
Ang hindi mo alam, isang kakaibang computer virus pala ang na-activate mo at kinukuha na nito ang password mo.
00:27.0
Ngayon, nag-iisip ka na ng posibleng suspects at ang unang mong tanong, sino ang mga may kakayahang gumawa nito?
00:36.1
Sa video nito, pag-uusapan natin ang sampung pinakanotoryos na mga hackers.
00:41.5
10. Jonathan James
00:43.5
Si Jonathan James ang pinakaunang binata na nakulong para sa krimen na cybercrime sa US.
00:49.9
Noong 1999, sa murang edad na 15 years old,
00:54.3
napasok ni James ang computer systems ng Defense Council.
00:57.0
Contract Management Agency, NASA, at Department of Defense.
01:01.9
Dahil dito, nagkaroon siya ng akses sa halos 3,000 messages mula sa mga government employees,
01:08.2
mga usernames, passwords, at iba pang mga confidential na information.
01:13.6
Noong 2000, nahuli ng mga otoridad si James at sinintensyahan siya ng 6 months na house arrest
01:19.5
at ipinagbawal ang paggamit ng kanyang computer.
01:22.6
Pero nang ma-violate niya ang probation,
01:24.4
tuluyan siyang nakulong sa isang kulungan sa loob ng 6 na buwan.
01:28.8
Noong 2007, si James ang naging pangunahing sospek sa isang hacking na naganap sa TJX
01:35.5
kung saan maraming customers ang nakunan ng private information.
01:39.7
Sa isang interview, sinabi ni James na nagustuhan niya ang pag-hack sa mga secure servers
01:44.4
matapos niyang mabasa ang librong The Cuckoo's Egg.
01:47.8
Ang librong iyon ay ang kwento ng paghahanap ng mga otoridad sa isang computer hacker noong 1980s.
01:54.4
Sa kanyang iniwang letter, sinabi niya doon na ginawa niya ito dahil wala siyang tiwala sa justice system ng bansa.
02:04.7
Ayon sa The Daily Mail,
02:07.2
Noong 2008, isang 58-year-old Greek mathematician ang nahuli ng mga otoridad dahil sa cybercrimes na mga ginawa nito.
02:16.5
Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang sikat na hacker na si Astra.
02:21.0
Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng publiko ang tunay na identity niya.
02:24.4
Ngayon pa man, sa loob ng limang taon, nakuhang i-infiltrate ni Astra ang computers ng isang French aviation company sa pangalang Dassault Group.
02:35.4
Nakapagnakaw siya sa kumpanya ng mga panibagong weapons technology software at ibinenta ito sa iba't ibang parte ng mundo.
02:42.8
Ayon sa reports, nasa $360 million ang damages na natamo ng Dassault Group sa ginawang pang-hack ni Astra.
02:51.4
Kung nagtatanong ka kung ano ang ibig sabihin ng Astra,
02:54.4
ito ay isang Sanskrit word na nangangahulugang Armas.
02:59.8
8. Matthew Bevan at Richard Price
03:03.1
Sino Matthew Bevan at Richard Price ang nag-iisang duo sa video na ito, kilala sa palayaw na Coogee at Datastream Cowboy.
03:12.1
Si Bevan at Price ay British hackers na nakuhang makapasok sa computer systems ng US Air Force noong 1996.
03:19.5
Kasama sa kanilang napasok kayang database ng Griffith Air Force Base,
03:23.7
ang Defense Information System Agency at ang Korean Atomic Research.
03:28.5
Sa kabuoan, naka-access sila ng mahigit kumulang 3,000 military computers at nagdala ng damage na $1 million.
03:37.0
Sa sobrang laki ng damage na ginawa ng dalawa, ayon sa mga experts,
03:41.4
muntikan nang magkaroon ng World War III dahil sa kanila.
03:45.3
Nahuli sila ng mga otoridad noong 1996.
03:48.8
7. Vladimir Levin
03:50.9
Si Vladimir Levin ay isang Russian hacker na kilala bilang leader ng grupo na nagnakaw ng $10 million sa Citibank.
03:58.6
Gamit ang isang laptop sa England, pinasok niya ang network ng Citibank upang makuha ang codes at passwords ng kanila mga customers.
04:06.6
Agad na nilipat ng grupo ni Levin ang pera sa iba't ibang accounts na pagmamayari ng grupo.
04:12.4
Nakakalat ang mga accounts na ito sa iba't ibang parte ng mundo.
04:15.9
May accounts sila sa US, Finland, Netherlands, Germany at Israel.
04:20.9
Noong March 1995, nahuli na mga otoridad si Levin habang nasa airport sa London.
04:26.9
Nakulong man si Levin, $400,000 lamang ang narecover ng Citibank.
04:32.0
Hanggang ngayon, ang ginawang pagnakaw ni Levin sa Citibank ay nananatiling isa sa pinakamalaking bank robberies sa kasaysayan.
04:40.6
Noong 1998, nakalaya si Levin sa kulungan at umuwi na sa Russia.
04:45.1
Ngayon pa man, may ilang taong naniniwala na may akses pa rin si Levin sa computer systems ng Citibank at naghihintay lang ito ng tamang tsyempo upang umataking muli.
04:56.6
6. Albert Gonzales
04:59.0
Ayon sa New York Daily News, nagsimula si Albert Gonzales o si SoupNazi bilang leader ng isang grupo ng mga computer nerds na nag-aaral sa isang high school sa Miami.
05:10.1
Di nagtagal, naging hacker at moderator din siya sa ShadowCrew.com.
05:15.8
Isang cybercrime forum na nagsimula noong 2002.
05:19.8
Sa edad na 22, inakusahan si Gonzales na mastermind sa paghack ng milyong-milyong ATM card accounts at pagnakaw ng mahigit sa $1.5 million.
05:31.0
Upang hindi siya makulong, pumayag si Gonzales na maging informant ng Secret Service.
05:36.4
Pero ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang mga pagnanakaw.
05:45.8
Gumamit sila ng basic SQL injection upang makagawa ng backdoor sa mga corporate networks ng kumpanya.
05:52.3
Di nagtagal, nakanakaw ang grupo ng estimated na $256 million mula sa TJX.
06:00.4
Ayon sa The New York Times Magazine, ang ginawa niyang ito ang pinakaunang serial data breach sa credit information.
06:08.1
Nakanakaw din siya ng mahigit sa $180 million mula sa payment card accounts ng iba pang mga kumpanya.
06:15.1
Na tulad ng OfficeMax at Dave & Buster's.
06:19.2
Di nagtagal, ay nahuli rin si Gonzales at nakulong ng 20 years.
06:24.7
5. Adrian Lamo
06:26.5
Sumikat si Adrian Lamo bilang isang notorious na hacker noong 2000s.
06:31.5
Mas kilala siya sa palayaw na The Homeless Hacker dahil wala siyang permanent address.
06:37.1
Palipat-lipat lang siya ng tirahan daladala ang isang backpack na pinaglalagyan niya ng kanyang laptop.
06:42.2
Noong 2001, sa edad na 20 years old, hinak ni Lamo ang Reuters.com, isang website na nagbibigay ng news tungkol sa business, financial, national at international na mga kaganapan.
06:56.1
Minodify ni Lamo ang isang article sa website at dinagdagan niya ito ng peking quote mula sa isang attorney general na si John Ashcroft.
07:04.0
Matapos ang isang taon, hinak naman ni Lamo ang intranet ng The New York Times at itinagdagang sarili niya sa listahan ng experts.
07:12.2
Ginamit din niya ang akses na ito upang mag-research ng mga high-profile public figures.
07:19.0
Kung nagtatanong ka kung paano ko ito nalaman, yun ay dahil ninonotify ni Lamo ang press at ang kanyang mga biktima na kanyang hinahack.
07:27.2
Minsan, tinutulungan din ni Lamo ang ibang companies na i-improve ang kanilang online security.
07:33.3
4. Juliana Sangue
07:35.2
Alam mo ba kung ano ang Wikileaks? Ito ay isang website kung saan pinopost ang mga impormasyon na classified.
07:42.2
At dapat ay hindi sinasabi sa publiko.
07:45.1
Ang sources nito ay anonymous pero ang founder ay walang iba kundi si Juliana Sangue.
07:50.5
Gamit ang hacking name na Mendax, nahack niya ang ilan sa pinakasecure na systems sa buong mundo, ang NASA at Pentagon.
07:59.1
Noong 1990s, isa siya sa mga nag-develop ng pinakaunang first internet relay chatbot na pinangalanan nilang Reliable Toolbot.
08:07.6
Noong 2010 at 2011, naging wanted si Sangue dahil hinak niya.
08:12.8
Ngayon, partner ng wichtig nadot mo ay mga pribaba,款 yung mga mga red square data,
08:19.1
bago hindi si Sangue maaari aunt isoc aldar loob,
08:22.6
at bantoy ng mga Department Director ng LMS sa iland at gemayang agar Ajelles.
08:25.4
Dan-dan akara si Ming Mang ratings mo yung hal nosso bunu ko sa susunod ito po kay Chang studying isang biro bata akalik.
08:29.0
Pinada mo ito sa s eerste pag-gain ay pataw agar hiychildren ang pag-labahit na sa inyo.
08:34.1
Ngunit kapal sa laburan niyang sabang pagkakata um платin ko ang mga mga mga profesy monday,
08:36.9
Gary McKinnon
08:37.9
Sa dami ng mga hackers na nag-infiltrate sa network ng US military,
08:42.3
si Gary McKinnon ang may hawak ng record sa pinakamalaking military computer hack sa kasaysayan.
08:48.9
Noong 2002, hinak niya ang 97 US military at NASA computers na siyang naging dahilan ng mahigit kumulang 800,000 na halaga ng damage.
08:59.3
Noong 2002, nahuli ng mga otoridad si McKinnon at nang makausap siya ng mga otoridad,
09:04.8
sinabi niya na hinak niya ang mga computers upang maghanap ng ebidensya ng extraterrestrial life at UFO.
09:12.1
Ayon sa balita, may Asperger's syndrome at depression si McKinnon na siyang isa sa mga rason ng kanyang kakaibang behavior.
09:19.7
Noong 2005, nalipat ang kanyang kaso sa US at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya ng trial.
09:27.2
2. Anonymous
09:28.5
Ito ang natatanging grupo na nasa listahan.
09:31.5
Siguro ay narinig mo na ang grupo ng mga hackers na kilala bilang Anonymous.
09:34.8
Nagsimula ang grupo noong 2003 sa 4 Chan Message Boards sa isang walang pangalan na forum.
09:41.8
Noong una ay nakahiligan ang grupo na mag-hack ng systems upang mag-prank ng mga tao.
09:46.8
Noong July 2006, hinack ng Anonymous ang social networking site ng Habbo Hotel sa Finland.
09:52.8
Ang Habbo ay isang online community at virtual world na sikat sa Finland.
09:57.8
Blinock ng grupo ang digital pool ng Habbo at sinabi doon na sarado ang pool dahil sa AIDS.
10:03.8
Pagdating ng 2008, nag-iba ang layunin ng grupo nang simulan nilang gamitin ang kanilang hacking skills para sa social justice.
10:11.8
Dito na sumikat ang term na hacktivism at nag-focus ang Anonymous sa pagiging hacker at activists.
10:18.8
Nang hindi nila nagustuhan ng Church of Scientology, dinisable ng grupo ang kanilang website na siyang nagkaroon ng impact kung gaano sila kabilis masearch sa Google.
10:27.8
Nilagyan din nila ang fax machines ng Scientology ng mga all black pictures.
10:32.8
Noong March 2008, ilang miyembro ng grupo na tinatawag na Anonymous ang nagmarcha at dumaan sa mga Scientology centers sa iba't ibang parte ng mundo.
10:41.8
Suotang ngayon ay sikat na Guy Fawkes mask. Alam ko na nakakita ka na ng mask na ganito.
10:47.8
Sa mga nakaraang taon, may nahuli na rin ang FBI at ilan pang mga law enforcement agencies na miyembro ng Anonymous.
10:54.8
Gayunpaman, ayon sa The New Yorker, dahil walang malinaw na hierarchy ang grupo, walang tunay na leader at walang mga officers.
11:02.8
Mahirap hulihin ang lahat ng mga miyembro nito.
11:05.8
1. Kevin Mitnick
11:07.8
Kahit sa ang listahan mo tingnan, kapag hackers ang pinag-uusapan, ang tinuturing na pinakamalupit at pinakakilalang hacker sa kasaysayan ay ang American hacker na si Kevin Mitnick.
11:18.8
Nagsimulang mag-hack si Mitnick sa murang edad na 16. Noong 1982, nahack naman ni Mitnick ang Computer System ng North American Aerospace Defense Command o NORAD.
11:29.8
Kung hindi mo pa alam, ang department na ito ang nagkokooperasyon.
11:31.8
Ang department na ito ang nagkokontrol ng nuclear arsenal ng United States. Ang ginawa niyang ito ang naging inspiration ng pelikulang War Games na nirelease noong 1983.
11:41.8
Noong 1989, nakapasok naman si Mitnick sa computer network ng Digital Equipment Corporation at gumawa siya ng kopya sa ginagamit na software ng kumpanya.
11:51.8
Sa mga panahong iyon, ang DEC ang nangungulang computer manufacturer sa buong bansa at ito ang nagpasikat kay Mitnick.
11:59.8
Di nagtagal, nahuli din ang mga otoridad si Mitnick at nakulong.
12:03.8
Nang binigyan siya ng conditional release ng korte, hindi pa rin tumigil sa kanyang bisyo si Mitnick.
12:09.8
Hinack niya ang voicemail systems ng Pacific Bell at di nagtagal ay nakuha niya ang full control ng computer network nito.
12:17.8
Ayon kay Mitnick, wala man siyang plano na gumawa ng masama noong hinack niya ang Pacific Bell.
12:22.8
Ginawa niya lamang ito upang patunayan na posible itong ihack.
12:26.8
Nakulong na naman si Mitnick pagkatapos nito.
12:28.8
Para sa multiple counts ng wire fraud at computer fraud.
12:32.8
Noong 2000, ginamit na ni Mitnick ang kanyang talento upang magtrabaho ng legal at naging security consultant siya.
12:40.8
Nagtayo din siya ng sarili niyang kumpanya, ang Mitnick Security Consulting LLC.
12:46.8
Isang computer security consultancy na ngayon ay pinamumunuhan pa rin niya.
12:50.8
Naging part owner din siya ng NoB4, isang kumpanyang nagbibigay ng training para sa security awareness at iba pang defenses.
12:57.8
At iba pang depensa sa cybercrime.
12:59.8
Sampung malulupit na hackers na ang nabanggit ko.
13:02.8
Pero wala sa kanila ang may pakana ng love letter virus na pinag-usapan natin noong una.
13:08.8
Dahil ang tunay na may gawa noon ay isang ordinaryong computer science student mula sa AMA Computer College sa Pilipinas.
13:16.8
Isang binata sa pangalang O'Neal de Guzman.
13:19.8
Ginawa ni de Guzman ang virus noong 2000 upang makakuha ng password ng mga internet na malapit sa kanya.
13:25.8
Ayon sa kanya.
13:26.8
Sa mga panahong iyon wala siyang perang pang internet at ito ang rason kung bakit niya ito nagawa.
13:32.8
Noong una ay nakadesenyo lang ang virus na gumana sa Manila pero di nagtagal.
13:37.8
Naisip niya kung kaya ba nitong kumalat hindi lang sa iba't ibang parte ng bansa kundi sa buong mundo.
13:44.8
Dinagdagal ni Guzman ang virus ng spreading feature kung saan kakalat ito sa Outlook Contacts ng mga magbubukas ng letter.
13:51.8
Lahat ng nasa contacts ay makakatanggap na din ng love letter for you.
13:55.8
Sa loob lamang ng ilang araw, kumalat na ang virus papuntang Hong Kong, Europe at umabot pa nga sa US.
14:04.8
Ayon sa mga reports, umabot sa 5.5 hanggang 8.7 billion dollars ang damage na naidulot ng virus.
14:11.8
Nang kumalat ang virus, wala pang batas ang Pilipinas na nagpaparusa sa isang tao sa paggawa ng isang computer malware.
14:18.8
Kaya naman, matapos lamang ang ilang buwan, pinasa ng gobyerno ang Republic Act No. 8792.
14:25.8
O e-commerce law.
14:27.8
Gayunpaman, dahil hindi pwedeng gamitin ang bagong batas sa mga taong nagkasala bago pa ito na ipasa, hindi pa rin nila madala sa korte si Guzman.
14:35.8
Noong 2019, hinanap ng isang BBC writer si de Guzman.
14:39.8
Doon, sinabi niya na hindi siya nagtapos ng college pagkatapos ng nangyari at ngayon ay nagpapatakbo na siya ng isang phone repair booth sa isang mall sa Maynila.
14:48.8
Higit sa lahat, sinabi ni Guzman na alam niyang mali ang kanyang ginawa at hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya pa rin ito.
14:54.8
Cool mang pakinggan ang kwento ng mga hackers na ito, dapat mo pa rin tandaan na mali ang kanilang ginawa.
15:00.8
Nakagawa sila ng krimen at nakadala ng damage para sa may-ari.
15:04.8
Subalit kung gusto mo talaga ang art of hacking, may tinatawag naman tayong ethical hacking.
15:09.8
Ito ay ang paghack sa isang computer system upang malaman kung gaano katibay ang depensa nito mula sa mga masasamang hackers.
15:16.8
Ang mga ethical hackers ay tinatawag ding white hat hackers at ginagamit nila ang kanilang skills upang makatulong sa mga kumpanya.
15:24.8
Sa katunayan, binabayaran nga sila ng mga kumpanya upang itest ang computer systems nila.
15:30.8
Nagsasagawa sila ng simulations na tila sila ang masasamang hackers.
15:34.8
Kapag nalaman na nila ang mga butas ng depensa ng computer system, nagre-recommend naman sila ng paraan upang mapalakas pa ito.
15:42.8
Kaya kung mahilig ka talaga sa computers at magaling kang mang hack, gamitin mo ang skills mo sa tamang paraan at magpractice ng ethical hacking.
15:54.8
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan magsubscribe sa Bubli Youtube Channel at pindutin ang notification bell.