Close
 


SIPOL | SABRINA | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 41:12
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadudod Stories, ikaw ay hindi nag-iisa
00:07.4
Marami sa atin ang nais ay magkaroon ng trabaho hindi lamang para sa sarili kundi upang makatulong sa pamilya.
00:18.4
Ang iba'y merong pangarap na nais abutin, ngunit may mga pagkakataon na sinusubok ang ating tapang at pananampalataya ng mga kaluluwa
00:27.0
na hanggang ngayon ay hindi matahimik.
00:31.7
Hanggang saan ang kaya mo para lamang sa trabaho na bumubuhay sa'yo?
00:37.6
Dear Papadudod, magandang araw po sa inyo at sa lahat ng mga nakikinig ngayon.
00:43.4
Ngayon pa lamang ay magpapasalamat na ako.
00:47.0
Kung isa man ang letter ko sa mapili mong basahin sa iyong programa,
00:52.3
nakasubscribe na po ako sa Papadudod at Kaistorya YouTube.
00:57.0
Magiging sa iyong personal YouTube na Papadudod Family.
01:03.1
Itago mo na lamang ako sa pangalan na Sabrina.
01:08.1
Ang nakakatakot na experience kong ito ay nangyari noong ako ay 17 years old pa lamang
01:13.4
sa aking unang trabaho bilang isang kasambahay.
01:18.5
Hindi mayaman ang pamilyang aking pinagmulaan.
01:21.2
Ang totoo niyan ay masasabi kong mahirap pa kami sa dagadate.
01:24.7
Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay ng time na iyon.
01:31.2
Ay halos sobrang babata pa ng iba kong mga kapatid.
01:36.5
Ang nanay ko ay plain housewife kasi sa dami namin ay kailangan talaga na palagi siyang nasa bahay para maalagaan kaming mga anak niya.
01:46.0
Lalo na yung maliliit pa.
01:48.7
Si tatay naman ay pa ekstra ekstra lamang sa trabaho.
01:52.4
Minsan ay nagkakarpentero siya.
01:54.7
Nagko-construction worker o kaya naman ay nag-aayos ng kung anumang sira sa mga bahay.
02:03.2
Kung anong pwedeng pagkakitaan na marangal ay ginagawa niya para lamang makaraos kami sa araw-araw.
02:10.5
Pero hindi naman palagi ay meron siyang trabaho.
02:14.4
At sa mga ganong panahon ay talagang may mga araw na isa o dalawang beses lamang kaming kumakain sa isang araw.
02:22.9
Minsan pa nga ay hindi ako nakakapasok sa school kasi bukod sa wala na akong baon ay wala pa akong almusal.
02:31.7
May isang beses kasi na pinilit kong pumasok ng walang baon at walang almusal tapos nang himatay ako sa school.
02:39.7
Ayoko nang maulit yun kaya kapag ganon ang sitwasyon ay hindi na ako pumapasok sa school papadudot.
02:45.8
Medyo natakot din ako dati na baka hindi ako makatapos ng high school dahil sa hirap ng buhay namin.
02:53.5
Pero sa awa naman ng Diyos ay nagawa naman akong pagtapusin ni nanay at tatay kahit sobrang hirap ng aming buhay.
03:02.3
Kaya lang ay sinabi na nila sa akin na hindi nila kaya na mag-college ako.
03:08.2
Kung gusto ko raw magpatuloy sa college ay magtrabaho muna ako at mag-ipon saka ako mag-aral ulit.
03:16.1
Wala naman daw edad ang pag-aaral.
03:19.3
Kahit kailan ay pwede ko yung ipagpatuloy.
03:23.5
Pero alam ko na hindi na yun mangyayari pa.
03:27.2
Alam ko na kapag nagtrabaho ako ay wala rin akong maiipon kasi kailangan kong tumulong sa pamilya ko.
03:34.5
May mga kapatid pa akong nag-aaral at maliliit.
03:38.5
Kaya ang nasa utak ko kapag nakapagtrabaho ako ay gagawin ko ang lahat para makatulong sa kanila.
03:45.6
Nakita ko kung gaano para kahirap kay tatay.
03:51.0
Na maibigay ang pangangailangan.
03:52.9
Kailangan namin kaya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay tutulungan ko siya.
03:57.5
Yun ang pinangako ko sa aking sarili, Papa Dudut.
04:01.6
Pagkatapos ko ng high school ay nasa bahay lamang ako ng mahigit isang taon.
04:07.3
Tumutulong ako sa mga gawaing bahay lalo na sa pag-aalaga ng mga kapatid ko.
04:13.2
Nagkaroon na rin si nanay ng time para tumanggap ng labada kasi palagi akong nasa bahay lang.
04:19.3
Hanggang sa nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho.
04:22.9
Isang kaibigan ni nanay ang lumapit sa kanya at inalok siya ng trabaho na maging isang kasambahay.
04:29.6
Bale yung location ng trabaho ay hindi naman ganong kalayo kaya pwede siyang mag-uwi ang tuwing linggo kasi yun ang rest day niya.
04:37.6
Gusto sanang tanggapin ni nanay ang trabaho na yun pero wala pang isang taon yung bunsukong kapatid at bine breast feeding pa siya ni nanay.
04:46.3
Kaya ang naisip ni nanay ay ako na lamang ang tumanggap ng trabaho na yun, Papa Dudut.
04:50.9
Habang kausap ni nanay yung kaibigan niya, ay tinawag niya ako at ipinakilala sa kausap niya.
04:57.9
Ang sabi ni nanay ay magaling at marunong ako sa mga gawaing bahay.
05:02.9
Bata pa lang kasi ay tinuruhan niya ako ng mga ganong gawain kaya totoo naman na maalam ako, Papa Dudut.
05:09.9
Baka naman tamadyang si Sabrina.
05:12.9
Dalawa lang sila ng kasambahay doon kaya dalawa lang silang maghahati sa mga gawain, sabi ng kausap ni nanay.
05:19.9
Ako na nagsasabi sa iyo, masipag itong si Sabrina. Marunong din siyang magluto.
05:26.9
Sa paglalaban naman, kung washing machine ay matuturoan naman yan. Matalino yan.
05:33.9
Sayang nga't hindi nakapagpatuloy sa college kasi kapos na kami. Tugo ni nanay.
05:39.9
Habang naguusap si nanay at yung kakilala niya ay nakikinig lamang ako sa kanila.
05:45.9
Ang totoo ay medyo nashashok ako ng sandaling yun.
05:48.9
O gusto ko magkaroon ng trabaho pero parang nang nasa harapan ko ng opportunity ay parang naramdaman kong hindi pala ako handa.
05:57.9
Nakumbinsin naman ni nanay yung kakilala niya na ako na lang ang ipasok na kasambahay sa pamilyang iyon.
06:03.9
Pagkaalis ng kausap ni nanay ay sinabi ni nanay sa akin na maganda raw at magkakaroon ako ng trabaho.
06:10.9
Pinayuhan niya ako na sipagan ko at baka matuwa ang amo ko sa akin at dagdaga ng aking sahot.
06:17.9
Sinabi ko kay nanay na parang hindi ko pa kayang magtrabaho.
06:21.9
Ani ay huwag ko raw sayangin ang pagkakataon na iyon para kumita ako ng pera at makapag-ipon.
06:27.9
Hindi naman daw habang buhay akong magtatrabaho doon. Parang panimula lamang iyon.
06:33.9
Baka rin daw matuwa sa akin ang mga amo ko at pag-aralin pa ako.
06:38.9
Ang isipin ko raw ay ang magagandang bagay na pwedeng mangyari sa akin doon.
06:43.9
Pwede rin naman daw akong umuwi doon sa amin.
06:46.9
Isang beses sa isang linggo. Kasi hindi iyon kalayuan sa aming bahay.
06:51.9
Isang sakay lang siya ng jeep papadudut.
06:54.9
Dahil sa mga sinabi sa akin ni nanay ay nakumbinsin niya ako na tumuloy sa pagiging kasambahay kahit pa kinakabahan talaga ako.
07:04.9
Inisip ko na chance ko na iyon para makatulong sa aking pamilya.
07:08.9
Iyon naman talaga ang gusto ko.
07:10.9
Tama rin si nanay na baka swertehin ako sa trabaho na iyon.
07:13.9
Kaya sinabi ko na tutuloy na ako.
07:15.9
Pinaglalabanan ko ang kaba at takot ko nang isinama na ako ng kakilala ni nanay si Ate Ronna sa bahay ng pamilya kung saan ako magtatrabaho.
07:25.9
Nakilala ko na rin doon ang mag-asawang amo ko na sina Ate Irene at Kuya Marlon.
07:30.9
Meron silang dalawang anak na parehas dalaga na at nasa college.
07:36.9
Si Andrea at Pearl.
07:38.9
At isa pa nilang kasambahay na si Ate Beth na siguro ay nasa 30 years old na ng panahon na iyon.
07:45.9
Lahat naman sila ay mukhang mabait.
07:48.9
May mga itinanong si Ate Irene sa akin kung kaya ko ba ang ganito at ganyan.
07:53.9
Sinabi ko naman na kaya ko at bata pa lamang ako ay sinasanay na ako ng nanay ko sa mga gawaing bahay.
08:00.9
Pero sinabi ko sa kanila na iyon ang unang beses kong magtatrabaho kaya sana ay magabayan pa rin nila ako.
08:08.9
Lalo na ni Ate Beth.
08:10.9
Ako ang bahala sa iyo Sabrina.
08:13.9
Basta magtutulungan tayo.
08:14.9
Basta magtutulungan tayong dalawa.
08:16.9
Sabi ni Ate Beth sa akin.
08:18.9
Saka huwag kang mag-alala kasi.
08:21.9
Mababait naman kami.
08:23.9
Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang magsabi lalo na sa akin ha.
08:28.9
Ang turan pa ni Ate Irene.
08:30.9
Sa mga sinabi nila sa akin ay naramdaman ko na mababait talaga silang lahat Papa Dudut.
08:36.9
At wala akong magiging pagsisisi sa pagtatrabaho ko doon.
08:40.9
Nang tanggapin na ako ni Ate Irene ay sinabi niya.
08:42.9
At wala akong magiging pagsisisi sa pagtatrabaho ko doon.
08:43.9
Nang tanggapin na ako ni Ate Irene ay sinabi niya.
08:44.9
Na pwede na akong magsimula sa darating na Monday.
08:47.9
Umuwi muna ako sa bahay namin at sinabi ko sa nanay ko na natanggap na ako.
08:52.9
Masayang masaya si nanay ng araw na iyon.
08:55.9
Sinabi ko rin na mukhang mababait ang magiging amo ko kaya naging kampante na rin sila.
09:02.9
Hindi rin kasi maalis sa isipan namin na baka masama ang ugali ng mga magiging amo ko.
09:07.9
Pero mabuti na lamang at hindi naman ganon Papa Dudut.
09:11.9
Hindi ko naman naisip na magiging pagsisisi sa pagtatrabaho ko doon.
09:12.9
Hindi ko naman naisip na malalayo ako sa pamilya ko.
09:15.9
Kasi may isang araw akong rest day at pwede akong umuwi sa amin.
09:20.9
Every Sunday yon, umaga pa lamang ay nagpupunta na ako sa bahay ni na Ate Irene.
09:25.9
Si Ate Beth lamang ang naaabutan ko doon.
09:28.9
Kasi nasa trabaho ang mag-asawa naming amo at ang mga anak nila ay nasa school.
09:34.9
Dinala ako ni Ate Beth sa magiging kwarto ko na nasa ibaba ng bahay.
09:39.9
Bali dalawang floors pala ang bahay na yon Papa Dudut.
09:42.9
Apatang kwarto sa itas kasama ko sa kwarto si Ate Beth.
09:46.9
Meron noong isang double deck bed.
09:49.9
Dati raw ay kasama niya roon yung kasambahay na pinalitan ko.
09:53.9
Kaya lang ay mag-aaral na raw yon. Kaya nag-resign na.
09:57.9
May mga iba pang bagay na sinabi si Ate Beth sa akin kagaya ng libre ang toiletries doon.
10:04.9
Kung ano raw ang makikita sa banyo ay gamitin ko.
10:07.9
Huwag daw akong mahihiya na kumuha ng pagkain at hindi mahigpit sa ganon ang mga araw.
10:10.9
Huwag daw akong mahihiya na kumuha ng pagkain at hindi mahigpit sa ganon ang mga araw.
10:11.9
Huwag daw akong mahihiya na kumuha ng pagkain at hindi mahigpit sa ganon ang mga araw.
10:13.9
Maglilimang taon na ako dito at hindi naman ako tatagal ng ganito dito kung hindi mababait si Ate Irene.
10:20.9
Basta naging masipag ka lang at honest.
10:23.9
Yun talagang gusto nila eh, ang sabi ni Ate Beth.
10:27.9
Yun din po ang first impression ko sa kanila.
10:30.9
Saka sa'yo na rin ate.
10:32.9
Lahat kayo ay mabait dito.
10:34.9
Wika ko.
10:35.9
Naku, nambola ka pa.
10:37.9
Iiiwan na muna kita rito ha at nagluluto kasi ako.
10:39.9
Iiiwan na muna kita rito ha at nagluluto kasi ako.
10:40.9
Ayusin muna mga gamit mo doon sa aparador tapos kumuha ka ng mga gagamitin mo sa pagtulog doon sa kwarto sa itaas.
10:48.9
Yung pinakadulong pinto, ikaw na ang bahala at baka masunog ang niluluto ko.
10:53.9
Ang sabi ni Ate Beth.
10:55.9
Sige ate, maraming salamat. Nakangiti kong sabi.
10:59.9
Kapag may kailangan ka o tanong, sabihin mo sakin.
11:02.9
Huwag kang mahihiya ha. Paalala pa ni Ate Beth.
11:06.9
Nang umalis na si Ate Beth sa maid's room,
11:09.9
at ako na lamang ang mag-isa roon,
11:12.9
ay inayos ko na ang mga gamit ko sa nag-iisang cabinet na nandon.
11:17.9
Bala yung left side ang sa akin kasi yon ang mga walang nakalagay na mga gamit at damit.
11:24.9
Pagkatapos ay saka ako nagpunta sa second floor para kumuha ng mga gagamitin ko sa pagtulog.
11:30.9
Namangha ako sa ganda ng bahay na yon, Papa Dudut.
11:34.9
Napakaraming beses na malaki yon sa bahay namin.
11:37.9
Yung maid's quarter nga ay halos kasing laki na ng bahay namin.
11:41.9
Pagdating ko sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit sa pagtulog ay nalaman ko na parang stockroom pala yon.
11:48.9
Hindi ko alam kung nasaan ang hinahanap ko kaya iniisa-isa ko ang mga kahonan na roon.
11:53.9
Pero nakita ko mga unan at kumot sa isang aparador na nasa sulok.
11:58.9
Kumuha ko ng dalawang unan at isang makapal na kumot.
12:02.9
Nakita ko kasi na merong aircon sa kwarto namin
12:05.9
kaya baka lamigin ako.
12:07.9
Mas mabuti na yung makapal na kumot ang aking gamitin.
12:11.9
Pagbalik ko sa maid's room ay inayos ko na ang unan at kumot sa aking higaan.
12:16.9
Sa itaas ng double deck, ako nakapuesto.
12:20.9
Mas gusto ko sana sa ibaba pero dahil na una na roon si Ate Beth ay wala akong choice kundi doon sa itaas.
12:28.9
Habang inaayos ko ang aking higaan ay may kakaiba akong naramdaman.
12:33.9
Yung parang merong nakatingin sa akin.
12:34.9
Kaya napatingin ako sa nakabukas na pinto pero wala akong nakitang tao doon.
12:41.9
Palabas na ako ng kwarto para tanungin si Ate Beth kung ano ang gagawin ko nang biglang bumigat ang aking pakiramdam.
12:48.9
Yung bigla ko nahirapang huminga at bumilis ang tibok ng aking puso.
12:52.9
Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung ano nga ba yun.
12:56.9
Nang lumabas na ako ng kwarto ay nawala rin kaagad yung pakiramdam ko na yun.
13:01.9
Pinuntahan ko na si Ate Beth sa kusina.
13:04.9
Ay wala naman na kailangang gawin.
13:07.9
Hintayin ko na lang daw na matapos siyang magluto tapos ay kakain na kaming dalawa.
13:13.9
Bago raw ako makarating doon ay nakapaglinis na siya ng bahay.
13:18.9
Ganon daw talaga araw-araw doon.
13:20.9
Lalo na kapag wala na mga amo namin.
13:23.9
Kaya masaya raw siya na meron na ulit siyang kasama na kasambahay.
13:27.9
Kasi may kasabay na siyang kumain.
13:30.9
Malungkot daw kasing kumain kapag mag-isa.
13:32.9
Tapos ay sobrang tayo.
13:33.9
Tapos ay sobrang tahimik pa ng buong bahay kapag siya lamang ang naroon.
13:38.9
Totoo ang sinasabing niyo ni Ate Beth.
13:40.9
Kahit nga dalawa na lamang kami ay sobrang tahimik ng bahay na yon papadudut.
13:45.9
Hindi ako sanay sa ganon kasi bahay namin ay palaging maingay dahil madalas mag-away ang iba kong kapatid.
13:53.9
O kaya naman ay halos oras-oras na umiiyak ang bunso kong kapatid.
13:58.9
Sinasabayan pa ng pagbubunga nga ng nanay namin kapag pasaway kami.
14:02.9
Naging okay naman ang unang linggo ko sa pagtatrabaho doon.
14:06.9
Hindi masyadong mabigat ang magtrabaho lalo na tinutulungan at ginag-guide ako ni Ate Beth.
14:13.9
Mababait din ang mga amo ko at hindi sila yung kagaya ng mayayamang tao sa soap opera na masungit at nang aapi ng mga kasambahay.
14:23.9
Sobrang layo. Hindi na Ate Irene sa ganon.
14:27.9
Nakausap ko pa nga si Ate Irene at tinanong niya kung bakit hindi ako.
14:31.9
Kung bakit hindi na ako nag-college.
14:33.9
Sayang daw at bata pa ako.
14:36.9
Marami pa ang pwedeng mangyari sa buhay ko.
14:39.9
Sabi ko ay dahil yun sa hindi na kaya ng mga magulang ko.
14:43.9
Ang sabi ni Ate Irene ay ayusin ko raw ang trabaho ko at kapag natuwa sila ay baka pag-aralin nila ako kahit 2-year course sa college.
14:52.9
Mas maganda raw kasi na meron akong natapos.
14:55.9
Pagsapit ng Sunday ay umuwi na ako sa amin.
14:58.9
Rest day ko kasi tapos si Ate Beth na natapos.
15:00.9
Si Ate Beth naman ay tuwing Sabado.
15:03.9
O kumusta ka naman doon anak?
15:05.9
Tanong ni Nanay.
15:06.9
Okay na okay Nay. Sobrang babait po ng mga amo ko lalo na si Ate Irene.
15:12.9
Sagot ko.
15:13.9
Mabuti kung ganon. Talagang hindi ako nagkamali na ikaw ang ipapasok ko doon.
15:18.9
Kaya mo naman ba ang mga trabaho doon?
15:21.9
Tura ni Nanay.
15:22.9
Kaya ko Nay. Huwag po kayong mag-alala sakin.
15:26.9
Sagot ko.
15:27.9
Oo nga pala anak.
15:29.9
Pwede bang sa una mong sweldo ay bigyan mo ako?
15:32.9
Naniningil na kasi si Bertha sa utang natin sa kanya.
15:36.9
Nagagalit na kasi ang tagal na ay hindi pa ako nagbabayad.
15:40.9
Malungkot na wika ni Nanay.
15:43.9
Sige po sabihin ko kay Ate Bertha.
15:46.9
Sa susunod na buwan ay magbabayad na tayo sa kanya.
15:49.9
Nakangiti kong wika.
15:51.9
Doon ko naisip na tama lang na tinanggap ko ang trabaho na yon Papa Dudot.
15:56.9
Yan na kasi ang chance ko para makatulong ako.
15:58.9
Para makatulong sa aking pamilya lalo na sa pinansyal.
16:02.9
Alam ko na kahit papaano ay makakatulong ang trabaho ko na yon sa aming lahat.
16:07.9
Napakabilis lang ng isang araw at bumalik na ako sa bahay ni na Ate Irene para magtrabaho ulit.
16:15.9
Medyo nasasanay na ako sa mga ginagawa ko doon Papa Dudot.
16:19.9
Naging palagay na rin ang loob ko kay Ate Beth kahit pa sobrang magkalayo ang aming edad.
16:25.9
Wala pa rin kasing asawa si Ate Beth.
16:27.9
Kaya kung minsan ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga crush namin.
16:32.9
Crush kasi ni Ate Beth yung anak ng kapitbahay namin doon.
16:36.9
Kapag daw yon ang napangasawa niya ay sigurado siya na makakaaho na siya sa kahirapan.
16:42.9
Magbubuhay reyna na raw siya kasi mayaman yon.
16:45.9
Isa rin sa nagustuhan kong ugali ni Ate Beth ay ang pagiging mapagbiro niya.
16:50.9
Talagang tawa ako ng tawa sa mga hirit niya.
16:54.9
Ang buong akala ko ay tuloy-tuloy na ito.
16:56.9
Ay tuloy-tuloy na magiging maayos ang pagtatrabaho at pagtira ko sa bahay ni Ate Irene.
17:01.9
Pero lahat ay nagbago.
17:04.9
Nang unti-unting may kababalaghan akong naranasan sa bahay na yon.
17:08.9
Lagpas isang buwan na ako na nagtatrabaho kina Ate Irene.
17:13.9
Nang magsimula ang lahat Papa Dudot.
17:16.9
Sabado ng araw na yon, day off ni Ate Beth.
17:20.9
Kaya kulang ang naroon.
17:22.9
Tuwing Friday kami naglalaba.
17:24.9
Kaya sa Sabado ay nagtitiklop ako ng mga damit na natuyo na.
17:27.9
Ang kasama ko lang sa bahay ay ang dalawang anak ni na Ate Irene.
17:32.9
Si na Ate Irene at Kuya Marlon ay may pinuntahan.
17:36.9
Nasa sala ako noon at doon ako nagtitiklop ng mga damit habang nanonood ng TV.
17:42.9
Yung mga anak ni na Ate Irene ay nasa kanika nilang kwarto.
17:46.9
Maaga pa lamang noon habang abala ako sa aking ginagawa.
17:50.9
Ay may nanalig akong sumisipol.
17:52.9
Pero sobrang hinan ako.
17:53.9
May tono yung sipol.
17:56.9
Parang kanta.
17:57.9
Pero hindi ko alam kung anong kanta yon.
17:59.9
Hindi ko yon pinansin.
18:02.9
At ang naisip ko ay baka may tao sa labas.
18:05.9
Kuminto ng sandali yung sipol pero muli ko yung narinig.
18:09.9
Medyo mas malakas na sa pagkakataong yon Papa Dudot.
18:13.9
Walang ano-ano ay nagtaasa ng balahibo ko na parang may malamig na hangin na humampas sa akin.
18:21.9
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng sandaling yon.
18:24.9
Ang unang pumasok sa isipan ko ay baka may masamang nangyari sa bahay namin.
18:29.9
Hindi na tuloy ako nakapag-isip ng maayos kasi ang gusto ko ay mag-Sunday na para makauwi na ako sa amin at malaman ko kung okay lang ba ang pamilya ko.
18:41.9
May telepono naman kina Ate Irene pero wala kaming ganun sa bahay kaya walang paraan para matawagan ko sina nanay sa aming bahay.
18:49.9
Kinagabihan ay hindi pa rin ako makatulog.
18:52.9
Ako lang mag-isa sa kwarto kasi bukas pa ng umaga ang balik ni Ate Beth.
18:56.9
Nakatingin ako noon sa kisami at nagdarasal na sana ay ayos lang ang aking pamilya at walang masamang nangyayari sa kanila.
19:04.9
Habang nasa ganoong pag-iisip ako ay bigla naman akong kinilabutan.
19:09.9
Nanlalamig ako sa dahilan na hindi ko alam.
19:12.9
Patay naman ang aircon at gumagana lang ay yung ceiling fan na hindi naman gaano kalakas ang ikot.
19:18.9
Maya-maya ay narinig ko naman yung sipol na narinig ko noong nagtitiklop ako ng mga damit.
19:24.9
Pinakinggan kong mabuti kung saan ba yun ang gagaling at na-realize ko.
19:29.9
Nasa mismong loob ng kwarto namin ni Ate Beth yun ang gagaling.
19:33.9
Hindi naman ako natakot noong una.
19:36.9
Mas nagtataka ako kung paanong may naririnig akong sumisipol sa loob ng kwarto namin ni Ate Beth.
19:43.9
Kahit na wala akong kasama roon.
19:46.9
Bumangon ako at binuksan ko ako.
19:48.9
Binuksan ko ang cabinet at baka merong radio o kung anong bagay doon na pwedeng pagmulan ng narinig kong sipol.
19:55.9
Pati ang ilalim ng double deck ay chineco rin pero wala akong nakita.
20:00.9
Matagal kong narinig yung sipol bago yun nawala.
20:04.9
Talagang takan-taka ako ng gabing yun Papa Dudut.
20:07.9
Bumalik na ako sa pagkakahiga ko.
20:10.9
After kong patayin ang ilaw.
20:12.9
Nagtataka ako kasi pangalawang beses ko nang narinig ang sipol na yun.
20:16.9
Sa atin.
20:17.9
Sa araw na yun.
20:19.9
At ang mas nakapagtataka pa ay sa mismong kwarto ko yun narinig.
20:23.9
Hindi ko rin alam kung nagkamali ba ako ng pandinig pero doon ko talaga yun narinig ng gabing yun.
20:29.9
Hindi ko na naisip nang sandaling yun na baka may multo o kung anong elemento sa bahay ni Ate Irene.
20:36.9
Kasi kung merong ganoon ay sanay na ikwento na sa akin ni Ate Beth.
20:40.9
Palagi naman kasi kaming magkasama at nagkikwentuhan kaya imposible na hindi niya yun mabanggit.
20:45.9
Sa akin papadudot.
20:48.9
Kinabukasan ay hindi na ako nagkaroon ng chance na makausap si Ate Beth tungkol sa nangyari dahil umalis na ako nang hindi pa siya dumarating.
20:58.9
Kaya sa nanay ko na lamang ikinuwento ang nangyari at ang sabi niya ay baka sa kapitbahay ko lang yun narinig.
21:05.9
At napagkamalan ko na sa loob ng kwarto nang gagaling yung sipol.
21:10.9
Ganoon na nga lang din ang inisip ko at hindi ko na inasahan pa.
21:14.9
Namuli ko yung maririnig.
21:17.9
Monday ng umaga ay nakabalik na ako kina Ate Irene.
21:22.9
Nagsimula na naman akong magtrabaho pero masaya ako sa trabaho ko roon.
21:26.9
Kasi mababait lahat ng amo ko.
21:28.9
Hindi rin masyadong mabigat ang trabaho kasi nagtutulungan kami ni Ate Beth.
21:33.9
Isang tanghali wala na kaming gagawin ni Ate Beth.
21:36.9
At kapag ganong oras ay nakasanayan na naming manood ng paborito naming noontime show.
21:42.9
Nang magkokomersyal ay nakikita.
21:43.9
Nang magkokomersyal ay naalala ko yung narinig kong sipol.
21:46.9
Kaya naitanong ko sa kanya yun Papa Dudut.
21:49.9
Ate Beth, nung wala ka rito may narinig akong sumisipol.
21:54.9
Isa noong umaga tapos isa noong gabi bago ako matulog.
21:59.9
Akala ko nga ay sa loob ng kwarto natin ang gagaling pero imposible naman yun kasi ako lang mag-isa.
22:04.9
Sa kapitbahay ba natin ay mayroong mahilig sumipol?
22:08.9
Turan ko.
22:09.9
Sa tagal ko rito wala naman akong narinig na sumipol.
22:11.9
Wala naman akong narinig na sumisipol sa kapitbahay.
22:14.9
Baka may pinapanood lang sina Pearl at Andrea sa itaas na may sumisipol.
22:19.9
Sagot ni Ate Beth.
22:21.9
Hindi ko alam ate parang hindi ko naman nakita na nanonood ng TV sina Andrea sa kwarto nila ng ganong kalakas.
22:28.9
Parang marinig ko dito sa ibaba.
22:31.9
Eh ate may multo ba rito?
22:33.9
Tanong ko.
22:34.9
Wala no.
22:35.9
Ang tagal ko na rito pero walang nagpaparamdam sakin.
22:39.9
Nakaalisin mo sa utak mo yung iniisip mo na mayroong multo rito.
22:42.9
Natatawang tugo ni Ate Beth.
22:45.9
Hindi ko naman iniisip na mayroong multo rito ate.
22:49.9
Naitanong ko lang.
22:50.9
Baka kasi mayroong tapos eh ayaw mo lang sabihin sakin.
22:54.9
Malay ko ba hindi ba?
22:56.9
Sabi ko.
22:57.9
Diyos ko Sabrina kung may multo rito ako ang unang magsasabi sayo.
23:02.9
Kaya lang wala talaga eh.
23:04.9
Saka matatakotin ako.
23:06.9
Baka kapag may nagpakita sakin na multo dito.
23:09.9
Ay wala pang isang linggo ay nagresign na ako.
23:12.9
Ang pabirupang sabi ni Ate Beth.
23:14.9
Tuloyan ko nang inalis sa isipan ko na mayroong multo sa bahay ni Ate Irene Papadudut.
23:20.9
Naniniwala ako na nagsasabi si Ate Beth ng totoo.
23:24.9
Pero habang tumatagal ako sa bahay na iyon.
23:27.9
Ay patindi nang patindi ang mga pagpaparamdam sakin ng kababalaghan.
23:32.9
Na kahit sa panaginip o imagination ay hindi ko naiisip na mangyayari sa akin.
23:39.9
Naka isang taon na ako kina Ate Irene at masasabi ko na nasa loob ng isang taon.
23:45.9
Kahit papaano ay nagkaroon ng magandang pagbabago sa buhay namin ang aking pamilya.
23:50.9
Hindi na kami palaging kinakapos sa pera.
23:53.9
Kapag may emergency akong paggagamitan ng pera ay mabilis akong nakakabali kay Ate Irene at nagbibigay agad siya.
24:02.9
Hindi na rin naging iba ang turing nila sa akin.
24:05.9
Pakalamdam ko ay talagang kasali na ako sa pamilya nila.
24:08.9
At hindi lang isa akong kasambahay.
24:10.9
Napakaswerte ko talaga sa pamilya ngayon Papa Dudut.
24:14.9
Sobrang bait din sa akin ng Diyos.
24:17.9
Kasi hindi niya hinayaan na umapunta ako sa mga amo na hindi magiging maganda ang turing sa akin.
24:24.9
Kuminsan pa nga ay isinasama ako na Ate Irene kapag namamasyal sila.
24:30.9
O kaya ay kumakain sa labas.
24:32.9
Nakakatuwa na nakakapunta na ako sa mga lugar
24:36.9
Na dati hindi ko inaakala na mapupuntahan ko.
24:40.8
Nakakakain na rin ako ng mga masasarap at mamahaling pagkain.
24:44.7
Kaya naging isa sa pangharap ko na sana'y madala ko rin ang pamilya ko sa ganong lugar.
24:50.3
At mapakain ko sila ng masasarap na pagkain.
24:54.6
Pinasan na rin din na ate Irene ang sahod ko after ng isang taon na nagtatrabaho ako sa kanila.
25:00.2
Alam ko naman na deserve ko yun kasi ipinakita ko sa kanila na inaayos ko ang aking trabaho at mapagkakatiwalaan nila ko.
25:09.2
Hanggang sa dumating ang time na kinailangan ng mag-resign ni ate Beth kasi magtatrabaho na siya sa ibang bansa.
25:16.2
Si na ate Irene din ang tumulong kay ate Beth para makaalis dito.
25:21.5
Doon ko nakita kung gaano kabuting tao si na ate Irene kasi kahit mawala sa kanila si ate Beth.
25:27.8
Sa pangarap nito na makapag-abroad ay sinasabi.
25:30.2
At sinoportahan pa rin nila si ate Beth.
25:33.0
Nalungkot ako nang umalis si ate Beth pero masaya pa rin ako para sa kanya kasi pangarap niya talaga yun papadudut.
25:40.7
Kinausap ako ni ate Irene nang wala na si ate Beth.
25:43.8
At ang sabi niya ay hindi pa rin sila nakakahanap ng ipapalit kay ate Beth.
25:48.7
Kaya pasensya na raw kung ako muna ang mag-isang gagawa ng lahat ng dapat na gabin sa bahay nila.
25:54.9
Sabi ko naman ay walang problema yun sa akin kasi gamay ko na ang mga ginagawa namin ni ate Beth.
26:00.2
Wala naman ako naging problema sa trabaho ko kahit mag-isa na lamang ako.
26:06.8
Kaya kaya ko naman yun lalo na sa paglilinis kahit may kalakihan ang bahay na yon.
26:12.5
Hindi naman kasi malikabog doon at regular din ang paglilinis kaya kakaunti lang ang kailangan na linisin.
26:19.7
Wala rin akong kalamalam na ang magiging problema ko pala ay ang kasama naming nakatira sa bahay na yon na hindi isang tao.
26:27.8
At hindi ko alam kung ano ba ang meron.
26:30.2
At sa akin niya napiling magparamdam.
26:34.5
Isang gabi kakatapos ko lang maligo at nasa kanika nilang kwarto ng mga amo ko.
26:40.3
Patay na rin ang lahat ng ilaw sa bahay maliban sa kwarto ko.
26:44.4
Simula nang umalis si ate Beth ay doon na ako sa ibaba ng double deck natutulog.
26:49.3
Nakaupo ako sa may higaan habang tinutuyo ang buho ko gamit ang hair blower.
26:55.6
Napahinto ako sa pagtutuyo ng buho ko nang may narinig akong sumisipo.
27:00.2
Pinakinggan ko yung mabuti at narealize ko na kagaya yun na mga sipol na narinig ko sa bahay na yon isang taon na ang nakakaraan.
27:11.4
Tumayo ako at nahandahan akong lumapit sa bintana kasi pakiramdam ko.
27:15.7
Ay nasa tapat ng bintana ko ang taong sumisipol.
27:19.5
Binuksan ko ng paunti-unti ang bintana at sumilip ako.
27:23.1
Nagulat ako nang may nakita akong matandang lalaki na nakatayo sa tapat ng aking bintana.
27:29.1
Nakasuot siya ng puting pangal.
27:30.2
May mga sipolo na may mahabang manggas.
27:32.9
Puro puti ang buhok niya.
27:35.0
Payat siya na medyo matangkad at alam kong hindi siya tao kasi yung mata niya ay puro itim.
27:41.6
Sobrang humpak ng pisngi niya at nalaman ko na siya yung sumisipol.
27:46.7
Bilala nalaman siyang nawala sa paningin ko.
27:49.7
Sa gulat at takot ko ay napatili ako sabay sarado ng bintana.
27:54.8
Sino ka? Anong ginagawa mo dyan? Tanong ko.
27:58.1
Doon na nawala yung sipol.
28:00.2
Takot na takot ako ng sandaling yun at pakaramdam ko ay hindi ko kayang makatulog.
28:05.8
Sigurado ako papadudot. Hindi talaga siya tao.
28:10.1
Bumalik ang hinala ko na meron nagmumulto sa bahay ni na ate Irene.
28:14.8
Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi yun sinabi sa akin ni ate Beth.
28:19.5
O baka naman wala talaga siyang nararamdaman noon at sa akin lang nagparamdama ang kaluluwa na yun.
28:26.0
Nung teenager pa ako huling nakakita ng multo.
28:28.7
Sa school namin ay may nakita akong batang babae na nakaupo sa may ilalim ng malaking puno sa likod ng principal's office.
28:37.0
Tapos ilang segundo lamang ay nawala na siya na parang bula na parang namamalik mata lamang ako.
28:42.8
Madaling araw na nang magawa kong makatulog at nang magising ako ay alasinko na ng umaga ay antok na antok pa ako.
28:49.4
Pero kailangan kong bumangon kasi magluluto na ako ng almusal.
28:53.3
Magang umalisin na ate Irene at kuya Marlon kaya hindi ako pwedeng late na magising.
28:58.7
Hindi pa rin nawala sa isipan ko yung matandang nakita ko.
29:02.9
Kung ganoon ay siya pala yung narinig kong sumisipol dati.
29:06.7
Ang hindi ko maintindihan ay kung sino siya.
29:09.7
Kung kaluluwa siya ay bakit siya nagpaparamdam sa akin?
29:13.6
E bago lang ako sa bahay na yun.
29:16.9
Bakit hindi siya nagpaparamdam kina ate Irene o sa ibang nakatera doon?
29:22.2
Bakit sa akin papapadudot?
29:25.2
Sakto natapos na akong maghahin ng almusal ay nagising na siya.
29:28.7
At sa akin na ate Irene, pinasabay na rin nila ako sa pagkain nila.
29:33.0
Abang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noong nakaraang gabi.
29:37.5
Hindi ko tuloy na malaya na nakatulala na pala ko.
29:40.7
Sabrina, okay ka lang ba?
29:42.5
Parang kanina ka pang wala sa sarili ah. Meron bang problema?
29:46.3
May pag-aalala lang tanong sa akin ni ate Irene.
29:49.9
Wala po ate. Wala lang po siguro ako sa tulog.
29:53.4
Sagot ko.
29:54.8
Sigurado ka ba?
29:55.9
Kung masama ang pakaramdam mo ay huwag ka na muna maghahin.
29:58.7
Maglaba mamaya.
30:00.5
Pwede mo namang gawin yung bukas.
30:02.3
Ang sabi ni ate Irene.
30:04.7
Hindi naman kaya nahihirapan ka na mag-isa ka lang Sabrina?
30:08.5
Hayaan mo at sa susunod na buwan ay darating na yung kapalit ni Beth.
30:12.2
Ang sabi naman ni Kuya Marlon.
30:14.8
Naku hindi po kuya.
30:16.2
Kaya ko naman po.
30:17.4
Pero nakakatuwa po na meron akong makakasama ulit.
30:21.0
Medyo nakakainin po kasi palagi ang mag-isa.
30:24.3
Mas okay pa rin po na meron akong nakakausap.
30:26.5
Ang sabi ko sabay ngiti.
30:28.7
Mas pinili kong huwag sabihin sa mga amo ko ang mga nangyayaring kababalaghan sa akin papadudot.
30:36.1
Baka kasi hindi sila maniwala sa akin o baka mapagkamalan pa akong gumagawa ng kwento.
30:42.1
Pero alam ko na mali ang ginagawa ko na yon.
30:45.3
Dapat ay magsabi ako sa kanila at baka matulungan nila ako.
30:49.0
O hindi naman kaya ay mabigyan nila ako ng kasagutan.
30:52.4
Kaya lang ay inunahan ako ng takot ko ng time na yon.
30:56.3
Kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
30:59.0
Lumipas naman ang ilang taon na walang nagparamdam sa akin kaya kahit papaano ay nakampante na ako.
31:06.2
Hindi ko na rin kinakalimutan na magdasal bago ako matulog kasi natatakot na ako na maulit ang nangyari na nakakita ako ng matandang lalaki.
31:16.2
Hindi na rin ako makapaghintay na dumating yung kapalit ni Ate Beth para meron na akong makakasama.
31:22.0
Siyempre iba pa rin kapag meron kang kasama kapag wala lahat ng amo ko sa bahay.
31:27.8
Bukod sa magiging makakasama.
31:28.7
Pagkaan ang pagtatrabaho ko ay meron na akong makakasama sa kwarto.
31:33.6
Makakabawas yon sa takot at pagiging paranoid ko papadudot.
31:38.4
Isang gabi habang naghahapon ang kami ay narinig ko na naman yung sumisipol.
31:43.1
At nanggagaling yon sa kwarto ko.
31:45.8
Patigil-tigil yung sipol na mas lalong nagbigay sa akin ng takot.
31:50.4
Tinitignan ko na sina Ate Irene kasi gusto kong makita ang reaksyon nila kung naririnig din ba nila yung sumisipol.
31:57.6
Pero tuloy lang sila sa pagkain kaya nasiguro ko na ako lamang ang nakakarinig noon.
32:04.5
Okay ka lang ba Sabrina? Nakatulala ka na naman.
32:08.7
Puna ni Ate Irene sa akin.
32:11.4
Ate wala ba kayong naririnig? Tanong ko.
32:15.7
Naririnig na ano? Tanong niya na may kasamang pagtataka.
32:19.9
Yung sumisipol po. Kanina pa siyang sumisipol. Sagot ko.
32:24.3
Wala naman kayo ba merong naririnig?
32:27.6
Tura ni Ate Irene.
32:29.7
Lahat daw sila ay walang naririnig kaya lumalabas na ako lamang ang nakakarinig ng sipol na yon papadudot.
32:36.2
Napansin ko na parang nag-ibang tingin nila sa akin.
32:39.3
Naisip ko na baka hindi maganda ang naisip nila sa akin at baka iniisip nila na gumagawa ako ng kwento.
32:46.0
Hindi na lamang ako nang salita at nagpatuloy ako sa pagkain.
32:49.3
Nang tapos na kaming lahat ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin at sinimulan ko ng hugasan na mga yon.
32:55.4
Medyo napapatulala pa rin ako kasi.
32:57.6
Hindi talaga mawala sa isipan ko yung nangyayari sa akin na hindi ko kayang ipaliwanag.
33:03.2
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan sa lababo ay nagulat ako.
33:07.3
Nang biglang lumapit si Ate Irene sa akin, simula nang makita ko yung matandang lalaki ay naging magugulatina talaga ako.
33:15.7
Bakit po ate?
33:17.3
Tanong ko kay Ate Irene.
33:19.6
May tatanong sana ako sa iyo Sabrina.
33:22.0
Yung tungkol sa narinig mo kanina na sumisipol.
33:24.6
Paano sipol ba ang narinig mo?
33:27.2
Tanong niya.
33:27.6
Tanong niya Ate Irene.
33:28.9
Hindi ako sigurado ate.
33:31.3
Pero para pong kanta siya, sagot ko.
33:34.8
Sinabi ni ate na baka pwede kong gayahin yung tono ng sipol pero hindi ako marunong sumipol.
33:40.3
Ang ginawa ko ay hinam ko na lamang yung tono ng sipol at nagtaka ako nang biglang naluha si Ate Beth.
33:48.5
Ate, bakit po?
33:50.3
Takang tanong ko.
33:52.1
Kailan mo pa narinig yung sipol na yan? Matagal na ba?
33:55.5
Tanong ni Ate Irene.
33:57.6
Noong bago-bago pa lang po ako rito sa inyo ate, natigil siya ng halos one year.
34:02.9
Tapos nung umalis ni Ate Beth, narinig ko na naman.
34:06.5
Hindi ko po alam kung maniniwala kayo pero may nakita po akong matandang lalaki na payad sa labas ng bintana ko.
34:13.2
Hindi po ko gumagawa ng kwento ate ha.
34:15.5
Nagsasabi po ako ng totoo ang sabi ko.
34:19.0
Nagalangan pa akong sabihin yun kay Ate Irene kasi baka hindi siya maniwala sa akin.
34:24.9
Huwag ka magalala.
34:26.7
Naniniwala ako sa inyo.
34:27.1
Yung sumisipol na narinig mo at matandang payad na nakita mo, si Dady yun.
34:35.3
Tatay ko na matagal nang patay.
34:37.4
Sagot ni Ate Irene.
34:39.6
Sinabi sa akin ni Ate Irene na namatay ang tatay niya sa bahay na yon dahil sa sakit.
34:45.4
Nawala raw ito ng one year old pa lamang ang panganay niya.
34:48.9
Ang dati raw nitong kwarto ay yung maid's room.
34:51.7
Kahit kailan daw ay hindi ito nagparamdam sa kanya.
34:54.3
Pero noon six years old na ang panganay niyang anak ay nagparamdam sa kanya.
34:57.1
At nagpakita ang tatay niya sa anak niya.
34:59.6
Takot na takot daw ang anak niya at nilagnat pa nga ito.
35:03.4
Baka raw alam ng Dady niya na matatakot sila kapag nagpakita ito.
35:07.4
Kaya kahit kailan ay hindi na ito nagparamdam.
35:10.6
Mahilig na daw itong sumipol kagaya ng tono ng Hinamko.
35:14.3
Paboritong kanta pala yun ang Dady ni Ate Irene.
35:17.9
Pero bakit sa akin siya nagpaparamdam Ate?
35:20.6
Hindi ko naman siya kilala.
35:22.2
Tanong ko.
35:23.6
Baka alam niyang hindi ka matatakutin.
35:25.3
Baka gusto niyang ipalam sa amin.
35:27.1
Kaya na nandito pa rin siya.
35:28.9
Naluluhang sagot pa ni Ate Irene.
35:32.1
Inamin ko na natatakot ako.
35:34.2
Pero dahil kailangan ko ang trabaho na yun para sa pamilya ko ay nagtatapang tapangan ako.
35:39.5
Upang kahit papaano yung mabawasan ng takot ko ay nagsuggest si Ate Irene na kung okay sa akin
35:44.4
ay ilipat na ang maid's room sa may stockroom sa second floor.
35:48.6
Tapos ay gagawin na lamang stockroom yung dating maid's room.
35:52.0
Umayag agad ako kasi hindi ko na talaga kayang matulog sa kwatong yun
35:55.5
after nang malaman ko kay Ate.
35:57.1
Kinabukasan ay kumuha si Ate Irene ng dalawang lalaki para ilipat ang mga gamit sa stockroom sa maid's room.
36:05.3
Kaya simula ng araw na yun ay sa second floor na ako natutulog.
36:09.3
Wala na akong naramdaman na nakakatakot simula noon, Papa Dudut.
36:14.2
Wala na akong nararamdaman.
36:16.6
Hindi ko na rin naririnig pa yung sumisipol.
36:19.3
Pero may mga pagkakataon na kinakailangan ko pa rin pumasok sa stockroom
36:23.2
na dating kwarto ng namatay na tatay ni Ate Irene.
36:27.1
Nandun kasi ang mga gamit sa paglilinis.
36:29.8
At kapag nasa loob ako noon ay kakaiba ang lamig.
36:32.5
Yung lamig na tumatagos sa buto.
36:35.3
Kaya sigurado ako na hindi pa rin umaalis doon ang kaluluwa ng tatay ni Ate Irene.
36:42.0
Nang sumunod na buwan ay dumating na ang kapalit ni Ate Beth.
36:45.4
Mas matanda siya sa akin ng limang taon.
36:47.8
At agad kaming nagkasundo.
36:49.9
Hindi ko na rin ikinuwento sa kanya ang tungkol sa pagmumulto sa bahay na yun.
36:53.8
Mas okay siguro kung ikwento ko na lamang kapag meron na siyang naramdaman.
36:58.0
Pero sa awa ng Diyos ay hindi naman nagparamdam sa kanyang multo ng tatay ni Ate Irene.
37:03.9
Napakalaki ng utang na loob ko sa pamilya ni Ate Irene, Papa Dudot.
37:08.9
Pinag-aral kasi nila ako at pinakuha nila ako ng 4-year course kahit nang sinabi ni Ate Irene dati ay 2-year course lang.
37:16.0
Nang makagraduate ako ay si Ate Irene na mismo ang nagpayo sa akin
37:19.4
na mas makakabuti sa akin na maghanap ako ng trabaho na nalilinya sa kursong tinapos ko.
37:26.0
Masakit daw para sa kanya.
37:27.1
Na mawawala ako sa pamilya nila pero hindi raw yung dahilan para ikulong niya ako sa trabaho ko sa kanila.
37:34.9
Magiging masaya raw sila ng pamilya niya kung makikita nila akong nagtatagumpay sa buhay.
37:41.1
Talagang napakabuti nila Ate Irene kaya hindi na ako nagtataka kung bakit minibless sila nang nasa itaas.
37:48.9
Ngayon ay meron na akong maayos na trabaho.
37:51.4
May boyfriend na rin po ako at nagbabalak na kaming magpakasal.
37:55.6
Malayo na rin ang buhay ng pamilya.
37:57.0
Masasabi ko na kung ano ako ngayon ay utang ko yon kina Ate Irene.
38:05.1
Kapag meron akong oras ay dumadalaw pa rin ako sa bahay nila para mangumusta.
38:09.7
At aaminin ko na kapag nandun ako ay nararamdaman ko pa rin ang kaluluwa ng tatay ni Ate Irene.
38:15.7
Very proud din ako sa sarili na hindi ako nagpadala sa takot.
38:20.3
Siguro kung nagresign agad ako noong may nagparamdam sa akin sa bahay na yon ay malamang ay wala ako sa kung nasaan ako ngayon.
38:27.0
Lubos na nagmamahal, Sabrina.
38:32.2
Naging kaugalian na natin ang tumulong sa ating pamilya sa kahit na anong paraan.
38:38.1
Lahat ay gagawin natin makita lamang silang komportable.
38:41.8
Kaya naman kahit minsan ay nahihirapan tayo, nagpapatuloy pa rin tayo upang makamit ang pangarap natin para sa kanila.
38:49.7
At sa pagabot ng pangarap na ito ay darating ang oras na susubukin kung gaano ka kadeterminado sa iyong pangarap.
38:57.0
Sa ganitong pagkakataon ay mas lakasan mo ang iyong paniniwala sa iyong sarili at maniwala ka na kaya mo.
39:04.7
Huwag ka rin mag-alinlangan na humingi ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan mo kung kailangan mo ng tulong.
39:10.3
At mas magiging magaan ang pagtahak mo sa daan ng tagumpay kung may pamilya kang nakasuporta sa iyo at handa kang saluhin kung sakali na ikaw ay bumagsak.
39:20.4
Huwag kalimutan na mag-like, share and subscribe.
39:24.3
Salamat po sa inyong lahat.
39:27.0
Huwag kalimutan na mag-like, share and subscribe.
39:57.0
Salamat po sa inyong lahat.
39:57.0
Dito ay pakikinggan ka sa Papadudud Stories.
40:08.1
Kami ay iyong kasama.
40:16.1
Dito sa Papadudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
40:27.0
Dito sa Papadudud Stories, may nagmamahal sa'yo.
40:37.6
Papadudud Stories
40:43.8
Papadudud Stories
40:51.5
Papadudud Stories
40:57.0
Papadudud Stories
40:58.0
Papadudud Stories