Close
 


ANG PROTECTION NG RUSSIAN PRESIDENT NA SI VLADIMIR PUTIN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #mooblytv
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang proteksyon ni Vladimir Putin
00:02.5
Noong sinimulan ni Putin ang gera laban sa Ukraine, maraming bansa at mga tao sa iba't ibang parte ng mundo ang hindi sumangayon dito.
00:10.8
Sa katunayan, maraming Russians ang kumontra sa kanyang desisyon.
00:14.9
Sa kabila ng lahat ng ito, walang takot pa rin itinuloy ni Putin ang kanyang plano.
00:19.8
Kaya ang tanong, saan nga ba galing ang tapang ni Vladimir Putin?
00:24.3
Gaano nga ba kaprotektado ang presidente ng Russia?
00:27.7
Noong March 4, naglabas ng statement si US Senator Lindsey Graham sa publiko at hinikayat nito ang mga Russians na dispatsahin si Vladimir Putin dahil sa pakikidigma niya sa Ukraine.
00:41.1
Seryoso man o nagbibiro, hindi magiging madali ang task na ito sapagkat tulad ng ibang presidents, mahigpit at malakas ang proteksyon ng presidente ng Russia.
00:51.1
Kung may secret service sa US, may presidential security group sa Pilipinas, sa Russia,
00:57.1
ang Presidential Security Service ang pangunahing tagaprotekta ng presidente at prime minister ng bansa.
01:04.2
Nabuo ang Presidential Security Service o PSS noong buo pa ang Soviet Union at kabilang sa kanila mga pinoprotektahan ang pamilya at bahay ng Russian president at prime minister.
01:16.9
Ayon sa mga balita, may 50,000 employees ang PSS at sila ang mga pinakamatatalino at pinakamagagaling na security practitioners sa buong Russia.
01:27.1
Upang makasali sa grupo, kailangan mong makapasa sa isang mahigpit at mahabang screening.
01:33.0
Unang-una, kailangang nasa tamang edad ka na na 21 and above at may taas kang 5 foot 7 hanggang 6 foot 2 inches.
01:42.3
Kailangang may sapat na tangkad ka upang matakpa ng presidente sa mga shootouts at hindi masyadong matangkad na mahihirapan ka ng gumalaw ng mabilisan sa mga emergencies.
01:52.8
Siyempre, kailangan mo ding maging physically fit at magaling sa hand-to-hand.
01:57.1
Ayon sa Russian Beyond, handpicked ang security team ni Putin at pinili sila base sa kanilang operational psychology at sa kanilang kakayahang maging offensive kontra sa mga banta.
02:10.0
Siyempre, importante din ang mga security guards na mas pabor sa defensive tactics dahil ika nga ng isang dating security service.
02:17.8
Kung ang trabaho ng isang sundalo ay ang pag-atake, ang trabaho ng isang bodyguard ay ang pagdepensa.
02:24.4
Wala masyadong impormasyon tungkol sa training.
02:27.1
Ang training ng mga tagabantay ni Putin, pero marami ang naniniwala na kakaiba din ang klase ng training na ginagawa nila.
02:34.7
Kailangan nilang magkaroon ng mataas na physical stamina, kayang manatili sa malalamig na lugar ng matagalan at hindi pagpawisan sa mga maiinit na lugar.
02:44.7
Siyempre, hindi lang physical attributes ang hinahanap ni Putin sa kanyang mga security.
02:49.5
Dahil mahalaga kay Putin ang kanyang image sa publiko, pinipili niya ang mga gwardyang kalmado at hindi nervyoso sa mga events.
02:57.5
Kailangan mo rin maging fast thinker upang madali kang makaresponde sa mga emergencies at iba pa.
03:03.5
Higit sa lahat, importante para sa mga security ni Putin ang matinding awareness sa paligid upang madaling nilang makita ang mga potential threats sa presidente.
03:13.5
Maliban dito, may mga kakaibang gadgets at weapons din ang bodyguards ni Putin.
03:18.5
May mga dala silang special briefcases na bulletproof upang ipakip sa presidente sa mga emergencies.
03:24.5
May dala din silang mga 9mm vector pistols na kayang bumasag ng armor.
03:29.5
Isa sa pinaka-kakaibang gadget nila ay kanila mga payong na hindi tinatablan ng baril.
03:36.5
Kapag kailangang dumalo ni Putin sa isang public event, may mga dinedeploy na security sa location ilang buwan bago ito ganapin.
03:44.5
Sinisiguro nila na ligtas ang pupuntahan ni Putin at ang lugar ang mayroon.
03:48.5
Mayroon ang lugar kung saan siya titira ng ilang araw o ilang buwan.
03:51.5
Sa katunayan, upang masiguro ang kaligtasan ng presidente, nag-i-install sila ng jamming devices sa mga lugar na ito na pumipigil sa mga detonation ng mga bomba o ano pang weapons na pwedeng i-activate gamit ang mga electronic devices.
04:06.5
Inaanalyze din nila ang posibleng mangyari sa mga tao kung may posibilidad ba ang magkaroon ng protesta o ano pa man.
04:14.5
Kahit ang weather o natural disasters tulad ng lindol ay sinusubukang i-predict ng security ni Putin upang masiguro ang kaligtasan ng presidente.
04:23.5
Bago kumain si Putin, may taga-tikim din sa kanyang pagkain upang masiguro na wala itong lason at ligtas itong kainin.
04:31.5
Siyempre, isa sa mga pinaka-importante bagay na dapat nilang suriin ay ang dadaan ng kalsada ng sasakyan ni Putin.
04:38.5
Tinitingnan nila sa kanila mga datos ang mga lugar kung saan posibleng magkaroon ng gang wars o labanan ni Putin.
04:43.5
Kung saan pwedeng malagay sa panganibang buhay ng presidente, pinipili nilang mabuti ang pinakaligtas na kalsada para kay Putin.
04:53.5
Sa kabila ng mga safety measures na ito, hindi pa rin nakukumpiyansa si Putin at kanyang mga bodyguards.
04:59.5
Kapag bumabiyay si Putin, palagi siyang nasa gitna ng isang malaking konvoy na naataas ang protektahan ng presidente sa anumang sitwasyon.
05:07.5
May mga heavy armored vans ang konvoy na may dalang AK-47s,
05:11.5
mga anti-tank grenade launchers, at portable anti-aircraft missiles.
05:16.5
Siyempre, sakay ng armored vans ng special operators ng mga kakaibang armas na ito.
05:21.5
Kapag lumabas na sa publiko si Putin, four rings of security ang nagpoprotekta sa kanya.
05:27.5
Una, siyempre, ay ang mga escort ni Putin na palagi nakatayo malapit sa kanya.
05:32.5
Nagka-bulletproof ang mga bodyguards na ito at handang takpan si Putin at isakripisyo ang kanila mga sarili.
05:39.5
Mula sa mga posibleng pag-atake o pagbaril sa presidente.
05:43.5
Ang pangalawang ring ay mga naka-disguised na bodyguards na nakakalat sa lugar at nagbabantay sa mga taong posibleng maging banta sa presidente.
05:52.5
Siyempre, madali mong mapapansin ang mga suspicious na tao sa isang malaking grupo kung kabilang ka dito.
05:59.5
Hinding-hindi mo sila makikilala bilang bodyguards ni Putin dahil posibleng silang magpanggap na janitor, event coordinator, o isang ordinaryong mamamayan lamang.
06:09.5
At kapag may napansin silang kakaiba, agad nila itong nire-report sa escorts ni Putin.
06:14.5
Ang pangatlong ring naman ay ang mga bodyguards na gumagawa ng perimeter.
06:19.5
Siguro ay alam nyo na ang tinutukoy ko, dahil napaka-common namang ito sa mga malalaking events, lalo na pag may isang mahalagang taong dumadalo sa event.
06:27.5
Sila din ang nagbabantay sa mga pumapasok sa perimeter at sinisiguradong walang threat na makakapasok dito.
06:34.5
Ang panghuling line of defense ni Putin ay ang kanyang mga snipers at spotters.
06:39.5
Nakakalat sila sa matataas na lugar na nakapaligid sa presidente upang makita ang nangyayari sa malalaking grupo ng tao sa isang event.
06:48.5
Malaki ang importansya ng mga snipers na ito. Dahil sa dami na security na malapit kay Putin, mas malaki ang posibilidad na snipers ang didispatcha sa presidente dahil pwede itong gawin sa malayuan.
07:01.5
Nagsisilbing counter-snipers ang fourth ring of defense ni Putin at naataas ang unahan ng mga possible threats na ito.
07:08.5
Siyempre, dahil professional snipers sila, alam din nila kung aling mga lugar ang magandang pwesto upang makatama kay Putin.
07:16.5
Ayon sa New York Post, kailangan nang palitan ang isang Putin bodyguard kapag umabot na siya ng 35 years old.
07:23.5
Gayunpaman, malaki ang reward ng mga gwardyang ito matapos ang kanilang serbisyo sa presidente. Nilalagay sila sa mga matataas na posisyon tulad ng regional governor, special services commanders, o presidential administrators.
07:37.5
Anong masasabi niyo sa security ni Vladimir Putin? May weakness ba ito? Kaya niyo kayang maging security service para sa isang presidente?


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.