Close
 


Ozempic: "Miracle Drug" Ba Para Pumayat? - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ozempic: "Miracle Drug" Ba Para Pumayat? Alamin ang Benepisyo at Side Effects Nito. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/970CfMB_7rU
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 11:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.9
Topic po natin, isa sa pinakausong gamot ngayon.
00:05.5
Actually, viral itong gamot na ito.
00:08.4
Marami na nagtatanong sa akin, pero baka hindi nyo pa alam.
00:12.8
Ang pangalan nitong gamot ay, ang generic niya, semaglutide.
00:17.8
Actually, nire-reset na ito ng mga endocrinologists para sa diabetes.
00:23.0
Kaya lang ngayon, naging mainit ang topic na ito
00:27.0
dahil napabalita na ginagamit ni Oprah.
00:30.9
At pumayat siya dahil dito.
00:33.2
So, ginagamit hindi lang para sa diabetes,
00:36.9
minsan ginagamit din pampapayat.
00:40.1
At nakita natin na pumayat nga siya dito.
00:43.4
So, ngayon po, explain natin ang pro, ano beneficyo, ano side effects, sino pwede.
00:50.5
At syempre, kailangan endocrinologists nyo po ang magre-reseta sa inyo.
00:55.1
Hindi ko po siya in-endorse.
00:57.0
Tinuturo ko lang sa inyo, ano pro at con kasi nga hot topic ito.
01:03.0
Ang dami na nagtatanong sa akin, gusto nila subukan ito para pumayat.
01:08.0
Tapos, papakita rin natin yung medical studies sa panahon ngayon.
01:13.0
In the future, I'm sure meron pang more medical studies.
01:16.0
Baka magbago pa yung datos.
01:18.0
Pero meron na isang lumabas na medyo malaking pag-aaral.
01:22.0
So, ang generic name niya, semaglutide.
01:26.0
So, ang generic name niya, semaglutide.
01:27.0
Para sa diabetes, pero pampapayat din.
01:30.0
Ang brand name niya sa ngayon o Zempix sa abroad.
01:33.0
Pero hindi ko alam kung yan pa rin magiging pangalan dito sa Pilipinas.
01:38.0
Ang difference niya, ini-injection siya once a week.
01:43.0
So, papakita ko muna yung pro, yung benefit, mamaya yung side effects.
01:48.0
Marami din yung side effects, kaya dapat doktor nyo lang ang magre-reseta ito.
01:53.0
Hindi ito para sa lahat ng tao.
01:56.0
So, once a week siya.
01:58.0
Actually, FDA approved siya for diabetes.
02:01.0
For diabetes, pwede siya.
02:04.0
Pero sa weight loss, ang mas approved itong isang mas mataas na dosis.
02:10.0
Itong mas mababang dosis na o Zempix, hindi pa approved.
02:15.0
Pero pareho yung generic niya.
02:17.0
Explain ko mamaya. Ayan o.
02:19.0
Ano ang beneficyo niya?
02:21.0
Itong gamot na ito, di ba meron tayong gamot sa diabetes.
02:25.0
Okay lang po. Okay ang metformin.
02:27.0
Huwag kayong maniwala.
02:29.0
Pag sinasabing peke ang metformin, maganda po yan.
02:32.0
Pwede po yan sa inyo.
02:33.0
Okay din yung mga nire-reseta na endocrinologist.
02:36.0
Yung mga gliclazide, glipizide, at iba pa.
02:39.0
Okay po yun. Kung naka-insulin kayo, sundin nyo pa yun ng doktor ninyo.
02:44.0
Kaya magingat kayo sa fake news.
02:46.0
Pag ginamit ang picture ko, basta pag ginamit ang picture ko, 99% fake yun.
02:52.0
Dapat video ko.
02:53.0
Pag hindi ko binanggit yung product, wala po yun.
02:57.0
Fake yun. Okay?
02:59.0
Wala po ako ine-endorse.
03:01.0
Isa lang tinutulungan namin, Verge3 Advance.
03:04.0
Charity kasi namin yun.
03:06.0
Pero iba, wala.
03:07.0
Kaya magingat kayo, kahit na doon yung video ko, basta hindi ko binanggit, wala po yun.
03:11.0
Ito, binabanggit ko itong Ozempic, pero hindi ko siya ine-endorse.
03:15.0
Pinapakita ko lang sa inyo, pros and cons. Sana malinaw.
03:20.0
Okay?
03:21.0
Mahilig mag-crop ng fake news.
03:23.0
So, itong semaglutide, isa siyang GLP-1 agonist. Okay?
03:30.0
So, ibig sabihin nito, meron siyang magandang efekto para sa diabetes.
03:36.0
Pinapadami niya ang paglabas ng insulin sa katawan.
03:41.0
So, maganda dapat. Bumaba blood sugar.
03:44.0
Pinapababa, yung insulin pinapataas niya.
03:48.0
Itong glucagon, pinapababa niya.
03:51.0
Ayaw natin itong glucagon eh. Nakakataas ng blood sugar yan.
03:54.0
So, parehong may benefit sa diabetes.
03:57.0
At sa pag-aaral, pag bumaba blood sugar mo, less heart attack, less stroke para sa may diabetes.
04:07.0
Pero marami naman kayong choice sa diabetes. Hindi lang naman ito.
04:11.0
Bakit na-excite ang maraming tao dito? Kasi bukod sa pampababa ng blood sugar, ini-injection once a week,
04:21.0
nakita nila sa isang pag-aaral, nakakapayat din.
04:25.0
Okay? Malaki ang pinapayat nung mga nag-i-injection nito.
04:29.0
Isa pang efekto niya, ito yung pangatlong efekto niya, nababawasan ang gutom.
04:35.0
Hunger centers. Diba? Yan ang problema eh. Pag tumatanda tayo, gutom na gutom tayo pag nagda-diet tayo.
04:42.0
So, yung hunger centers sa hypothalamus, binabawasan niya yung hunger, appetite mo, pati yung gigil mo kumain.
04:50.0
At bukod dito, pinapabagal nitong semaglutide, ito yung generic, pinapabagal niya yung galaw ng bituka.
04:58.0
So, pag mabagal ang galaw ng stomach natin, matagal yung pagkain sa tiyan, matagal tayong busog.
05:07.0
So, yung mga gumagamit nito, busog sila. So, hindi sila pwede kumain ng mabilis, masusuka sila kasi mabagal na lahat eh.
05:17.0
Kailangan konti lang kakainin nila at mabagal.
05:20.0
Increased fullness, decreased hunger, kaya pumapayat sila.
05:26.0
Tingnan natin yung pag-aaral. Ito yung pag-aaral.
05:29.0
Nalabas ito sa magagandang journal, actually sa New England ito lumabas.
05:35.0
Large clinical trial, 1,961, almost 2,000 patients.
05:41.0
At pinag-aralan siya matagal na panahon, 68 weeks, 1 year and 4 months.
05:48.0
Naka-injection.
05:50.0
Yung 1,961 na tao.
05:53.0
Ang ginamit nilang dose, yung mataas eh, 2.4 mg.
05:58.0
2.4 mg ang dose nila.
06:01.0
Ang nakita nila, after 1 year and 4 months, yung mga gumagamit nitong semaglutide, namayat ng almost 15%.
06:14.0
15% pumayat sila.
06:18.0
At yung hindi gumamit, 2% lang ang pumayat.
06:23.0
So, hindi lang naman injection ito.
06:27.0
Siyempre, nagda-diet din sila, nage-exercise din sila.
06:30.0
15% na mayat, ito 2%. Ang laki ng panalo.
06:35.0
Kaya marami na excite.
06:37.0
Kaya nga nagamit din ni Oprah.
06:39.0
Oprah is 70 years old at this time, habang ginagawa ko itong video.
06:44.0
So, yan ang mga benefits niya.
06:47.0
Kaya maraming gusto nito. Pinagkakaguluhan siya nito.
06:50.0
Pinagkakaguluhan ngayon.
06:52.0
Pero, ikukwento ko naman sa inyo, yung listahan ng maraming side effects.
06:57.0
Kaya nga sinasabi ko, hindi ako magre-reseta nito, endocrinologist nyo.
07:02.0
Yung diabetes specialist. Sa kanila kayo pupunta.
07:05.0
Sila bahala magsabi kung bagay sa iyo o hindi.
07:09.0
Ano ang problema sa kanya?
07:12.0
Number one problem, kailangan mag-injection ka.
07:16.0
Pang matagalan. Years.
07:19.0
Oras na tinigil mo, okay, in-injection na mo, one year, two years, namayat ka.
07:24.0
Pag tinigil mo siya, babalik ka sa dati mong timbang.
07:29.0
Yun ang problema. Parang naipit ka, babalik ka sa dati mong timbang.
07:34.0
Pero habang payat ka, okay ka.
07:37.0
Kaya lang, gusto mo ba dahil overweight ka, lagi ka na naka-injection once a week?
07:42.0
Pag-iisipan natin yun.
07:44.0
So, effective siya.
07:47.0
Oo nga, kahit ano naman pampapayat, effective eh.
07:51.0
Mas malakas lang siguro itong makapayat.
07:53.0
Kaya lang ha, pag tinigil mo, babalik ka sa dating timbang mo.
07:57.0
Ano pa yung benefit? Tapusin ko muna yung benefit.
08:01.0
5-20% body weight loss, lumiliit ang tiyan, gumaganda blood sugar, gumaganda blood pressure, gaganda cholesterol.
08:09.0
Siyempre pumapayat eh, kaya gumaganda.
08:12.0
Ang dosis niya ganito. Itong Ozempic na mas available.
08:19.0
I'm not sure, I think na mabibili din dito.
08:22.0
May mga dose 0.25, 0.5, 1 mg, 2 mg.
08:27.0
Usually inumpisahan sa mababang dose every week for 1 month bago unti-unti tinataas.
08:34.0
Unti-unti tinataas. 0.25, ganyan ang pagbigay ng doktor.
08:40.0
Ito na yung mga problema natin.
08:41.0
Number one problem is kailangan tuloy-tuloy.
08:45.0
Number two problem, sobrang mahal.
08:49.0
Sobrang mahal. I think, hindi ko alam ano magiging presyo dito.
08:53.0
Pero isang injection, $935, almost 50,000 pesos.
08:59.0
Ewan ko lang kung ibababaan ng presyo. Pero sobrang mahal ang presyo.
09:03.0
Later on, baka bababa yan. Baka sa umpisa lang mahal.
09:07.0
But so second, napaka mahal.
09:09.0
Side effect, puntahan na natin.
09:13.0
Merong mga sakit at kondisyon, bawal mag semaglutide or ozempic.
09:19.0
May problema sa pankreas, bawal.
09:22.0
Pag ang diabetes mo type 1, yung naka-insulin ka, bawal din.
09:28.0
Wala ka pang 18 years old, bawal to sa'yo.
09:31.0
Buntis, nagpapadede, bawal din.
09:34.0
Yung diabetes mo malala na, nabubulag na mata, bawal din.
09:37.0
May problema sa kidney, mataas ang creatinine.
09:43.0
May problema sa pankreas, bawal din.
09:47.0
May kamag-anak na may thyroid cancer, bawal din.
09:51.0
So maraming bawal.
09:53.0
Maraming siyang bawal.
09:55.0
Kaya nga endocrinologist ang magsasabi.
09:58.0
Yung side effect niya, puro satyan.
10:01.0
Pero karamihan nang gagamit, magkakaside effect daw.
10:05.0
Hindi ito yung bihirang side effect.
10:08.0
Tulad nung favorite kong amlodipine sa high blood.
10:11.0
Kunti lang nagsaside effect, mga 3% lang.
10:14.0
Pero ito, karamihan daw magsaside effect.
10:18.0
Masuso ka, nasuso ka, magtatae o constipated, may iba yung pakiramdam mo.
10:24.0
Merong side effect.
10:26.0
Pero nasasanay din naman pag matagal na.
10:30.0
Merong less common side effect pero mas serious.
10:34.0
Nalalabo yung mata, vision changes, kidney problem, allergy, gallbladder problem, marami pang iba.
10:43.0
So may pro, may con, ganyan lagi sa medisina.
10:47.0
Kaya ang doktor nyo, pinapaalam ko lang para alam nyo, hindi naman basta-basta para sa lahat.
10:53.0
Although kung talagang sobrang taba, sobrang overweight, baka ito makatulong sa inyo, hindi rin natin masabi.
10:59.0
Okay?
11:00.0
So ang ending is punta tayo sa endocrinologist.
11:04.0
At least narinig nyo na itong bagong gamot na marami nangungulit sa akin.
11:10.0
Actually, mas mayayaman na mga tao.
11:13.0
Nagiging uso sa kanila ito dahil nga sa paggamit ni Oprah.
11:17.0
Kahit sa US, parang nagkakaubusan ito.
11:20.0
So ito yung pangalan, ito yung generic.
11:22.0
Yung generic hindi magbabago.
11:24.0
Yung brand name pwede mag-iba.
11:26.0
So sana po nakatulong ito.
11:28.0
Para sa mga very overweight, who knows, baka makatulong ito sa inyo.
11:33.0
God bless, pa.