Close
 


ANG MAGAGANAP KUNG MAWAWALA ANG ARAW
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 06:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang Haring Araw ay ang sentro ng ating solar system, ang dahilan kung bakit may buhay sa ating planeta.
00:07.3
Ikukwento ko sa inyo, mga katinagalog ko, ang magaganap sa oras na mawala ang ating Haring Araw.
00:14.3
Ayon sa Biblia, nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.
00:19.8
Ang lupa ay walang hugis o anyo, dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.
00:29.8
Sinabi ng Diyos, magkaroon ng liwanag.
00:33.8
At nagkaroon nga, nasayahan ng Diyos nang ito ay mamasdan.
00:38.3
Pinagbukod niya ang liwanag at dilim.
00:41.1
Ang liwanag ay tinawag niyang araw at ang dilim naman ay tinawag niya na gabi.
00:47.4
Lumipas ang gabi at sumapit ang umaga.
00:51.0
Iyon ang unang araw.
00:53.3
Kung siyensya naman ang pagbabasehan,
00:55.9
limang bilyong taon na ang nakararaan sa kadiliman ng kalawasan.
01:00.6
Walang kahit na ano na masisilayan.
01:03.2
Hanggang sa dumating ang ika-apatpunto-anim na bilyong taon na ang nakalipas,
01:09.4
isang malaking pagsabog naman ang naganap.
01:12.5
Dahil sa pinagsama-samang kemikal na buo ang ating bituin,
01:17.1
tinawag ito na ating haring araw.
01:20.1
Alinman sa dalawang kwento na ito ang papanigan ninyo, mga katinagalog ko,
01:24.7
ilalagay ko na po sa inyong kamay ang pagpapasya.
01:27.9
Ganon pa man, hindi maiaalis na dahil sa ating haring araw,
01:32.2
kaya tayo ngayon ay naririto.
01:34.4
Ngunit ano nga ba ang magaganap sa oras na ang ating bituin ay mawala sa atin?
01:40.1
Walo at kalahating minuto bago dumating ang liwanag ng araw dito sa atin, sir.
01:45.8
Kaya naman hindi pa natin malalaman agad-agad na nawala ang ating haring araw.
01:51.7
Matapos ang walo at kalahating minuto,
01:54.4
magugulat na lamang tayo na biglang didilim.
01:57.6
ang ating buong mundo.
01:59.7
Susunod na hahanapin natin sa kalangitan ay ang atin na buwan.
02:04.5
Ngunit hindi na rin natin ito makikita pa.
02:07.7
Ito ay sa kadahilanan na ang ating seluna,
02:10.8
hindi gaya ng araw,
02:12.2
ay hindi po naglalabas ng kahit na ano na liwanag.
02:16.5
Nakikita lamang natin ang buwan dahil ito ay nasisinaga ng liwanag ng ating haring araw.
02:22.9
Kaya naman magiging bakante at madilim ang ating gabi.
02:27.6
At dahil dito, magsisimula na na lumamig ang ating planeta.
02:31.9
Ngunit dahil may natural at kakaunting init pa na naipit sa ating Earth,
02:36.4
hindi naman agad maninigas ang lahat.
02:39.1
Ngunit dahan-dahan ay talaga naman na magdarama na ang kalamigan.
02:43.6
Matapos lamang ang isang linggo,
02:46.3
babagsak na sa zero ang temperatura sa buong mundo.
02:50.5
Pagdating ng ikalawang linggo ay mas bababa pa ito.
02:55.3
Unti-unti sa paglakad ng ating kalamigan,
02:57.5
nang araw, palamig na ng palamig.
03:00.3
Hanggang sa pagsapit ng ika-isang taon ng pagkawala ng ating bituin,
03:06.0
ang maitatalang temperatura sa ating planeta ay negative 100 degrees Fahrenheit na
03:13.3
o negative 73 degrees Celsius na.
03:17.1
Sa panahon ding ito, mga katinagalog ko,
03:19.8
ang lahat ng uri ng katubigan sa ating planeta,
03:23.6
lahat ay nagyayelo na.
03:25.6
Maging ang mga pinakamalalakad,
03:27.5
ang ating karagatan,
03:28.8
lahat sila sa ibabaw ay talaga naman na matigas na matigas na.
03:34.1
Ngunit ayon sa mga sayentipiko,
03:36.2
kung sa ibabaw ay matigas na yelo na ang ating karagatan,
03:40.0
sa ilalim naman nito ay nananatiling umaagos ang tubig
03:44.4
dahil sa natural na init na inilalabas ng ating planeta mula sa kaibotura nito.
03:50.9
Ngunit dahil patuloy sa paglamig ang ating planeta,
03:54.4
matapos ang 3 hanggang sa 4 na taon,
03:57.3
ayon sa mga eksperto na ang temperatura na sa ating planeta
04:02.3
ay negative 400 degrees Fahrenheit na o negative 240 degrees Celsius na.
04:10.8
Sa panahon ito, sa tindi ng lamig sa Earth,
04:13.8
maging ang ating atmosfera ay nanigas na at ito ay babagsak na mismo sa ating planeta.
04:21.3
Mawawala na ng baluti ang Earth laban sa mapaminsalang radyasyon,
04:26.6
na siya namang kalat na kalat naman sa anumang bahagi ng malawak na kalawakan.
04:32.1
Sa pagkawala ng araw, ang mga halaman sa mundo ay hindi na rin mabubuhay pa.
04:38.1
Ito ay dahil kinakailangan ng mga halaman ang araw upang makagawa ng pagkain nila.
04:44.6
Ito po ay ang tinatawag nila na ang proseso ng photosynthesis.
04:49.6
Sa loob ng isa hanggang dalawang taon, lahat ng halaman sa mundo ay wala na.
04:55.6
Kasunod na nitong mawawala ang mga hayop na umaasa sa mga halaman,
05:00.6
hanggang sa lahat ng nilalang sa kalupaan ay unti-unti na mauubos na.
05:05.6
Lahat ito ay magaganap sa loob lamang ng hindi hihigit sa limang taon.
05:11.6
Makaimbento man ang tao ng teknolohya na makapagsasalba sa iilang mga tao sa mundo,
05:18.6
ngunit hindi rin ito magtatagal.
05:20.6
Ang Earth ay magiging isang tila-ba-holen na balot ng kadilisan.
05:25.6
Sa loob po ng isang dekada, masasabi na ang buhay sa Earth ay mawawala na.
05:32.6
Kasama na po tayo, mga sangkatauhan, na sa araw din ay lubos na umaasa.
05:38.6
Mga katinagalog ko, sa tansya po ba ninyo gaano katagal kakayanin ang tao na walang sikat ng araw?
05:45.6
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
05:52.6
Ang may pinaka-interesanteng sagot ay,
05:53.6
Ang may pinaka-interesanting sagot ay,
05:54.6
Ang may pinaka-interesanting sagot ay,
05:56.6
ay magkakamit ng 100G cashload.
05:58.6
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.
06:24.6
Thank you for watching!