Close
 


Paano Mag-INVEST Kahit Maliit Ang Sahod? (Investment Tips)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Kung matagal kanang nagtatanong "paano mag-invest kahit maliit lang ang income?" Sasagutin na natin yan sa videong ito. Tatalakayin natin ang 6 investments na pwede mong simulan gamit lang ang maliit na puhunan. Ibabahagi ko rin sayo ang 5 bagay na dapat mong iconsider kapag nag-iinvest ka ng pera. RECOMMENDED VIDEO; Negosyong patok sa maliit na puhunan: https://youtu.be/T0ksfZ5mPBY?si=fMueOkpk9gT-2RAv VIDEO OUTLINE 00:00 Introduction 00:35 What is investing? 02:28 1 High-interest savings account 03:49 Diskartech 04:00 SeaBank 04:15 GoTyme Bank 04:27 Netbank Savings 04:59 2&3 PAGIBIG MP2 & SSS WISP Plus 07:00 4 Real Estate Investment Trusts (REITs) 08:51 5 Maliit na Negosyo 09:47 6 Kaalaman at skills 11:40 5 Things to consider when you invest your money 13:59 Summary CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #WealthyMindPinoy #SaanMagandaMaginvestNg
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 15:12
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa video natin ngayon, pag-uusapan natin kung paano mag-invest kahit maliit lang ang iyong income.
00:06.2
Mamaya itatalakayan natin ang anim na investments na pwedeng simulan ng isang empleyado na kumikita lang ng maliit na sahod.
00:13.6
At ibabahagi ko rin sa iyo sa dulong parte ang iilang bagay na dapat mong i-consider kapag nag-i-invest ka ng pera.
00:20.8
Kung matagal ka nang nagtatanong kung paano mag-invest kahit maliit lang ang iyong income,
00:25.5
sasagutin na natin yan sa video nito.
00:27.7
Kaya naman maglaan ka ng iyong oras ngayon para matuto at ihanda mo ang iyong papel at ballpen para malista mo ang mga mahahalagang aral.
00:36.7
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang investing?
00:39.8
Madalas natin itong naririnig na ang mga mayayaman ay maraming investments at kung nais mong yumaman ay kailangan mong mag-invest ng pera.
00:48.2
Naririnig lang natin ito pero wala tayong malinaw na pag-intindi sa kahulugan ng salitang investing.
00:53.9
Ang investing ay yung gagamitin mo ang iyong pera.
00:57.4
Sa pagbuo o pag-acquire ng isang asset na kapag napatakbo mo ng maayos ay kayang magbigay sa iyo ng income sa hinaharap o gagawin mong katulong ang iyong pera sa pagkita ng pera.
01:09.3
Katulad ng isang magsasaka, sa halip na kakainin niya lahat ng kanyang mga binhi ngayon, nagtira siya para meron siyang itatanim.
01:17.2
Dahil alam niya na kapag nagtanim siya ngayon, magta-times 100 or more pa ito sa araw ng anihan.
01:23.3
Kagaya ng magsasaka, mahalagang matutunan din natin kung paano mag-invest.
01:27.4
Para pera naman ang magtatrabaho sa atin at para magamit din natin ang majority ng ating oras sa mga meaningful na bagay.
01:35.9
Pero isang common na pag-aakala ng karamihan pagdating sa pag-i-invest ay kailangan mo ng malaking kapital para magsimula.
01:43.4
Kaya sa tingin nila ay imposible ang makapag-invest, lalong-lalo na kung hindi sila kumikita ng malaki.
01:49.8
Pero iba na ang panahon ngayon.
01:51.8
Marami ng available investments na pwede mong pasukan gamit lang ang maliit na halaga.
01:56.8
At ibabahagi ko sa iyo ngayon ang 6 na investments na pwede mong pasukan.
02:02.6
Pero disclaimer lang muna, ang mga investments na ibabahagi ko sa iyo ngayon ay options lamang na pwede mong pagpilian.
02:09.8
Hindi kita ini-encourage na mag-invest sa mga ito, kundi binibigyan lang kita ng awareness sa mga investment opportunities na available ngayon.
02:18.6
Sa huli ay ikaw pa rin ang masusunod kung saan mo gagamitin ang iyong pera.
02:23.0
At kung malinaw na yan sa iyo,
02:24.7
simulan na nating talakayin ang unang investment.
02:30.4
Kung nagsisimula ka palang mag-invest, mahalagang meron ka rin ipon.
02:37.2
Dahil hindi ka naman kikita agad sa iyong investment at hindi rin natin maiiwasan na makakaranas tayo ng mga unexpected na pangyayari.
02:46.0
Kaya ang pinakamabuting desisyon para paghandaan ito ay dapat meron kang perang nakareserba.
02:51.3
Pero hindi ibig sabihin na dahil nag-iipon ka,
02:54.2
ay hindi nakikita ang iyong pera.
02:56.8
Meron ng option ngayon kung paano kikita ang iyong ipon.
03:00.4
At iyon ay sa pamamagitan ng high interest savings account.
03:04.9
Isa itong option sa pag-iipon na kung saan ay pwede kang kumita ng mas malaki
03:09.0
dahil nagbibigay ito ng mas mataas na interest kumpara sa mga regular na savings account.
03:14.6
Kung ang regular savings account ay hanggang 0.25% lang na interest ang kayang ibigay sa iyo taon-taon,
03:21.2
ang high interest savings account,
03:23.7
ay hanggang 6.5%.
03:26.2
So kung ikaw kumpara mo ito sa average inflation rate taon-taon na 4%,
03:31.1
magandang option ito dahil hindi ka nawawala ng pera.
03:35.4
Kung curious ka bakit malaking interest ang binibigay nito kumpara sa regular savings account,
03:40.8
yun ay dahil digital bank ito.
03:43.2
Mga ilang digital bank na nagbibigay ng malaking interest sa iyong ipon dito sa Pilipinas
03:48.3
ay number one, Discartec.
03:49.7
Power dito ng RCBC at na-launch ito,
03:53.5
noong 2020,
03:55.2
ang annual interest na binibigay nila ay 6.5%.
03:59.7
Number two, C-Bank.
04:01.5
Nagbibigay sila ng 4.5 interest per annum kung ang iyong balance ay hindi lumagpas ng 250,000 pesos
04:08.9
at 3% naman kung lagpas ng 250,000 pesos ang iyong balance.
04:14.7
Number three, GoTime Bank.
04:16.8
Ang digital bank na ito ay collaboration ng Gokongwe Group at Singaporean Digital Banking Group na Time.
04:22.6
Number three, GoTime Bank.
04:23.0
Ang annual interest na binibigay nila ay 6.5%.
04:23.4
At number four, NetBank Savings.
04:29.2
Nagbibigay sila ng 4% annual interest sa kanilang mga depositors
04:33.4
at makakasigurado kang safe ang iyong ipon dahil insured ito ng PDIC.
04:39.1
Lahat ng mga bankong ito ay hindi nangangailangan ng maintaining balance
04:42.9
at initial deposit kung gusto mong gumawa ng account.
04:46.2
Ibig sabihin, anytime ay pwede mong i-withdraw lahat ng iyong pera kung gusto mo.
04:50.9
Marami pang mga digital bank na pwede mong pagpilihan.
04:53.0
At nasa iyo na yan kung saan ka-komportable maglagay ng iyong ipon.
04:59.1
Investment 2 and 3, Pag-ibig MP2 at SSS WIS Plus.
05:04.9
Kung bakit pinagsabay ko na ang dalawang investments na ito,
05:08.2
yun ay dahil halos magkapareho lang sila.
05:10.9
Programa ito ng dalawang ahensya ng ating gobyerno na kung saan sa halagang 500 pesos ay pwede ka nang magsimula.
05:18.4
Maganda itong investment sa mga taong nagsisimula pa lang
05:21.4
at gustong kumita ang kanilang mga investment.
05:22.7
At kung saan sa halagang 500 pesos ay pwede ka nang magsimula.
05:23.0
Unang na-introduce ang Pag-ibig MP2 noong 2010 at simula noon
05:28.6
ay consistent itong nagbibigay ng average 6% na dividend sa kanyang mga investor taon-taon.
05:35.8
Samantalang ang WIS Plus naman ay noong December 2022 pa na simulan.
05:41.0
So wala pa tayong data kung magkano ang kanyang annual dividend.
05:44.7
Kung paano ito gumagana, para lang silang time deposit
05:47.8
na kung saan ang iyong pera o ipon ay ipagkatiwala mo sa isang kumpanya
05:52.4
at kailangan mo ito sa isang kumpanya.
05:52.7
At kailangan mong maghintay na matapos ang napagkasundo ang maturity period
05:56.7
bago mo kukunin ang iyong pera at ang interest.
06:00.3
Ang maturity period ng Pag-ibig MP2 ay 5 years
06:03.9
pero meron ka namang choice na kunin ang dividend ng iyong investment taon-taon.
06:09.1
Samantalang ang maturity period ng SSS WIS Plus naman ay isang taon lang.
06:14.4
Ang minimum na contribution ng dalawang programang ito
06:17.4
ay 500 pesos lang kada deposit.
06:20.1
Kung halimbawa ang iyong monthly contribution
06:22.7
ay 1,000 pesos,
06:24.7
after 5 years ay meron ka ng total of 60,000 pesos
06:28.3
na contribution na pwedeng ma-withdraw
06:30.3
at hindi pa dun kasama ang interest.
06:32.8
Kung gusto mong doble ang iyong maiipon,
06:35.2
gawin mong 2,000 pesos
06:36.7
ang iyong monthly contribution
06:38.3
at pagplanuhan mong mabuti kung saan
06:40.6
mo gagamitin ang 120,000 pesos
06:43.8
pagkatapos ng 5 taon.
06:45.8
Kung gusto mong malaman
06:46.8
paano mag-apply,
06:48.1
madali lang ito gawin.
06:49.3
Pumunta ka lang sa website ng Pag-ibig
06:51.7
at SSS.
06:52.7
At doon mo i-search kung paano mag-apply
06:55.3
at anong mga requirements ang dapat i-submit
06:57.9
para makapagsimula.
07:00.3
Investment No. 4
07:01.8
Real Estate Investment Trust o REITS
07:04.7
Kung gusto mong mag-invest sa real estate
07:07.0
gamit lang ang maliit na halaga,
07:09.1
magandang subukan mong bumili ng shares
07:11.0
ng mga profitable na real estate companies
07:13.4
ng ating bansa.
07:14.9
Kabilang dyan ang Ayala Land,
07:16.5
Robinson's Land,
07:17.9
Philinvest,
07:18.8
Double Dragon,
07:19.9
at marami pang iba.
07:20.8
Ang pag-i-invest sa REITS,
07:22.7
ay magandang opsyon kung nagsisimula ka pa lang.
07:25.8
Dahil una,
07:26.7
affordable lang ito.
07:28.3
Sa halagang 5,000 pesos or less,
07:30.6
ay pwede ka nang magsimula
07:31.9
at kumita ng passive income.
07:34.2
Pangalawa,
07:35.0
mababa lang ang risk.
07:36.5
Dahil mga subok na na kumpanya
07:38.0
ang lalagyan mo ng iyong pera,
07:40.0
mataas ang chance nakikita ka dito.
07:42.4
At pangatlo,
07:43.3
madali lang ang proseso
07:44.7
dahil magagawa mo ito online.
07:47.1
Pwede kang bumili at magbenta ng REIT shares
07:49.3
gamit ang platform ng mga online broker
07:51.6
na accredited shares.
07:52.7
Sa Philippine Stock Exchange.
07:55.2
Para mamaksimize mo ang iyong earning potential
07:57.4
sa pag-i-invest sa REITS,
07:59.0
ay kailangan mong pag-aralan kung ano mga kumpanya
08:01.4
ang consistent na kumikita ng pera taon-taon
08:04.7
at doon ka mag-invest.
08:06.6
Ang iyong kita o dividend
08:08.1
ay matatanggap mo
08:09.4
every quarter
08:10.5
o every three months.
08:12.3
At isa nga pala sa kagandahan ng pag-i-invest sa REITS
08:15.0
ay meron kang control sa iyong pera
08:17.2
dahil pwede mo itong ma-withdraw
08:18.9
anytime.
08:20.3
Kung paano magsimula,
08:21.3
kailangan mo lang gumawa
08:22.5
ng iyong account
08:23.3
sa mga trading platform
08:24.6
na accredited sa Philippine Stock Exchange
08:27.3
katulad ng BPI Trade,
08:29.3
Call Financial,
08:30.4
BDO Securities
08:31.5
at First Metro Securities.
08:34.2
Magagamit mo ang mga platform na yan
08:36.2
sa pagbabay and sell
08:37.5
ng mga REIT shares.
08:39.0
Real estate ang isa sa mga nananatiling
08:41.3
profitable na investment hanggang ngayon.
08:44.0
May tuturing natin ito na solid asset
08:46.2
dahil habang lumilipas ang panahon,
08:48.8
lalo rin tumataas ang value nito.
08:51.6
Investment,
08:52.5
number five,
08:53.9
maliit na negosyo.
08:55.5
Kung meron kang passion sa isang bagay
08:57.7
at gusto mo itong pagkakitaan,
08:59.7
pwede kang magsimula ng maliit na negosyo.
09:02.4
Maraming mga negosyo ngayon
09:03.8
ang pwede mong simulan gamit lang
09:05.5
ang maliit na puhunan
09:06.9
katulad ng pagbebenta ng mga lutong bahay,
09:10.0
kakanin at desserts.
09:12.1
Kung mahilig ka sa pagluluto
09:13.6
at meron kang ekstrang oras
09:15.4
pagkatapos ng iyong trabaho,
09:17.3
pwede mo itong simulan.
09:18.7
At ang kagandahan sa panahon natin ngayon
09:20.7
ay malileverage mo
09:22.2
ang internet.
09:23.5
I-post mo lang ang iyong mga paninda
09:25.1
sa iyong social media account
09:26.8
para maging aware ang iyong mga kaibigan
09:28.9
na potential customers.
09:31.1
Marami pang mga negosyo
09:32.3
ang pwede mong simulan ngayon
09:33.7
gamit lang ang maliit na puhunan.
09:36.3
Kung gusto mong malaman,
09:37.5
panuorin mo ang nagawa na naming video
09:39.3
na ang title ay
09:40.2
Anim na Negosyong Patok sa Maliit na Puhunan.
09:43.4
Hanapin mo na lang ang link
09:44.7
sa description ng videong ito.
09:47.7
Investment, number six.
09:49.9
Kaalaman at Skills.
09:51.4
Isa sa pinakamagandang desisyon
09:53.6
na gagawin mo sa iyong buhay
09:55.2
ay ang desisyon na mag-invest
09:57.0
sa iyong sarili.
09:58.6
Dahil ang katotohanan sa mundo natin ngayon
10:00.7
ay binabayaran tayo base sa impact
10:03.2
ng value na binibigay natin sa mga tao.
10:06.1
Kung wala kang skills
10:07.1
sa mga technical na bagay
10:08.5
at kung ang kaya mo lang gawin ay kaya rin ang karamihan,
10:11.5
maliit na sahod lang din ang iyong matatanggap
10:13.9
dahil sa taas ng kompetisyon.
10:16.3
Isipin mo na lang na kung hindi mo pa
10:17.9
na-achieve ang uri ng buhay na gusto mo
10:20.1
katulad ng gusto mong magkakataon.
10:21.2
Magkaroon ng financial freedom
10:22.8
tapos hirap kang makapag-ipon ngayon.
10:25.3
Ibig sabihin, marami ka pang dapat matutunan.
10:28.6
Kaya napakahalagang gamitin mo
10:29.9
ang iyong ekstrang oras
10:31.2
para mag-invest sa iyong sarili.
10:33.7
Piliin mong mag-grow araw-araw.
10:35.7
Pag-aralan mo ang mga bagay na kailangan mong matutunan
10:38.3
para makuha ang iyong goal.
10:39.9
Magbasa ka ng libro at articles
10:41.6
na ang topic ay related sa iyong goal.
10:44.0
Makinig ka ng mga podcast
10:45.5
o di kaya ay audiobooks
10:46.9
habang naglilinis ka ng kwarto
10:48.6
o di kaya ay sa tuwing naghuhugas ka ng plato.
10:51.3
Manood ka ng mga video sa YouTube
10:53.0
na marami kang makukuhang aral.
10:55.3
At syempre, unti-unti mo rin i-apply
10:57.6
ang iyong mga natutunan
10:59.1
para malaman mo kung ano ang iyong mga
11:01.1
strengths and weaknesses,
11:03.2
kung ano ang nag-work at dapat gawa ng improvement.
11:06.4
Hindi ka dapat naghahabol sa success.
11:08.8
Trabahuin mo ang iyong sarili,
11:10.7
mag-improve ka araw-araw
11:12.2
at ang success,
11:13.6
kusa na iyang lalapit sa iyo.
11:15.4
Tandaan mo na lang ang sinabi ng sikat na author
11:17.7
na si Brian Tracy,
11:19.2
to achieve something you've never achieved
11:21.2
you must become someone you've never been.
11:24.4
Kung kumikita ka lang ng maliit na halaga ngayon
11:26.6
at kung gusto mong mapalaki ito sa hinaharap,
11:29.4
kailangan mo rin gumawa ng mga bagong desisyon
11:31.6
na sa tingin mo ay makakatulong sa iyo
11:33.6
para mapalaki ang iyong income
11:35.3
at nagsisimula yan sa pag-iinvest sa iyong sarili.
11:39.8
Ngayon na alam mo na ang anim na investments
11:41.9
na pwede mong simulan gamit lang ang maliit na halaga,
11:45.0
ibabahagi ko naman sa iyo ngayon
11:46.7
ang limang bagay na dapat meron ka
11:48.8
o dapat mong i-consider
11:50.4
habang nag-iinvest sa iyo.
11:51.2
Number 1, mag-set ka ng iyong financial goals.
11:56.5
Mahalagang meron ka rin goal habang nag-iinvest ka
11:59.0
para alam mo ang purpose ng iyong ginagawa.
12:01.9
Nag-iinvest ka ba para sa iyong retirement,
12:04.2
para sa college education ng iyong anak,
12:06.4
para sa bahay?
12:07.6
Kahit ano pa ang iyong goal,
12:09.4
dapat alam mo yan
12:10.2
dahil dyan mo ibabasay ang iyong mga investment decisions.
12:14.2
Number 2, dapat meron kang emergency fund.
12:17.4
Mahalagang meron kang perang nakareserba
12:19.3
para sa mga unexpected na pang-investment decisions.
12:21.2
Ang emergency fund o perang katumbas
12:24.0
ng iyong 6 months to 1 year na expenses
12:26.4
ay ang magbibigay proteksyon sa iyong investment
12:29.3
at pati na rin sa iyong personal na ipon.
12:32.1
Dahil sa halip na gagalawin mo ang pera sa iyong investment,
12:35.5
meron kang perang nakareserba na para lang sa emergencies.
12:39.3
Number 3, mag-invest ka sa investment na willing mong pag-aralan.
12:43.7
Mataas ang chance na mawawalan ka ng pera
12:46.1
kung wala kang alam sa investment na iyong pinasukan
12:48.9
para lang iyong pagsusugal.
12:50.6
Kung saan ang iyong panalo ay palagi mong inaasa sa tsamba.
12:54.8
Kaya karamihan din sa ating mga kababayan
12:56.9
ay patuloy na na-scam hanggang ngayon
12:59.1
dahil gusto lang nilang kumita kahit wala silang idea sa isang investment.
13:03.8
Kaya bago ka pumasok sa isang investment,
13:06.3
mahalagang willing ka na pag-aralan ito.
13:08.9
Number 4, hindi lahat ng investment ay para sa iyo.
13:12.8
Kailangan mo rin tandaan na kung ano ang nag-work sa iba
13:15.3
ay posibleng hindi mag-work sa iyo
13:17.7
dahil magkaiba tayo ng sitwasyon,
13:19.8
magkaiba tayo ng goal
13:21.4
at magkaiba rin tayo ng risk tolerance.
13:24.3
Kung kaya ng iba mag-invest sa mga risky na investment,
13:27.4
hindi ibig sabihin na gagayahin mo rin ito.
13:29.9
Ibasin mo pa rin ang iyong mga financial decisions doon sa iyong goal.
13:34.2
At number 5, bayaran mo lahat ng iyong utang.
13:37.9
Ang utang na tinutukoy ko dito ay ang bad debt.
13:41.2
Bago ka magsimulang mag-invest,
13:42.8
mahalagang bayaran mo muna lahat ng iyong utang
13:45.3
para hindi ka na magbabayad ng malaking halaga sa interest
13:48.5
at para makapag-focus sa ito.
13:49.8
At pag-focus ka sa pag-build ng iyong asset.
13:52.2
Walang sense kung kumikita ka sa iyong investment
13:54.8
pero mas malaki ang binabayaran mong interest sa iyong mga utang taon-taon.
13:59.7
At hanggang dito na lang ang ating video.
14:01.9
Quick summary lang bago tayo magtapos.
14:04.3
Ang anim na investments na pwede mong pasukan gamit lang ang maliit na kapital
14:08.4
ay number 1, high interest savings account.
14:12.0
Number 2, SSS WIS Plus.
14:14.8
Number 3, Pag-ibigin P2.
14:16.6
Number 4, Real Estate Investment Trust.
14:19.8
Number 5, Small Business.
14:23.1
At number 6, Kaalaman at Skills.
14:26.3
At ang limang bagay na dapat mo namang i-consider habang nag-i-invest ka ng pera
14:30.4
ay number 1, mag-set ka ng iyong financial goals.
14:34.3
Number 2, dapat meron kang emergency fund.
14:37.4
Number 3, mag-invest ka sa investment na willing mong pag-aralan.
14:41.7
Number 4, hindi lahat ng investment ay para sa'yo.
14:44.9
At number 5, bayaran mo lahat ng iyong utang.
14:48.4
Sana'y marami kang natutunan sa video natin ngayon.
14:52.1
Kung nagustuhan mo ito ay huwag kalimutang mag-iwan ng like at i-share mo na rin ito sa iyong mga kaibigan.
14:58.0
Maraming salamat sa panunood at sana'y magdagumpay ka!
15:03.7
Thank you for watching!