Close
 


Kriminal Na Sikretong Nakatira Sa Toys R Us
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang lalaking tumakas sa kulungan at tumira sa Toys R Us. Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #crime #truecrime #documentary
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang lalaking nakatira sa Toys R Us
00:03.3
Nagtatrabaho ka sa Toys R Us at malapit na ang Pasko. Ang dami ng taong bumibili ng pangrigalo.
00:11.0
Maya-maya pa, may napansin kang tao na nakita mo na sa mga nakaraang araw.
00:16.0
Binaliwala mo lang, may mga nakalimutang bilhin o baka nakatira lang sa malapit.
00:21.0
Ang hindi mo alam, ang nakita mo pala ay isang kriminal at nakatira siya sa pinagtatrabahuan mo.
00:27.2
Sa videong ito, pag-uusapan natin ang magnanakaw na tumira sa Toys R Us. Sino nga ba siya?
00:34.7
Si Jeffrey Allen Manchester ay ipinanganak noong 1972 at isang dating miyembro ng United States Army Reserve.
00:42.3
Nagsimula ang kanyang mga krimen noong 1988. Karaniwan sa kanyang mga ninanakawan ay mga McDonald's sa iba't ibang parte ng US.
00:50.4
May modus operandi si Jeffrey. Pinagpaplanuhan niya ang kanyang bawat pagnanakaw.
00:55.3
Madalas siyang naghihintay sa bubong.
00:57.2
Sa bubong ng McDonald's, pagsapit ng madaling araw, agad siyang gagawa ng butas sa bubong gamit ang drill o kung minsan ay lagari.
01:05.2
Pag nakababa na siya, magtatago siya sa CR at biglang lalabas kapag nagsisimula na ang normal activities ng fast food.
01:12.4
Puholdapin niya ang mga empleyado gamit ang dala niyang armas at pagkatapos ay papapasukin niya ang mga ito sa walk-in freezer.
01:20.2
Ayon sa isang empleyado, kalmado daw si Jeffrey at sinabihan pa nga sila na mag-jacket bago pa pumasok sa freezer.
01:27.2
Upang hindi sila masyadong ginawin.
01:29.6
Hihingin ni Jeffrey mula sa kanila ang mga resibo upang malaman niya kung magkano ang kanyang makukuha mula sa cash registry.
01:37.1
Bago sila papasukin sa freezer, sasabihan sila ni Jeffrey na huwag magalala dahil tatawagan naman niya ang pulis pagkatapos niyang magnakaw upang may magbukas ng freezer.
01:47.8
Sa mga sumunod na taon, ito ang naging gawain ni Jeffrey.
01:51.4
Dahil sa kanyang modus operandi, nakilala pa nga siya na The Roof Man.
01:56.0
Noong May 20,
01:57.2
2000,
01:58.3
pagkatapos magnakaw ni Jeffrey ng dalawang McDonald's sa isang araw gamit ang kanyang .22 caliber rifle,
02:04.9
nahuli siya ng mga otoridad.
02:06.9
Isang empleyado sa McDo ang nakapindot ng emergency baron at naabutan ang mga pulis si Jeffrey habang papasok siya sa kanyang sasakyan.
02:15.2
Sa kanyang interrogation,
02:16.6
inamin ni Jeffrey ang kanyang mga krimen at nakulong siya sa ilang North Carolinian prisons bago napunta sa Brown Creek Correctional Institution sa Fulton.
02:26.2
Habang nakakulong,
02:27.2
nagtrabaho si Jeffrey sa metal shop ng kulungan.
02:31.0
Ginamit niya ito para makatakas.
02:33.2
Nakita ni Jeffrey na may ilang malalaking trucks na pumapasok at lumalabas sa kulungan.
02:38.2
Bago pa makalabas ang trucks,
02:40.0
ichicheck muna ng mga guards ang ilalim nito upang tingnan kung mayroon ba ang kakaiba.
02:44.9
Dito nakakuha ng ideya si Jeffrey.
02:47.5
Apat na taon niyang plinano ang kanyang pagtakas.
02:50.4
Nagtahi siya ng mga prison jackets upang ito ang isuot niya paglabas.
02:54.6
Gumawa siya ng isang plywood platform sa shop.
02:57.2
At inisprayan niya ito ng itim, pareho ng kulay, nang nasa ilalim ng trucks.
03:02.2
Para saan nga ba ito?
03:03.8
Noong June 15, 2004, nakita ni Jeffrey ang isa na namang malaking truck na pumasok sa kulungan.
03:10.3
Dito na niya isasagawa ang kanyang plano.
03:12.9
Nang papaalis na ito at hindi nakatingin ang mga guards,
03:15.9
agad siyang tumakbo papunta sa truck at gumulong sa undercarriage nito.
03:20.3
Ginamit niya ang kanyang ginawang maitim na plywood platform para takpan ang kanyang katawan habang nasa ilalim.
03:26.3
Dahil sa pareho lang ito ng kulay ng truck, hindi nila inakalang may preso palang ginagamit ito upang magtago.
03:33.7
At tuluyan lang nakatakas si Jeffrey.
03:36.6
Napunta si Jeffrey sa isang maliit na community sa North Carolina.
03:40.4
Naghahanap siya ng matataguan nang makita niya ang isang Toys R Us.
03:45.2
Agad siyang pumasok at naghintay na umalis ang lahat ng tao.
03:48.7
Ang unang ginawa ni Jeffrey ay tinignan ang surveillance upang malaman niya kung ano ang mga lugar sa mall na hindi makikita.
03:56.3
At doon siya nagtago.
03:59.3
Sa mga sumunod na linggo, naghihintay lang si Jeffrey na umalis ang lahat ng tao sa Toys R Us gabi-gabi bago pa siya matulog.
04:07.5
May iba pang pinagkakaabalahan si Jeffrey.
04:10.1
Naging parte siya ng community ng Charlotte, North Carolina.
04:13.8
Sumali siya sa Crossroads Presbyterian Church at nagpakilala bilang si John.
04:18.7
Agad siyang nagustuhan ng mga tao doon at sa katunayan, nagka-girlfriend pa nga siya na isang single mom, si Leigh Wainscott.
04:25.2
Madali lang nahulog ang loob ni Leigh kay Jeffrey, o kay John, ang pangalang pinakilala niya.
04:31.0
Sa kanyang nakikita, mabait si John at nakakasundo nito ang mga anak niya.
04:35.8
Palagi itong may dalang regalong laruan at tumutulong pa nga sa pagdisenyo ng Christmas tree.
04:41.1
Para sa iyong kaalaman, ang mga laruan na regalo ay ninakaw lang rin ni Jeffrey sa Toys R Us.
04:46.7
Tuwing tinatanong si Jeffrey kung anong trabaho niya, sinasabi lang niya na isa siyang government employee na may napaka-confidential na trabaho.
04:54.7
Sinabi din niya,
04:55.2
sa community na may sikreto siyang office na restricted dahil sa kanyang sikretong trabaho.
05:00.8
Hindi nila alam na nakatira pala ang bagong kapitbahay nilang si John sa Toys R Us.
05:06.2
Noong papalapit na ang Christmas, marami ng tao sa mall at mas mahirap nang magtago, kailangan niyang lumipat.
05:12.9
Nakakita siya ng butas sa ilalim ng isang hagdanan.
05:16.1
Agad siyang pumasok dito at nalaman niya na nakakonekta pala ang basement na iyon sa kabilang building, isang abandoned circuit city.
05:23.7
Ngayon ay may sarili ng kwento.
05:25.2
Si Jeffrey
05:26.0
Dinisenyohan ni Jeffrey ang kanyang bagong kwarto.
05:29.3
Ayon sa mga reports, pininturahan ni Jeffrey ang kanyang maliit na kwarto.
05:33.1
Nilagyan niya ito ng mga bagay na ninakaw mula sa Toys R Us.
05:37.0
Nagsampay siya ng mga posters sa pader at naglagay ng mga action figures sa kanyang closet.
05:42.3
Nagnakaw din ang mini hoop si Jeffrey at maliit na bola.
05:46.0
Higit sa lahat, upang hindi siya mabagot sa loob, nagnakaw din siya ng maliit na TV at mga DVD.
05:52.2
Kahit ang kanyang higaan ay sosyal,
05:54.1
ang kanyang kumot ay mula rin sa Toys R Us.
05:57.2
Kaya tuwing gabi, nagkukumot siya ng may print ni Spider-Man.
06:01.6
Para may tubig ang kanyang kwarto, nakakuha siya ng pipe at kinonekta ito sa isa pang building na may running water.
06:07.8
Kung nagtataka ka kung saan kumukuha ng pagkain si Jeffrey, simple lang ang sagot.
06:13.1
Siyempre, katulad ng karamihan sa kanyang gamit, ninanakaw niya rin ito mula sa Toys R Us.
06:18.6
Kaya naman, sa kanyang pananatili sa loob ng store, nabuhay lamang siya sa mga kiddie snacks at biscuits.
06:24.1
Tuwing gabi, kapag wala nang tao sa mall, nage-exercise si Jeffrey sa pamamagitan ng pagbabike sa loob hanggang sa magsawa siya.
06:32.9
Upang malaman niya ang nangyayari sa taas, nag-setup din si Jeffrey ng surveillance system.
06:38.1
Nagnakaw siya ng mga baby monitors kung saan pwede niyang makita ang activity sa Toys R Us.
06:43.6
Pero hindi ito magtatagal, dahil plano niyang umalis pagkatapos niyang nakawan ng pera ang Toys R Us.
06:50.1
Bago pa niya ito magawa, kailangan niya ng armas.
06:53.8
Kaya naman, si Jeffrey ay magkakita sa mga baby monitors.
06:54.1
Kaya naman, isang araw, nagnakaw siya ng isang baril mula sa isang pawn shop.
06:58.3
Nang mangyayari ito, nabahala ang mga tao pero hindi nila alam na ang magnanakaw pala ay ang kanilang bagong kapitbahay na si John.
07:06.2
Noong December 26, isang araw pagkatapos ng Christmas, tinuloy na ni Jeffrey ang kanyang plano.
07:12.0
Lumabas siya sa kanyang lungga at hinolda pang Toys R Us.
07:15.7
Nakakuha siya ng maraming pera mula sa registry.
07:18.6
Pero nagkaroon siya ng problema.
07:20.0
May dalawang empleyado na nakatakas sa kanyang bantay.
07:23.5
At nakalabas ng store.
07:25.8
Agad silang nagreport sa mga otoridad sa ginagawang pagnanakaw ni Jeffrey.
07:29.8
Pagdating ng mga pulis sa Toys R Us, wala na si Jeffrey.
07:33.8
Nakatakas na ang magnanakaw.
07:35.9
Nang suriin nila ang loob, nakakita sila ng isang butas sa ilalim ng isang hagdanan.
07:41.4
Doon na nila nakita ang sikretong lungga ni Jeffrey.
07:44.4
Agad na sinuri ng mga pulis ang kanyang kwarto at nakahanap ng fingerprint.
07:48.9
Ang fingerprint ay nasa DVD ng pelikulang Catch Me If You Can.
07:53.0
Na isang pelikula na tungkol rin sa isang scam artist.
07:56.9
Gamit ang fingerprint, nalaman nila ang identity ni Jeffrey.
08:00.1
Naging wanted siya.
08:01.2
At nalaman na rin ng kanyang mga kapitbahay ang tunay niyang identity.
08:05.3
Nagulat sila na si John na kilala nila ay isa palang magnanakaw at kriminal.
08:10.4
Lalo na ang nobya ni Jeffrey na si Leigh Wainscott.
08:14.1
Kahit bistado na siya ng mga pulis, hindi pa rin umalis ng Charlotte si Jeffrey.
08:18.6
Nang malaman ng mga pulis ang tungkol sa nobya ni Jeffrey,
08:21.8
agad nila itong pinuntahan.
08:23.0
Nung January 5, 2005, tinawagan ni Wainscott si Jeffrey na magpunta sa bahay niya.
08:29.4
At agad namang nagpunta ang wanted na kriminal.
08:32.0
Ang hindi niya alam, may naghihintay palang mga pulis sa kanya upang hulihin siya.
08:36.8
Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si Jeffrey Manchester para sa kanyang mga krimen na ginawa.
08:41.7
Sa huli, dapat nating alalahanin na mali at labag sa batas ang mga ginawa niya at kailangan niyang makulong dahil dito.
08:48.6
Ikaw, anong masasabi mo sa kwento niya?
08:51.8
Para tuloy-tuloy ang sasabihin,
08:53.0
saya at kwentuhan,
08:54.1
huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube Channel at pindutin ang notification bell.