Close
 


WHY IS THERE SO MUCH GOLD IN THIS MOUNTAIN?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
The GOLDEN MOUNTAIN of Davao de Oro, is one of the largest sources of gold in the Philippines and possibly the world, but was nicknamed "Diwalwal" in the local Cebuano slang, which means "tongues hanging out from exhaustion” mountain. SUBSCRIBE FOR MORE ADVENTURE! #Goldrush #Philippines
SEFTV
  Mute  
Run time: 21:10
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa hindi mabilang nakabundukan mayroon ng Pilipinas, karamihan dito ay pila pinagpala sa mga naggagandaang tanawin.
00:06.8
Napakagandang temperatura, mayamang lupa at mahalagang bagay na nasa ilalim ng lupa.
00:15.9
Ayon sa mga pagtataya sa dami daw umano ng mga ganitong mahalagang bagay na nasa ilalim ng kalupaan ng bansa,
00:22.3
ay sapat na daw para payamanin nito ang Pilipinas.
00:24.9
Ngunit sa ilang dekadang paghukay at pagkaanap ng mga mahalagang bagay,
00:33.5
bakit nga ba parang kabaliktaran ang nangyayari sa bayan?
00:36.8
Imbis na umunlad at gumanda ang lugar dahil sa mga gintong nakukuha mula dito,
00:40.8
ay tila nasisira at naghihirap pa rin ang mga mamamayang nakatira dito.
00:53.1
Paano nga ba nilang kinukuha?
00:54.9
Ang mga ganitong mahalagang bagay, gano'ng karami ang mga kababayan nating gumagawa nito?
00:59.8
At saan saan nga ba makikita ang mga kabundukan o katubigang nagtataglay ng kayamanang pinakapinahalagahan ng karamihan?
01:10.1
Good morning mga ka-Self TV! Panibagong vlog, panibagong lugar na naman ang ating i-explore ngayong araw.
01:16.4
Ayan so, base sa mga na-upload na natin mga videos, isa ang topic o content na ito sa talaga namang maraming interesado.
01:22.9
Pag ginto kasi yung pag-usapan,
01:24.9
tila ilang lugar lang ang pinagpala dito.
01:28.0
Karamihan pa dito ay hindi gano'n kaganda ang mga daanan at napakahirap na puntahan eto mga lugar.
01:34.5
So, sa pamamagitan ng Self TV, ay ating na ipapakita na may mga ganitong lugar pala dito sa Pilipinas.
01:47.8
Kaya naman hayaan nyo ako tipasyal kayo sa mga lugar na buwis-buhay ang ginawa naming paglalakbay.
01:52.7
Ito po yung mga kabundukan at katubigan nagtataglay ng ginto, o mas popular sa tawag, na bulawan.
02:03.2
Number 6 sa ating listahan ang Malagit River ng Paracale sa probinsya ng Camarinis Norte.
02:13.2
Matatagpuan sa ilagang bahagi ng probinsya ang isang bayang tila na bansagan bilang golden town ng Pilipinas.
02:22.7
Nami kasi ng mga small-scale miners dito.
02:24.7
Eto ang nakagisnaan at ang tanging pinagkukuha na ng kabuhayan ng mga residente.
02:31.7
May nagmimina sa mga palayan, sa mga bakuran, at sa ilog na ito, malapit sa baybay ng bayan.
02:40.7
Kung titignan sa malayo ay parang isang pangkaraniwang floating cottage lang.
02:44.2
Eto ang mga kubo na nakalutang sa gitna ng ilog.
02:48.2
Pero kung lalapitan ay dito natin mapapansin ang mga aparatong ginagamit,
02:52.7
para mahiwalay ang buhangin sa mga butil ng gintong nakahalo dito.
03:05.7
Dahil sa mga lupa at patong nadadala ng malalakas na buhos ng ulan mula sa kabundukan,
03:10.7
kaya marami ang ginto ang naaanod at napupunta sa kahabaan ng ilog.
03:14.7
Isa sa mga rason kung bakit sa dami ng mga sumisisig at tumihigop ng buhangin ay tila hindi pa rin nang ubos
03:20.7
at mayroon pa rin nakukuhang ginto.
03:22.7
Ang mga nagmimina dito.
03:29.7
Ayan, so hindi naging maganda ang panahon nang puntahan natin itong bahagi ng Camarines Norte.
03:34.7
Dapat sana pupuntahan natin yung mga minahan sa gitna ng palayan,
03:38.7
pero dahil nga sa lakas ng ulan, kaya wala tayong naabutang mga nagtatrabaho dito.
03:43.7
Kaya napunta tayo dito sa ilog, kasi dito mulang tumaraw man, eh tuloy yung trabaho.
03:48.7
At kung sa Paracale, eh medyo malalim ang ilog na pinagkukuha na ng ginto.
03:55.7
Dito naman, sa bahageng eto ng Binguet, sa mababaw at mabatong parte ng ilog,
03:59.7
kinukuha ng mga residente ang mga naaanod na bulawan.
04:05.7
Eto ang Ambalanga River, ang panglima sa ating listahan.
04:12.7
Sa pagitan ng mga nagtataasang kabundukan ng Itogon, matatagpuan ang isang ilog na hindi man ganun kadami,
04:17.7
ang isdang makikita at mauhuli dito. Sobrang halaga naman ito para sa mga residenteng nakatira malapit dito.
04:25.7
Eto kasi ang nagsisilbing tagasalo ng mga gintong naaanod mula sa taas na kabundukan,
04:30.7
na siya namang ine-extract ng mga minero sa pamamagitan ng gold panning.
04:39.7
Bagamat tuloy-tuloy ang agos ng tubig, eh hindi naman ito ginagarantiya na tuloy-tuloy din o parating may makukuhang ginto ang mga minero.
04:47.7
Pag may malakas na bagyo tapos may maaanod na maraming buhayon yun, may sample, pero pag wala, pag mahina, walang sample dito.
04:57.7
Tulad sa ibang pamamaraan ng pagbimina, sambahan pa rin ang pagkahanap ng mas magandang klase at malakihang bilang ng ginto na siya namang inaasamasam ng mga minero.
05:06.7
Hindi ba sir may mga hot spring dito, hindi ba mainit yung…
05:09.7
Mainit doon sa ano, ilalim. Kaya pag tatanggalin mo yung malamig na tubig, yung lalawasan yung ano, mainit na malinis.
05:18.7
Hindi ba kayo nahihirapang maglulawa pag magbabat sa tubig?
05:22.7
Mahirap din, maluluto yung pa pero kailangan.
05:36.7
Ayan, so nung pumunta tayo ng Northern Luzon ay hindi naman tayo nahihirapan sa tulugan, kainan at maging yung mga daanan ay hindi na gano'n kadelikado.
05:44.7
Kumpara noon na halos araw-araw nating nababalitaan na may mga nabagsakan o natabunan ng lupa dahil nga sa tarik ng mga kalsada paakyat dito.
05:54.7
Isa yan sa mga rason kung bakit napabilang sa mga pinakadelikadong kalsada ang kalsadang naguugnay sa mga bayan at lungsod na nasa Ilagang Luzon, ang Halsima Highway.
06:15.7
Mula sa mga katubigan ay dumako naman tayo sa mga kabundukang nagtataglay ng hindi masukat na dami ng ginto o bulawan.
06:23.7
Sa bahaging eto ng Mindanao, maliban sa nakakalulang mga kalsada, tila nakakalula din ang dami ng mga residenteng dito sa pagmimina-umaasa tulad na lamang sa Sityo Boringot ng Pantukan na nasa pang-apat naman sa ating listahan.
06:44.7
Mula sa sentro ng Pantukan ay nag-travel kami ng megit isang oras bago narating ang mga kabahayang nasa taas na mismo ng kabundukan.
06:55.7
Papunta dito ay hindi biro ang mga madadaan ng kalsada.
07:04.7
Mula sa matarik, maputik, mabato hanggang sa mga parteng nasa gilid na mismo ng mga nagtataasang bangin.
07:14.7
Eto ang daan ang karaniwan nang naging ruta ng mga motorista na animo'y sasabak sa motocross dahil sa mga upgraded o modified na mga motor ang ginagamit.
07:25.7
Sa taas na abot sa halos isang kilometro, matatagpuan ang isang komunidad na halos kumpleto na sa mga pasilidad na meron ng karaniwang barangay.
07:44.7
Meron silang skwelahan, simbahan, basketball court at terminal kung saan nagtitipo ng mga sasakyang pwedeng arkilahin, pababa at pakyat dito sa sityo.
07:58.7
Maliban sa tawag na Buringot ay kilala din itong lugar sa bansag na pulang lupa.
08:06.7
Kapansin-pansin kasi ang kulay nito at etong ganitong lupa daw ang palatandaan na may makukuhang ginto sa ilalim nito.
08:14.7
Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao?
08:18.7
Gold. Sa una nagmimina ko.
08:21.7
So dito gano'n po ba karami yung mga tunnel na dulot ng pagmimina?
08:27.7
Marami.
08:33.7
Isa sa mga rason kung bakit sa sobrang hirap ng daanan at layo ng lugar mula sa sentro ng bayan ay mas pinipili ng mga residenteng manirahan dito
08:41.7
sapagkat sa ilalim o sa gilid mismo ng mga kabahayan,
08:44.7
natagpuan ang samotsaring butas kung saan nila miniminah ang mga ginto o bulawan.
08:55.7
Ayan so dati pa man ay nakilala na itong probinsya bilang Compostela Valley at taong 2019 ang mabago ang pangalan nito at naging Davao de Oro na nangangahulugan din bilang golden capital ng Pilipinas.
09:07.7
Mula dito sa Sityo Boringot ng Barangay Napnapan, puntahan naman natin ang tagong barangay ng Mati Surigao City kung saan makikita ang isang kakaibang sityo.
09:20.7
Eto ang Sityo Brazil ang pumapangatlo sa ating listahan.
09:27.7
Mula sa kapatagang sakop ng Surigao City, matatanaw ang bahaging eto ng kabundukan kung saan naman natatago ang isang paikot na kabahayan na sa gitna ay may isang pagkakataon.
09:37.7
Mula sa kapatagang sakop ng Surigao City, matatanaw ang bahaging eto ng kabahayan na sa gitna ay may isang pagkakataon.
09:44.7
Dahil sa medyo kakaibang paniniwala, kaya naging ganito ang hugis at forma ng mga kabahayan.
09:50.7
Yung ilan nga dito ay may mga nakasabit pang karatula o watawat ng bansang Brazil.
10:00.7
Pero alam nyo ba na maliban sa kakaibang storya kung paanong nabuo at naitayo itong komunidad,
10:05.7
ay matatagpuan sa ilalim mismo nitong Sityo ang mga tunnel na pinagkukuha na ng hanap buhay ng maraming residente.
10:13.7
Grabe, yung mga tunnel dito meron sa taas, sa baba at sa pinakababa. Parang yung bahay ng langgam o bubuyog ay ganun din yung mga tunnel dito.
10:27.7
Sakto't naabutan din namin ang ilan dito na abala sa paghihiwalay sa mga nakahalong ginto sa mga bato.
10:35.7
Ako kanina, itong dilaw na ito ay ginto. Pero hindi pa pala.
10:40.7
Ayon sa ilang minero ay patsamba-tsamba lang daw kung makahanap sila ng ginto o bulawan.
10:45.7
Sa isang araw, sir, nakaka-ilang gram ko ba kayo ng ginto na nakukuha?
10:50.7
Depende. Minsan, sir, mayroon may isang gramo. Minsan, dalawang gramo. Minsan, wala. Hindi naman masyado dito na palaging may ginto.
10:59.7
Tinatawag dito na sa amin na buhay-buhay lang minsan. Papara sa mga anak, patain.
11:03.7
Minsan, inaabot ng halos isang buwan bago sila makahukay ng batong may nakahalong ginto.
11:09.7
Kaya naman ang ilan ay sumusuko na at inaabandon na lang ang mga naumpisahang tunnel.
11:14.7
So yung ilan sa mga kababayan natin ay ito yung pinapangarap na trabaho.
11:18.7
Kasi daw madali ang kitaan, maguhukay lang at magahanap ng mga ginto na nakahalo dito sa mga bato.
11:25.7
Well, ako na mismo ang nagsasabi sa inyo na hindi biro yung ganitong trabaho.
11:30.7
Bukod kasi sa delikado.
11:31.7
Dahil nga sa mga posibleng bumagsak na lupa o bato, wala din kasiguraduhan kung may mahanap kayong ginto sa unahan.
11:40.7
So yung ilan sa ating mga kababayan ay nililisan na ang kanilang mga lugar dahil nga sa naghahanap sila ng mas stable na trabaho.
11:48.7
Kahit na konti lang yung sinasaho nila kada araw, at least kahit papano may sasaho rin sila pagdating ng isang linggo o isang buwan.
12:01.7
Matapos nating makita ang kakaibang sityo na sakop ng Surigao City, balikan naman natin ang Bayan ng Pantukan sa Davao de Oro,
12:11.7
kung saan matatagpuan ang kumpul ng kabahayan na nakakalula hindi dahil sa dami at gara ng bahay, kundi dahil sa lugar kung saan ito nakapuesto.
12:20.7
Ito ang Sitio Gumayan ang nasa pangalawa sa ating listahan.
12:31.7
Kung para sa mga nadaanan natin papuntang sa Sitio Buringot, dito sa Gumayan ay masasabi kong extreme at lubang napakadelikano ng daanan.
12:43.7
Sa katunayan nga, kahit na mga veterano na ang mga habal-habal drivers na ating inarkila ay halatang nahihirapan sila sa mga madulas, mabato at matatarik na kalsada.
13:01.7
Matapos ang may gitisang oras na biyahe mula sa sentro ng Bayan ng Pantukan ay narating namin ang bungad nitong kabundukan.
13:16.7
Sa taas pa lang nitong kabundukan ay talaga namang nalulan ako sa tanawing natanaw natin dito.
13:23.7
Sobrang dami ng bahay at yung ilang mga bahay dito ay matatagpuan dito sa gilid mismo ng bundok.
13:31.7
Ang gabi talagang nakakalula lalo na kung nandito ka nasa baba na itong bundok.
13:37.7
Sa dami ng bahay mula sa baba hanggang sa taas na matatarik na bundok, akalain mong helicopter na lang ang pwedeng masakyan para makaakyat dito.
13:52.7
Ayon sa mga residenteng nakatira dito, para daw makaakyat sa pinakamataas na bahagi ng bundok na may bahay ay kakailangan din daw humawak ng lubid
13:59.7
o yung makap sa mga matutulis na bato para hindi dumaos dos at mahulog pababa ng bundok.
14:09.7
So sa tansya ni Sir ay nasa 20 to 30 meters yung layo o yung lalim na itong tunnel.
14:18.7
So etong mga nakasakong to, eto yung mga bina na nakuha na doon sa dulo na itong tunnel.
14:25.7
At eto daw ay handa ng gilingin para ma-process o makikita.
14:29.7
Kung may mga gintong nakahalo dito.
14:32.7
Maliban sa mga malalalim na tunnel, nagsasilbid ding minahan ng ginto ang mga daanan ng tubig na nasa baba lang na itong nagtataasang kabundukan.
14:44.7
Naabutan nga namin dito ang ilang mga minero na naglalatag ng mga pangsala sa mga gintong masasama sa agos ng tubig.
14:50.7
Sa pagkakataong ding ito, nasaksiyan namin kung paanong ginagawa ang paraang tinatawag nilang banlas.
15:05.7
Kung pagmamasdan natin etong bahagi ng bundok ay talaga namang nakakatakot hindi lang sa landslide, kundi maging imposibleng flash flood kung halimbawa ang bubuhos ang malakas na water.
15:21.7
Pero ayon sa ilang residente na nakatira dito ay safe naman daw at matigas naman ang parte ng bundok kung saan nakatayo ang mga bahay.
15:28.7
Bakit po may mga bahay dito sa gilid ng bundok?
15:31.7
Kasi sir wala nang pagkatayuan kasi kapag dito ka sa baba magtayo ng bahay, kapag malakas ang ulan masyadong malakas ang agos ng tubig dito.
15:41.7
Kaya hindi kami pwede magtayo ng bahay dyan sa baba. Kaya doon na lang sa bundok namin tinatayo.
15:50.7
Ayan, so kinabukasan pagkatapos namin mapuntahan ng sitio Gumayan ay talaga namang naramdaman ko ang epekto ng may gitisang oras na mala motocross na biyahe.
16:07.7
So sumakit yung likod ko, yung bewang at yung tuhod hindi dahil sa tumatanda na sa self-tv kundi dahil sa hindi lang talaga kami sanay sa mga ganitong biyahe.
16:20.7
Kaya sabi ko na sana sa susunod nating pagbalik sa Gumayan ay maayos na at mas maging safe na ang mga kalsada papunta dito.
16:29.7
Ito kasi ang pinakakalbaryo ng mga residenteng araw-araw na bumibiyahe, paakyat at pababa sa nasabing lugar.
16:36.7
Kung sa mga golden sitio ng Pantukan ay hindi pa ganun kaganda ang daanan, dito naman sa susunod nating ipapakitang lugar ay simentado na at mas nakakalula ang dami ng mga kabahayan.
16:48.7
Ito ang Mount Diwata o mas kilala sa tawag na Mount Diwalwal ang nangunguna sa ating listahan.
17:11.7
Popular sa bansag na Golden Mountain ng Pilipinas ang kabundukan ito na matatagpuan sa bahagi ng Moncayo.
17:18.7
Mula sa sentro ng bayan sakay ng habal-habal ay nag-travel kami ng halos isang oras papunta sa bulubunduking bahagi ng Davao de Oro.
17:28.7
Bagamat simentado na ang kalsada ang aming nadadaanan ay hindi pa rin naming magawang mag-relax dahil nga sa tarik at lalim ng mga bangin na matatanaw sa gilid ng palikulikong daanan.
17:38.7
After ng matinding paakyat, ayan, pababa naman po tayo.
17:45.7
Tulad sa mga nakita niyong lugar kanina.
17:48.7
Dito sa Diwalwal ay taddad na rin ang kabahayan, ang gilid na itong kabundukan.
17:53.7
Puspusan din ang pagtatrabaho sa mga kalsadang maguugnay sa nalalabing bahagi ng probinsya.
18:03.7
Gaya ng mga pangkaraniwang barangay, mapapansin din dito ang mga pampublikong pasilidad.
18:08.7
Halimbawa na lang ng habal-habal terminal, barangay hall, basketball court, skwelahan, mga simbahan at marami pang iba.
18:18.7
Hile-helera din ang mga tindahan dito kaya ang mga residente ay hindi na preno problema ang pagbili sa mga pangunahing bilihin.
18:30.7
Dahil nga delikado ang lugar sa posibleng landslide kaya ang ilang mga residente ay lumipat na at mapapansin ang mga kabahayang na abandon na na.
18:40.7
Yung ilan naman ay nananatili pa rin dahil nga saan nandito ang kanilang pangkabuhayan.
18:45.7
Sa ilalim kasi o sa likod lang na itong mga kabahayan, makikita ang samutsaring portal papasok sa mga malalalim na tunnel.
18:53.7
Ayan, so mula dun sa sentro nitong barangay Diwalwal ay pinuntahan po natin itong area na ito kung saan ay merong tunnel.
19:01.7
Sa pagkakataong rin ito, ating napasok ang isa sa mga aktibong tunnel na pinagmiminahan ng ginto o bulawan.
19:08.7
Ayan, so nandito na po tayo sa kalahati nitong tunnel na kung saan makikita itong maraming pasikot-sikot.
19:15.7
Dito ayon kay Sir, may mga namimina silang bina pero hindi ganun kalaki yung posibilidad na may nakahalong ginto.
19:24.7
Dito kaya itinuli po nila itong butas hanggang dun sa dulo.
19:28.7
So tingnan nyo naman yung pinakaiba nitong normal na bato at itong dilaw o brown.
19:35.7
Ayan, may halong puti at itong puti yung pinapasok nila sa sako at yun, pinaprocess kung merong nakahalong ginto dito.
19:45.7
Tila sing dami ng mga hindi mabilang nakabahayan ang mga tunnel na pinagmiminahan ng mga residente.
19:58.7
Nangangambaman ang karamihan para sa kanilang buhay. Wala naman silang ibang magawa kundi ipagpatuloy ang pagmimina dahil nga sa ito lang ang alam nilang hanap buhay.
20:08.7
Ayon sa mga kumakalat na impormasyon patungkol sa bahagyang ito ng Davao de Oro,
20:12.7
itong diwalwal daw ang isa sa pinakamalaking source ng ginto sa buong Pilipinas at posibleng ito rin umano ang pinakamalaki sa buong mundo.
20:21.7
Kaya naman ganun nalang karami ang mga residenteng naninirahan at umaasa sa pagmimina.
20:26.7
Wow! Tingnan nyo naman, malinaw, malinis at unlimited na supply ng tubig mula dito sa mga ganito kabundukan.
20:38.7
Ito yung isang biyaya na hindi natin makikita,
20:40.7
kundi sa mga ganitong bundok lamang.
20:44.7
So maliban sa mga ipinakita nating kabundukan at katubigan ay marami pa tayong mga hindi napupuntahan na golden spots na nandito sa Pilipinas.
20:54.7
Isa po yan sa mga rason kung bakit dapat niyong abangan yung mga susunod nating discoveries.